Chapter 7 - Siblings
ZIRO
Walang kahirap-hirap na napigilan ni Dalhina ang mabilis kong pag-atake. Tiningnan niya ako ng masama na para bang hindi niya nagusto ang ginawa ko. "Panira!," bigla nya akong binalibag at kasabay non ang pagtapak niya sa aking tiyan. "Sisiguraduhin kong mamamatay ka!"
"Ikaw ang mamamatay saating dalawa Dalhina!"tinawanan lang niya ako na para bang minamaliit lang niya ako.
"Wala kapa sa lebel ko Ziro," tiningnan niya ako saglit ngunit umiwas din. "Isa kalang bibwit na nagpapakabayani"
Hinawakan ko ng mahigpit ang paa niya at pilit iyong tinatanggal ngunit sadyang mas malakas siya saakin. "Hindi kaba naaawa sa kapatid mo?!" Napatingin naman siya kay Sandro habang ang mga mata niya ay walang emosiyon.
"Walang puso ang mga demonyo," mas diniinan pa niya ang pag-apak saakin at halos mapasigaw ako sa sobrang sakit. "Hindi na ako nakakaramdam ng ano mang damdamin! At hinding-hindi na iyon mangyayari!"
Natumba bigla si Dalhina dahil sa espadang bigla nalamang sumaksak sa kaniyang tiyan. Pati ako ay hindi ko iyon inaasahan.Napadako ang atensiyon ko sa taong gumawa noon at laking gulat ko kung sino iyon "R-riku?!" Hindi makapaniwala kong sabi. Bakit sila nanditong lahat? Tinulungan ako ni Miya'ng tumayo at gamit ang healing magic niya ay pinagaling niya ang mga gasgas at pasa ko."Anong ginagawa nyo dito?"
"Para iligtas ka Kuya, alam mo bang nag-aalala sayo ng sobra si-" hindi na siya pinatapos ni Riku dahil binatukan niya agad ito.
"Nasa laban pa tayo" pag papaalala ni Riku kay Miya. Napatungo-tungo naman ang bata dahil sa takot kay Riku.
Napatingin kami kay Dalhina na tinanggal ang espadang nakatusong sa kaniyang tiyan at ibinato iyon sa kung saan. "H-hindi ako matatalo sa mga tulad niyong mahihina! Isa ako sa tatlong Heneral kaya walang makakapigil saakin!" Bigla nalamang binalot siya ng isang itim na Aura at ramdam mo ang napaka lakas na kapangyarihan, katulad ito sa Aura ng Demon lord na siyang nakaharap ko kanina "Kailangan kong maging malakas! Mas malakas!" Sa sobrang lakas ng Aura na nilalabas niya ay napapalayo kami dahil sa lakas ng hangin.
Eto naba ang totoo niyang kapangyarihan, kung kanina ay hindi ko siya mapigilan paano pa kaya ngayong eto na ang orihinal niyang lakas?
Basta-basta nalamang niya kaming napatalsik kahit hindi na man niya kami nalalapitan. Sapat na ang enerhiyang lumalabas sa kaniya upang pabaksakin kaming lahat. Napatingin ako sa mga kasama ko na 1 HP nalang ang natitira. Hindi rin magamit ni Miya ang kaniyang kapangyarihan dahil sa sakit ng katawan. Ano nang gagawin ko? Napatingin ako sa HP bar ko na hindi man lang nabawasan. "P-panong?"
"P-pasensya kana Z-ziro" laking gulat ko nang makita si Sora na nakangiti saakin habang nakahiga sa bisig ko. "Dyosa!" Nanghihina ito dahil ginamit niya ang kapangyarihan niya upang protektahan ako.
"B-babalik din ang lakas ko" ipinikit nito ang mata niya kung kaya't inihiga ko siya sa sahig upang magpahinga. Hindi ko sasayangin ang sakripisyo niya, papatayin ko si Dalhina upang makaganti.
Hinanda ko ang aking dagger at tumakbo pasulong upang atakihin siya kaso may malakas na enerhiya na pumipigil saaking atakihin siya. Muli kong sinubukan ngunit hindi ko kaya, ang kapangyarihan na nararamdaman ko kanina lang ay naglaho a unti-unting bumabalik ang dati kong kapangyarihan. "Papatayin kita katulad ng ginawa ko sa ama mo!" Nanlaki ang mata ko nang banggitin niya ang mga salitang iyon. Para bang may kung ano akong nararamdaman sa puso ko na sobramg sakit, halos mapahawak ako sa aking puso at namilipit sa sakit.
"Aughh!" Napaluhod nalamang ako napayuko dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ano bang nangyayari saakin?! Parang dinudurog ang puso ko, parang pinipiga hanggang sa madurog hirap nadin ako sa paghinga dahil parang nauubos ang hangin sa katawan ko.
"Ate!," Napatigil si Dalhina nang tawagin siya ni Sandro. Halos habulin ko ang hininga ko at napaubo pa na may kasamang dugo. "Uulitin mo nanaman ba?! Gagawin mo nanaman ba kung anong ginawa mo Samin?!" Napatingin ako kay Sandro na nangingilid ang luha. Si Sandro ba talaga ang kaharap ko?
"Oo! Uulit-ulitin ko hanggang sa ako na ang maging pinaka malakas sa buong mundo-" isang hindi makapani-paniwalang pangyayari ang nasaksihan ko ngayon. Ang Demon Lord ay sinaksak si Dalhina gamit ang kaniyang matutulis na kuko. "B-bakit?"
"Isa kang malaking hangal kung inaakala mo na mas malakas ka saakin" hinugot niya ang kamay niya sa dibdib ni Dalhina habang hawak ang puso nito. "Wala kapa sa kalingkingan ko Dalhina, sa ngayon tapos mona ang tungkulin mo" muli nanamang siyang naglaho habang ako ay hindi parin makapaniwala sa nakita.
Nag-iba ang kaanyuan ni Dalhina at naging isang Tao ito, isang normal na tao na may ngiti sa labi. Napapalibutan siya ng liwanag at unti-unting naglalaho. "Sandro," nginitian niya ang lalaking si Sandro na hindi maawat ang luha "Maging malakas ka dahil nandito si Ate upang pangaralan kang maging mabuting tao," pumikit ito at napatingin sa itaas "paalam." Yun ang huling sinabi niya bago siya mawala at ang tanging natira nalamang ay ang isang kwintas na may crystal na nakasabit.
Hindi magandang pagtatapos ang nasaksihan ko sa aking kaarawan. May tinig akong narinig at yun ang boses ni Dalhina "Ziro, nais kong malaman mo na buhay pa ang ama mo. Malayo siya sa iyo ngunit parang malapit, hayaan mong matagpuan mo siya gamit ang iyong lakas hindi ang opinyon ng iba. Ang lahat ay nakatadhana kung kaya't maging matatag ka"
Tanging salamat nalang ang masasabi ko at pagbibigay hustisya ang ibibigay kong kapalit sa pagkawala niya. "ATEEE!!" Sadyang malungkot mawalan ng mahal sa buhay ngunit kailangan nating maging matatag upang makabangon sa buhay.
Hahanapin kita Ama, hahanapin kita kahit buhay kopa ang maging kapalit non.
↭※↭※↭
SANDRO AND DALHINA(Dalia)'S STORY
Umiiyak ang batang si Sandro dahil nawala ang kwintas na ibinigay sa kaniya ng kaniyang Ate. Hindi niya alam ang gagawin dahil baka pagalitan siya ng ate niya kung hindi niya mahahanap iyon. Iyak siya ng iyak habang hinahanap ang bagay na iyon. Mahalaga para sa kaniya ang bagay na iyon dahil sa ate niya iyon, mahal niya ang ate niya kung kaya't ayaw niyang nalulungkot iyon. "Sandro?" Agad pinunasan ni Sandro ang luha niya at hinarap ang nagtataka niyang ate na si Dalia "ano ang iyong ginagawa dito?" Napailing nalamang si Sadro at napayuko.
"Naglalaro lamang ako dito" nagtataka siyang tiningnan ng kapatid ngunit nawala din at napalitan ng ngiti.
"Nais mo bang maglaro muna?" Napangiti ng bahagya si Sandro at walang nagawa kundi pumayag, alam niyang meron pa siyang kailangang hanapin ngunit hindi naman niya matanggihan ang kapatid.
Naglaro sila maghapon hanggang sa magdilim. Masaya silang umuwi sa bahay at hindi na naalala pa ni Sandro na hanapin ang kwintas ni Dalia. Nakasulyap ang dalawa sa bintana habang ang tanging liwanag nila ay ang buwan at bituin "Sandro," napatingin naman agad sa kaniya si Sandro na nakangiti "sabi nila kung nag-iisa ka tumingin kalang sa buwan dahil meron ding katulad mo na nakatingin doon"
"Anong ibig mong sabihin ate?"
"Ang ibig kong sabihin ay," tumingin saglit sakaniya si Dalia ngunit natapos din "hindi ka nagiisa dahil merong mga taong nandiyan upang samahan ka, hindi mo lang napapansin pero pinaparamdam nila"
LUMIPAS ang araw ngunit hindi na talaga naalala ni Sandro na hanapin ang kwintas dahil narin sa masayang paglalaro nila ng ate niya. Ngunit sa paglipas ng ilang taon ay hindi na sila masiyadong naguusap ng ate niya. Gusto ng magulang nila na maging malakas sila dahil ang angkan nila ay hindi matatanggap ang mahihina. Kahit babae ay kailangang lumaban sa Dungeon. Hindi iyon kagustuhan ni Dalia ngunit kailangan niyang sundin ang mga magulang. "Dalia, magpahinga kamuna" nag-aalalang sabi ni Antoneth na kasa-kasama lagi ni Dalia sa Dungeon upang maprotektahan siya.
"Ano kaba Antoneth, hindi pwedeng mahina ako. Kahit babae ako dapat maging malakas ako sa paningin nila" napabuntong hininga nalamang si Antoneth dahil masiyadong pinupwersa ni Dalia ang sarili niya. Napapaisip tuloy siya kung pano ngaba mapapatigil ang walang kwentang tradition ng angkan nila.
Hindi nga naman patas na pati babae ay nakikipaglaban lalo na't hindi iyon kagustuhan ng tao.
"Mahina kapa! Tingnan mo nga si Sandro mabilis siyang lumakas hindi katulad mo!" Napayuko nalamang si Dalia habang nangingilid ang luha. "Siguro dahil yan sa Diyosana kasama mo! Mahina ata ang diyosa na ibinigay sayo ng itaas katulad mo! Tingnan mo ang Diyosang si Sora malaki ang naitulong niya kay Sandro!" Napasulyap naman si Dalia kay Sora na nakatingin sakaniya at puno ng Awa. Napakuyom nalamang ang kamay ni Dalia dahil sa paningin nalamang ng lahat ay mahina siya.
"Papatunayan ko na malakas ako!" Patakbong umalis si Dalia sa tahanan nila at pumunta sa gubat kung saan laging naglalaro sina Sandro. Napatigil ito sa isang Batis na napakalinis. Umupo ito sa isang bato na katabi ng batis at pinagmasdan ang asul na langit. "Ganon ba talaga ako kahina?" Binaba niya ang tingin sa tubing at naagaw ng isang bagay na nasa ilalim ng tubig ang atensiyon niya.
Kumuha siya ng sanga ng puno at ginamit iyon upang kunin ang nasa ilalim. Laking gulat naman niya ng makita ang kwintas na ibinigay niya kay Sandro. Isa iyong kwintas na silver at may crystal na nakasabit doon. Ang crystal na iyon ay galing sa kaniyang lola na namayapa na.
"Hindi ibig sabihin na babae tayo o matanda na ay mahina, tandaan mo na ang tunay na lakas ay ang pagiging matatag" yan ang huling sinabi ng kaniyang lola bago ito pumanaw.
"Tama ka lola, hindi ibig sabihin na babae ako ay mahina na agad ako. Babaguhin ko ang traditiong hindi makatarungan" dali-daling bumalik si Dalia sa kanilang bahay ngunit hindi niya inasahan ang madadatnan sa bahay.
"Ang lakas ng loob mo na sagutin ako!!" Nakatikim ng napakalakas na sampal si Sandro ngunit pinipilit niyang hindi umiyak sa harap ng ama dahil gusto niyang panindigan ang kaniyang sinasabi.
"Totoo naman ama! Babae si Ate Dalia kaya dapat hindi nyo siya tinutulad sa inyo!" Gusto sana siyang suntukin ng kaniyang ama kaso pinipigilan siya ng kaniyang asawa. "Mahal, maghunosdili ka!"
"Pakiusap po! Wag nyo napong saktan si Sandro!" Pagmamakaawa ni Sora ngunit mas lalo lang nagalit ang ama ni Sandro.
"Kahit duyosa ka hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!!" Humarang si Sandro upang protektahan si Sora. "Ama! Wag nyo siyang idadamay!" Matapang niyang tiningnan ang ama niya sa mata at parang sinasabi niyang tumigil na ito. Akmang susunukin niya ang anak nang pigilan siya ni Dalia.
"AMA! TAMA NA!" Halos isigaw na niya ang lakas na kaya niyang isigaw para lang maagaw nuya ang atensyon ng kaniyang Ama. "D-dalia? Umalis kana!" Kahit sinabihan nasiya ni Antoneth hindi parin nakinig si Dalia.
"Dalia! Umakyat ka sa kwarto mo!" Parang hindi narinig ni Dalia ang sinabi ng ama at lumapit pa ito sa kapatid upang tulungan.
"Makinig kayo sa anak nyo, ama" tiningnan ni Dalia ang ama ng masama na ikinagulat nito. Hindi niya inaasahang titingnan siya ng ganon ng kaniyang anak. "Hindi kita ganiyan pinalaki Dalia!"
"Hindi nyo naman po talaga kami pinalaki ng tama Ama, buong buhay namin sainyo lang kami sumusunod! Pati ang sarili naming kasiyahan ay inilalayo nyo saamin!"
"Aba't kung makapagsalita ka kaya mona ang sarili mo! Wala ka ngang kwenta sa bahay na'to! Napakahina mo para maging anak ko!"
Isang tinig ang biglang narinig ni Dalia sa kanIyang isipan, tinig na hindi pamilyar sakaniya. "Gusto mo ba ng kapangyarihang magpapatunay na malakas ka? Ihahandog ko ang kapangyarihang makakapagpabago sa buhay mo" hindi makapaniwala si Dalia sa kapangyarihang bigla nalamang dumaloy sa kaniyang katawan. Kapangyarihang umaapaw sa sobrang lakas.
Bigla nalamang nawala sa sarili si Dalia at halos maglabas siya ng kakaibang enerhiya. "A-ate!"
Iniunat niya ang kamay niya sa harap ng ama at ginagamit ang kapangyarihan upang patayin ito.
Parang pinipiga ang puso niya at halos sumuka ito ng dugo dahil sa sakit. Ganon din ang ginawa niya sa kanyang ina na walang kamalay-malay sa nangyayari sa anak. Dahil narin sa nangyayari ginamit ni Antoneth ang lahat ng kapangyarihan niya upang makatakas sila sa lugar na iyon.
"D-dalia! T-tumigil ka P-pakiusap" pagmamakaawa ng kaniyang ama ngunit parang hindi naman nakikinig si Dalia.
"Hindi na ako si Dalia, ako si Dalhina ang bangungot ng lahat ng tao," ngumisi ito at tuluyan ng tinapos ang buhay ng kaniyang magulang. "Ikaw ang may gawa nito sa anak mo kaya wag kang magtataka kung bakit ako naging demonyo"
---
Nilapitan ko si Sandro at ibinigay ang kwintas na naiwan ni Dalhina. Patuloy parin siya sa pag-iyak habang nakaluhod sa lupa "nararapat ang bagay na ito sayo" tiningnan niya ako habang puno ng emosiyon ang kaniyang mata na dati ay galit lang. Ito ang tunay na si Sandro na matagal nang nakakulong sa puso na puno ng galit at pag hihiganti.
"Mahina na ako sa paningin mo, tama ba?" Umiling lang ako at nginitian siya. "Hindi ka mahina! Sadyang kailangan mo lang umiyak para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo" nag thumbs up ako sa kaniya kaso umiwas naman siya ng tingin.
"Lumayo kanga sakin!," Tinulak niya ako at inagaw yung kwintas na hawak-hawak ko ngayon "kalimutan mo yung nakita mo" nakanguso niyang sabi.
"Nakita ko yun!" Sabay-sabay na sabi ng mga kasama ko. Natawa naman ako kasi inaasar na siya nina Riku, si Sandro naman ay namumula na dahil sa hiya. Ikaw banamang makitang umiiyak tapos lalaki ka, nakakahiya nga pero sadyang natural na sa tao ang bagay na iyon.
"Hoy! Tigilan nyo nga ako!!"
Ang pagiging matatag ay ang pagiging malakas at ang pagmamahal ang malakas nating kapangyarihan.
Lumipas ang ilang araw at wala namang nangyaring masama. Lahat kami ay nagpahinga muna dahil marami ng nangyari at maraming lakas ang nagamit namin. Si Sandro ay mas lalong sumungit dahil pinagti-tripan siya ng kapwa niya Arc knight. Si Felisha? Ayun masaya dahil nagbalik na sa dating ganda ang Rising hugward Forest. Nagsi-balik nadin ang mga Fairies at Elf sa gubat upang magsimula ng panibagong buhay. Si sora naman ay maghapong nakahilata sa kama dahil hindi pa bumabalik ang lahat ng lakas niya habang si Freya naman ay hindi ko na nakita pero alam kong buhay pa siya, isa syang diyosa kaya hindi magpapatalo yun. Nasabunutan nga ako ni Sora sa kadahilanang hindi ko alam.
Nagulat ako dahil si Felisha ay biglang dumalaw dito sa tinitirhan ko. Medyo naiilang ito at nakayuko lang. "Bakit ka pala napadalaw Felisha?"
"Pasensya kana kasi nasira ang kaarawan mo, ang totoo niyan ay may isosopresa ka namin kaso nagpakita naman si Dalhina kaya nakalimutan na namin" napakamot naman ito sa kaniyang ulo habang hindi mapakali ang paningin.
"Ayos lang yun! Pero masaya naman ako dahil alam kong buhay ang ama ko. Akala ko nga patay na talaga siya"
"Kung kinakailangang tulungan ka namin para hanapin siya gagawin namin" napakunot naman ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi "namin?"
Bumukas ang pinto ng simbahan at niluwa noon ang mga Arc knight. Nakangiti saakin si Frey at Miya habang si Riku ay kinawayan lang ako, si Sandro naman ay sa ibang direksyon nakatingin. "T-tutulungan nyo ko?" Tumungo-tungo naman sila bukod kay Sandro.
"Salamat pero parang nakakahiya naman" napakamot ako sa aking batok dahil sa hiya. Nakatanggap ako ng batok mula kay Sandro na ang sama ng tingin saakin. Inakbayan ako nito na parang magkompare kami "Tinatanggihan mo ba kami?" Napailing naman ako dahil nakakatakot talaga siya.
"Nandito lang kami para sayo Kuya Ziro" nginitian ko si Miya na pinapalakas ang loob ko si Riku naman ay umiwas ng tingin ng tiningnan ko siya.
Dito na talaga magsisimula ang kwento ko kasama ang mga kaibigan ko. Si Sora, Felisha, Riku, Frey, Miya, at si Sandro. Sila ang makakasama ko sa paglalakbay na ito, kasama sa paghahanap sa ama ko.