webnovel

Enchanted in Hell (Tagalog)

Pipiliin niya bang ikulong ang sarili sa lugar kung saan naniniwala siyang may kaligayang naghihintay sa kaniya? Paano kung ang kaligayahang hinahanap niya ay mula sa taong mas masahol pa sa isang demonyo?

Teacher_Anny · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
54 Chs

Better and Bitter

Lumabas si Rina at nagpakita kay Theo sa silid kung saan nakalagay ang minamahal nitong collection. Kasalukuyang naghahalo ng alcoholic drinks si Theo subalit napahinto ito nang makita siya.

"For real? Wala ka bang ibang damit?" tanong nito sa kaniya. 

Nakaramdam naman siya ng pagkapahiya dahil inulit niya na naman ang damit na sinuot niya noong nagpunta sila sa Marikina. Iyon lang kasi talaga ang matino niyang damit na semi-formal. Kung mayroon lang siyang ibang damit, hindi na niya isusuot iyon.

Nabigla rin siya sa plano nina Theo. Ni hindi man lang nito sinabi sa kaniya nang maaga na aalis pala sila para magpunta sa LED hotel sa Manila. Mabuti na lang talaga at nakapaglaba siya agad ng damit kung hindi ay baka mas lalo siyang walang masuot.

"Ito lang kasi ang maayos kong damit," sagot niya.

Tinungga ni Theo ang laman ng kaniyang baso at lumabas na sa silid. Eksakto namang ang pagdating ni Cliff. Aakbay pa sana ang pinsan nito subalit mabilis iyong iniwasan ni Theo.

"Let's go," agad-agad na yaya nito.

"Ang sungit mo talaga, Insan," natatawa na lang na sabi ni Cliff. 

Tahimik lang na sumusunod si Rina sa magpinsan hanggang sa makarating sila sa main door. Paglabas nila ay bumungad na sa tapat ng pintuan ang kotse ni Cliff kaya pumasok na sila agad.

Pareho silang nakaupo sa likod ni Theo.

"Cliff, dumaan muna tayo sa mall," utos ni Theo.

"Aba, aba, aba. Kailan ka pa nagka-interes sa mall a? Naisip mo pa talagang mag-shopping. Ang laki na talaga ng pagbabago mo, Insan," saad ni Cliff na sa daan pa rin ang tingin.

"Basta, dalhin mo ang kotse roon," seryosong utos muli Theo sa pinsan na mukhang tamad na tamad ding magpaliwanag pa kay Cliff.

Hindi maiwasan ni Rina ang mapangiti. Kahit papano ay nakikita niya nang nagsasalita si Theo. Noong unang dumating siya sa mansion ay limitado lang talaga ang sinasabi nito. Nakita niya rin ang improvement nito. Unti-unti na nitong nakakasanayan ang buhay sa labas. Hindi tulad ng una na sobra ang pagkatakot nito.

Bumaba sila sa parking lot at pumasok sa mall. Nagulat pa si Rina nang hawakan siya ni Theo sa kamay at nauna sila kay Cliff sa paglalakad. Dinala siya ni Theo sa stall ng mga damit. Maraming magagandang damit doon. Mga dress na iba-iba ang style at may mga detalyadong burda. Napatingin si Rina sa mga mannequin na nabibihisan ng iba't ibang kulay ng damit. May kulay pula, lila at rosas. Napapangiti na lamang siya habang hinahawakan ang laylayan ng dress. Bagay iyon sa human size mannequin subalit hindi niya alam kung babagay iyon sa kaniya.

"Hindi 'yan bagay sayo," pagsasabi ng totoo ni Theo kaya sinamaan niya ito ng tingin. Alam naman niya na hindi talaga bagay sa kaniya iyon subalit hindi na nito kailangan pang ipamukha sa kaniya ang salitang iyon.

"What? I'm just stating the fact..." Nagbaba si Theo ng tingin sa kaniyang dibdib. "And stating my observation."

Napahawak siya sa kaniyang dibdib na para bang may makakakita noon. Hindi naman kalakihan ang dibdib niya pero masasabi niyang mayroon siyang maipagmamalaki kahit papano.

"Umayos ka, Theo," sabi niya rito.

"Watch your mind. Kung ano man 'yang laman ng utak mo sigurado akong iba 'yon sa laman ng utak ko ngayon," mariing sabi nito kaya inalis niya ang pagkakatakip sa kaniyang dibdib. Inayos niya ang sarili bago humarap dito.

"Ano ba kasi ang ginagawa natin dito?" tanong niya at napasilip kay Cliff na nasa malayo at nagpapa-impress sa ibang mga saleslady. Binalik niya ang tingin kay Theo.

"Pumili ka ng mga damit."

"E? Bakit? Wala akong ipambabayad diyan."

"Tss. Hindi mo naman babayaran," sabi nito.

"Ano pala? Libre mo?" sagot niya saka lumawak ang pagkakangiti.

"Babayaran ko..."

Lumapad lalo ang ngiti niya sa narinig.

"Babayaran ko muna pero ibabawas ko sa sahod mo."

Nahampas niya si Theo. "Grabe ka. Ayokong gastusin ang pera ko para sa mga gamit na hindi ko naman kailangan," paliwanag niya. "Hangga't maaari ay tinitipid ko ang sahod ko."

"Why?"

Mapait siyang ngumiti bago sumagot, "Para kay Mama. Matagal na kasi itong may iniinda sa katawan," sagot niya.

"Why don't you just bring her at the hospital?"

"Noong magday-off ako noong nakaraan, pilit niyang pinapakita sa akin na ayos lang siya pero huling kita ko sa kaniya bago ako magsimulang magtrabaho sa inyo ay panay ang inda niya dahil may sumasakit daw sa katawan niya."

"That's sad. Then go ahead, mamili ka na ng limang damit. Ako na bahala."

"Huwag na, nakakahiya naman. Sige na, ibawas mo na lang sa sahod ko," nauutal na sabi niya.

"I insist. Hindi ko rin naman mapapakialam ang sahod mo dahil hindi naman ako ang nagpapasahod sa 'yo. It's my dad. Kaya pumili ka na."

Wala nang nagawa si Rina kundi ang mamili ng damit. Nagpatulong pa siya sa saleslady na mamili ng damit dahil wala siyang alam sa fashion.

Una niyang sinukat ang dark brown na dress. Sleeveless at A-line dress iyon. Humarap siya kay Theo.

"I don't like that. You look like old lady...Hindi pala, you look like a fried fish," sabi ni Theo kasabay ng paglipad ng laylayan ng dress niya dahil sa pagtama ng hangin sa electric fan sa puwesto niya. Agad naman niyang pinigilan ang pagtaas ng dress subalit patuloy pa rin iyon sa paggalaw dahil sa hangin. Tama nga si Theo, lalong nagmukhang buntot ng isda ang suot niya nang gumalaw-galaw iyon sa hangin. Para bang lumalangoy iyon sa tubig. Pumasok siya muli sa loob ng dressing room.

Sunod naman na pinasukat sa kaniya ng saleslady ang sleeveless dress. Mahaba iyon at malapit nang umabot sa kaniyang talampakan. Pulang-pula ang kulay ng dress at mahaba ang slit na halos umabot na sa kaniyang balakang. Lumabas muli siya sa dressing room at nagpakita kay Theo.

"Not that. You look like a hotdog."

Napatingin naman siya sa slit ng suot niyang damit dahil tumitig din doon si Theo. Sa sobrang haba ng hiwa ng dress ay lumalantad na ang kaniyang hita. Nagmukha nga siyang hotdog na may hiwa at pulang-pula. Mabilis niyang tinakpan ang hita at pumasok muli sa dressing room.

Sinuot niya ang pangatlong dress na binigay ng saleslady sa kaniya. Siguro naman sa pangatlong pagkakataon ay okay na iyon sa mata ni Theo. Light brown ang kulay niyon, tube at bubble style dress na kalahati lang ng kaniyang hita. Hinawi niya ang kurtina at nagpakita muli kay Theo. 

Malapit na siyang mayamot sa lalaki. Para bang pinaglalaruan siya nito. Ang mas lalo niya pang kinainis ay ang pagsuri nito sa kaniya mula ulo hanggang paa sa tuwing magpapalit siya ng damit. "Ito?" mahahalata na ang inis sa tono ng boses niya.

"I don't like that. You look like a fried chicken."

Sa inis niya ay wala sa sarili niyang hinagis ang mga dress na sinukat niya sa direksyon ni Theo. Nasalo naman nito lahat iyon.

"Hindi ako pagkain, Theo! Kung ano-ano na atang nabubuo diyan sa utak mo!" malakas na sabi niya. Lumapit si Cliff sa kanila. Napakibit-balikat na lamang ito nang makita si Rina na para bang isang tigre na inagawan ng pagkain.

"It's not my fault na iyon ang nakikita ko. Again, I'm only stating the fact."

Hindi niya pinansin si Theo sa halip ay humarap siya sa saleslady. "Miss okay na itong tatlo," sabi niya at saka tumuro pa ng dalawang dress na malapit sa kanila. "At saka iyon...kukuhain na rin namin pati iyon."

Kinuha naman ng saleslady ang tinuro niya at pagkatapos dumiretso na sa counter. Hindi niya na hinubad ang suot niya. Kanina pa siya nayayamot sa kakapabalik-balik sa loob ng dressing room. Ayaw niya na ulit bumalik doon para magpalit.

Mabilis siyang naglakad papunta sa parking lot nang mabayaran na ang damit. Nauna rin siyang pumasok sa loob ng kotse. Wala na siyang pakialam kung ano pa ang maging komento sa kaniya ng magpinsan. Kahit sino naman siguro ay maiinis kung gagawin sa kaniya ang bagay na iyon!

Nang makapasok ang dalawa ay napansin niya pa ang pagngiti-ngiti ni Cliff. "Ginalit mo si Rina, Theo," pang-aasar ni Cliff sa pinsan.

"Shut up, Cliff. Hindi ko na kasalanan kung hindi marunong ang isa diyan tumanggap ng katotohanan."

"Ay sus, kunyari ka pa pero nakita kita kanina na titig na titig sa katawan ni Rina habang suot-suot ang damit," walang prenong sabi ni Cliff na ikinahiya ni Rina dahil harap-harapan siyang pinag-uusapan ng magpinsan.

"Now I know kung bakit gusto mo ng ganoong style..." Tumingin kay Rina nang seryoso si Theo.

"Bakit?"

"Kasi hotel ang pupuntahan natin. You want to impress and to serve as a model of our hotel. Sabagay, masarap talaga ang sini-serve na pagkain sa hotel," seryosong sabi ni Theo.

Hindi niya alam kung green-minded lang siya pero habang sinasabi iyon ni Theo ay kung ano-ano ang pumapasok sa isip niya. Lalo na nang marinig ang salitang 'pagkain' at 'hotel'. Nadagdagan pa ang imahinasyon niya nang maalala kung paano siya ikumpara ni Theo sa mga ulam noong nagsusukat siya ng dress—pritong isda, hotdog at fried chicken.

"Ang dumi ng utak mo, Theo!" naiirita niyang sabi. Napatakip naman siya ng bibig nang ma-realized ang sinabi niya.

"Ow! Ang dumi raw!" pang-aasar pa lalo ni Cliff kasabay nang malakas na pagtawa.

"Maybe that word is really for you," sagot ni Theo kay Rina.

Napahawak naman si Rina sa hita ni Theo nang biglang iliko ni Cliff ang kotse.

"Tama na ang lover's quarrel. Nandito na tayo," sabi ni Cliff at saka pinarada ang kotse.