webnovel

IKALABING-DALAWANG KABANATA:

"Ring...ring,"tunog ng cellphone ni Zyra tinignan niya iyon at nakita niyang mommy nila ang tumatawag.

Nang marinig ni Raphael ay mabilis siyang tumayo para lumipat sa papag ng kaniyang ate.Kinuha niya ang cellphone at siyang na ang sumagot, hindi naman halatang excited siyang makausap ang mommy nila.Ilang linggo na din kasi silang nandoon ay hindi pa ito nakakatawag dahil na din siguro sa hirap makahanap ng signal dito.

Masaya nagsalita si Raphael, "Hello mom, how are you?"

"I'm okay,"maikling sagot ng mommy nila. "How about you and your ate? Okay lang ba kayo diyan?"

"Where also okay here,"sagot din ni Raphael."Inaalagaan naman kami ng maayos ni tita."

Sumabat naman si Zyra."Of course not," at saka na niya pinagpatong ang mga kamay bilang hindi pagsang-ayon, dahil ayaw niya na dito sa probinsya.

"What did your ate say?"pagklaro ng mommy nila sa narinig niya."Bakit anong nangyari diyan?"

"It's nothing mom, nag-iinarte lang siya," sabi naman ni Raphael.

"Anong nothing, just tell her na ayoko ko na dito!"pagmamaktol niya."And sabihin mo na sunduin na tayo!"

Hindi naman pumayag ang mommy nila dahil kung anong sinabi niya ay dapat gawin nila.At saka sila naman din ang may kasalanan kung bakit sila pinadala dito sa probinsya.

"No, I can't stay here anymore!"nabwisit na sabi pa ni Zyra."Lagi na lang kasi ang gusto niya ang nasusunod, maybe that's the reason bakit sila naghiwalay ni papa!"

Pagkasabi niya ng mga salitang 'yon ay tumayo na siya at mabilis na lumabas ng kwarto.

"Sorry mom mamaya na lang,"sabi nito, tumango naman ang mommy nila at saka na i-end ang call.

Sinundan niya agad ang ate sa labas baka kasi kung saan nanaman siya makarating at pagkatapos ay sila din ang mahihirapang maghanap.

"Why did you follow me!?"galit na tanong nito sa kaniya nang makita niya ito sa kaniyang likuran.

Gusto lang malaman ni Raphael kung anong dahilan niya bakit galit na galit siya sa mommy nila.Kaya naman natanong niya kung anong ginawa ng mommy nila para magkaganon siya.

"Madami,"naghihinakit na sagot naman nito."Isa na 'tong pagpunta natin in this place!"

"Is that all,"sabi ni Raphael.

"Of course no,"sagot naman ni Zyra."Inalis niya din sa'kin ang nag-iisa kong kakampi, simula ng hiwalayan niya si daddy!"

"Kaya ba nagkakaganito ka?"napagtanto ni Raphael kung bakit nag-iba siya naging malayo sa dating siya.

Wala siyang naging tugon, bagkus ay tumakbo lang siya palayo.Napahinto na lang sandali si Raphael at naisip niyang huwag na siyang sundan, hahayaan na niya muna itong makapag-isip-isip.

Sa pagtakbo ni Zyra ay nagkasalubong sila ni Ethan ng daan pero nilagpasan niya lang ito.Habang si Ethan naman ay napansin niya na umiiyak ito kaya naisipan niyang sundan ito para makita kung anong gagawin niya at baka may iniisip itong gawin na masama.

Sa pagsunod niya ay nakita niya itong tumigil sa tabi ng ilog."Arghhh!.."sigaw ni Zyra habang tumutulo ang luha niya."Bakit ba sa'kin pa dapat mangyari 'to!"

Nagulat naman siya na may narinig siyang ibang tao sa kaniyang likod, pinunasan muna niya ang kaniyang mga mata bago humarap.Sigurado siya na si Raphael lang 'yon pero nang makita niya at iba.

"Ikaw!?"napasigaw na reaksiyon niya."Sabi ko na nga ba bastos ka talaga ehh, may binabalak ka sa'kin no."

"Luh, 'wag ka nga assuming diyan,"tanggi n ni Ethan sa paratang niya."Nag-iinarte ka nanaman ba kaya ka umiiyak?"

"Wala kang pake, umalis ka na nga lang dito

ayokong makita 'yang mukha mo, nakaka-irita!"pagtaboy niya kay Ethan pero hindi ito umalis.

"Ah talaga ba,"nakakunot na tanong ni Ethan."Paano naman kaya 'yang mukha mo? hindi ba 'yan yung mas nakakairita?"

Zyra just rolled her eyes.

Ipinasok ni Ethan ang kaniyang isang kamay patungo sa bulsa upang kunin ang dalang panyo.Agad niya itong inabot kay Zyra para maipamunas sa mukha nito.

"Yan panyo,"maikling saad niya."Punasan mo yang mukha mo ang dumi kasi."

"No, thanks na lang,"maldita namang sagot ni Zyra."Baka may nilagay ka oa diyan na kung ano at mamatay pa ako."

"Oa mo naman mamatay agad,"pabiro pang sabi ni Ethan."Hindi ba puwedeng himatayin ka muna?"

Pinilit niyang paalisin si Ethan dahil wala naman siyang naitutulong sa mga problema niya.Kaya naman humarap pabalik si Ethan akmang aalis na nang biglang tawagin siya ni Zyra.

"Nasaan na yung panyo?"sabi nito, inabot naman sa kaniya ito ni Ethan.

Humarap na ulit siya pabalik pero hindi pa nakakalayo ay bigla ulit siyang tumingi pabalik kay Zyra dahil baka may hihingin nanaman ito.Pero paglingon niya ay nakita niya itong nakatalikod na kaya umalis na talaga siya.Bakit nga naman siya tatawagin nito para saan.

"Ethan may boyfriend na siya, ano ba?"sabi niya sa sarili."Ano bang nangyayari sakin, wala akong gusto sa kaniya, wala!,"pilit niyang pinapaniwala ang sarili.

Pumulot ng mga malilit na bato si Zyra saka ibinato sa tubig habang sinisigaw ang mga problema niya.Sa tingin niya kasi niya ay gumagaan ang loob niya kapag ginagawa 'yon.

"Ohh bakit ngayon ka lang?"nagtakang tanong ni Diego nang makauwi si Ethan. "Nasaan na yung pina

"Pasensya na,"sabi niya."Nakita ko kasi si Zyra na umiiyak doon."

"Ano naman nangyari sa kaniya?"tanong naman ni Diego.

"Hindi ko nga din alam ehh,"sagot ni Ethan. "Sinubukan kong kausapin kaso yun pa din masungit."

Napahalakhak na lang si Diego nang marinig niya sinubukan ni Ethan kausapin si Zyra ehh mortal silang makaaway.Hindi talaga mapaniwala si Diego dahil napansin nito na ilang araw na itong umiiwas sa kaniya.

"Kung talaga sinubukan mo, ehh bakit ilang araw mo na siyang iniiwasan.Anong dahilan?"tanong ni Diego na para bang isang detective.

Nagulat naman si Ethan sa tanong niya, "Luh, bakit naman napunta diyan ang usapan?"

"Sumagot ka na lang,"sabi ni Diego sa kaniya."Ano ngang dahilan? Dali na."

Natulala siya sandali dahil wala siyang alam na gawing palusot.Tinignan siya ng kakaiba ni Diego na mas lalong nagpagulo sa kaniya.

"Ano ba kasi...bakit mo gusto malaman?" nagkaka-utal-utal na sabi ni Ethan.

"Wala lang bakit bawal ba?"nakangising sagot ni Diego."Baka totoo nga na may...," sadyang pagputol niya sa sasabihin.

Na-curios naman si Ethan,"Anong totoo?"

"Na may gusto ka kay...,"sabi nito na muling hindi kinumpleto ang sasabihin.

"May gusto nanaman kanino?"nalilito ng sabi nito."Si Zyra na yang tinutukoy mo? Kung siya never!"

Natawa na lang si Diego,"Sa bibig mo na mismo nanggaling yan."

"Hoy tumigil ka nga,"sigaw ni Ethan."Wala akong gusto sa babaeng 'yon no."

"Okay, sinabi mo ehh,"panloloko ni Diego. "Tara na nga gawin na lang natin yung pinapagawa ni nanay."

"Mabuti pa nga," pagsang-ayon ni Ethan sa kaniya.

Follow me on TikTok (strawberry_factory) to be updated to my announcement.

STRAWBERRY_FACTORYcreators' thoughts