webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
54 Chs

Sweet Moment

Alas nuwebe ng umaga nang magising si Theo. Pagkabangon niya ay agad siyang dumiretso sa kusina at doon ay naabutan niya si Rina na naghahain na ng almusal. Umupo siya at nangalumbaba at walang buhay na tiningnan ang mga pagkaing nakahain doon. Ganoon palagi ang set up nilang dalawa sa umaga. Dideretso siya sa kusina, uupo at maghihintay na ipaghanda siya ni Rina ng makakain.

"Gutom na ako," aniya.

"Kumain ka na."

"Ikaw? Hindi ka pa ba kakain?"

"Mauna ka na, may gagawin pa ako."

"Kumain ka na."

"Mama—"

"Isa," pinutol ni Theo ang sasabihin pa sana ni Rina pagkatapos ay tumitig nang masama sa babae. Kung tatanggi itong sabayan siyang kumain muli ay siya mismo ang magsusubo ng pagkain dito.

"Oo na nga," napipilitang sagot naman ni Rina.

"Rina..."

"O?"

"Rina..."

"O? Ano ba 'yon?"

"Rina..." Nagdadalawang-isip si Theo kung itutuloy niya ba ang sasabihin.

"Ano nga 'yon?"

"Mahal kita."

Halata naman ang pagkagulat sa mukha ni Rina dahil sa hindi inaasahang sasabihin ni Theo sa kanya. Pero mas pinili niyang ngumiti na lamang sa lalaki. Gusto niyang maniwala na mahal nga talaga siya nito subalit nangangamba pa rin siya na baka hindi lamang alam ng lalaki ang sinasabi.

"Kumain na tayo," sabi na lamang niya.

"I love you."

"Tigilan mo ako, Theo."

"I really do."

Pilit mang iniiwasang paniwalaan ang sinasabi ng lalaki, may bahagi ng puso niya ang natutuwa habang pinapaulit-ulit sa kanyang utak ang sinabi ng lalaki.

"Kumain ka na, baka gutom ka lang. O baka gusto mo ng kape? Mukhang inaantok ka pa at 'di pa alam kung ano'ng pinagsasabi mo," pagbibiro ni Rina sa lalaki.

"It's true. I really love you."

"E?"

"I love you."

Paulit-ulit na sinasabi sa kanya ni Theo ang salitang 'I love you' kaya sa huli, naisip niyang sakyan na lamang ang sinasabi nito. Nagbabakasakali na totoo ngang mahal siya ni Theo.

"Oo na. Mahal din kita," sagot niya na ikinabuga naman ng hangin ng lalaki na animo'y nakahinga nang maluwag dahil sa kanyang sinagot.

"Let's eat," anito.

Magkasabay silang kumakain subalit halata pa rin ang ilangan sa dalawa kung saan ay napapaiwas ng titig si Theo kay Rina kapag napapatingin din ito sa gawi niya. Ganoon din ang ginagawa ni Rina, napapatingin siya sa ibang direksyon kapag si Theo naman ang tumititig sa kanya. Para silang mga bata na hiyang-hiya sa atensyon ng bawat isa.

"Rina..."

"Ano?"

"Huwag ka munang maglinis ng bahay."

"Ha? Bakit naman? Marami pa akong dapat gawin. Matatambakan ako ng gawain kapag hindi ko pa iyon nagawa ngayon. Nagsunod-sunod din kasi ang pag-alis natin sa mansion nitong nakaraang mga araw kaya wala na akong panahon na gawin ang mga trabaho rito."

"Basta, magpahinga ka ngayon," pagdidiin ni Theo sa salitang pahinga subalit hindi makatitig ng diretso kay Rina. "Samahan mo akong manood ng movie."

"Manood? Ano naman ang panonoorin natin? Beauty and the Beast?" pang-aasar ni Rina. Halata naman ang pamumula sa pisngi ni Theo sa alaalang minsan niyang nagustuhan ang kwento na iyon noong bata pa siya.

"Kahit ano. Kung gusto mong panoorin ang Beauty and the Beast, pwede naman."

"Pero marami pa kasi akong labahan, Theo," paliwanag ni Rina.

"You love me right? Ba't ayaw mo akong pagbigyan?"

Nakanguso si Theo nang sinasabi iyon na ikinatuwa ni Rina. Minsan lang umakto nang ganoon ang lalaki kaya naninibago talaga siya. Kung bata ito ay matagal na niyang pinisil ang mga pisngi nito dahil sa pagiging cute nito sa paraan nang paglalambing.

"Oo na, sige na. Sasamahan na kita." Ngumiti si Rina. 'Sino ba naman ang hindi makakatanggi sa taong ito. Minsan lang 'to maglambing kaya pagbigyan na.'

Ang kaninang busangot na mukha ni Theo ay napalitan nang malawak na ngiti na mas lalong ikinangiti rin ni Rina. Ang makitang masaya si Theo ay malaking bagay na rin sa kanya. Kung hindi lamang talaga siya nakapagpigil ay marahil natuloy niya na ang pagpisil sa pisngi nito. 'This is the cute side of Theo na minsan niya lang makita.' Marahil dahil nag-iisa lamang ito sa mansion nang mahabang panahon, gutom na gutom ito sa atensyon.

Matapos kumain ay sandali munang naghugas ng pinagkainan si Rina. Kinukulit pa nga siya ng lalaki na mamaya na iyon gawin subalit sa huli ay napilit din niya ito. Sa inip sa paghihintay sa kanya, napilitan na lamang ang lalaki na tulungan siya. Ito ang nagpunas ng mga plato na naanlawan na niya.

Pagkatapos nilang maghugas ay agad siyang hinawakan sa kamay ni Theo. Ni hindi pa nga siya nakakapagpunas nang maayos ng kamay ay nahuli na iyon ng huli at hinila siya papunta sa silid nito.

Binuksan agad ng lalaki ang malaking tv screen na halos kasukat lamang ng kama nito. Inayos nito iyon agad at naghanap ng mga movie na pwede nilang panoorin.

"Ano bang magandang panoorin?" tanong ni Theo na halatang nangangapa kung paano dadalhin ang moment nilang iyon sa isa't isa.

"Ikaw na bahala."

"Ito kaya?" tanong muli nito at nakatingin sa horror movie na pinamagatang 'Haunted Mansion.'

"Ikaw bahala."

Napahawak naman sa baba si Theo at napaisip. "Sure?"

"Oo naman, kahit Beauty and the Beast pa ang panoorin natin," pagbibiro ulit ni Rina.

Sa huli, napagkasunduan nga nila na panoorin ang 'Beauty and the Beast'. Binibiro lang naman ni Rina si Theo subalit hindi niya akalaing sasakyan ng lalaki ang biro niya. Sabagay, wala namang masama kung iyon ang panonoorin nila. Hindi naman iyon pinagbabawal sa matanda. 'Ang mahirap ay 'yong bata ang nanonood ng mga palabas na pangmatanda.' Nasapo ni Rina ang noo sa kalokohang pumasok sa kanyang isipan. Tinuon niya na lamang ang paningin sa screen kung ay nagsisimula nang ipakita kung sino ang mga tauhang gumanap bilang si Beauty at bilang Beast.

Samantala, kung kailan focus na si Rina sa palabas ay saka pa siya ginulat nang matinding elektrisidad nang sandaling hindi sinasadyang mapatong ni Theo ang kamay nito sa kamay niya nang umupo ito. Noong tangkang aalisin niya na sana ang kanyang kamay, maagap nito iyong hinawakan nang mahigpit.

Nilingon ni Rina si Theo na nakatuon na rin ang mga mata sa screen. Mayamaya pa ay unti-unti na rin nitong binaba ang ulo sa kanyang balikat. Naisip niya na baliktad man ang sitwasyon dahil siya dapat ang hihilig sa balikat nito, napangiti na rin siya dahil sa pagiging malambing ni Theo sa araw na iyon.

Gusto niyang tumagal ang moment nila ni Theo. Gusto niyang mas maging masaya pa sa piling nito. Sana nga lang ay hindi na matapos ang oras na iyon. Sana ganito na lamang sila palagi ni Theo sa isa't isa dahil kung magpapatuloy iyon, baka tuluyan na rin niyang paniwalaan si Theo na mahal talaga siya nito.

"Huwag ako ang panoorin mo, Rina."

Nagbalik si Rina sa sarili nang mapansing kanina pa pala siya nakatingin kay Theo. Namumula ang pisngi niyang binalik ang tingin sa screen.

"Sorry na, Theo," biro na lamang din niya upang makatakas sa kahihiyan.

"Ayos lang naman sa 'kin," seryosong sagot din ni Theo na binalik din ang tingin sa screen na kanina'y naalis noong mapansin ang pagtitig ni Rina.

"Ikaw na," natatawa niyang sabi.

"Oo ako na talaga. I love you, Rina."

Napalunok si Rina nang paulit-ulit bago nakakuha ng boses na sagutin din ang lalaki. "Mahal din kita, Theo," aniya sa mahinang boses. 'Sana totoong mahal mo talaga ako dahil ayoko ring isipin na kalokohan lamang ito.'

Special Mention to Maricel_Apa. Salamat sa pagbabasa. ^_^

Salamat sa inyong lahat mga ka-Encha. Again, habang naghihintay ng update ni author, baka gusto ninyong basahin ang "WIN OVER MR. PERFECT". Completed na ito.

Salamat po and God bless sa lahat. :)

Teacher_Annycreators' thoughts