webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

Chapter 6

Chapter 6 - Saving Ziro

SORA

TAHIMIK kaming nagpatuloy sa paglalakad at kahit pinipigilan ko ang sarili ko na hindi tumingin kay Sandro ay hindi ko pa rin makontrol. Minu-minuto ko pa rin siyang sinusulyapan na seryosong-seryoso ang mukha. Napailing ako dahil parang mas lalo siyang gumwapo kapag seryoso, napaiwas ako ng tingin nang biglang lumingon ito sa akin. 

Ito na naman ang kaba sa puso ko. Parang sa bawat lingon niya sa akin ay hindi ko mapigilan ang puso ko sa pagtibok. "Ayos ka lang ba?" Ngumiti lang ako kay Felisha. 

Bigla naman kaming napalingon sa kung saan nang may marinig kaming mga yabag. Agad akong napaupo sa likod ng mga nagtataasang mga halaman nang bigla na lang may nanghila sa akin. "Shh.. 'wag kang maingay." Parang ang lahat ng hangin ay nalunok ko na dahil sa mukha ni Sandro na nasa likod ko. Parang akong baliw na napapikit at dinaramdam ang pagkahawak ni Sandro sa akin. Parang ito pa lang ata ang ginawa niya na nakakapagpasaya sa akin. 

"Kainis! Mga halimaw!" rinig kong bulong ni Felisha. Agad akong napatingin sa bandang kanan kung na saan ang mga halimaw na palinga-linga at parang may hinahanap. Naglakad ito papunta sa kinaroroonan namin ni Sandro, agad naman kaming sinenyasan nila Riku at ang iba pa na nasa taas ng kahoy na umalis dito.

Hinawakan ako Sandro sa kamay at pareho kaming tahimik na napatakbo papunta sa isang malaking kahoy at pumunta sa taas. Napalunok ako nang magkalapit na ang mukha namin ni Sandro dahil sa maliit na espasyo sa taas. Napaiwas kaming dalawa. Hinawakan niya ako sa kamay na ikinabigla ko. "'Wag kang mag-isip na may ibig-sabihin pa ang pagkakahawak ko," tumingin sa akin ang kaniyang malamig na mata. "Pinoprotektahan lang kita." 

Napaiwas ako dahil sa sinabi niya. Parang akong tanga na napangiti dahil kahit minsa'y nakakainsulto ang sinasabi niya ay nagawa akong mapangiti. "Galit ka ba sa akin?" Lumingon siya sa akin at hindi ko inakala ang pag-iling niya.

"H-hindi?" 

Hindi na niya ako sinagot. Pero kahit sa simpleng pag-iling niya ay parang natutunaw no'n ang puso ko dahil sa saya. Parang nawala sa akin ang inis sa kaniya dahil sa mga ginawa niya sa akin noon. Masaya akong makita siya ulit, oo. Hindi naman 'yon mawala-wala sa akin pero nang maisip ko na malapit na rin akong mawala sa mundo ay parang gusto ko na lang sapukin ang sarili ko. 

Pipigilan kaya ako ni Sandro sa oras na 'yon o hindi? Tumingin ako sa mukha niya. Hindi mawala-wala doon ang pag-kasungit niya. Makapal ang kilay, matangos na ilong at manipis na labi na talaga namang ma-mimiss ko. "Wala na sila." Binitawan na niya ang kamay ko at nauna na siya sa pagbaba. Wala na rin akong nagawa at tumalon na lang rin, maging ang iba naming kasama. 

"Magmadali tayo." Saad ko. Sumang-ayon naman silang lahat. Lumapit sa akin si Felisha at binangga ako sa braso. "Nakangiti ka ah, may gusto ka kay Sandro 'no?" Pinipilit kong maging seryoso ang mukha pero hindi ko iyon kinaya at napahawak na lamang sa labi ko kung saan nakakurba ang isang ngiti. "W-wala 'no"

"Maniwala sa'yo! Hoy! Sandro!" Lumingon si Sandro kaya agad ko naman akong napangiwi dahil sa masungit nitong mukha. Hindi na ako magtataka kung alam niya ang pangalan ni Sandro dahil isa siya sa tumatayong lider ng mga adventurer sa loob ng village namin, siguradong may alam siya sa mga Arc Knight. "Manahimik ka. Nandito tayo para iligtas si Ziro." Napakibit-balikat na lang siya. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at mabuti naman at walang mga paggala-galang mga halimaw kaya malaya kaming naglalakad na walang sagabal. 

Agad kaming napatago nang marating na namin ang dungeon. Napaangat ako dahil sa sobrang taas nito at nasa Floor 25 si Ziro kung nasaan maraming hindi na nakabalik pa. Sa tingin ko ay nandoon ang kanilang lider at hindi ako magkakamali doon. 

"Maghiwa-hiwalay tayo, Riku sumama ka sa amin nina Frey at Felisha. Freya sa kanila ka na. Mas mabuting may kasama silang dyosa." Hindi na siya nag dawala isip pa at sumama na sa kanila Sandro.

Nauna na ng pumunta sila Sandro sa tarangkahan. Agad nilang sinasaksak ang dalawang halimaw at patakbo naman silang pumasok sa loob. Sinenyasan ko na ang mga kasama ko. Habang naglalakad sa isang madilim na daanan papunta sa taas ay nakarinig na naman kami ng mga boses ng mga Orge na hindi namin maintindihan. 

Papunta sila sa kinaroroonan namin kaya agad akong napakapit sa pader at binalanse ang katawan para hindi mahulog.

Nang makalampas na sa amin ang mga orge ay tahimik rin kaming bumaba at nagpatuloy sa paglalakad.

Nagpahuli ako at pasimpleng kinuha ang dagger na ginawa ni Antoneth para kay Ziro. Kahit labag sa kalooban ko na ngayon ko ito ibigay sa kaniya ay ginawa ko pa rin. Nilagyan ko iyon ng mahika para mawala sa kamay ko at pinadala kay Ziro.

Maya-maya lang ay lumiwanag na ito at parang bula na biglang nawala sa kamay ko. Inilibot ko ang tingin ko sa dinadaan namin. Ngayon na lang ata ako ulit nakapunta dito dahil kung may challenge man na nagaganap ay hindi ako sinasama ni Ziro, ni hindi man lang siya humingi ng permiso sa akin. 

Sana lang ay maayos ang lagay niya sa taas. Hindi pwedeng mabigo na naman ako sa misyon ko. "Ang baho naman dito." Sinulyapan ko si Felisha na hindi mapirmi ang tenga sa kakagalaw. Ganiyan siguro kapag isang elf. "Siguro madami na ring namamatay na adventurer dito." Iginala ko ang mata ko sa pader. Lahat ng 'yon ay may mga marka, na parang nadaplisan ng mga sandata.

"Sora,"Napatingin ako kay Frey na nahinto sa paglalakad. Nagulat pa ako dahil ngayon ko lang ulit siya narinig na nagsalita. Mula kasi kanina ay parang malalim ang iniisip niya.

"Bakit?" Napahawak siya sa kaniyang baba at parang may iniisip

"No'ng hindi pa ako kabilang sa Arc Knight ay tumatangap din ako ng mga challenge at quest. Marami na kaming napupuntahan na mga lugar pero lahat ng mga nakakalaban namin ay puro halimaw." 

"Anong ibig mong sabihin?" Pati si Riku na ay nangunot ang noo. Si Felisha naman ay natigil na ang tenga sa paggalaw.

"Kung iisipin natin ng mabuti, para lang tayong naglalaban na walang rason."

"Wait, hindi ko maintindihan?" Sabat ni Felisha.

"Oo, si Sandro may rason kung bakit siya pumapatay at sumali dito, pero bakit ako? Wala akong rason kung bakit ako pumapatay," dagdag ulit ni Frey. 

"Please, Frey. 'Wag na muna natin 'yang pag-usapan. Mas mabuting mag-madali tayo bago pa mahuli ang lahat." Sabi ko. Tumungo ito dahil sa pagkahiya.

"Sorry." Nanahimik muli ito at tinuon ang tingin sa daan.

Agad naman kaming nagpatuloy sa paglalakad, maya-maya lang ay nasa ikatlong palapag na kami. Hindi na ulit nagsalita si Frey. Maging ako ay naguluhan rin. Bakit nga ba ako nandito sa mundo nila? Bakit nga ba isa akong diyosa? 

"May paparating!" Huli na ng makatago kami dahil nakita na kami ng mga naglalakihang mga Serpenrer . Hindi agad napansin ni Frey ang paparating na serpenter sa kaniya dahil sa malalim niyang pag-iisip. "Frey!!" 

Huli na ng ma-equip niya ang kaniyang weapon dahil agad siyang natuklaw nito. Agad namin siyang dinaluhan. Hiniwa ko ang serpyente at dinurog ang mga ulo nito. Tumalsik sa mukha ko ang kulay berde nitong dugo ngunit hindi ko na iyon pinansin pa at agad umupo para mapantayan ang nakaupong si Frey. 

"Ang basbas ko kay Frey hindi tumalab..." mahinang bulong ko. Huminga ako ng malalim at hinawakan ang paa niyang may malaking sugat. Hinawakan ko iyon at pinikit ang mata. Naghilom naman ito ngunit nanghihina ang katawan ko. Masyado na atang napwersa ang kapangyarihan ko.

"Okay na ba ang pakiramdam mo?" Tumango siya at nagpasalamat sa akin. Tinulungan ni Riku na tumayo si Frey na mediyo mahina parin ang katawan. Tahimik akong napapikit dahil sa panghihina pero agad rin akong tumayo at hindi ininda ang katawan kong hirap gumalaw Kailangan pa naming iligtas si Ziro kaya hindi pwedeng sumuko ako. Hintayin mo lang kami Ziro, sisiguradhin kong maililigtas ka namin.

Ilang oras na din ang lumipas ng marating na namin ang floor 23, at parami ng parami ang nakakasalamuha naming mga halimaw. Mabuti na lang at may dalang potion si Felisha na kung sinong maka-amoy no'n ay posibleng mamatay kaya naman binigyan niya kami isa-isa ng potion para hindi maamoy ang lason na ginawa niya.

Mas naging madilim ang paligid. Nakakatakot ang bawat mga pader na maraming nakasabit na bungo ng tao at hayop. Agad kaming napaatras ng biglang lumiwanag ang paligid. Pati ang mga nakasabit na bungo ay biglang nagkaroon ng apoy. 

Isang nakakarinding tawa ang narinig namin na um-Eco pa sa buong paligid. Lumabas sa kung saan ang napakademonyong mukha ni Dalhina. Tatawa-tawa niyang pinalakpak ang kaniyang mga kamay habang may ngisi na nakaguhit sa kaniyang labi.

"Tulad ng inasahan ko ay pupunta na naman kayo dito," ngumisi siya kaya nakikita ko na naman ang pangil niya. Itim na itim ang kaniyang suot pati na din ang kaniyang sungay na hindi ko alam ang istilo, parang sungay ng totoong demonyo. Kinuyom ko ang palad ko dahil sa galit. "At sinama niyo pa talaga ang mga pinakamamahal kong mga Arc Knight." Tumawa siya at biglang may mga kapwa niya halimaw ang lumabas at hindi iyon ang ikinagulat namin kundi ang mga taong nakuha nila. 

"Sandro!" Sigaw ko. Hahakbang na sana ako pero napatigil ako nang itutok niya kay Sandro ang napakatalim niyang espada. "Humakbang ka at mamatay ang kapatid ko." Malamig niyang saad. Sinulyapan ko si Sandro na nawalan na ng malay. Paano nila nagawang makuha ang mga kasama namin. Gano'n ba talaga sila kalakas?

Malamig kong tiningnan si Dalhina. "Pakawalan mo si Sandro, kapalit ng buhay ko." Kung para sa buhay ng iba gagawin ko, alam kong may magliligtas pa kay Ziro. Hindi man ako kasama sa pagliligtas kay Ziro pero alam kong may mga tao pa siyang makakasama, at hindi ako yun.

Ngumisi siya. "Bakit ko naman gagawin 'yon kung pwede namang kayong lahat ang papatayin ko?" Nadidismaya at galit akong napatungo. Wala akong silbi, wala akong magawa wala na nga akong kwenta pati buhay ko walang silbi upang mailigtas sila.

Kung mababalik lang sana ang lahat ng kapangyarihan ko ay kayang kaya kong makuha silang dalawa. 

"Pero, pagbibigyan kita." Nabuhayan ako ng loob dahil sa sinabi niya. "Ano 'yon?"

"Papipiliin kita sa dalawa, ang buhay ni Ziro o," tinutukok niya ulit ang kaniyang espada sa kapatid niya. "Ang buhay ng kapatid ko?"

"Alam mong pareho silang importante sa akin! Kapatid mo siya Dalhina! Kapatid mo siya!" Malungkot niyang tiningnan si Sandro. Hinawakan niya ang pisnge nito na may malaking sugat.

"Sandro, kapatid," 

"Pasensya na pero kailangan mo talagang mamatay." Lumingon siya sa akin at ngumisi nang nakakaloko.

"Pakiusap, 'wag mong saktan si Sandro! Kung kinakailangang lumuhod ako gagawin ko!"

"Isang Dyosa? Luluhod sa demonyo? Kay gandang makita ang bagay na iyon" dinilaan niya ang dugo na umaagos mula sa pisngi ni Sandro na para bang nilalasap niya ang isang bagay na gusto niyang makita. "Maaari mo bang gawin yan sa harap ko"

May nagsasabi sa loob ko na wag kong gawin pero kailangan kung yun ang bagay na makakapagligtas kay Sandro. Mabigat sa loob ko habang dahan-dahang lumuluhod.

"WAG!!!"

ZIRO

"Bakit mo ako dinala dito?!" Matapang kong tanong kahit may konti parin akong takot. Tumayo ito sa kinauupuan niya at bigla nalamang nagbukas ang rehas na pumapagitan saamin.

"Nandito ka upang malaman ang katotohanan" napakunot ang noo ko at lumapit ng konti sa kaniya upang magkaintindihan. Ngayon ay mas kita ko na siya ng malapitan. May pula siyang mata at meron itong puting buhok na may kahabaan. Pareho kami ng mga mata ngunit ang pinagkaiba halimaw siya at hindi na yon magbabago pa. Malaki ang pangangatawan niya kung kaya't masasabi kong malakas siya. "Tungkol ito sa iyong... ama"

"A-anong tungkol sa Ama ko?!"

"Ang ama mo ay, Patay na" sabi niya habang may ngisi sa kaniyang labi. Para namang pinanghinaan ako ng loob dahil sa narinig. Gusto kong hindi maniwala pero parang totoo talaga ang sinabi niya. "Magalit ka, Patayin mo ang may gawa non sa Ama mo. Maghiganti ka sa kanya!" Parang kinukumbinsi ako nitong pumapatay at parang may nagsasabi na dapat iyon.

"Pano ko masisiguro na Totoo ang sinasabi mo?!" Napaisip naman ito at nang may isasagit na ay tumingin saakin ng diretsiyo.

"Tingin mo tutulungan ba kitang malaman ang totoo kung hindi kita gustong tulungan? Kung ayaw mo akong pagkatiwalaan bahala kana, maghanap ka sa wala" Akmang babalik ulit ito sa kinauupuan nya ng pigilan ko ito.

"Siguro nga tama ka, kailangan kong maghiganti sa gumawa non sa kaniya" tiningnan ko ang demonyong nasa harap ko. Tiningnan ko siya habang ang puno ng paghihiganti ang aking puso, eto nanaman ang kapangyarihang umaapaw sa loob ko. Ano bang nangyayari saakin?

"Tama yan, nararamdaman ko ang galit sa puso mo at ang kapangyarihang umaapaw sa loob mo" sumilay nanaman ang ngisi sa kaniyang labi at dahan-dahan itong lumapit saakin. Habang papalapit ito isang nakakakilabot na Aura ang bumabalot saakin.

"S-sino ang pumatay sa kaniya?"

"Sino paba kundi ang babaeng nagdala sayo dito" napakunot naman ang noo ko sa kaniyang sinabi, sino ba ang nagdala saakin dito? Nanlaki ang mata ko nang maliwanagan ako kung sino ang tinutukoy niya. "Si Dalhina?"

Napapikit nalamang ako at halos pigilan ko na ang sarili ko dahil konti nalang ay sasabog na ako sa galit. Kung ganon nakita kona siya ng harap-harapan pero wala man lang akong nagawa? "Kung ako sayo bibilisan ko dahil nasa panganib na ang mga kaibigan mo"

Akmang susuntukin kona siya ng bigla nalamang itong naglaho kasabay ng paglipad ng mga Uwak. Nagpalinga-linga ako sa paligid ngunit wala ng kahit sino na nandoon. "Kailangan ko muna silang iligtas!" Dali-dali akong tumakbo at hinanap ang daan palabas ng lugar na ito. Habang tumatakbo pababa sa hagdan ay natanaw ko ang isang liwanag sa hindi kalayuan.

Napatago ako sa isang makipot na butas na kasiya ang tao. May mga killer shadows na gumagala-gala kung kaya't nahihirapan akong makaalis lalo na't wala akong sandata ngayon.

Isang liwanag ang biglang sumulpot sa harap ko na nababalutan ng mga hindi maintindihang mga letra. "Ano ang bagay na ito?"

Bigla nalamang iyong napunta sa kamay ko at unti-unting naglalaho ang liwanag hanggang sa isang Dagger nalamang ang naiwan. Ang dagger na iyon ay kakaiba sa mga nakita ko dahil may mga nakaukit doon mga salita na hindi ko maintindihan.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at ginamit iyon, hindi ko man alam kung kanino galing ito pero alam kong galing ito sa mabuting tao.

Agad kong inatake ang mga Killer shadows na sabay-sabay akong inaatake ngunit dahil sa mas bumilis ang galaw ko ay naging mas madali ang pagpatay ko sa kanila. Ililigtas kita Sora pangako yan hindi kona hahayaang masaktan ka.

"Isang Dyosa? Luluhod sa isang Demonyo? Kay gandang makita ang bagay na iyon"

"Si Dalhina" mahina kong bulong sa sarili ko. Mahigpit kong hinawakan ang Dagger ko at Dali-daling sinundan kung saan nanggagaling ang boses na iyon.

Tanaw ko si Sora na nakayuko at handa ng lumuhod, hindi ko hahayaang lumuhod siya sa isang demonyo! "WAG!!!"