webnovel

CHAPTER 02

CHAPTER TWO

Hariette's POV

LUMAKI akong hindi nakasama 'ni nakikita si papa. Kahit makausap nga wala. Pero kahit ganun, palaging sinasabi ni mama na mahal naman daw kami ni papa. Infact, nagbibigay nga siya ng pera sa amin na hindi ko naman kailangan. Hindi namin kailangan.

Lumaki ako na ni pangalan niya ay hindi ko alam. Ilang beses ko nang tinanong si mama pero hindi niya talaga sinabi hanggang magsawa na lang akong magtanong. Naiintindihan ko naman kaya lang hindi ko talaga maiwasang malungkot minsan. Kahit dala-dala ko ang apilyedo niya, iba pa rin 'pag kilala mo yung papa mo. Sino ba namang anak ang gustong lumaki na hindi kilala yung ama niya? Sinong anak yung gugustuhing lumaki na ni pangalan ng ama niya ay hindi niya alam? Wala..

Pero kahit ganun eh hindi naman nagkulang si mama sa pagmamahal sa'kin. Maliban din kay mama ay kasama rin namin yung lolo ko kaya lang namatay na ito 2 years ago dahil sa katandaan. Hindi man kompleto ang pamilyang meron ako, hindi naman nagkulang sina mama at lolo sa pag-aaruga at pagmamahal sa'kin. Kaya ini-intindi ko na lang ang mga bagay-bagay at naging kontento sa kung ano'ng mayroon ako.

Swerte na ako't mayroon akong mama na nag-aalaga, umiintindi at nagmamahal sa'kin. Na kahit kung ano lang yung kaya ko, ina-appreciate niya. Nagkakamali man ako minsan, pinagsasabihan lang niya ako at hindi pini-pressure sa mga bagay na hindi ko gusto.

Hindi gaya nitong kaibigan kong kanina pa mainit ang ulo. Kompleto nga sila pero kahit sa maliit na bagay ay hindi magka-intindihan.

"Alam niyo, sawang-sawa na talaga ako eh! Puro na lang ganito, ganiyan. 'Dapat maging ganiyan ka, maging ganito ka. Bakit' di mo gayahin yung ate mo? Yung mga kapatid mo? Puro ka na lang pasakit sa ulo.'" litaniya yan ni Zally na pinag-ku-kumpara sa mga kapatid niya. "Ano ba ang kailangan kong gawin para makita naman nila yung mga bagay na ginagawa ko? Naging top 4 naman ako last year pero bakit hindi nila makita?" dagdag niya pa na parang maiiyak na.

Nakisabay na kasi kami ni Zally kay Angel papunta ng school kasi nga mas maaga ang pasok ni mama. Magkakalapit lang ang bahay naming tatlo kaya kami ang palaging magka-kasama.

"Wala kang dapat na gawin maliban sa mas pagbutihan mo yung pag-aaral mo. Ano ba kasing nangyari na naman? " sabi pa ni Angel. "Iwasan mo na kasi ang pakikipag-away mo ng hindi ka na ipakukumpara sa mga kapatid mo." pagsasabi niya.

"Yun na tayo eh. Oo nakipag-away ako pero kasalanan ko ba? Ikaw kaya sadyang tapunan ng juice? Mas malala pa hindi man lang humingi ng pasensya kaya naubos ang pasensya ko. Alam niyo naman na hindi ako nakikipag-away ng walang dahilan." paliwanag niya pa.

"May punto ka naman pero ano ba kasi talaga ang nangyari?" tanong ko.

"Kahapon kasi pag-uwi ko, hindi ako nasundo ng driver namin kasi may pinuntahan pa daw sila ate kaya nag-jeep ang lola niyo. Eh nung papadaan na ako sa may parke malapit sa village namin, hinarang ako nung punyetang Divine na yun at tinapunan ng dala-dala niyang juice." salaysay niya sa tonong naiinis.

"Oh tapos?"

"Hindi ako nakapag-pigil kaya sinabunutan ko, eh pumalag kaya tinulak ko sa dumi ng aso. Haha kung nakita niyo yung mukha nung bruha parang pinagsakluban ng langit at lupa. Pati yung mga julalay niya natatakot na hawakan siya." tumatawang kwento niya.

"O, ano namang kinalaman ng parents mo't galit-galitan ang eksena?"

"Bruha Funyeta Forever A.K.A BFF sila ni ate dba? Nagsumbong ang gaga sa ate ko tapos yung ate ko naman sinumbong ako kay mama na kesyo ako pa daw inalok ng juice, ako pa daw nag-iinarte. " naiinis na naman ani niya.

"'Yang ate mo talaga ang laki ng galit sayo noh? Kapatid mo ba talaga yun? Kung hindi lang kayo magka-mukha, e,iisipin kong ampon ka HAHAHA." tumatawang komento ni Angel.

" Mas maganda kasi ako sa kanya insecure yung demonyita." hindi kasi talaga sila magkasundo ng mga kapatid niya. Siya daw kasi yung blacksheep sa kanila.

'What if kompleto yung pamilya namin? What if may mga kapatid din ako? Makakasundo ko kaya sila? Masaya kaya kami?'

Naglalakad na kami sa may hallway para dumeretso na sa classroom habang nagke-kwentuhan. Kahit hindi pa masyadong maayos ang klase ay kailangan pa rin ang attendance.

"Na'san na ba yung dalawa? Hindi man lang nag-text." nakabusangot na tanong ni Angel.

"Malay nam--" hindi ko na natuloy yung sagot ko nang mabunggo ako sa isang lalaki na hindi man lang nag-abalang mag-sorry. Tiningnan lang naman niya ako saka nagmamadaling umalis.

"Sorry ha!" sarkastikong sigaw ko.

"G*go 'yun ah." naiinis na sabi rin ni Zally.

"Okay ka lang, Lei? Sino ba kasi 'yun?" nag-aalalang tanong ni Angel.

"Nakaka-inis. Hindi man lang nag-sorry." naiinis pa ring ani ko. "Magkakapasa 'to panigurado mamaya." nag-aalalang dagdag ko pa. May kalakasan kasi ang pagkabunggo niya. Nagmamadali si kuya.

"Makita ko lang ulit 'yun. Bibigyan ko ng isang sapak." Zally.

"Hayaan niyo na. May araw din sa'kin yun." sabi ko na lang. Nagpatuloy na lang din sa pag-akyat.

Dumating na yung adviser namin kaya tumahimik na ang lahat. 'Di pa man nagtatagal ang klase nang may kumatok.

"You may come in. " ani ni Miss Rivera at pumasok naman ang kumatok.

"Good morning, ma'am. Is this the room IV-A?" tanong nung isa sa pumasok, nanlaki ang mga mata ko. Siya yung lalaking nakabunggo sa'kin kanina! Dalawang silang pumasok. Yung isa pangiti-ngiting lumilinga pa dito sa loob.

"Are you two the tranferees?" ani miss.

"Yes ma'am. We're sorry for being late. Hinanap pa po kasi namin 'tong room." paumanhin nung isa.

"It's okay. Kindly introduce yourselves in front." utos ni miss.

"Good morning everyone. Harley Wren Clemonte. 15 years old." pakilala nung nakabungguan ko kanina.

"Hello guys. Eros Blaze Fleet is the name. 15 years of age." nakangiting pakilala nung isa na may kasama pang kindat. Kaya tilian yung mga classmate kong babae.

"Enough! Mr. Clemonte, take the seat at back of miss Bridge" si miss na tinuro pa ako. 'bat sa likuran ko pa.. Hayy.' "And mr. Fleet take the seat at the back of miss Garcia." dagdag pa ni miss. Nagkatinginan pa kaming tatlo nina Angel. Napairap naman si Zally dahil sa tinuran ni miss.

Matapos umupo nung dalawa ay nagsimula na kami sa botohan. Todo yuko pa ako sa kinauupuan ko kasi ayaw kong maging class officer. Si Angel ang class president na nakatayo na sa harap, samantalang si Zally naman ang Vice president ng klase.

"I would like to nominate miss Bridge for muse." nanlaki ang mata ko nung marinig ko ang sinabi nung lalaki sa likuran ko kaya mabilis ko siyang nilingon at pinandilatan.

"Nomination are closed for the office of muse." tumatawang segunda nung Blaze kaya mas lalong nanlaki ang mata ko. 'Anong trip ng mga 'to?'

Nagpatuloy na ang klase kaya tumahimik na din ang lahat. Sinabi pa ni miss Rivera na may i-a-announce daw bukas ng umaga. Sa open field daw ang announcement kaya hindi na namin kailangang dumeretso sa classroom.

Hanggang sa oras ng breaktime ay wala ako sa mood. Nakasabay pa naming tumayo yung dalawa sa likod na binalewala lang din namin.

Nakabusangot akong naupo pagdating namin sa table. Nawala talaga ang mood ko dahil sa muse-muse na 'yan.

"Oyy, okay ka lang? Kanina ka pa mukhang badtrip ah." tanong ni Angel.

"Nakaka-badtrip kasi yung election kanina. Ayaw kong maging muse. Ayaw kong maging officer." nakabusangot na reklamo ko.

"Wala ka ng magagawa. Clinose ba naman agad nung mga bago. Nako! Naiinis ako dun sa bumunggo sa'yo ha. Hindi man lang nag-sorry." naiinis na turan ni Zally.

"Kahit ako man. Isa na lang talaga. Papatulan ko na 'yun."

"Hayaan niyo na lang. 'Wag na kayong gumawa ng gulo." Angel.

"Psh. Nakakainis lang kasi. Ni hindi man lang nag-sorry tapos ginawa pa akong muse... Muse-musin ko mukha niya eh!" Halos isigaw ko yan. Ayaw ko lang kasi magkaroon ng ibang pagka-abalahan. "Panay pa ang yuko ko kanina tapos yung nasa likod ko lang din pala ang nag-nominate sa akin. Iniinis talaga ako 'nun!" dagdag ko. Tinitingnan tuloy kami ng ibang students.

"Sige na. Mag-o-order muna ako." Paalam ni Zally.

"Kyahhh!! Ang gu-gwapo nila."

"Sila yung mga tranferee dba?"

"Mga senior na daw sila. Sayang ngayong year lang sila nag-enroll dito."

Ilan lang yan sa mga tilian at bulungan dito sa loob ng cafeteria. Naramdaman ko pang mahinang sinipa ako ni Angel sa paa kaya tiningnan ko siya. May itinuro siya gamit yung nguso niya kaya humarap ako sa likod ko.

Nagtama agad ang paningin namin nung ka-klase naming papansin kaya inirapan ko na agad.

"May gusto siguro 'yan sa'yo, Lei." sabi ni Angel.

"Mandiri ka nga. Papansin lang 'yan. 'Wag mo kasing tingnan." sabi ko.

"Feeling ko talaga may gusto sa'yo yan eh."

"Feeling mo lang 'yan. Hayaan mo na nga. Wag mo ng pansinin."

Sakto naman dumating sina Sandie at Chalisa. Alam na nilang si Zally ang mag-o-order kaya deretso upo na sila dito.

"Gurlsss, may chika kami sa inyo." Sandie na parang nagda-dalawang isip magsalita. Ngumiti lang si Charlisa bago umupo.

"Ano?" sabay na tanong namin ni Angel saka tiningnan si Charlisa.

"Kahapon kasi puro pakilala sa harap lang dba? Eh wala kaming interest kaya hindi na kami nakinig." panimula ni Sandie.

"Kaya kanina, nabigla kami 'dun sa lalaking tinawag ni Sir Fernandez." pa-thrill na dugtong ni Charlisa.

"Lei, may kapatid ka ba?" alinlangang tanong ni Sandie. "Mr. Bridge kasi yung tinawag ni Sir kanina. Akala namin namali lang yung dinig namin pero nung tinawag ulit ni Sir, ikaw agad yung naisip namin." dagdag nakwento ni Sandie.

"Alam niyo namang nag-iisang anak lang ako. Saka wala namin kaming ibang kamag-anak ni mama dito. Hindi rin naman nagku-kwento si mama about sa pamilya namin." sagot ko. Ewan pero parang kinakabahan ako dito eh.

"Yan siya oh. Yang may hikaw." turo ni Charlisa kaya tiningnan ko.

Yung tinuro ni Charlisa ay tipid na ngumingiti. Yung ka-klase namin na Blaze ang pangalan ang nagku-kwento na tumatawa pa. Yung isang lalaki naman todo ang pakikinig kay Blaze. Yung nakabunggo sa akin ay pa ngiti-ngiti minsan ay nakikisali sa kwentohan nila. May dumating pang isa na nakipag-tapikan ng balikat sa mga kaibigan.

Ang mga babae tuloy dito sa loob eh sila lang ang tinitingnan. Hindi naman maitatangging may mga hitsura naman sila kaya nakakaagaw talaga ng pansin sa iba.

"Yan si Kendrick." tinuro pa ni Sandie yung lalaking nakikinig kay Blaze. "Tapos yang bagong dating, si Gavin." turo niya nung Gavin. "Yang isa naman si Dylan Lee Bridge. Hindi na namin kilala yang dalawa. Tranferees din yata sila." dagdag niya. Tinitigan ko naman yung ka-apelyido ko.

Matangkad, matangos ang ilong. Hindi na makita yung mata pag ngumingiti kahit tipid. May pagka-mestiso. In short, gwapo.

"Oo at kaklase namin yang dalawa tapos sa likuran pa namin pinaupo ni miss Rivera." sabat ni Zally na tapos ng mag-order.

"Alam mo, Lei, hindi sana namin papansinin kahit magka-pareha kayo ng last name eh. Pero medyo may hawig kasi kayo. Kaya tinanong agad kita kung may kapatid ka." si Sandie.

"Hindi ko rin alam eh. Itatanong ko na lang kay mama mamaya." 'Magkahawig ba talaga kami? Hindi yata.' Ang gwapo naman kasi nung lalaking Bridge.

"Sige na. May gagawin kami ni Charlisa mamaya kaya hindi kami makakasabay sa inyo ng lunch." sabi ni Sandie.

"At saan na naman kayo pupunta, Sands?" tanong ni Zally.

"Dadating kasi mamaya sina mommy. Eh wala naman ibang magsusundo sa kanila kaya ako yung tinawagan." sagot ni Sandie.

"Sige. Basta magkita tayo sa may field bukas." sabi ni Zally.

Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa classroom. Sabay-sabay na kaming limang umakyat since 3rd floor ang room nina Sandie and Charlisa.

Narinig pa namin ang malulutong na halakhak sa likuran kaya sabay namin yung nilingon. Nakita namin yung limang magka-kaibigan na nakatingin din sa amin. Napahinto sila sa paglalakad maging kami.

Unang lumapit yung Gavin kay Charlisa. 'Magkaibigan nga pala sila. Psh.'

"Hi, Charls. Tuloy ba kayo sa friday?" tanong niya na kay Charlisa lumapit.

"Hmm, Okay lang sa'kin pero gusto ko kasama kayo." Charlisa na bumaling sa'ming apat.

"Walang problema sa'kin. Ikaw ba, Zal?" sabi ni Angel.

"Duhh! Ako talaga tinatanong mo n'yan? Pairap na sagot ni Zally. "Walang makakapigil sa'kin noh. So gora ako." dagdag na sabi niya tapos tumingin sa akin.

"Nakapag-paalam na ako kay mama. Call her time by time lang daw para hindi siya mag-alala." nakangiting sabi ko.

"Tsk. Mama's girl." bulong nung kaklase naming nakabungguan ko. Bulong na rinig na rinig namin ngunit hindi ko na lang pinansin. Tiningnan ko lang siya

'Ewan ko sa taong 'to, hindi ko naman inaano. Ang laki yata ng galit sa akin eh.'

"So everything's settle. By the way, my name is Gavin and these are my friends Kendrick, Blaze, Dylan and Harley." isa-isa naman silang lumapit sa amin at nakipag-kamay.

Hanggang sa dumating na kami sa kanya-kanyang classroom ay sila lang ang nagke-kwentuhan. I don't really feel like talking to them exept for my friends. Hindi kasi ako palaimik sa iba. Not that ayaw ko magsalita, ayaw ko lang makipag-plastic.

Lunch time na kaya bumaba na kami patungong cafeteria. Nakita namin sina Charlisa at Sandie kasama sina Dylan, Gavin at Kendrick. Close na agad sila. Umupo na rin kami.

Nakiupo pa sina Blaze at Harley kaya nanahimik na lang ako.

"Akala namin susunduin niyo parents mo, Sands?" tanong ni Zally.

"Delayed daw. Mamayang hapon pa daw." sabi ni Sandie.

"Oh! I see." sabi ni Zally. "Order muna ako ha." paalam ulit niya. Nagkwentuhan lang sila hanggang sa nagsimula na kaming kumain.

"Hayaan niyo na 'yan. Hindi kasi mahilig makigpag-usap sa ibang tao' yan si Lei. Pero mabait naman siya." narinig kong sabi ni Angel kaya tiningnan ko sila na nakatingin lahat sa'kin.

"What?" tanong ko.

"Ba't ang tahi-tahimik mo?" nakangiting tanong ni Blaze na hindi ko inaasahan.

"Why do you care? Mind you own business." sagot ko para manahimik na.

"Sungit." bulong na naman ni Harley. Pasiring ko siyang tiningnan at nagpatuloy na sila sa kwentuhan.

"Akala talaga namin mga brat kayo gaya ng ibang mga students dito." sabi ni Kendrick.

"Yeah, may naririnig kasi kaming mga negative comments about you." segunda ni Gavin.

"Wag kasi kayong maniwala sa mga sabi-sabi d'yan sa tabi-tabi. Marami lang talaga kaming haters dito dahil diyan oh." tinuro pa ni Sandie si Zally gamit ang nguso niya.

"O, bakit ako? Hindi ko naman sila inaaway ah. Sinisita ko sila kaya sila nagagalit. Ayaw ko rin naman magpatalo no." si Zally.

"Hindi mo na kasi dapat pinapatulan kahit alam mong kasalanan nila.'Wag mo na kasing pakialaman." sabi pa ni Angel.

"Kawawa naman yung binu-bully nila kung ganun?" depensa ni Zally.

"Kaya ikaw na lang ang nam-bully? Lame reason, Zal. You should control your temper everytime you see someone na binu-bully." Angel.

"Tama na nga 'yan. Baka kayo na naman mag-away dalawa. Kumakain tayo oh, ano ba?!" inis na saway ko sa kanila kaya tumuloy na lang din sila sa pagkain.

"Kaya pala bully ang tawag sa'yo dito. Akala ko nambu-bully ka ng walang dahilan." komento ni Dylan. Tiningnan ko siya kasi parang may pagka-slang siya kung magsalita ng tagalog.

"Hindi noh! Sila ang bully. Pinagtatanggol ko lang yung inaapi nila. Kaya lang, ako pa rin yung ginagawang masama." sabi ni Zally.

"I didn't see anything bad when it comes to helping others. 'Wag lang yung sobra." si Dylan ulit.

"Hindi nga sobra... Yung tipong pagkakita mo dun sa tao eh may black eye na. Hindi sobra yung hindi na halos makalingon sa sobrang sakit ng leeg. Hindi talaga sobra yun." sarkastikong sabi ni Angel. Napanguso naman si Zally kaya nagtawanan lang sila.

"Malay ko bang magkaka black eye at stiff neck sila? Ang lalakas nilang mam-bully tapos hindi marunong lumaban." rason ni Zally.

"Tigil na nga sabi." saway ko ulit kasi naging sarcastic na si Angel. Baka mamaya mag away na naman. Kumain na lang sila.

"Maaga kayo bukas ah. Pagkatapos ng announcement gala tayo. My treat." aya ni Kendrick.

"Sige ba!" sagot nilang apat tapos tumingin sa akin.

"Okay." pabuntong-hiningang sagot ko.

Bumalik na kami sa classroom. Ni-remind lang naman kami about sa announcement bukas. Hanggang sa matapos ang klase.

Nagpaiwan sina Angel at Zally kaya nauna na akong umuwi. May pag-uusapan kasi ang classroom officers. Hindi na ako kailangan kasi muse lang naman daw ko.

Tinext ko si mama para sabihing magco-commute na lang ako pauwi. Maya-maya ay nag-ring ang cellphone ko.

"Hello ma?"

"Kaya mo bang mag-commute, baby?"

"Kayang-kaya, ma. Ako pa. Saka sanay naman na'ko. Ansakit kasi ng ulo ko eh."

"Okay ka lang ba, baby? Puntahan na kita ngayon.."

"Wag na, ma. May jeep na rin oh. Sasakay na ako ha. Bye. I love you."

"I love you too, baby. Take care."

Wala pa naman talagang jeep. Sa may kabilang kanto pa ang sakayan kaya maglalakad pa ako papunta dun. Habang nag-aabang ay umupo lang din ako sa may bench. Naramdaman kong may tumabi kaya tiningnan ko kung sino.

Si Harley.

***