webnovel

IKATLONG KABANATA:

Unang araw pa lang nila Zyra sa probinsya ay gusto na nitong bumalik sa city.Hindi kasi siya nakatulog dahil sobrang tigas ng papag na konti na lang ay magiging bato at kung sa sahig naman ay sobrang lamig. Idagdag pa ang mga lamok.

"Ouch!"daing nito ng makabangon siya at marinig ang paglagutok ng mga buto niya sa likod."Ohh.... it so hurts!"

Sinubukan niyang i-strech ang kaniyang likod para sana mabawasan ang sakit pero parang mas lalo lang itong sumasakit.

Kaya naman kinuha niya na lang ang sabon niya para sa mukha at pumunta sa kusina para maghilamos.

Sumunod naman na lumabas sa kaniya si Raphael ng maamoy nila ang napakabango na nilulutong ulam ng kanilang tita.

Agad naman niyang napansin ang ate na gising na.Hindi ito makapaniwala na mas nauna pa itong nagising kaysa sa kaniya dahil sa bahay nila sa manila ay late na ito kung gumising.

"Good morning ate!"masayang pagbati ni Raphael sa kapatid."Aga mong nagising ngayon ha."

"Ano good sa morning, hindi nga ako nakatulog."reklamo nito."Daming lamok isama mo pa yung mga manok!"

Pinakita niya ang mga pantal sa kaniyang balat kaya hindi siya nakatulog ng maayos.

At ang mas kina-iinisan niya pa ay kinagat na nga siya ay bumubulong pa ang mga iyon habang umaaligid sa kaniya.

Habang naghahanda ang kanilang tita ay narinig nito ang nirereklamo niya.Sakto naman ay may extra itong kulambo kaya tinanong niya ito kung gusto niya.

Tumango naman si Zyra kaya iniwan muna niya sandali ang ginagawa at pumasok sa kaniyang kwarto, paglabas ay dala na niya ang kulambo na agad inabot kay Zyra.

Pagkabigay niya nito ay tinawag na niya ang lahat para makakain na sila.Si Raphael na kanina pa takam na takam sa mga ulam ay nauna ng kumuha ng pinggan para makasandok na agad.

"Uhmm....,"sabi nito habang ngumunguya. "Wow ang sarap naman po ng luto niyo tita," napabulaslas na sabi niya.

Natuwa naman ang tita sa sinabi niya at pinapakuha niya pa ito.Habang si Raphael ay sarap na sarap sa pagkain ang ate niya naman ay nakatitig sa sa mga pagkain at hindi siya kumukuha.

"What kind of ulam is that?"tanong niya. "Wala ba kayong beacon or ham dito?"

"Ate, mahiya ka naman,"mahinang sabi niya sa ate dahil wala nga naman sila sa bahay nila."Of course walang ganoon dito."

"Ang arte naman niyan,"hirit nitong si Ethan.

"Hindi kita kausap no,"malditang sagot niya.

Agad naman silang binawalan ng kanilang tita dahil ayon sa kaniya ay masama ang nag-aaway sa harap ng pagkain at baka magtampo ito.Hindi naman sila tumigil at pabulong na lang silang nagsalita.

"Ganiyan pala kapag mayaman,"napag-tantong sabi ni Ethan."Maarte sa ulam."

"Of course may pambili kasi kami," nagmamayabang na sagot ni Zyra.

"Ikaw lang maarte,"sagot naman ng kapatid. "Huwag mo kong idamay diyan ang sarap kaya nito."

"Sinabi ng tumigil kayo diyan,"muling pagbawal sa kanila ng tita, akala yata nila ay hindi sila naririnig nito.

Zyra just rolled her eyes bilang reaksiyon.

Nang matapos silang kumain ay tumayo na sila paalis habang ang kanilang tita ay naiwan para magligpit at maghugas ng mga pinagkainan.Habang hinuhugasan niya ang mga pinggan ay hinabilin niya kina Diego at Ethan na iikot ang dalawa sa farm para maging familiar sila sa lugar.

"What are we going to do?"tanong ni Zyra.

"Ano pa edi lalakarin ang buong farm," supalpal na sabi ni Ethan.

Tumango naman ang tita sa sinabi ni Ethan ay para mapabilis ay si Diego ang sasama kay Raphael at siyempre si Ethan ang kay Zyra.

"What?..."nanlaking ang mga mata ni Zyra sa sinabi ng tita."No, hindi ang bastos na 'to, ayoko!"

Napakunot naman ng kilay si Ethan dahil maging siya ay ayaw niyang makasama si Zyra dahil mayabang at pasaway ito.

Sinaway naman sila ng tita at sinabing gawin na lang nila ang sinabi niya.Dahil maglalaba pa din sila ni Maria (kapatid ni Diego).

Hindi pa nakakalayo ang kanilang tita ay nagbanganyan nanaman sila.Muling humarap ang kanilang tita at kita sa mukha nito na galit na.Pinagsabihan niya ang dalawa na sinundan ng mataras na tingin,at sinenyasan si Ethan na lumabas.

"Bakit ako lang, kasama din naman 'to ehh," nagdadabog na sabi sa isip, at saka na lang siya lumabas para kumuha ng mga gamit.

Sinabihan din ng kanilang tita si Zyra na isusumbong siya nito sa mommy niya kaya naman natahimik din si Zyra dahil ayaw niya madagdag ang parusa sa kaniya na tumagal sa probinsya.

"Opo sasama na,"padabog at napipilitang na sabi niya."Kahit na hindi katiwa-tiwala yung bwisit na 'yon."

Paglabas ni Aling Lara galing sa kwarto para kumuha ang mga damit ay nakita niyang hindi pa din sila nakakaalis ay pinagsabihan niya ang mga ito.

"Ano na kumilos na kayo,"utos niya sa mga ito."Bawal ang makupad dito!

"Sige na po nay ako ng bahala sa kanila," sagot ni Diego.

Tumango na itong lumabas sa kubo dala-dala ang mga damit kasama si Maria nang bigla ulit itong lumingon."Huwag mong pababayaan 'yang dalawa kayo ang malalagot sa akin."

"Sige na po,"sigaw ni Diego sa ina.

"Napakamalas naman 'yun pa talagang mokong makakasama ko,"pabulong na sabi ni Zyra na akala niya ay hindi maririnig ni Ethan dahil nasa labas ito.

"Narinig ko 'yon ha, rinig na rinig,"sabi niya kay Zyra, nagulat naman ito dahil hindi niya alam na nasa likod na niya pala ito.

"Tama lang na marinig mo no,"sabi ni Zyra at tinaaa ang isang niyang kilay."May angal ka? Totoo naman sinabi ko diba."

Matapos niyang sabihin 'yon ay tumalikod at saka hinila ang kapatid niya palabas ng kubo na ikinagulat nito.

"Teka lang, bakit ba?"nainis na tanong ni Raphael."Pati ako dinadamay mo sa away ninyo."

Nakita naman nila na lumabas si Diego dala ang iba't-ibang klaseng gamit.Binigay niya ang iba nito kay Raphael dahil may kukunin pa itong ibang gamit sa cabin.

"Iwan na kita ate, puntahan mo na yung kasama mo,"nang-iinsultong sabi nito habang humahakbang palayo.

"Humanda ka mamaya sa'kin!"sigaw naman sa kaniya ni Zyra, hanggang sa umalis na sila at naiwan siya para hintayin ang kasama niya na nag-aayos pa din ng mga pagkain ng mga alaga nilang hayop.

Sa wakas ay lumabas na din ng kubo itong si Ethan dala ang mga dayami.

"Tara na bilisan mong maglakad,"sabi ni Ethan."Iiwan kita diyang kapag babagal-bagal ka."panakot niya.

"Subukan mo lang susumbong naman kita tita,"pagbabanta naman ni Zyra.

"Parang ka naman bata,"sagot ni Ethan na hindi man lang natakot sa banta ni Zyra."Edi magsumbong ka!"

Wala silang inatupag kung 'di magbangayan sa buong paglalakad nila hanggang sa makarating sa kural ng mga baka.

"What smell is that!?"maarteng sabi ni Zyra at tinakpan ang kaniyang ilong nang makaamoy ng mabaho.

"Malamang nasa kural tayo anong ine-expect mong maamoy dito pabango?" pilosopong tanong sa kaniya ni Ethan.

"Can we just go back na sa kubo,"sabi niya kay Ethan.

"Umuwi kang mag-isa mo,"supladong sagot naman nito.

Sa sobrang inis ni Ethan ay iniwan niya si Zyra sa labas ng kural.Mag-isa siyang pumasok sa loob dahil kung si Zyra pa ang bibigyan niya ng atensiyon ay hindi na matatapos ang mga trabaho niya at mapapagalitan pa siya.

Iniwan niyang mag-isa sa labas si Zyra, ehh hindi naman ito marunog maghintay kaya kinuha niya ang cellphone para tignan kung may mahahanap siyang signal.Itinaas niya ang cellphone at saka siya umikot-ikot.

"Where is that signal?"naiinis at walang pasensiyang sabi niya sa cellphone habang kinakatok ito.

Dahil desperado na talaga itong makakuha ng signal ay umatras siya ng kaunti sa puwesto niya.Pero hindi din siya nakatiis kaya lumakad ito ulit at nagpatuloy pa.

Focus na focus siya sa cellphone kaya hindi na niya namalayan na lumalayo na pala siya sa puwesto niya kanina.Hindi niya talaga pinansin kung nasaan na siya dahil ang gusto niya ay magamit na ang social media niya.

"Ang lawak-lawak ng place na 'to bakit signal pa ang wala,"sabi niya sa cellphone habang unti-unti na siyang nawawalan ng pasensya.

Habang tuloy-tuloy siya sa paglalakad ay nagkaroon ng konti signal.Napatalon naman siya sa tuwa dahil sa wakas ang magagamit na niya ang cellphone.Kaso bigla naman itong nag-shutdown.

"What the—,"nagalit na sabi niya at gusto na niyang itapon ang cellphone niya dahil wala namam itong kwenta.

Hanggang sa mapansin na lang niya na parang nag-iba na ang lugar.Noon lang niya napagtanto na naliligaw siya.Sinubukan niyang tumingin-tingin sa paligid pero hindi na niya matanaw ang kulungan ng mga baka.

"OMG! Where I am na?"nawindang at kinabahang sabi niya.

Puro mga puno lang ang nakikita niya at walang matandaan kung saan ang dinaan niya kanina hindi naman kasi niya tinignan dahil sa sobrang focus sa cellphone.

Si Ethan naman ay natapos na sa kaniyang pagpapakain ng mga baka kaya lumabas na siya sa kural.Paglabas niya ay agad naman niyang hinanap si Zyra dahil wala na ito sa puwesto niya kanina.

"Saan nanaman nagpunta ang babaeng yun?"tanong ni Ethan habang tinitignan sa paligid baka tinataguan lang siya nito.

Sinubukan niyang tignan sa paligid ng kural pero ito doon.Tinignan din niya isa-isa ang mga halaman pero wala din.Kinabahan na siya ng hindi niya makita si Zyra dahil lagot talaga siya sa tita Lara niya kapag hindi niya 'yon makita.

Naisip niyang wala namang ibang pwedeng puntahan 'yun kung hindi sina Raphael lang. Kaya lumakad na siya papunta doon para masiguro.Hinihingal siya nang makarating siya sa mga ito ay hindi na nagpaligoy-ligoy pa at nagtanong na siya agad.

"Nandito ba si Zyra?"naghahabol na hininga nito."Oh kaya naman ay nakita niyo siyang dumaan dito?"

Umiling naman si Diego dahil hindi naman nila ito nakitang dumaan.Ang alam naman nila ay siya ang may kasama sa kaniya.

"Pinapahamak talaga ako ng babaeng 'yun," galit at naiinis na sabi ni Ethan.

Napatanong naman si Raphael na galing sa pag-iigib ng tubig kung sino ang pinag-uusapan nila at saka na din natanong nito kung nasaan ang ate niya.

"Yun na nga ehh,"hindi mapakaling sabi ni Ethan."Bigla lang nawala doon."

"So ibig mong sabihin nawawala si ate," medyo napataas na boses ni Raphael.

"Hindi naman nawala naligaw lang siguro," sabi naman ni Ethan."Ang dami pa kasing arte, mapapagalitan pa ako nito ehh."

"Ohh ano pang ginagawa natin,"nataranta na si Raphael."Tara na hanapin na natin siya baka makalayo pa 'yon."

Binitawan na ni Diego ang ginagawa niya at sinabihan si Raphael na huwag ng sumama sa paghahanap dahil baka pati ito ay maligaw hinabilinan na lang niya ito sabihin sa tita na tulungan sila sa paghahanap.

Bago makarating sa kubo ay nadaanan ni Raphael ang ilog kung saan nakita niya ang tita kasama si Maria na naglalaba. Kumaripas siya papunta sa kanila.

"Tita, si ate po naligaw daw po doon may kulungan ng mga baka,"sabi niya sa tita.Agad namang itong tumayo at walang ano-ano ay tumakbo papunta doon.

"Anong nagyari bakit naligaw siya,"mausisa namang tanong ni Maria na naiwan sa paglalaba.

"Hindi ko nga din alam ehh, basta ang sabi ni kuya Ethan ay bigla na lang itong umalis ng hindi niya alam."

Patuloy na naghanap sina Diego, Ethan kasama si Aling Lara.Pabalik-balik nilang inikot ang farm maging ang mga katabing lugar ngunit wala talaga silang makita.

Sa paglalakad ni Ethan sa mga puno ng mangga ay may natanaw siyang parang tao sa 'di kalayuan.Nagmadali siyang lapitan ito ngunit isang lang pala itong sako na lamang buhangin.

Unti-unti ng lumulubog ang araw pero wala pa din silang makita.Kaya naisip nila na bumalik muna sa kubo para kumuha ng mga gamit sa paghahanap tulad ng flashlight para mabilis nila itong makita.

"Nakita niyo ba si ate?"tanong ni Raphael sa kaniyang tita, ngunit sumagot ito na wala pa din.

Habang kumukuha sila ng mga gagamitin nila sa paghahanap ay bigla silang may narinig na tumatawag sa kanila dahilan para lumabas ang mga sila ng kubo.

Pagdating nila sa balkonahe ay nakita nila ang isang matanda na may dalang lampara. Agad na nakilala ni Lara ang matanda dahil ito ang tito Henry niya.Nagmano siya agad nito at naitanong nito kung bakit gabing-gabi saka siya pumunta.

"Hihahatid ko lang ito,"sagot niya saka itinuro ang kasama niya na nasa likuran niya.Itinuro daw kasi nito na kina Lara siya nakatira.

Napabuntong-hinanga na lang si Lara ng makita niya si Zyra ang kasama nito.Laking pasalamat niya sa kaniyang tito dahil kanina pa nila ito hinahanap.Mabuti na lang ay nakita nito dahil siguradong lagot siya sa kapatid niyang si Dina.

"Aba'y pamangkin mo pala 'to,"sabi ng matanda ng malaman niya, hindi niya kasi ito madalas makita kaya hindi niya kilala.

"Ah opo, nagbabakasyon nga lang po sila dito,"paliwanag ni Lara, kaya kinabahan talaga siya ng mawala siya.

Pinaakyat naman siya loon para sana magmeryenda muna pero tumanggi na ito dahil kailangan na niyang umuwi sa kanila at marami pa siyang trabaho bukas.

"Thank you po,"pasalamat ni Zyra, hindi naman makapaniwala si Raphael sa narinig niya, totoo ba ang nangyayari?

"What a miracle!"sabi ni Raphael na parang sumasamba."May nakasanib ba sayong bad spirit o bumait ka na talaga?"

Hindi mapakali ang kapatid niya kaya pilit niya itong tinignan mula ulo hanggang paa paulit-ulit niya 'yong ginawa at wala naman siyang napansin na kakaiba sa ate niya.

"Shut up!"masungit na sabi nito sa kapatid at saka hinampas sa balikat."What are doing kase ehh?"

"Ay bumalik na,"nalungkot na sabi ni Raphael habang hinahaplos ang balikat. "Sakit din nun ha."

Pagpasok nila sa loob ng kanilang kwarto ay napakaraming tanong ang gusto niyang itanong sa ate niya.

"Ate saan ka ba napunta,"unang tanong niya, dahil nag-alala din ito sa kaniya kahit madalas silang mag-away.

"Of course hindi ko alam,"pabalang na sagot nito kay Raphael."Hindi ko alam paano ako napunta doon."

"So sinasabi mo bang nagteleport ka?" pilosopong tanong niya sa ate.

Nairita na ang kaniyang ate sa mga tanong nito kaya pinatahik na niya ito at ayaw na niyang maranig ang iba pa niyang tanong. Nagtakip na lang ng bibig si Raphael at bumalik na lang sa ginagawa niya.

Kinabukasan, pagising niya ay nakabihis na ang lahat para pumunta sa farm.

"Zyra ikaw na magpaligo sa mga baboy doon," sabi ni Ethan sa kaniya.

"What did you say!?" nagulantang na sambit niya dahil sa buong buhay niya ay hindi niya pa ginawa ang ganoon.

"Bingi ka ba?" naiinis na tingin sa kaniya ni Ethan. "Ang sabi ko paliguan mo ang mga baboy doon."