webnovel

IKA-APAT NA KABANATA:

Pagputok ng liwanag ay gising na ang lahat para maghanda.Ngayon ang ikatlong araw nina Raphael at Zyra dito sa probinsiya at ngayon din ang unang trabaho na dapat nilang gawin.

"Where are going ate?"puna ni Raphael nang makita niya ang suot ng ate na sobrang gara.

"What's wrong?"nagmamaktol na tanong ni Zyra at tinignan ang kanilang damit.

Hindi na nagsalita pa si Raphael dahil kahit sabihin niya sa ate na magpalit siya ay hindi naman ito susunod.Kaya naman naiinis na lumabas ng kwarto si Zyra at pinipilit kung itanong kung anong mali sa suot niya.

Nang makita siya nina Diego at Ethan ay biglang tumawa ang mga ito kaya naman mas lalo pa itong nainis.

"What's funny?"tanong niya sa kanila na sa mga oras na 'yon ay napipikon dahil kita sa mukha na namumula na.

"Anong nakakatawa?"pang-iinis pa ng dalawa."Tignan mo kaya yang suot mo, nasa bukid lang tayo,"puna nila.

"So..." suplada at nakataas ang isang kilay na sagot niya sa kanila."Ingit lang kayo?"

Bigla naman silang tinawag ng kanilang tita para kumain na.Habang kumakain sila ay hindi mapigilan ng tatlo na tumingin sa kaniya at sabay tawa.

Tinignan niya lang ang mga ito ng masama.

Pagkatapos nilang kumain at naglipit muna ang kanilang tita habang sila naman ay pinaghanda na niya dahil ngayong ay kailangan na nilang maglinis at mamitas sa kanilang gulayan.

Naghihintay na sa labas sina Diego, Zyra at Raphael dala ang mga gagamitin nila sa taniman.Nakita naman ni Raphael na parating si Ethan dala ang kartilya.

"Sakay ako!"sigaw ni Raphael, huminto naman agad si Ethan ay pinasakay ito.

"Why are acting like a child,"insulto ni Zyra sa kaniya.

"Edi gumaya ka,"pambabara naman sa kaniya ni Raphael."But I think mas mukhang bata kang kumilos kaysa sa akin."

"Tama,"pagsang-ayon ni Ethan."At saka maarte din."

Nang matantiya na ng kanilang tita na lumilihis na sila ay sinaway na niya agad ang mga ito at baka kung saan pa makarating ang biruan nila.

Zyra just snob them.

Hindi din tumagal ay nakarating sila sa lugar kung saan sila maglilinis.Kaniya-kaniya na din sila ng punta sa mga nakatokang gawain sa kanila maliban kay Zyra na nakatayo lang at tumitigin-tingin sa paligid niya.

"What we will going to do here?"nag-iinarteng tanong ni Zyra.

"Kayo na lang ang magdadamo diyan,"utos ng kanilang tita at itinuro kung saan banda.

Habang humahakbang siya ay bigla niya naramdaman niya ang malagkit na putik na parang magnet sa paa niya.Nang makita niya iyon ay ayaw na niyang tumapak sa lupa at parang gusto niya lang lumutang.

"Oh my god, is this real,"nandiring sabi ni Zyra."This is my first time doing this in my entire life."

"Ate don't be maarte nga,"nairitang sabi ng kapatid niya."At saka pwede huwag kang masyadong mag-english dito."

Dineadma niya lang ang mga ito at saka lang umupo.Hindi niya naman alam kung paano o kung anong dapat niyang gawin.

Kasalukuyan silang nagdadamo hanggang sa may nahawakan na kung ano si Zyra sa pinuputpot niya at naramdaman niyang gumagalawa 'yon.Pag-angat niya ng kamay ay nagulat siya sa nakita niya.

"Yakk!!"malakas na tili nito."It's a worm!"tili niya sabay tapon sa bulate, hindi niya alam kung anong mararamdaman niya dahil naduduwal na siya at parang masusuka na siya.

Mabilis itong tumayo at nagtanong kung saan ang hugasan doon.Luminga-linga siya para maghanap ng faucet pero wala siyang makita.

"Ate doon ka maghugas,"sabi ni Maria at ituro ang isang gripo.

Tumayo naman din itong si Maria para samahan siya.Sumunod naman sa kaniya si Zyra na nandidiri sa kaniyang kamay.

"Where is the handle,"tanong ito at hinanap kung nasaan ang pagsindi ng gripo.

"Gripo lang 'to ate,"paliwanag ng pinsan. "Itapat mo ang kamay mo diyan sa butas at bobombahin ko 'to,"

Nagulat naman itong si Zyra ng bombahin ni Maria ang gripo ay may lumabas na tubig dahil ang nakasanayan niya ay yung iniikot ang hawakan.

"How is that happened,"tanong nito ng matapos nang maghugas.

"Ganiyan talaga 'yan,"sabi ng pinsan.

Bumalik sila sa kinaroroonan at nagdamo na muli si Maria habang si Zyra naman ay hindi na dahil sa nandidiri na ito baka may mahawakan nanaman siyang bulate.Kaya naman umupo na lang siya sa tabi ng mga bagong pitas na gulay.

"Nandiyan ka na din naman pwedeng ikaw na maghiwalay sa mga bulok,"pagki-usap ng kaniyang tiya.

Tumango naman ito dahil mga gulay lang naman ang hahawakan niya at wala na siguro iyong insekto.

Dumami ng dumami ang naipon ng mga nagdadamo kaya naman si Ethan ay sinalok na ang mga ito at isinakay sa kartilya.

"Raphael,"pagtawag ni Ethan."Idala niyo na ito doon sa compost bin para maging fertilizer."

Kasama si Maria ay kinuha nila ang kartilya at tinulak ito papunta sa tapunan.Nang mailagay nila doon ay kaagad din silang bumalik dahil ang kaniyang tita ay natapos na sa pamimitas.

"Wow naman tita, that's a lot,"bulaslas ni Raphael nang makita ang na-harvest nila.

"Saan niyo po niyan dadalin lahat 'yan."

"Ibebenta sa palengke,"sagot ng kaniyang tiya habang chini-check ang mga gulay kung tama ang bilang.

Narinig nila ang tunog ng sasakyan at nakita nila na paparating na dala ang jeep na pagsasakyan sa mga gulay.Dala-dala din nito ang mga meryenda nila.

"Eto na ang meryenda ninyo,"sabi niya sa lahat pagkababa sa sasakyan.Pagka-abot niya nito ay saka naman niya inasikaso ang ang mga gulay na isakay sa loob ng jeep.

"Halina na kayo magmeryenda muna tayo," tawag ng tita Lara sa lahat.

Habang kinakain ang mga meryenda nila ay bigla namang napadaan sina Grace at ang dalawa nitong kaibigan.

"Ohh kain kayo,"pag-aya ni Aling Lara sa tatlo at inabot ang isang balot ng tinapay sa kanila.Hindi naman tumanggi ang tatlo at kinuha nila ang tinapay.

"Kayo!?"pasigaw na tanong ni Zyra ng makita niya ang tatlo.

"Baki ate, do you know them?"nagulat at nagtataka naman na tanong ni Raphael.

"Ikaw yung babae noon diba?"sabi naman ni Grace na makilala ang mukha ni Zyra.

"Ano ngayon kung ako 'yon?"mataras na sabi ni Zyra habang nataas ay isang kilay.

Hindi nagtagal ay natapos na si Diego sa paglagay ng mga gulay sa sasakyan.Kaya naman sina Aling Lara ay niligpit na ang pinagkainan para maghanda sa pagpunta sa palengke.Habang sina Grace naman ay nagpaalam na para umuwi.

Isa-isa silang pinasakay ng tita sa loob ng jeep.Nang masigurong nakasakay na ang lahat ay saka na pinaandar ni Diego ang jeep

para imaneho ito.

"Baba na kayo nandito na tayo,"sabi sa kanila ng tita.

Iniwan na nila doon sina Diego at Ethan sa jeep para magbuhat sa mga gulay.Sina Aling Lara naman ay isinama na ang magkapatid sa puwesto nila.

Pagkabukas niya sa tindahan ay pinapasok na niya ang dalawa samantalang siya ay inayos ang mga paglalagyan sa mga gulay.

"Zyra bantayan mo muna ang tindahan bibili lang ako ng pagkain natin para mamayamg tanghali,"habilin ng kaniyang tita, tumango naman ito.

Kinuha niya ang cellphone para makita kung may signal ba dito sa lugar na 'to.Mabuti naman at meron kaya magagamit na niya ang social media niya para tawagan ang mga kaibigan.

"Finally!"masayang sabi niya."I can post my pics now then call my friends."

Hindi pa man siya nakakapag-online sa Facebook niya ay may dumating ng customer.Naiinis siyang tumayo at lumapit sa bumibili.

Pagkalapit niya saka niya naalala na hindi niya ang ang presyo ng mga paninda."OMG! How can I sell this, I don't know the prices," sabi niya sa sarili na hindi mapakali kung anong dapat niyang gawin.

Natapos nang pumili ang customer."Paki-tignan nga kung isang kilo na ito,"sabi sa kaniya.Mas lalo pa siyang nakguluhan dahil maging ang pagkilo ng mga gulay ay hindi siya marunong.

"What should I do?"tanong niya sa sarili habang kinukuha ang mga binili ng customer.Mabuti na lang at dumating si Ethan para kunin sana ang iba nilang gamit pero nakita niya si Zyra na gulong-gulo sa mga pinag-gagagawa niya.

"Ano po iyon?"tanong ni Ethan sa customer na parang malapit na itong mawalan ng pasensya.

"Sabihan niyo nga yang tindera niyo na ayusin ang trabaho,"sabi sa kaniya ng customer.

"Pasensya na po ha, taong maynila po kasi kaya ganiyan kumilos,"paghingi ng dispensa nitong si Ethan."Bali 55 po lahat ng babayaran ninyo."

Pagkaalis ng customer."Hoy! Ikaw pinapahiya mo ba talaga ako!"naiinsultong sabi nitong si Zyra.

"Pasalamat ka na lang at tinulungan kita," sabi nito at saka na umalis dala ang mga dapat niyang kunin.Inis na inis na naiwan si Zyra

Sa wakas ay paparating na ang kaniyang tiya dala ang mga binili nilang pagkain.Kaya naman natuwa siya dahil hindi na siya magbabantay ng paninda.Mabilis itong umupo para makapag-relax na.

Humingi naman ng pasensiya ang kaniyang tita dahil natagalan sila.Ayon dito mahaba daw kasi ang pila sa pinagbilhan nila kaya natagalan.

"Nga pala may nabenta na ba?"tanong ng tita.Tumango naman si Zyra at tinuro kung nasaan ang pera, pero hindi niya na ikinuwento ang nangyari dahil siguradong mapapagalitan siya.

Patuloy silang nagbenta hanggang sa unti-unting maubos ang kanilang mga paninda. Pagsapit ng hapon ay napaubos nila ang mga ito kaya naman naglipit na sila para makauwi.

"Gosh! Thank you,"sabi ni Zyra dahil sa wakas ay makakaalis na sila sa mabaho at malansang lugar na iyon.