webnovel

IKASIYAM NA KABANATA:

Kinabukasan ay araw na para linisin ang kwadra ng mga kabayo.Si Aling Lara ay sinabihan si Zyra na huwag munang sumama dahil baka mabinat ito.

Natuwa naman agad si Zyra ng marinig niya iyon."Yey, hindi ako sasama,"sabi nito sa sarili niya habang nagbubunyi sa kaniyang isip.

"Sasama ka pa din sa kanila,"sabi ng tiya dahil aalis ang mga ito kaya wala siyang kasama sa bahay.

Ang saya niya ay napalitan ng malungkot na mukha dahil akala niya ay maiiwan siya sa bahay at walang ibang gagawin kung 'di humilata lang.

Pagkarating nilang anim sa kwadra ay agad na silang kumuha ng mga panlinis nila para makapagsimula na.

"Is this true?"sabi ni Zyra nang makita niya ang lugar na mabaho at pakalat-kalat ang dumi ng mga kabayo na sa tingin niya ay mas grabe pa sa bukid ang amoy.

"Yan ka nanaman ate, kaya nga lilinisin ehh," sabi sa kaniya ni Raphael."Pasalamat ka nga hindi ka kasali diyan sa paglilinis ehh."

Zyra just rolled her eyes.

Sinabihan naman ni Diego itong si James na huwag ng sumali sa kanila sa paglilinis dahil baka hindi ito sanay at saka isa pa bisita siya kaya nakakahiya naman kung uutusan nila ito.Umiling naman si James at sinabi niyang kaya niya naman itong gawin.

"Para maglinis lang hindi pa ba niya kaya," bulong naman ni Ethan.

Habang nagsaklo muna sina Diego at Ethan ay nilapitan muna ni Raphael ang mga kabayo.Hinaplos-haplos niya ang mga ito, mabuti na lang at hindi naging mailap sa kaniya ang mga ito dahil kung hindi ay baka sipain siya ng mga kabayo.

"Can we ride to them?"tanong ni Raphael sa dalawa ng makita niya ang mga na pabalik na dala ang mga sinaklong tubig.

Tumango naman si Diego at sinabi sa kaniya na kapag natapos silang maglinis dahil baka mapagalitan sila kay Aling Lara kung hindi sila maglilinis.

Sa kalagitnaan ng paglilinis nila ay napatigil si Raphael sa ginagawa niya at nagmasid-masid sa paligid.Napansin nito na parang sobrang tahimik at wala siyang naririnig na kahit anong ingay.

"Wala ba kayong napapansin?"tanong niya sa mga kasama.

"Wala naman,"magkasabay na sagot nina Diego at James na napatigil din sa ginagawa dahil nagtaka sila kung anong meron.

"Bakit ba?"curios na tanong ni James ng wala naman siyang ibang napansin bukod sa naglilinis sila?

"Ang tahimik kaya,"sabi nito.

"Huh?"nagtakang tanong ni Diego."Ano naman ngayon kung tahimik ehh nasa gitna tayo ng farm."

"Hindi 'yon,"sabi ni Raphael."Tignan niyo kaya hindi nag-aaway sina ate at Ethan," paliwanag nito sa dalawa at saka lang naliwanagan sa sinasabi niya.

"Oo nga no,"magkasabay ulit na sabi ng dalawa nang mapagtanto ang sinasabi ni Raphael.

"Oh bakit ganiyan kayo makatingin?"tanong ni Ethan nang mapansin niyang nakatingin sa kaniya ang tatlo.

"Ha..haha,"napipilitang tawa ng tatlo."Ahh wala-wala."

"Akala ko naman kung ano na,"sabi nito. "Mabuti pa magtrabaho na lang kayo," masungit na utos niya sa dalawa.

Nagtaka naman ang tatlo bakit biglang naging ganon ang ugali niya.Naisip ng tatlo na nahawa na din yata ito kay Zyra sa pagiging masungit, naisip din nila baka badptrip lang ito o kaya naman ay wala lang sa mood makipag-usap.Kaya naman iniwan na lang nila ito dahil kukuha sila ng tubig para mapaliguan na ang mga kabayo.

Ito namang si Zyra ay nakapa-upo lang sa tabi habang pinapanood silang magtrabaho.

"Sarap naman ng buhay mo ate,"pabirong sabi ni Raphael ng madaanan nila si Zyra.

"Of course,"taas kilay na sagot nito.

Hapon na din nang matapos sila sa paglilinis pinalala naman ni Raphael na sasakay pa sila sa mga kabayo.Kaya naman nagpunta muna si Diego sa isang maliit na silid para kumuha ng mga saddle, lubid at iba pang gamit para maging ligtas sila sa pagsakay.

Nang matapos ng ihanda ni Diego ang mga kabayo at inalalayan na niyang sumakay si Raphael.

"Come na ate sakay ka na,"pag-aya niya.

"No,"pagtangi naman niya."I will never ride to that, ang dumi kaya niyan."

"Edi maglalakad ka lang,"tanong sa kaniya ni Diego dahil wala naman siyang ibang pwedeng sakyan.

"Here na nga ehh,"biglang sabi niya kaya inlalayan na din siya paakyat,wala din naman siyang choice di bali na lang kung gusto niyang maiwan.

Pagkabukas ni Ethan ng gate ay hinila naman ni Diego ay lubid ng kabayo para makalabas sila.At saka na nagpaalam si Ethan sa kanila na hindi na ito sa sasama dahil ay may iba pa siyang dapat gawin.

Nagtaka naman itong si Raphael kung saan 'yun pupunta kaya hindi na napigilang itanong.Sinagot naman siya ni Diego na pupunta lang 'yun sa paborito niyang lugar na siya ang nakakaalam.

Napatango na lang si Raphael.

Kinuha na ulit ni Diego ang lubid at sinimulan na niyang hilain ito.Nakaatras pa lang ng kaunti ay tumili na si Zyra kaya biglang niyang pinahinto ni Diego ito.

"Ate can you please don't be super oa," nainis na sabi ni Raphael sa kaniyang kapatid.

"Katakot kaya,"sagot naman nito.

"Edi bumababa ka na kasi,"pilosopong sabi ni Raphael sa kaniya.

Ayaw naman niyang bumababa para maglakad.Kaya hinila na ulit ni Diego ang kabayo at nagtutuloy na, hindi na nila pinansin si Zyra kahit pa sumisigaw ito dahil nag-iinarte lang siya.Kaya hindi nagtagal ay siya mismo ang tumigil.

"Oh gosh! Stop!"sigaw ni Zyra, hindi pa sila nakakalayo ay pinatigil niya ulit ang kabayo nang makita niya ang isang maliit na hukay na puno ng tubig at putik.

"Ate, can you please stop being maarte," nairitang sabi sa kaniya ni Raphael."It's been a long na nandito tayo and until now hindi ka pa din sanay sa mga yan."

Hindi naman tinigil ni Diego ang paghila sa kabayo dahil kahit dumaan pa sila doon ay wala namang mangyayaring masama, hindi naman sila mahuhulog dahil kumpleto ang mga equipment na nakalagay sa kabayo at suot nila.

Palubog na ang araw nang madaanan nila ang mga tao na naglalagay ng mga tela na iba't-iba ang kulay sa paligid ng daan.

"Anong ginagawa nila?"curios na tanong ni Raphael habang tinitignan ang mga inilalagay nila.

"Mga banderitas 'yan,"sagot sa kaniya ni Diego."Malapit na kasi ang fiesta dito," paliwanag niya.

"Banderitas?"sabi ni Raphael dahil sa city kung saan sila nakatira ay wala namang naglalagay ng mga ganoon at saka kapag fiesta ay sa labas ng sila kumakain.

Sa di kalayuan ay nakita din nila ang isang peryahan na napakaliwanag at buhay na buhay dahil sa mga masisigla nitong mga pailaw.Namangha si Raphael dito habang ang kaniyang ate at walang kibo.

After the 10th chapter the other next chapters will be posted once a week.

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts