webnovel

IKALAWANG KABANATA:

Mabilis na lumipas ang mga araw at papalapit na ng papalapit ang araw nang pag-alis nila.Hanggang sa isang araw na lang kaya naman kailangan na nilang mag-impake ng mga dapat nilang dalin.

"What is that, bakit ang dami niyan?"nagulat na tanong ni Zyra nang makita ang niya ang gabundok na mga bagahe ni Raphael."Are you sure, magagamit mo lahat ng 'yan?"

"Of course,"pagmamalaki niyang sagot habang chini-check kung kumpleto na ba lahat."Ikaw kasi puro skincare,"dugtog niya na masigurong wala na siyang naiwan.

"Walang naman mali sa mga skincare," supladang sagot nito at saka na niya iniwan si Raphael.

Kinabukasan ay dumating na ang pinaka-ayaw ni Zyra dahil ngayon ang pupunta na sila sa probinsiya.Nang dumating kotse ng mommy nila ay isinakay na lahat ni Raphael ang mga gamit nila sa likod at saka na sila sumakay para makaalis na.

Masama ang loob ni Zyra habang nakikita na iniiwanan ang city life.Dahil iiwan niya din doon ang lifestyle at mga kaibigan niya.

Sinabihan niya na lang ang kapatid na gisingin siya kapag nakarating na sila. Pagkatapos ay kinuha niya ang cellphone ay nag-play na music para mabilis siyang makatulog.

After three hours long driveway sa wakas ay nakarating na din sila.Niyugyog ni Raphael ang kaniyang ate para magising ito dahil nandito na nga sila.Unti-unti namang ibinuka ni Zyra ang mga mata niya at kinusot ang mga ito.

Unang bumababa ng kotse ang mommy nila para ihabilin ulit sila at para makipagkwento na din.

Sinalubong siya ng mahigpit na yakap ni Lara (kapatid ni Dina) dahil matagal na din noong huli silang magkikita.Nang makita ni Dina ang lugar ay nalala at na-miss niya ang buhay niya noon.Tuwang-tuwa din naman siya dahil maayos na ang buhay dito kaysa dati.

"Kamusta na dito?"tanong ni Dina.

"Eto ayos naman,"sagot ni Lara."Kayo nga ang dapat kong kamustahin ehh, mukhang mayaman ka na ha."

Umiling lang si Dina sa sinabi ng kapatid, hindi naman gaano kataas ang sweldo niya kaya ayaw na niyang magmalaki at baka sabihin pa ng iba ng nagmamayabang siya.

Napansin naman ni Dina na parang nag-expand ang lugar dahil mas lumawak ito kumpara dati.Binenta pala ng katabing lupa ang kanila kaya binili na din nila ito at sayang naman.

Matapos ang mahaba-haba nilang kwentuhan ay naitanong na ni Lara kung nasaan ang mga anak ni Dina.Kumatok naman ito bintana ng kotse at sinabi sa dalawa na bumababa na sila.

Pagbaba ng dalawa sa kotse ay nakita sila ng kanilang tita at nagulat ito dahil malalaki na, huli kasi niya itong nakita ay mga bata pa ang mga ito.

Tinitignan ni Zyra kung ano ang itsura ng lugar, hindi ito mapakali dahil puro putik ang tinatapakan nila dahil ayaw niyang madumihan ang sapatos niya bago pa naman ang mga ito at saka kulay white pa.

Hindi naman din nagtagal ay napansin na ni Dina na oras kaya nagpaalam na ito kaagad para makahabol pa siya sa trabaho.Hinatid lang talaga niya ang mga anak dito para magbakasyon.

Pagkaalis nito ay kinuha na ng ni Robert (asawa ni Lara) ang mga bagahe ng dalawa at iton namang si Lara ay inabutang sila ng mga bota.

"What are this?"nandidiring tanong ni Zyra habang hawak ang dulo ng mga bota."Para saan 'to?"

"Malamang suotin mo para hindi ka madulas,"pilosopong sagot sa kaniya nf kapatid.

"Do you really think susuotin ko 'to?"nag-iinarteng sabi ni Zyra at tinitigan lang ang mga ito.

"Edi 'wag bahala kang madumihan diyan," sabi ng kapatid saka na sinuot ang sa kaniya at sumunod na sa kaniyang tita.

Hindi talaga iyon sinuot ni Zyra kaya naman natalsikan ng putik ang mga sapatos niya, napasigaw na lang siya dahil sa ang mahal pa ng bili niya sa mga 'yon.Hindi kasi siya nakikinig kaya tinawanan lang siya ng kapatid.

"Ang kulit mo kasi,"buwelta ng kapatid.

Wala siyang nagawa kung hindi tanggalin ang mga sapatos at isuot ang mga bota para hindi na mas madumihan.

"Wala bang other road,"sabi niya na halos hindi makahabang dahil sa suot niyang mga bota."Or a shortcut."

Wala ng ibang daan doon kung hindi 'yon lang pero kapag nakababa na din naman sila ay sementado na ang dadanan nila.

Nilapitan na lang niya ang pamangkin para maalalayan ito sa paglalakad.Halos maging pagong na si Zyra sa paglalakad dahil ayaw niyang madumihan ang mga damit niya lalo na ang katawan niya.

Parang makalipat sa semetadong daan ay kailangan nilang munang tumalon dahil medyo mataas ito.Naunang bumababa ang kaniyang tita at saka sila inalalayan nito para tumalon.

"Are we here?"naiinip ng tanong ni Zyra nang makababa na sila sa main road.

Umiling naman ang kaniyang tita dahil medyo malayo-layo pa ang lalakarin nila para makarating sa bahay.Napapadyan na lang sa daan si Zyra at kinuha ang cellphone sa bulsa para mawala ang inip at pagod niya sa paglalakad.

"Ate, ikaw lang talaga ang mabagal,"

Hindi naman nakikinig si Zyra.Imbis na kanina pa sila nakarating ay parang nadoble ang oras ng paglalakad nila dahil paglakad ni Zyra na mabagal pa sa pagong.

Pag-open ni Zyra sa kaniyang cellphone ay wala itong signal.Sinukan niya ding itaas pero wala talaga kaya mas lalo pa itong nainis, at sinabing mas gusto niya pang ma-grounded kaysa tumira sa lugar na walang signal.

"Ate, nakalimutan mo ba kung nasaan tayo?"tanong ni Raphael sa kaniya.

"Of course not, were on the province," supladang sagot nito."Anong connect?"

"Of course walang signal."

Nagalit naman siya ng marinig iyon dahil hindi na niya magagamit ang social media niya.Binalik niya na lang sa bulsa ang cellphone dahil wala na 'yung kwenta kung walang signal.At bagsak balikat siyang lumakad na mas lalo pang bumagal.

"Ate please bilisan mo na lang maglakad," nainis na sabi ni Raphael dahil gusto na nitong makarating para magpahinga.

"Ikaw lang ba ang pagod!"masungit na sabi nito at hindi pa din binilisan ang paglalakad.

Parang mga lantang gulay na sila ng makarating sila sa bahay, at nang makita ni Zyra ang kubo ay napabuntong hininga na lang siya habang iniisip kung anong mga pwedeng mangyayari sa kanila.

"Dito kami titira, is it comfortable to live here?"na-disappoint na sabi ni Zyra nang makita ang maliit na kubo."Is this even a house or a dog house."

"Ate, don't be so demanding nasa province tayo remember,"sermon naman ni Raphael.

Binuksan ng kanilang tita ang pintuan ng kubo at saka na sila pinapasok para magpahinga alam naman nila na pagod sila sa biyahe.Mas lalo pang nagulat si Zyra nang makita niya na lahat na gamit ay gawa talaga sa kahoy.

"Urghhh...,"pagod na reaksiyon niya."This is the worst day ever, wala ng signal tapos ito pa yung house namin na titirahan."

Tinuro ng tita nila ang magiging kwarto nila pansamantala habang nandito pa sila sa probinsya.Isinunod naman ng kanilang tito ang mga dala nilang bagahe at pumasok na din si Zyra at Raphael.

Tinignan ni Zyra ang bawat sulok ng kwarto malawak na din kaya pwede na sa kanilang dalawa.

"Finally I can rest na,"tatalon na sana siya sa kama ng makita niya na papag lang ito."Are you kidding me, anong kind of mattress are this."

Naghahanap siya ng malambot na kama ang hindi niya alam ay hindi naman uso sa kanila ang mga ganon.Sa probinsya ay mga banig lang ang ginagamit na higaan.

Nakita din niya ang isang malaking kabinet na nasa likod ng pintuan.May dalawa ding papag tig isa sila.Sa gitna naman ng mga ito ay nakalagay doon ang isang side table at may lamp.Sa tapat ng kanilang bintan ay rocking chair ang nandoon.

Ito namang si Raphael ay hindi niya pinansin ang kwarto ang ginawa niya ay agad kinalkal ang mga dala niyang gamit para mai-ayos na.

"Gusto mo ng comforter ate,"tanong niya sa kapatid."May dala ako dito alam ko kasi kailangan mo nito ehh."

"Nasaan, akin na,"nabuhayan namang sabi ni Zyra at saka lumapit sa kapatid, pero hinagis ng kapatid niya sa kaniya.

Nabitawan naman ni Zyra ang comforter ng maramdaman niyang naiihi na siya.Mabilis siyang lumabas sa kwarto at nagtanong sa kaniyang tita kung nasaan banda ang banyo.

Nang maturo sa kaniya ng tita ang direksiyon ay nagmadali na siyang pumunta dahil hindi na niya mapigilan.

"Even the cr is made of wood,"sabi ni Zyra, tapos ang pintuan ang kurtina lang, ayaw niya sanang umihi doon pero wala siyang magawa dahil naiihi na talaga siya nawala ang arte niya at umihi na.

"Is this really a bathroom,"sabi nanaman niya nang matapos siya.

Sakto namang paglabas niya ay papasok naman ang isang lalaki galing sa labas kaya inakala niya na naninilip ito sa kaniya.

"Ahh...,"iskandalosang sigaw niya."May bastos dito, help me!"

Sa pagkagulat ng lalaki sa sinabi niya ay nabitawan niya ang mga dala nitong basket. Nagmamadaling dumating ang kaniyang tita dahil kinabahan ang mga ito sa sigaw niya.

"Anong nangyayari dito?"natatarantang at nag-aalala na tanong ng tita.

"That man,"turo niya sa lalaki."Gusto niya kong silipan."

"Huh, ako? wala naman akong ginagawa sayo,"sagot ng lalaki."Hindi po totoo ang sinasabi niyan kukuha lang po talaga ako ng pagkain ng mga alaga natin."

"Don't try to palusot, i saw you!"pagpumilit na sabi ni Zyra."Bastos ka aminin mo na!"

Nangako ang lalaki na wala talaga siyang intesiyon na ganon kukuha lang talaga siya ng pagkain ng mga alaga niya sa farm.Pero wala todo giit din si Zyra sa sinasabi niya.

"I don't care, basta bastos ka!"sabi ni Zyra at saka biglang nagwalk-out.

Agad namang humingi ng pasensya ang kaniyang tita sa ginawa nito at sinabi niya din na ganon talaga ang ugali ni Zyra.Alam naman din niya na hindi magagawa ni Ethan ang binibintang sa kaniya ng pamangkin.

"Ayos lang po 'yon,"sabi ni Ethan at saka na pinulot ang mga basket."Sige po tuloy ko na yung trabaho ko."

"Ohh sige mag-ingat ka ha,"paalala ng tita Lara.

Hindi naman maintindihan ni Raphael nang makita niya ang ate na galit na pumasok sa kwarto.Narinig niya din ang ingay kanina pero hindi na siya lumabas dahil inaayos niya pa ang mga gamit niya.

"Ohh ate bakit para high blood ka?"tanong ni Raphael nang pumasok sa kwarto ang kaniyang kapatid."At saka ano yung ingay doon kanina?"

"May papansin lang doon,"galit na sabi nito.

"Huh sino?"na-curios na sabi ni Raphael. "Kakarating lang natin may kaaway ka na?"

"Tumahimik ka na nga lang,"nairitang sabi nito."Gawin mo na lang 'yan."

Sumenyas naman si Raphael na zini-zipper ang bibig niya at hindi na lang nagtanong pa baka sa kaniya magalit ang ate.