//Warning⚠️ Please read at your own risk!
═ ∘◦❦◦∘ ═
Kung may listahan man ng mga bagay na ayaw ni Nox gawin, siguradong isa na roon ang paglalaro ng computer games. Ewan, ngunit tila walang kahit na amor sa kaniya ang ano mang laro sa panahon ngayon. Mas nais niya ang magkulong sa loob ng kuwarto, magbasa ng mga light novels na walang romance o kaya naman ay mga action mangas habang umiinom ng sobrang tamis na milk tea, o kaya naman ay fruit juice.
Isa na rin siguro ang pagpapalaki ng kaniyang mommy sa kaniya sa mga dahilan kung bakit hindi siya masyadong interesado sa mga gano'ng bagay. Strikto kasi ito dahil siya'y isang professor sa isang middle-class college sa kabilang bayan.
Lumaki si Nox na libro lamang ang tanging kaharap, 'buti nga ngayong dise-nuwebe na siya dahil mas may kalayaan na siya—hindi na siya pinagbabawalan ng internet at mas exposed na siya sa mas maraming media.
Ngunit sa mga oras na ito, kabaliktaran ng kaniyang mga salita, ay handa na siyang maglaro ng isang game. Tila kakainin niya na ang sariling mga salita.
Kasabay ng tunog ng kaniyang pag-tipa sa tipahan ay ang tunog ng kaniyang banayad na pag-hinga. Kunot-noo siyang nakatitig sa malaking logo sa gitna ng itim na background.
Hindi lang ito basta isang logo, kakaiba ito dahil sa malaking bungo na napapaligiran ng pulang mga rosas kasama matatalim na tinik at sa baba nito ay ang pangalan ng mismong game.
𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐓𝐨 𝐓𝐡𝐞 𝐀𝐛𝐲𝐬𝐬 𝐆𝐚𝐦𝐞!
Mas lalong kumunot ang noo ni Nox, tila hindi alam sa sarili kung tama ba ang kaniyang ginagawa. Sa katunayan, may rason kung bakit siya ngayon susubok mag-laro ng isang computer game.
Dahil ito sa kaniyang nakababatang pinsan na babae, na isang certified game livestreamer. Kaarawan kasi nito no'ng nakaraang linggo at dahil birthday niya, nangako si Nox na susundin ang isang utos galing sa dalaga, kahit ano pa man ito.
Sa huli, inutusan siya nito na sumubok ng isang game, at mag-bigay ng rebiyu upang makita ng nakakabatang pinsan at makatulong na rin sa pag-d-desisyon nito kung susubukan nga ba ang game o hindi.
Nox, who's always been gentle and kind to girls specially to his relatives—can no longer refuse.
'Yon ang dahilan kung bakit may silent war na nagaganap sa pagitan ni Nox at ng game sa kaniyang computer.
Sa huli, wala pa rin siyang nagawa kundi ang magpatuloy.
>>𝐋𝐨𝐚𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐦𝐞? 𝐘𝐞𝐬.
>> 𝐍𝐨𝐰 𝐥𝐨𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠. . . 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐰𝐚𝐢𝐭...
█▒▒▒▒▒▒▒▒▒
𝟐𝟎%
███▒▒▒▒▒▒▒
𝟓𝟎%
█████▒▒▒▒▒
𝟕𝟎%
███████▒▒▒
𝟏𝟎𝟎%
██████████
𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞!
𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐓𝐨 𝐓𝐡𝐞 𝐀𝐛𝐲𝐬𝐬 𝐆𝐚𝐦𝐞!
Nanlaki ang mga mata ni Nox nang biglang tumunog ang isang mapanglaw at katakut-takot na musiko, dahilan para tumaas ang kaniyang mga balahibo.
His right eyebrow keep twitching, one of the peculiar behaviors he has kapag siya ay naiinis, kinakabahan o sobrang nasisiyahan.
At sa pagkakataong ito, una sa tatlong 'yon ang kaniyang nararamdaman.
He isn't fond horror-themed contents. No, never.
Hindi siya magdadalawang-isip na sabihing matatakutin siyang tao, at sa 19 years na nabuhay siya sa mundo, bilang lang sa kamay ang mga horror-themed contents na na-consume niya. Wala naman siyang horrendous or terrifying back-story tungkol sa pagiging against niya sa horror, basta 'yun lang. Takot lang talaga siya.
Sino'ng nagsabi na bawal matakot ang isang lalaki sa horror? Wala naman 'di ba?
Nox bit his lower lip, staring at the black background interface. In the end, wala na rin naman siyang choice. Na-download niya na ang game at nabuksan niya na ito, sigurado rin siya na naghihintay rin sa kaniyang rebiyu ang kaniyang pinsan.
Bumuntong-hininga si Nox at bumulong, "Fine, let's do this sh*t."
𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐓𝐡𝐞 𝐀𝐛𝐲𝐬𝐬 𝐆𝐚𝐦𝐞! 𝐀𝐫𝐞 𝐲𝐨𝐮 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐭𝐨 𝐩𝐥𝐚𝐲? >> 𝐂𝐥𝐢𝐜𝐤 "▷" 𝐭𝐨 𝐩𝐥𝐚𝐲 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐦𝐞.
▷ ↺
𝐏𝐥𝐚𝐲 𝐑𝐞𝐥𝐨𝐚𝐝
Matapos i-tuned down ni Nox ang background music into zero, at agad niyang cli-n-ick ang "▷" option, matapos ang 3 seconds ay bagong mga salita ang lumabas sa interface.
『 𝐂𝐮𝐬𝐭𝐨𝐦𝐢𝐳𝐞 𝐀𝐩𝐩𝐞𝐚𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 』
『 𝐏𝐫𝐨𝐜𝐞𝐞𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦'𝐬 𝐝𝐞𝐟𝐚𝐮𝐥𝐭 𝐚𝐩𝐩𝐞𝐚𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 』
Nox clicked the first option, randomly selecting features before clicking save.
>>𝐘𝐞𝐲! 𝐘𝐨𝐮'𝐫𝐞 𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐚𝐬𝐭 𝐬𝐭𝐚𝐠𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐚𝐟𝐭𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐲𝐨𝐮 𝐚𝐫𝐞 𝐫𝐞𝐚𝐝𝐲 𝐭𝐨 𝐠𝐨.
𝐂𝐡𝐨𝐨𝐬𝐞 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐨𝐜𝐜𝐮𝐩𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧/𝐫𝐨𝐥𝐞 >>
『 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐨𝐫𝐞𝐫 』 『 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫 』
𝐍𝐨𝐭𝐞: 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐨𝐫𝐞𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫𝐬 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐬𝐞𝐚𝐫𝐜𝐡𝐞𝐬 𝐚𝐛𝐨𝐮𝐭 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐨𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐛𝐚𝐜𝐤𝐠𝐫𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐬𝐭𝐨𝐫𝐲 𝐨𝐟 𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐠𝐚𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐜𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞 𝐢𝐭. 𝐄𝐱𝐩𝐥𝐨𝐫𝐞𝐫'𝐬 𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐚𝐬𝐤 𝐢𝐬 𝐭𝐨 𝐝𝐢𝐬𝐜𝐨𝐯𝐞𝐫 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐦𝐞'𝐬 𝐦𝐚𝐢𝐧 𝐭𝐡𝐞𝐦𝐞. 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫 𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫𝐬 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐮𝐬𝐞𝐬 𝐭𝐡𝐞 𝐚𝐥𝐭𝐞𝐫𝐧𝐚𝐭𝐢𝐯𝐞 𝐰𝐚𝐲 𝐨𝐟 𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐦𝐞𝐬. 𝐅𝐢𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 "𝐤𝐞𝐲" 𝐨𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐥𝐞𝐚𝐫𝐚𝐧𝐜𝐞 𝐝𝐨𝐨𝐫.
Hindi mapigilan ni Nox ang mas lalong pag-kunot ng kaniyang noo. Kanina pa siya iritable kahit hindi naman siya ganito mabilis ma-badtrip. Pinagmasdan niya ang dalawang pagpipilian, at matapos ang ilang segundo ay pinili niya ang 『 Hunter 』option.
Nangitim ang buong screen, at umabot rin ng ilang segundo bago muling lumiwanag ang background. Sa muling pagbalik ng liwanag, iba nang tanawin ang nasa screen.
>> 𝐋𝐨𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐝𝐚𝐭𝐚... 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐰𝐚𝐢𝐭...
█ 𝟏𝟓%
██ 𝟑𝟎%
███ 𝟒𝟓%
████ 𝟔𝟎%
█████ 𝟕𝟓%
██████ 𝟏𝟎𝟎%
>> 𝐂𝐨𝐦𝐩𝐥𝐞𝐭𝐞!
>> 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐬𝐭𝐚𝐫𝐭 𝐢𝐧 𝟑...𝟐...𝟏...
Isang maliit na vintage room ang character, at dahil first person ang point of view, limitado ang nakikita ni Nox. He moved the mouse to the right and found an Oak door. Sa kaliwa naman ay maliit na bintana kung saan kitang-kita ang madilim at maulap na kalangitan.
Nox walked towards the table with a cabinet beneath, near the bed he "woke" up from. Sa lamesa ay may isang maliit at kulay itim na envelope. Pinulot ito ni Nox at dahan-dahang sinira ang wax seal nito.
>> 𝐘𝐞𝐲! 𝐘𝐨𝐮 𝐡𝐚𝐝 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐞𝐭𝐭𝐞𝐫! 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐫𝐞𝐚𝐝 𝐢𝐭 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐫𝐨𝐜𝐞𝐞𝐝 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞.
Nox ignored the message tsaka tuluyang binuksan ang envelope. Sa loob ay may isang letter, at tatlong misteryosong cards.
>> 𝐖𝐞𝐥𝐜𝐨𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐀𝐛𝐲𝐬𝐬, 𝐃𝐞𝐚𝐫 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫! 𝐘𝐨𝐮 𝐚𝐫𝐞 𝐧𝐨𝐰 𝐢𝐧 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐠𝐚𝐦𝐞, 𝐚𝐧 𝐅-𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞. 𝐈𝐭 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐪𝐮𝐢𝐞𝐭 𝐞𝐚𝐬𝐲, 𝐬𝐢𝐧𝐜𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐥𝐢𝐤𝐞𝐬 𝐧𝐞𝐰𝐛𝐢𝐞𝐬!
>> 𝐓𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦 𝐠𝐚𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐞 𝐟𝐫𝐞𝐞𝐛𝐢𝐞𝐬 𝐰𝐡𝐢𝐜𝐡 𝐚𝐫𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐝𝐬.
>> 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐝 #𝟏: 𝐈𝐭𝐞𝐦 𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐱 𝟏
>> 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐝 #𝟐: 𝐅𝐨𝐨𝐝 𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐱 𝟏
>> 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐂𝐚𝐫𝐝 #𝟑: 𝐖𝐞𝐚𝐩𝐨𝐧 𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐱 𝟏
>> 𝐈𝐧 𝐨𝐫𝐝𝐞𝐫 𝐭𝐨 𝐤𝐧𝐨𝐰 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐭𝐚𝐢𝐥𝐬 𝐨𝐟 𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐜𝐚𝐫𝐝, 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐥𝐢𝐜𝐤 "𝐂𝐚𝐫𝐝 𝐃𝐞𝐭𝐚𝐢𝐥𝐬". 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐧𝐨𝐭𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐞𝐚𝐜𝐡 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐜𝐚𝐧 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐛𝐞 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐨𝐧𝐜𝐞, 𝐚𝐧𝐝 𝐜𝐚𝐧 𝐨𝐧𝐥𝐲 𝐛𝐞 𝐮𝐬𝐞𝐝 𝐢𝐧𝐬𝐢𝐝𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐦𝐞.
>> 𝐘𝐨𝐮𝐫 𝐭𝐚𝐬𝐤: 𝐅𝐢𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 "𝐊𝐞𝐲".
>> 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐧𝐨𝐭𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐞 "𝐤𝐞𝐲" 𝐜𝐚𝐧 𝐚𝐩𝐩𝐞𝐚𝐫 𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐲 𝐟𝐨𝐫𝐦. 𝐈𝐭 𝐜𝐚𝐧 𝐚𝐩𝐩𝐞𝐚𝐫 𝐚𝐬 𝐡𝐮𝐦𝐚𝐧, 𝐠𝐡𝐨𝐬𝐭, 𝐚𝐧𝐢𝐦𝐚𝐥𝐬 𝐨𝐫 𝐧𝐨𝐧-𝐥𝐢𝐯𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐢𝐧𝐠.
>> 𝐘𝐨𝐮, 𝐚𝐧𝐝 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐟𝐞𝐥𝐥𝐨𝐰 𝐡𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫𝐬 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐞 𝐝𝐚𝐲𝐬 𝐭𝐨 𝐟𝐢𝐧𝐝 𝐭𝐡𝐞 "𝐤𝐞𝐲". 𝐈𝐟 𝐧𝐨𝐭 𝐟𝐨𝐮𝐧𝐝 𝐰𝐢𝐭𝐡𝐢𝐧 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭—𝐢𝐭'𝐬 𝐠𝐚𝐦𝐞 𝐨𝐯𝐞𝐫.
>> 𝐈𝐭'𝐬 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐭𝐨 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐲𝐨𝐮𝐫 𝐭𝐞𝐚𝐦𝐦𝐚𝐭𝐞𝐬! 𝐆𝐨 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐥𝐨𝐮𝐧𝐠𝐞 𝐚𝐧𝐝 𝐦𝐞𝐞𝐭 𝐭𝐡𝐞𝐦 𝐭𝐡𝐞𝐫𝐞.
>> 𝐆𝐨𝐨𝐝𝐥𝐮𝐜𝐤, 𝐃𝐞𝐚𝐫 𝐇𝐮𝐧𝐭𝐞𝐫!
Gaya nga ng sabi sa sulat, bumukas ang pinto sa right side ni Nox, habang may gumagalaw na malaking green arrow palabas ng pintuan.
Nilagay ni Nox ang envelope sa kaniyang bulsa at kalmadong lumakad sa tinuturong mga direksyon ng arrows. Nang makarating siya sa "lounge" ay do'n niya naabutan ang limang tao.
Tatlong babae at dalawang lalaki. Isa sa mga babae ay nakadamit pang estudyante, habang ang isa naman ay tila isang superhero sa suot nitong itim na latex leggings, at itim na leather suit, pinaresan pa itim na platroom boots.
Hindi pa rin talaga nawawala ang pagiging adik ng mga tao sa pag-d-dress up inside the games.
Kung naka-cool type superhero attire naman ang isa sa mga babae, naka-cosplay naman ang pinaka-huli sa kanilang tatlo.
Pamilyar ang suot nitong damit.
Yiang JanLi¹!
Isang karakter sa isang sikat na chinese novel na madalas basahin ni Nox.
Nalipat ang tingin ni Nox sa lalaking pinaka-malapit sa babaeng cosplayer.
Isang office worker. May kataasan ito at mukhang nasa 30's palang ang edad. Sa tabi naman ng office worker ay isang teenager, maraming piercings at tattoo-an ngunit may malawak at inosenteng ngiti.
"Ikaw na ang huli 'di ba? Anim lang tayo?" Saad ng babaeng naka-latex leggings.
Tumango naman si Nox habang pinagmamasdan ang paligid. Alam niyang siya ang huli dahil sa malaking numero sa ulo ng mga tao sa harap niya.
1/6, 2/6, 3/6, 4/6, 5/6.
Isa lang ang ibig sabihin nito. Si Nox ang 6/6.
Lumakad papalapit ang binatang may mga tattoo ay inilahad ang kaniyang kamay kay Nox. "Hi, ako si Demitri, puwede mo akong tawaging Demi. Ikaw?"
Nox silently typed: "Knight." Gaya ng ginawa ni Demi ay inilahad din niya ang kamay. Hindi siya 'yung tipo na madalas ibigay ang pangalan sa kakilala. Fake names are there for a reason, right?
"Oh, Nice to meet you Knight. Happy cooperation?"
Nox nodded tsaka binawi ang kaniyang kamay. "Likewise."
Nagpakilala rin ang iba pang tao sa lounge. Ang babae sa latex leggings ay nagpakilala bilang Amy, ang highschooler girl na medyo low-key ay nagpakilala bilang Dakota. Ang cosplayer naman ay nagpakilala bilang si Susy. Ang lalaking office worker naman ay tumango lamang habang nakatingin sa kaniyang relo. "Horsen." Malumanay nitong pagpapakilala.
Umabot lang ng ilang minuto ang introduction sa isa't isa.
"Okay, since kilala na natin ang isa't isa, let's officially start the game?"
"Sure."
Walang imik na pinanood ni Nox sina Amy, at nakita niyang may kinuha itong Card. Nang makita niya ang pangalan nito, hindi mapigilan ni Nox ang pag-taas ng kaniyang kilay.
𝘎𝘢𝘮𝘦...𝘖𝘱𝘦𝘯𝘦𝘳...𝘊𝘢𝘳𝘥? 𝘞𝘩𝘢𝘵'𝘴 𝘵𝘩𝘢𝘵?
𝘐𝘴 𝘪𝘵 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘪 𝘢𝘮 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘪𝘵 𝘪𝘴?
𝘚𝘰 𝘵𝘩𝘦𝘳𝘦'𝘴 𝘦𝘯𝘵𝘪𝘳𝘦𝘭𝘺 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘤𝘢𝘳𝘥 𝘶𝘯𝘥𝘦𝘳 𝘥𝘪𝘧𝘧𝘦𝘳𝘦𝘯𝘵 𝘤𝘢𝘵𝘦𝘨𝘰𝘳𝘺?
𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐎𝐩𝐞𝐧𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐫𝐝: 𝐀 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐨 𝐜𝐡𝐨𝐬𝐞𝐧 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫 𝐛𝐲 𝐭𝐡𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦. 𝐓𝐡𝐢𝐬 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫 𝐩𝐥𝐚𝐲𝐞𝐫𝐬 𝐟𝐫𝐨𝐦 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐚𝐭𝐡𝐞𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐚𝐫𝐞𝐚 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐝𝐞𝐬𝐭𝐢𝐧𝐞𝐝 𝐠𝐚𝐦𝐞 𝐥𝐨𝐜𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧. 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐭𝐚𝐤𝐞 𝐧𝐨𝐭𝐞 𝐭𝐡𝐚𝐭 𝐭𝐡𝐢𝐬 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐟𝐨𝐫𝐜𝐢𝐛𝐥𝐲 𝐭𝐚𝐤𝐞𝐧 𝐚𝐰𝐚𝐲 𝐢𝐟 𝐭𝐡𝐞 𝐡𝐨𝐥𝐝𝐞𝐫 𝐢𝐬 𝐧𝐨𝐭 𝐟𝐨𝐥𝐥𝐨𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭. 𝐓𝐡𝐞 𝐜𝐚𝐫𝐝 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐛𝐞 𝐠𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐨 𝐭𝐡𝐞 𝐧𝐞𝐱𝐭 𝐩𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐜𝐡𝐨𝐬𝐞𝐧 𝐛𝐲 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦.
>> 𝐆𝐢𝐯𝐞𝐧 𝐭𝐢𝐦𝐞 𝐥𝐢𝐦𝐢𝐭 : 𝟑 𝐦𝐢𝐧𝐮𝐭𝐞𝐬 𝐥𝐞𝐟𝐭. 𝐖𝐨𝐮𝐥𝐝 𝐲𝐨𝐮 𝐥𝐢𝐤𝐞 𝐭𝐨 𝐮𝐬𝐞 𝐆𝐚𝐦𝐞 𝐎𝐩𝐞𝐧𝐞𝐫 𝐂𝐚𝐫𝐝?
Tumingin si Amy sa ibang kasama. Nang makita niya ang pagsang-ayon ng iba ay tahimik siyang sumagot.
"Yes."
>> 𝐋𝐨𝐚𝐝𝐢𝐧𝐠... 𝐏𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐰𝐚𝐢𝐭...
>>𝐈𝐧𝐢𝐭𝐢𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫...
>>𝐓𝐫𝐚𝐧𝐬𝐟𝐞𝐫 𝐰𝐢𝐥𝐥 𝐜𝐨𝐦𝐦𝐞𝐧𝐜𝐞 𝐢𝐧 𝟑...𝟐...𝟏...
Then the screen turned black once again. Ilang segundo bago muling bumalik ang liwanag sa interface ng game. Pagbalik ng screen, isang malaking uwak ang sumalubong kay Nox, he even moved his body away because of instinct.
"D*mn birds." Bulong pa niya. Lumingon-lingon siya at nakita ang bagong lugar kung saan sila maglalaro.
It's a dark and gloomy castle, not even a speck of life can be seen, at papaligiran din ito ng madidilim na ulap. Sa tabi ni Nox ay naroon si Demi.
"Holy molly, Dark Castles na naman? Ayoko pa naman kapag ganito mga settings. Sigh..." Usal pa ni Demi habang kinakamot ang kaniyang dyed na buhok. Tinignan siya ng masama ni Susy na puno ng akusasyon.
"Tumahimik ka nga, tanim ka na naman ng tanim death flags, kaya ikaw una namamatay e."
"Pake mo ba? Humph, 'pag ako nanalo ililibre mo ako lunch for entire one week, ano? Bet?"
"Ayaw ko nga. Ewan ko sa'yo..."
𝘏𝘮, 𝘴𝘰 𝘵𝘩𝘦𝘺 𝘬𝘯𝘰𝘸 𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳 𝘪𝘯 𝘳𝘦𝘢𝘭 𝘭𝘪𝘧𝘦? Nox pursed his lips.
Dumating na rin sina Amy, at ang iba pa kaya naman muling ibinalik ni Nox ang tingin sa madilim na kastilyo.
Malayo pa lang naninindig na ang kaniyang mga balahibo.
"So tara na? We don't have that much time."
Si Amy ang nag-volunteer bilang lider ng grupo kahit walang verbal agreement. Sa ganitong instances kasi, madalas mga confident lamang sa sarili ang madalas kumuha ng leadership habang ang iba naman ay nais maging core members lang ng team.
Walang imik na naglakad ang grupo papunta sa tarangkahan ng kastilyo. Habang papalapit sila ng papalapit, ay mas lalong lumilinaw ang tingin ni Nox sa kung ano o sino ang nasa harap ng tarangkahan.
"Here comes the small boss," bulong ng nakangiwing si Demi. Pinagmasdan naman ni Nox ang "small boss" na tinutukoy ng binata.
A butler, or to be more precise—the footman², commonly in any aristocratic era.
"Good evening, Dear Guest. Welcome to the Middleton Manor. The Master is waiting for you inside, please follow me." Bati ng footman sa kanila ng sila ay makalapit. Pingmasdan ni Nox ang footman galing ulo hanggang paa, and what makes him interested was the footman's weird smile.
Ito 'yung tipo ng ngiti na hinding-hindi mo dapat pagkakatiwalaan. There's a bit of evilness and wretched ideas in it.
'Buti na lang dahil 3D lang ito at hindi makatotohanan, nabawasan ang takot sa puso ni Nox.
Dinala sila ng footman sa loob ng kastilyo, nakilala rin nila ang Master ng Middleton castle. Within the "3 days" ay ekta sina Nox ng maraming clues upang mabuo ang puzzle at mahanap nila ang "key". Demi was eliminated the next day, at sumunod naman si Dakota.
In the end, Mistress Middleton's ruby necklace was the "key" to victory.
At kung isa-summarize ang buong kuwento, ito ang pinaka-maliit na version.
A plague attacked the whole kingdom, and even the nobles weren't spared. Isa sa mga natamaan ng sakit ay ang pamilya ng Middleton. Ngunit, taliwas sa inaasahan ng lahat, tila may milagrong nangyari sa Mistress ng Middleton family.
Mrs. Middleton wasn't affected by this plague. It lead people to believe na gumagamit itim na mahika si Mrs. Middleton.
Everything is out of control—people, commoners and even nobles...pinag-kaisahan nila ang pamilyang Middleton at puwersahang hinuli si Mrs. Middleton.
Itinali siya sa kahoy ay sinilaban, at kahit pa gaano kalakas ang apoy na kumain sa buong katawan ng babae ay nakaligtas pa rin ito. Mas lalong lumakas ang paniniwala ng lahat na isa siyang mangkukulam.
Putting her in a pig cage, they let her drown on a very deep water—and unfortunately, hindi na kinaya pa ni Mrs. Middleton ang torture na sinapit at tuluyan na siyang nalagutan ng hininga.
The Middleton Family was stripped by their noble titles, and all of it was enough for the Master of Middleton family to go insane.
Gaya ng paratang ay nag-aral si Mr. Middleton ng itim na mahika, and he cursed the whole kingdom—turning them into puppets. Even the Royal Family wasn't spared. The players had to avoid certain things upang hindi sila mamatay, gaya ng h'wag uminom o kumain ng pagkain na hinanda ng Middleton Castle, ang pag-labas ng kuwarto after 11PM, at ang pag-hawak sa mga portrait ni Mrs. Middleton.
The only thing that can repel the evil in Mr. Middleton's heart is his late beloved wife's necklace.
It was a very sad yet cliche story in horror stories, but it was enough to make Nox bit resentful.
Sa kabilang banda kasi, may mga parte ang istoryang ito na totoong nangyari no'ng unang panahon.
Mga inosenteng babae na sinusunog o nilulunod dahil sa hindi mga makatotohanang akusasyon.
Hindi mapigilan ni Nox ang mapa-inat ng kaniyang mga muscles. Ilang oras din ang ginugol siya sa pag-lalaro, he was actually very surprised na inabot siya ng ilang oras sa paglalaro.
Tumayo siya at inunat ang kaniyang kamay, kinusot-kusot ang mata dahilan para kumislap ito at mamula dahil sa naipong luha. He sighed and took his phone from the table.
There's actually text messages, huh? At sino naman ang nag-t-text?
⇒〖 𝐅𝐫𝐨𝐦: 𝐏𝐞𝐚𝐜𝐡𝐲 :) 〗
< 𝐅𝐫𝐢 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟑, 𝟐𝟎𝟐𝟏. >
⇒〖 𝐒𝐨, 𝐡𝐨𝐰 𝐰𝐚𝐬 𝐢𝐭 𝐤𝐮𝐲𝐚? 〗
Nox rolled his tired eyes. Hindi niya na magawang mag-tipa pa sa kaniyang cellphone dahil nangangalay na ang kaniyang mga kamay. Hindi pa naman kailangan ni Peachy ang rebiyu until Monday, may ilang araw pa naman si Nox hindi ba?
He just feel so tired and sleepy. Unknowingly, unti-unting pumikit ang mga mata ni Nox, at kasabay ng kaniyang tuluyang pag-lipad patungong dreamland ay ang biglang pag-bukas ng kakasara pa lamang na laro. Ang dating hindi gumagalaw na bungo sa logo ay tumatawa, habang ang mapupulang rosas na nakapaligid dito ay unti-unting nagiging likido—dugo.
The lights flicked on and off.
Pinalibutan ng ilaw ang katawan ni Nox, at tila ba parang cubes na hinihigop ng computer ang kaniyang katawan—hanggang sa tuluyan na siyang maglaho...
𝐒𝐮𝐧 - 𝐀𝐩𝐫𝐢𝐥 𝟐𝟓, 𝟐𝟎𝟐𝟏. 𝐍𝐨𝐱 𝐁𝐞𝐜𝐤𝐞𝐫, 𝟏𝟗 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝. 𝐌𝐢𝐬𝐬𝐢𝐧𝐠.
“Updates will be irregular, and will probably slow. Thanks for giving this story your time and support. ❤️