webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Kill #21

CHARACTERS NAME PROPER PRONUNCIATION

Eyz Miracle Sarino- Eys Miracle Sarino

Chail Solindez- Cha-yel Solindez

Breil Anxir Enrico- Breyl An-xer Enrico

Dajiel Rio- Da-shel Riyo

Sier Xyjo Leondale- Si-yer Say-diyo Leondale

Chiro Castalano- Shi-ro Castalano

Lixon Ver Cerio- Lik-son Biyer Ser-yo

Daria Jane Angeles- Dari-ya Jane Angeles

Asura Yama Morticia- As-ra Yah Mor-ti-sya

Emari Sandra Smith- Em-ri Sandra Smith

Note: Hindi ko na sinama ang mga may madaling name pronunciation, like Watch and Kevin.

*****

Kinabukasan...

Nagising ang grupo nila Eyz dahil sa nakakabinging alarm, natataranta silang bumangon at nagmamadaling pumunta sa C.R. at naghilamos, hindi na sila nakaligo dahil sa alarm sinabayan pa ito nang paulit-ulit na boses na nagsasabing tapos na ang kanilang pananatili sa bahay.

Nang makababa ay pare-pareho silang hindi maayos ang itsura, mga halatang puyat pa at kailangan pa nang tulog. Si Eyz na buhat si Eyxciel habang nakasimangot at si Watch na nagpupunas pa nang muta.

Si Dajiel naman ay hindi man halata dahil poker face pa rin siya, ay naiinis din dahil sa pang-iistorbo sa tulog niya.

"Eyz Miracle Sarino, Watch Fernandez and Chiro Castalano. You can now answer the question before you leave the house. Two more mistakes and you're all dead."

Nawala ang kanilang antok sa narinig. Bumalik sa kanilang ala-ala na maaari nang mawala ang kanilang buhay anumang oras.

"K-kaya niyo 'yan, Guys. Just answer honestly." Pagpapalakas nang loob ni Sier sa tatlo na kinakabahan din.

Kapag dalawa sa kanila ang nagkamali ay patay silang lahat.

"Fighting!" Malakas na sigaw ni Yera.

"Madali lang naman siguro 'yan." Si Breil.

"Kaya nga, wala ngang kwenta ang itinanong satin kahapon e." Natatawang pagsang-ayon ni Lixon.

"Sana nga gano'n lang din ang sa kanila, kasi 'di ba? 'yung kay Dajiel ay mali daw ang sagot." Si Kairon.

"Oo nga pala." Si Daria.

"For the first question, you must answer this correctly Watch Fernandez."

Agad na dumoble ang kaba ni Watch.

"Who's your parent?"

"Eh?"

"5..."

"Mellisa Fernandez and William Fernandez." Sagot ni Watch. Nawala ang kaba dahil sa simpleng tanong.

"Wrong. One more mistake and you're all dead."

Napatingin sila kay Watch na nakanganga.

"A-anong wrong? T-tama ako!" Protesta ni Watch. "Mas marunong ka pa sakin!" Sigaw niya ulit. Mas marunong pa sila sa kaniya.

"Tama ako! Marunong ka pa sakin!" Inis na sigaw ni Watch.

"For the second question, you must answer this correctly Chiro Castalano."

Sunod na kinabahan si Chiro. Habang si Watch naman ay walang tigil sa pagprotesta na hindi daw mali ang sagot niya. Tinakpan na nila Sier ang bibig ni Watch. Masyado na siyang maingay.

"Where is your parents?"

"T-they're already dead." Nakatungong sagot ni Chiro. Natahimik naman sila do'n, kahit si Watch na kanina lang ang walang tigil sa pagsasalita ay natigil na.

"Correct. Third question, you must answer this correctly Eyz Miracle Sarino."

Kung kinabahan ang naunang dalawa kay Eyz, mas triple ang kaba ni Eyz. Sa kaniya nakasalalay kung mabubuhay pa ba sila.

"Do you know someone who's name is Shaki Nina Cruz."

Nagtaka sila nang makita ang galit sa mga mata ni Eyz. Napatanong sila sa sarili kung bakit bigla na lang nagalit si Eyz.

"5..."

"4..."

"Eyz! Sagot na!" Natataranta nilang sigaw.

"3..."

"Eyz! Ano ba? Sagot na! 'Wag kang tumunganga d'yan!" Sigaw ni Watch.

"2..."

"Eyz! Ano bang nangyayari sayo?" Problemadong sigaw ni Watch.

"Tang'na!!!! Oo, meron. Satisfied?" Malakas na sigaw ni Eyz na nagpatahimik sa kanila.

"Correct. You can now leave. I hope you enjoyed your stay here."

Bumukas na ang pinto at saktong pagkalabas nilang lahat ay sumarado ito. Tahimik lang silang naglalakad, walang umiimik at walang may balak na basagin ang katahimikan.

Hindi pa rin nila maintindihan kung bakit gano'n na lang ang iniasta ni Eyz kanina. Alam naman nila na may attitude problem si Eyz, pero iba kasi 'yung nangyari kanina. Para siyang may pinaghuhugutan nang galit. Weird 'di ba?

Sa sobrang tahimik ay hindi na nakatiis pa si Asura. "So... Pwede ba na sumama kami sa inyo hanggang matapos ang laro?" Napatingin sa kaniya ang lahat, kasama na do'n si Eyz na galit pa rin at ang poker face pa rin na si Dajiel.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ni Watch. "I mean, wala naman kaming maitutulong sa inyo. Baka nga mapahamak lang kayo e."

"Wala lang." Walang kwentang sagot ni Asura. Napag-usapan kasi nilang lima na sumama na lang sa grupo nila Eyz. Gusto lang nila dahil nagsasawa na din silang makita ang mukha nang isa't-isa. At gusto din naman nilang matulungan sila Eyz dahil tinulungan din sila nito.

"Ha? Sige, sige. Kung 'yan ang gusto niyo." Wala nang choice na sagot ni Watch. Hindi niya naman gustong ipagtabuyan ang lima.

"Talaga? Salamat." Masayang saad ni Asura. Napailing naman ang apat niyang kasama sa reaksyon ni Asura, para itong sinagot nang nililigawan niya sa sobrang OA nang reaksyon ni Asura.

"Tsk." Si Eyz. Hindi na niya pinansin pa ang mga kasamahan na naging abnormal na ulit.

"Ano nga pala ang quest niyo?" Tanong ni Kyrie sa kausap nitong si Watch.

"May hinahanap kaming kwintas." Kinuha ni Watch sa bulsa nang suot na khaki short ang envelope at ipinakita ito kay Kyrie. "Ang hirap 'no?" Tumango si Kyrie kay Watch.

"Mahirap nga."

"Ano ang sa inyo?"

"Ha? Kailangan lang namin pumatay nang isang estudyante." Natigil ang asaran, nawala ang maingay na tawanan at nahinto si Eyz sa pakikipaglaro kay Eyxciel.

Napatingin silang lahat kay Kyrie.

Tumawa si Kyrie sa reaksyon nila Eyz. "Chill lang kayo guys, hindi naman kayo ang target namin. Kaway lang namin ang papatayin namin." Nakahinga sila nang maluwag.

"Actually kayo talaga ang una dapat naming target." Agad na bumalik ang kaba sa grupo nila Eyz. Umatras sila sa grupo nila Kevin. "Pero... Dahil pinatuloy niyo naman kami sa bahay na tinuluyan niyo ay maghahanap na lang kami nang bagong target." Natatawang dugtong nito. Sa pangalawang pagkakataon ay nakahinga sila nang maluwag.

"Pero kung hindi niyo naman kami tinulungan ay kayo ang target namin." Dugtong pa ulit nito.

At do'n nagpasalamat sila sa pagiging mabait ni Watch, at dahil na din si Watch ang nagbukas. Kung si Eyz siguro ang nagbukas nang pinto, ay baka sila na ang naging target nila Kevin.

Hindi na nakasagot pa sila Eyz nang may makita silang mga kalalakihan na mga payat, at mukhang adik. Nang liliko na dapat sila, ay biglang tumingin sa kanila ang isa sa mga lalaki.

Lumapit ito kaya naman napaatras sila, humarang si Eyz at Watch sa harapan nang mga kasama. Habang 'yung lima naman ay nanatili lang na nakatayo. Hindi sila natatakot, sanay na sila sa ganitong eksena. Wala na silang nagawa pa nang palibutan sila nang mga ito. Nakangisi ang mga ito habang nakatingin kay Eyz.

Kinilabutan si Eyz dahil do'n, may hindi siya magandang pakiramdam sa tingin na 'yon. Napamura si Watch sa isip, wala na silang kawala. Kahit na mas marami pa sila ay hindi pa rin nila alam kung makakaya ba nila ang sampung taong ito, payat man ang mga ito, may dala naman itong mga kahoy, baseball bat at kutsilyo.

"Anong kailangan niyo?" Lakas loob na tanong ni Watch. Kinakabahan man ay nagtagumpay siya na itago ito.

"Mga bata, hindi naman tayo magkakaroon nang problema kung ibibigay niyo lang siya." Nakangisi nitong turan at itinuro si Eyz. Napamaang si Eyz, ang pagkakatanda niya ay wala siyang ginawang kasalanan sa mga ito. Hindi pa naman siya tanga para makipag-away sa mga ito, itsura pa lang ay alam na niya na walang gagawing maganda ang mga ito.

"Bakit naman?" Tanong ulit ni Watch. Sa isip ay tinatanong kung ano namang gulo ang pinasok ni Eyz at gusto siyang kunin nang mga goons na ito.

"Sabihin na lang natin na kailangan namin nang laruan nang mga tropa ko." Nakangising sagot nang leader nang mga humarang sa grupo nila Eyz.

Napamura naman nang malutong si Eyz sa isip, ang alam niya ay hindi siya laruan. Oo, mukha siyang barbie pero hindi naman siya laruan. Humihinga siya at may buhay.

Ready nang murahin ni Eyz ang mga humarang sa kanila nang biglang magsalita si Kevin.

"Sige, sa inyo na 'yan. Wala namang silbi samin 'yan e. Basta paalisin niyo kami nang maayos dito."

"PRES.!!!" Hindi makapaniwalang sigaw ni Watch. Ang akala pa naman niya ay maganda ang ugali ni Kevin, hindi niya alam na masama pala talaga ang ugali nito.

Nanlilisik ang matang tiningnan ni Eyz si Kevin na blangkong nakatingin lang sa kaniya. Hindi na nakasagot pa si Eyz nang biglang senyasan na nang leader ang mga kasamahan nito na kunin siya.

Inihanda ni Eyz ang sarili sa paparating na gulo. Hindi siya papayag na makuha na lang siya nang basta, magkamatayan man sila.

Matira matibay at sisiguraduhin niya na siya ang matitira.

***