webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

Chapter 12

Chapter 12 - A girl in my Dream

ZIRO

KANINA pa ako hindi nagsasalita kaya naman ay ganoon na lang ang pagtataka ng mga kasama ko sa akin. Pagkatapos ng nangyari kanina ay kataka-takang nandoon agad ako at si Creg sa lugar na pinagbagsakan namin nong pinutol ni Rosette ang tulay.

Paulit-ulit ko pa silang tinanong kanina kung natatandaan nila kung sino si Rosette pero wala silang matandaan pati na si Riku. Tinanong ko sila kung alam nila ang pangalan nong babaeng pumutol ng tulay pero hindi na nila ako pinansin pa kaya tumahimik na lang ako.

Takang taka na talaga ako sa nangyari. Panaginip lang ba ang lahat ng 'yon? Pero kung panaginip lang bakit may may sugat ako sa balikat, kuha ko 'to nong umatake si Rosette sa akin. Pati si Creg ay namamaga din ang kaniyang paa kuha nong binitay siya patiwarik gamit ang mga baging sa bakuran ni Rosette. Pero bakit di niya maalala ang nangyari kanina?

Hay! Nakakainis naman! Ang dami kong iniisip!

"Kuya Ziro! Kanina ka pa tahimik baka nagtatampo ka kasi di namin maalala ang nangyari, pero promise wala naman talagang nangyari kanina saka di namin kilala si Rosette." Napalingon ako kay Miya na ngayon ay nasa tabi kona. May pag-aalala sa kaniyang mukha kaya nginitian ko siya upang ipahayag na ayos lang naman ako.

"Ah hahaha wala lang 'yon Miya, nanaginip lang ata ako eh, Oo! tama nanaginip lang ako akala ko totoo si Rosette." bahagya akong natawa at natigil din. Napatingin ako paibaba at pilit na kinalilimutan ang mga nangyari kanina.

"Ayan kasi ang daming sinasabi panaginip lang pala." Ngumuso ako nang marinig ang bulong ni Riku sa tabi ko. Hindi ko alam kung intensiyon ba niyang iparinig yon sa akin.

"Sora!" Lumapit ako kay Sora at hinawakan ang balikat niya. Ngunit parang hindi nya nagustuhan ang ginawa ko.

"Umalis ka nga diyan Ziro!" sigaw niya at sabay Sapak sa balikat ko kaya't napadaing ako sa sakit "Ano ba! may sugat ako diyan!" napahimas pa ako doon at sinasamaan ng tingin si Sora.

Tumigil si Sora para tingnan ang balikat ko na kanina kopa hinihimas. Hinila pa niya ang damit ko para makita ng masinsinan ang balikat ko pero maya-maya naman ay malakas niya itong sinapak. "Kapiranggot lang eh! Bwesit!"

"Ahhhh! Ang sakit! Wag mo ng sapakin!" parang mapapaiyak na ako ng babaeng 'to dahil sa pinag-gagawa nIya.

"Hay ewan ko sa'yo! Ewan ko ba! Ang liit-liit naman pero kung makasigaw ka diyan parang ang laki laki!" Inambahan niya ako ng suntok kaya napaiwas agad ako at tumakbo na lang papunta kay Felisha.

"Napaka-sadista mo talaga! Dyosa! Wag ka ng lalapit sa akin!" Dumila lang siya sa akin. Hinimas ko ang balikat ko. Hay! Kakaiba talaga! Siguradong may ginawa ang Rosette no'n sa mga kasama ko kaya hindi nila maalala ang nangyari.

"Ito na." Tumigil si Riku matapos makita ang isang kweba. Mediyo malayo pa kami pero habang papalapit kami padami ng padami ang mga espadang nakahelera habang may mga bahid pa iyong dugo. Ito siguro ang sinasabi ni Rosette na patay na kweba.

"Anong nangyari dito?" Tanong ko ngunit walang sumagot. Ni hindi sila makatingin saakin ng diretso na para bang may alam sila na hindi ko alam.

"Mag-gagabi na kaya magpalipas muna tayo dito. Bukas nalang tayong pumasok sa loob dahil delikado" Nagpalipas kami sa nag-iisang malaking puno malamit sa kweba. Nangolekta si Felisha at Frey ng mga Panggatong para sa apoy at ang iba ay nag-aayos ng dalang gamit.

Ilang saglit lang ay dumating nadin sila Frey at Felisha na maraming dalang maliliit na sanga ng puno.

"Sandro, marunong ka bang gumawa ng apoy?" tanong ni Frey na himalang nagsalita. Inilapag nya ang mga panggatong sa lupa at inayos iyon upang masindihan ng apoy.

"Oo naman! ako pa!," pagmamalaki niya at kumuha ng dalawang bato. Pinagkiskis niya yon at lumipas ang kalahating oras... "Bwiset na bato!" ibinato niya iyon sa kung saan dahil sa inis.

"akala ko pa naman marunong siya" mahinang sabi ng iba bukod kay Riku na nakasandal sa puno.

bigla ko nalang naalala yung nangyari kanina sa laban namin ni Rosette. Kung tama ang pagkaka-alala ko nasunog ko ang mga halamang pumoprotekta sa kaniya.

Kunuha ko ang dagger ko na nagliliwanag dahil sa mga nakaukit na Letra.

"ohh anong gagawin mo diyan?," tanong ni Felisha na may pagtataka "igagatong mo ba?" Hindi ko siya pinansin at pinakiramdaman ang kapangyarihang dumadaloy saakin papunta sa aking Dagger. Ilang minuto lang ay nagliyab na iyon kaya ginamit ko ang apoy upang liyaban ang mga panggatong.

"Wow! kailan mo pa yan natutunan?" Puri saakin ni Miya na nangliliwanag ang mata dahil sa pagkamangha.

"N-nagsimula ito nung naglaban kami ni—"

"Rosette nanaman? tama na ngayan Ziro! nagmumukha ka ng baliw!" reklamo ni Sandro kung kaya't nanahimik nalang ako. Ang sungit talaga ng lalaking 'to!

Sumiksik nalang ako sa mga gamit namin at hinayaan silang nag-uusap. Grabe bigla nalang nag-iba ang trato nila saakin. Napatingin ako sa gilid ko at nakita si Miya na pinapagaling ang sugat ko. "Naniniwala ako sayo Kuya Ziro, Hindi ko man maalala pero alam kong totoo ang sinasabi mo"

"S-salamat Miya" Bigla ding sumulpot si Creg na may dala-dalang Tinapay.

"hindi lang ikaw ang pwedeng sumipsip kay kuya Ziro noh!" Inabot niya saakin ang pagkain at tinanggap ko naman iyon. Napatingin ako sa paa ni Creg na namumula parin hanggang ngayon.

"wala ba talaga kayong naaalala?" muli kong tanong na ikina-iling nila. Bakit ngaba ako lang ang nakakaalala non, patunay ang sugat ko at ang pamumula ng paa ni Creg na totoo ang lahat ng iyon.

"itulog mo nalang yan kuya Ziro, baka hindi lang mabuti ang pakiramdam mo" Nginitian ko naman si Creg at ginulo ang buhok niya.

"Tandaan nyo sana ang sasabihin ko. Kapag may pagkakataon kayong tumakas, tumakas kayo. Wag niyong hahayaang may mawala sa inyong dalawa bago kayo kumilos" nagtataka man sila sa sinabi ko ay tumungo nalang sila bilang sagot.

Humiga ako sa telang nakasapin sa damuha at ipinikit ang aking mata. Sa pagpikit ko ay ang pagbago ng lugar, madilim ngunit may liwanag na nagmumula sa aking tinatapakan. Parang bawat hakbang ko ay nakatapak ako sa tubig.

"Ziro~" Nakarinig nanaman ako ng hindi pamilyar na boses sa kung saan. Ume-eco ang tinig niya sa buong paligid kung kaya't nahihirapan akong malaman kung nasaan siya. "Ziro~"

kasabay ng pagpatak ng tubig sa kung saan ay bigla nalamang sumulpot ang isang babae na ikinagulat ko. Ang dalawang kamay niya ay nakahawak sa magkabila kong pisngi at ang mukha niya ay medyo malapit saakin.

"S-sino ka?"

"Nahanap nadin kita—"

.

.

.

.

Agad akong napabangon at halos habulin ko ang hininga ko. Nilingon ko ang mga kasama ko na mahimbing na natutulog, sigurading hating gabi na. Muli akong bumalik sa paghiga ngunit hindi na ako makatulog pa dahil sa naging panaginip ko.

ang dami ng kakaibang nangyayari sa araw na ito. Una si Rosette at ngayon ay ang misteryosong babae na nasa panaginip ko, ano paba ang susunod? may taksil sa mga kaibigan ko?

Napabuntong hininga ako at muling bumangon. Lumapit ako sa kweba na bukas pa dapat namin papasukin. Isa pa itong kakaiba, bakit puno ng mga espada ang lugar na ito?

Napatigil ako saglit at pinakiramdaman ang paligid ko, may kung sino ang papalapit sa direksiyon ko. Dali-dali akong napaiwas sa pag-atake ng kung sino at halos mahagip non ang dulo ng buhok ko. "Ano bang problema mo?!"

Itinusok niya ang malaki niyang espada sa lupa at tiningnan ako ng diretso. Hindi ko maintindihan si Sandro, Parang may kakaiba sa mga tingin niya.

Kinabukasan ay tahimik lang ang lahat sa pag-aayos ng mga gamit at ni isa ay walang umiimik. "Ihanda niyo ang sarili niyo sa ano mang mangyayari sa loob," pagbasag ni Riku sa katahimikang binabalot kami "lalo kana Creg" Pagkasabi niya non ay malamig niyang tiningnan si Creg.

"Opo!" Naglakad kami papunta sa pasukan ng kweba. Kahit umaga ay madilim parin na para bang hindi iyon pinapasukan ng kahit anong liwanag.

"Miya ikaw na ang bahala magbigay ng liwanag sa dadaanan namin" Agad namang sumunod si Miya sa utos sa kaniya ni Riku. Napansin namin si Creg na nakahawak na sa damit ni Miya at takot na takot.

"bumitaw ka nga!" reklamo ni Miya pero mas humigpit pa ang hawak ni Creg kay Miya. Wala na siyang nagawa at hayaan nalang si Creg.

Tuluyan na kaming nakapasok sa loob ng kweba at tanging ang ilaw mula sa Wand ni Miya ang nagbibigay saamin ng liwanag. Tahimik ang paligid at isang pamilyar na tunog ang naririnig ko.

Patak ng tubig na katulad sa panaginip ko, Baka ito ang naririnig ko non kaya pati sa panaginip ko ay naririnig ko ang mga patak ng tubig. Muli ko nanamang naalala ang babaeng nasa panaginip ko, Sino ba sya? bakit parang dati ko na siyang kilala?

"Ziro," Bumalik ako sa reyalidad ng tawagin ako ni Frey. Napakurap ako ng ilang beses at hinihintay siyang magsalita "Bakit pumayag ka sa pabor ni Sandro?"

Muli nanaman akong napayuko at inalala ang mga nangyari kagabi :

"Gusto kong humingi ng pabor,"  Hinintay ko siyang ipagpatuloy ang sasabihin niya habang ang kakaibang atmospera ang pumapagitna saamin. "Kung makakaharap mo man ang Demon lord gusto ko si Ziro mismo ang lalaban"

"Anong ibig mong sabihin? may iba pabang Ziro?" Hindi niya ako sinagot katulad kanina. Meron ba akong hindi nalalaman na alam nilang lahat?

"Gusto kong malaman ang sagot mo." mahinahong sabi nuya. Natahimik ako saglit at muli siyang tinanong, gustong kong sagutin niya 'to.

"bakit mo ba sinasabi 'to?"

"nakikiusap ako, nakikiusap ako bilang si Sandro na mataas ang pride" Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. Iba ang mga mata niya ngayon, wala ng galit sa mga mata niya.

"pumapayag ako pero sana sagutin mo ang tanong ko, anong nangyari sa lugar na ito" napabuga siya ng hangin at wala ng nagawa kundi sagutin ang tanong ko.

"Isang labanan ang nangyari sa lugar na ito, maraming namatay, maraming nagbuwis ng buhay para matalo lang siya. At yun din ang dahilan kung bakit nasira ang dating lugar na tinitirhan ng mga tao"

"Sino naman ang may gawa non?" Hindi na niya muli pang sinagot ang tanong ko at bumalik sa pagtulog. Kung ano man yon malalaman ko kapag nakalabas na kami sa kwebang yan.

---

"Hindi ko alam kung anong dahilan niya pero alam kong tungkol yon sa kapatid niya" napatingin ako kay Sandro na ang sama ng tingin saakin. Narinig niya ata ang pinaguusapan namin ni Frey.

"Patawad Ziro" Napakunot naman ang noo ko dahil hindi ko alam kung bakit siya humihingi ng tawad.

"Para saan naman yan?" umiling lang siya at binilisan ang paglalakad. Ang dami na talagang kakaibang nangyayari sa mundong 'to. Simula nung mahulog kami sa tuloy nagsisimula na silang mag-iba.

Habang papasok kami sa kweba ay dumadami ang mga malalaking diyamante na nakabaon sa pader ng kweba. Mukhang patay na Diyamante iyon dahil hindi nagliliwanag katulad ng iba. Kaya siguro madilim ang Kweba.

"pagod na ako," Napatigil kami ng mapasandal si Creg sa pader ng kweba dahil sa pagod.

"ano bayan! ang hina mo talaga!!" reklamo ni Miya Kung kaya't nagsimula nanaman silang mag-away.

Habang nag-aaway sila, napatigil kami at parang may kung anong ingay kaming naririnig para may kung anong gumugulong.

"Miya itapat mo yung ilaw sa likuran natin" Utos ni Sora na sinunod naman ni Miya. Naningkit ang mga mata namin at pilit na inaaninag kung ano ang naririnig namin Hanggang sa maaninag namin ang napakalaking bolang bato na handa kaming durugin.

"TAKBO!" sigaw ni Sandro at siya pa mismo ang Unang tumakbo saamin. Kumaripas nadin kami ng takbo at binuhat sila Miya at Creg. Ilang metro nalang ang layo saamin ng Bato na hindi namin alam kung saang lupalop nagmula.

"Ano ba talaga ang nangyayari dito?!!!"