webnovel

CHAPTER 6

Chapter 6

Nagising akong nilalamig ang katawan. Pagmulat ng mga mata ko, nalaman kong nakababad ako sa bath tub na puno ng bula at petals ng rosas.

"Donovan," ang salitang unang lumabas sa bibig ko.

Tumingin ako sa paligid. Natampal ko nalang ang noo ko nang ma-realize na hindi na naman ako gumising sa realidad.

Isa pa, hindi ko alam kung paano ako napunta dito the fact na natulog akong nasa madilim na kulungan at katabi si Donovan. Umalis ako sa bath tub and when I did, natapon ang bula sa marmol na sahig. Nagtungo ako sa harap ng malaking salamin. Agad akong kumuha ng tuwalya at itinalapi sa aking katawan. Muli kong pinagmasdan ang sarili ko. I look grown up a bit. I don't look like fresh high school student anymore, but a college one. I look like I'm 18... where in Epiphany book, Callista got officially engaged with Donovan and that's where the plot begun.

Nanlambot ang mga tuhod ko nang maisip ko iyon hanggang sa nawalan ako ng balanse sa pagtayo. Nasagi ko ang basin at gumawa ito ng malakas ng ingay. I heard someone's heavy steps and the door opened.

"Prinsesa Callista."

Natulala ako nang makita si Zane. He doesn't look so young anymore.

He looks almost the same as the boyfriend I have in reality.

Nahuli kong namula ang mga pisngi niya at nag-iwas ng tingin.

"Ayos lang po ba kayo, prinsesa?" tanong niya habang nakatingin sa malayo.

He now looks like a royal guard. Mahaba ang buhok niya na nakatali at may espadang nakakabit sa kanyang likuran. And then na-realize kong nakatuwalya lang ako. Bigla ay binalot ako ng kahihiyan.

"A-ayos lang ako, pwede ka ng umalis."

Tumango siya at nag-bow bago umalis. He barely can look me straight into my eyes.

Hinayaan kong ma-explore ng sarili ko ang mga kaganapan at mga bagay bagay sa mundong ito. Natutunan kong humawak ng espada, sumakay sa kabayo at kung paano gumamit ng pana. Still, wala akong maisip kung paano makakaalis. Habang tumatagal ay lalo akong kinakabahan... na baka hindi na ako makabalik sa tunay kong mundo.

During midnight, nakaugalian ko nang magbasa basa ng libro. Nagbabakasakaling may mahahanap akong sagot rito.

Kumuha lang ako ng iilang libro sa malaking library at lumabas ng palasyo para magpunta sa Pink Palace. Nilagay ko ang mga libro sa rattan bag at sumakay sa kabayo ko. May dala rin akong lamp dahil madilim. Unlike modern world na maraming street lights, dito ay wala masyado. Doon lang banda sa kaharian nakapalibot ang mga ilaw ng poste.

Tumakas lang ako.

Hindi ko alam kung bakit tuwing gabing gising ako ay hindi ako mapirmi. Gusto kong lumabas. So I decided to read here instead.

Ang shunga ko lang at hindi ko chineck ng maigi ang lamp. May mga natutuklasan na ako sa libro nang bigla namang mamatay ang sindi ng lampara. Para akong biglang binalot ng kadilim. Saka ko na-realize kung gaano ka-creepy ang lugar nang nilibot ko ang paningin at halos wala akong makita.

Kinapa ko ang mga libro at binalik sa bag para umalis. Pagtayo ko ay nagulat ako dahil saktong may lamparang tumambad sa harapan ko.

Sandali akong natigilan habang nakatingin sa dumating.

Si Zane.

Nakasuot siyang may hood. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang nakataas ang kamay na may hawak na lampara.

"Masyadong delikado umalis mag-isa lalo na sa hating gabi, Callista."

Napa-nganga ako sa sinabi niya. He really is not treating me like a princess when I am in this place. Napangiti naman ako. Nakaka-overwhelm na kasi minsan masyado ang sobrang respeto at special treatment ibinibigay ng mga tao sa akin dito as if kung sampalin ko sila sa mukha ikagagalak pa nila.

Napatingin sya sa bag na dala ko.

"Kung mayroon akong maitutulong, sabihin mo lang. Gagawin ko lahat para sa'yo."

Sobra akong nabigla sa sinabi niya.

He's my personal guard at trabaho niyang bantayan ako 24 hours (tumatakas lang talaga ako minsan), at hindi na ako magtataka kung napansin man niya na kung ano ano ang hinahanap ko sa library at kung ano ano ang mga tinatanong ko kay Ami at sa iba pa. I'm looking for some relevant info that will guide me to go back to my original world.

Wala namang nakakahalata o nagtaka manlang bakit minsan ay random ng mga tanong ko, o siguro hindi nalang nila pinapansin at sinasagot nalang ako — perks of being a princess. Not even Ami nagtaka kung bakit weird ng mga tanungan ko na minsan pati sya ay napapaisip.

Then, may nabasa ako kanina sa libro.

May mga nakapagsabing sa Tanni Puquio ay may sikretong lagusan papunta sa kabilang mundo. Puquio is an irrigation system built by Tarean engineers. It stopped functioning sa di malamang dahilan. Marami ang nagsasabing dahil may gumalaw ng mahika at ito ay kinatatakutang puntahan.

May kwento pa na nagtangka silang silipin ang sinasabing pinto at ang kanilang natanaw ay ang apoy na dagat na puno ng mga taong nag-iiyakan at humihingi ng saklolo.

Hindi ko sigurado kung totoo ito, at kung makakatulong ito sa pag-alis ko rito. Ngunit paano ko malalaman kung hindi ko susubukan, hindi ba?

Pinapanood lang ako ni Zane habang nag-iisip ako ng malalim.

Humangin ng malakas at medyo nagulo nito ang buhok ko.

"Mabibigyan mo ba ako ng impormasyon tungkol sa Tanni Puquio?"

Nasaksihan ko kung paanong manlaki ang mga mata niya.

"Prinsesa Callista, anong binabalak mo?"