webnovel

Eirlo University

Eyz Miracle Sarino is a badass. She punched and kicked. Fighting is her hobby. Slap her and she will punch you. Curse her and she will kick you. Because of her badass attitude, she got kick out for twenty times. Until she found a creepy University, with a creepy people. At first she find it interesting, not until the killing start. Will she be able to survive? Will she last? Or she will die. Welcome to Eirlo University where survival is a must. May you survive.

SunnyApril · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Kill #19

"Two more mistakes and you're all dead. You will root inside the house, with no food and water. And one of the catcher will come and kill all of you."

Natahimik silang lahat, and once again ay nagsisi sila kung bakit mas pinili pa nila na pumasok sa bahay. Hindi nga sila namatay sa labas nang bahay, baka sa loob naman sila mamatay.

"Enjoy your stay."

Kalahating oras din silang tahimik, kahit ang maingay na si Lixon ay walang masabi. Hindi nila alam kung kaya ba nilang i-enjoy ang pag-stay nila sa bahay. Sino ba naman kasi ang makakapag-enjoy kung alam mo na bukas ay maaari kang mamatay dahil sa maling sagot.

"Bakit hindi na lang kaya natin hanapin ang kwintas? Malay niyo ay nandito 'yon." Suhestiyon ni Watch na sinang-ayunan nilang lahat. Tumayo sila at unang naghanap sa mga drawer, nang walang makita ay sunod silang naghanap sa mga kwarto.

Habang abala ang grupo ni Eyz sa paghahanap…

Si Kevin naman at ang kaniyang apat na ka-grupo— apat lang talaga dahil 'yon ang gusto niya. Bahagi din kasi nang privileged nila ang pumili kung ilan ang magiging ka-grupo nila. Dalawang beses na din kasi silang nakakaligtas sa Death Game. Hindi nila matatawag na swerte 'yon dahil talaga namang pinaghirapan nila ang mga ginawa nila para makaligtas, hindi nila ito iniasa sa swerte.

Dahil kung sa swerte lang si kakapit, walang mangyayari sa kanila at baka hindi na sila tumagal pa nang dalawang taon.

Seryosong nakatingin lang sa dinadaanan nila si Kevin, hindi pa rin mawala sa isip niya ang pang-aasar sa kaniya ni Eyz.

"Kevin, alam mo ba kung sino ang ka-grupo ni Israfel?" Basag ni Kyrie sa katahimikan na naghahari sa kanila. May hawak itong maliit na bola na patuloy nitong ibinabato at sasaluhin.

"Panigurado naman na mag-isa na naman ang isang 'yon, just like for the past two years." Sagot ni Emira kay Kyrie sa maldita nitong tono. Hindi naman ito ang tinatanong pero siya ang sumagot, alam niya naman kasi na hindi din sasagutin ni Kevin ang tanong ni Kyrie dahil badtrip ito.

"Right. Bakit pa ba ako nagtatanong?" Napakamot sa batok niya si Kyrie. Na-realize na wala din namang silbi ang itinanong niya.

Tama naman kasi si Emira, sa dalawang taon na nakalipas ay wala silang nabalitaan na may naging ka-grupo si Israfel, palagi na lamang itong nag-iisa. Himala nga at nakatagal pa ito nang dalawang taon.

Nang tinanong naman nila ang Headmistress tungkol sa pagiging solo ni Israfel ay wala itong ibinigay na sagot sa kanila.

Wala na daw silang pakialam do'n at hindi na daw nila dapat pa itong problemahin. Curious sila dahil do'n, pero hindi na sila nagsiyasat pa. Dahil ayon nga sa kasabihan ay 'Curiosity kills the cat' at hindi nila gustong mapahamak dahil lang sa curiosity na naramdaman.

At isa pa ay madami din silang dapat na problemahin at hindi kasama do'n si Israfel. Alam naman ni Kevin na bilang isang Student Council President ay responsibilidad niya ang mga kamag-aral, pero wala naman sila sa normal na paaralan na mga academics at activity ang pinagtutuunan nang pansin.

Hindi niya din ginusto ang maging President dahil sakit lang 'yon sa ulo, napilit lang talaga siya nang Headmistress.

"Anong gagawin natin ngayon? It's to early to do the quest." Naiiritang tanong ni Angelica sa mga kasama.

"Maybe we can find a house to stay?" Suhestiyon ni Asura.

"Good idea." Simpleng sagot ni Kevin.

Sumang-ayon din ang tatlo kaya naman nagsimula na silang maghanap nang matutuluyan.

"But… The questions." Nag-aalangan na saad ni Emira. Naalala niya kasi na bago sila makapasok sa isa sa mga bahay ay kailangan nilang sumagot sa mga tanong nito.

"Right. I almost forgot about that." Si Angelica.

Napatigil sila sa paglalakad at napaisip. Ayaw nilang sumagot sa mga tanong dahil alam nila na mga personal na tanong ang itatanong sa kanila. May mga sikreto silang pinapangalagaan at ayaw nilang mabunyag ito kahit pa na magkakaibigan sila.

"Anong gagawin natin?" Problemadong tanong ni Asura sa mga kasamahan na wala ring maisip na sulusyon katulad niya.

"Maki-share na lang kaya tayo?" Suhestiyon naman ni Kyrie.

"Kanino naman?" Ang tanong ni Emari.

"'Yan ang problema. Wala naman tayong close friend e." Si Asura. Kinakatakutan din kasi sila nang mga estudyante dahil dalawang beses na silang nakaligtas. Hindi naman sila nananakit nang kapwa estudyante, kaya naman hindi nila alam kung bakit kailangan pa silang katakutan.

"Kung sinong grupo na lang ang makita natin na may nakuha na, do'n tayo tumuloy. Gawin na din natin ang quest natin." Suhestiyon ni Emari. Sumang-ayon naman sila dahil do'n, magandang ideya ang naisip ni Emari. May matutuluyan na silang bahay, magagawa pa nila ang quest na ibinigay sa kanila.

Hindi rin nagtagal ay may nakita silang bahay, may nakalagay na 'occupied' sa pinto nito. Nagkatinginan ang lima at tumango sa isa't-isa. Si Asura ang nanguna at pinindot ang doorbell.

Hindi nagtagal ay bumukas ang pinto. Nagkatinginan sila nang makita ang nagbukas, isa ito sa kasama nang nakasagutan ni Kevin kanina lang.

"Pres.?" Nagtatakang tanong nito.

"Hello." Matamlay na bati ni Kevin.

"Anong… Kailangan niyo?" Nagtataka pa rin nitong tanong. Hindi niya alan kung anong Kailangan nang Student Council members sa kanila.

Nagkatinginan sila Kevin, na para bang nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Ikinataka 'yon ni Watch, para kasing mga baliw ang nasa harapan niya. 'Di kalaunan ay umiling si Kevin, senyales na hindi nila gagawin ang quest sa grupo nila Eyz.

"Sorry kung naabala ka pa namin." Paumanhin ni Asura.

"Okay lang, wala rin naman akong ginagawa."

"Anyways, we just want to know if you already had a partner?" Tanong ni Asura.

Nangunot ang nuo ni Watch, bakit kailangan nilang malaman kung may partner na siya? Interesado ba ito sa kaniya? Pero lalaki ito? Kasama ba ito sa federasyon?

"Ha? Wala, single ako pero may crush ako. At straight din ako pre." Agad na sagot ni Watch nang maisip na baka nga kasama sa federasyon ang kausap.

Nagkatinginan ang lima, nagtaka si sinabi ni Watch. Siguro ay baguhan pa lang ito, pero bakit kailangan pa nitong sabihin na straight siya? Weird.

"What i mean is 'yung ka-share sa house." Paglilinaw ni Asura.

"Gano'n ba? Akala ko kung ano na." Natawa si Watch. Kung ano-ano pa ang iniisip niya, 'yun lang pala ang ibig-sabihin. Pero bakit kasi hindi nila nilinaw? Napag-isipan niya pa tuloy nang iba ang kausap.

"Wala pa. Bakit mag-a-apply ba kayo?" Nakangiting tanong ni Watch sa kausap.

"Kung ayos lang sa inyo." Kunwaring nahihiyang saad ni Asura na ikinailing ng mga kasama niya.

"Ayos lang naman." Masayang saad ni Watch. "Ang problema ay sampu lang ang kwarto dito." Kapagkuwan ay malungkot nito saad.

"Pwede naman kami sa sofa matulog." Si Kyrie.

"Sure?" Paniniguro ni Watch.

"Yes." Tumango-tango pa si Kyrie at Asura para masiguro si Watch na ayos lang sa kanila ang matulog sa sofa. Ang dalawang babae naman ay hindi man sang-ayon ay wala rin silang magagawa, mas gugustuhin pa nila ang matulog sa sofa keysa matanong nang mga personal na tanong.

"Sige." Nilakihan ni Watch ang pagkakabukas nang pinto. "Pasok kayo." Pagkapasok nila ay agad nilang nakita ang siyam na taong nakaupo sa sahig, nanonood ang mga ito nang anime.

"Anong pinapanood nila?" Curious na tanong ni Asura kay Watch.

"'Yan ba? One Piece 'yan." Tumango si Asura. Hindi kasi siya mahilig sa mga anime kaya hindi niya alam.

"Sa'n niyo nakuha 'yan?" Tanong ulit ni Asura.

"Sa cabinet." Nakangiting sagot ni Watch. "Guys!" Sigaw ni Watch. Masyadong malakas 'yon kaya napalayo sila kay Watch. Lumingon naman sa kanila ang mga busy sa panonood na sila Breil.

"Sino sila?" Ang tanong ni Yera.

"Hindi ko din alam." Natatawang sagot ni Watch. Napakamot pa siya sa batok.

"Eh? Bakit mo pinapasok?" Tanong naman ni Kairon.

"Makiki-share daw sila sa atin." Sagot ni Watch.

"Pero wala nang bakanteng kwarto." Si Daria.

"Okay lang daw sila sa sofa matulog." Kibit-balikat na sagot ni Watch.

"Bakit ka naman pumayag?" Sigaw ni Kairon na ikinagulat nila. Hindi ba ito sang-ayon sa desisyon ni Watch? Bakit naman? Wala naman silang nakikitang masama do'n. "Dapat ang magandang dalaga katulad nang dalawang kasama niyo ay hindi pinapatulog sa sofa. Do'n na sila sa kwarto ko, do'n ako sa kwarto ni Breil matutulog." Nakahinga sila nang maluwag.

Akala nila ay galit si Kairon dahil sa pagpapatuloy nila sa lima, galit lang pala ito dahil sa sofa nila papatulugin ang dalawang magandang dalaga daw na kasama ni Kevin.

Habang si Chiro at Breil naman ay ramdam ang pagseselos nang katabi nila— si Yera. Nakaiwas ito nang tingin at nakanguso. Napangisi sila sa isa't-isa, confirm may feelings pa si Yera kay Kairon. Si Kairon naman ay hindi nila alam kung meron pa ba, mahirap kasing basahin ang mga kilos ni Kairon.

"Ano nga pa lang pangalan niyo? Si Pres. lang kasi ang kilala ko sa inyo." Kapagkuwan ay tanong ni Watch.

"Angelica Dela Cruz."

"Emari Sandra Smith."

"Asura Yama Morticia."

"Tunog maarte." Natatawag singit ni Watch. Napahinto siya sa pagtawa nang makitang nakatingin sa kaniya ang lahat. Nag-piece sign siya. "Sorry."

"Kyrie Palomero."

"Kevin San Gabriel."

Sunod na nagpakilala sila Watch.

"Watch Fernandez."

"Chail Solindez."

"Breil Anxir Enrico."

"Lixon Ver Cerio."

"Daria Jane Angeles."

"Yera Shane Lopes."

"Sier Xyjo Leondale."

"Chiro Castalano."

"Kairon Troi Lee."

Napatingin sila kay Dajiel nang hindi ito magsalita sa nanatili lang na nanonood.

"Siya si Dajiel Rio. Pagpasensyahan niyo na siya, masungit talaga 'yan parang si Eyz lang." At nagtawanan sila Watch.

"Anong kagaguhan 'to?"

***