webnovel

DUNGEON ZERO [Tagalog]

The boy named Ziro Ifrich, A boy who destined to save there world from the demon lord. His father disappear because of unknown reason but, because of what happen his journey started and the truth has been revealed.

ZaiPenworld · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
22 Chs

Chapter 11

Chapter 11 -  Betrayed

ZIRO

"kuya Ziro anong gagawin natin?," tarantang tanong ni Creg na kung ano-anong negatibo ang iniisip "Kuya! sumagot ka naman!" Napayakap ako sa tuhod ko at ginamit iyon upang takpan ang mukha ko. 

Ano ngaba ang gagawin ko para mailigras sila? Napatingin ako sa malaking espada ni Sandro na may nakaukit na Dragon. "Ano bang kailangan kong gawin?!" napasabunot na ako sa buhok ko dahil hindi ko talaga alam ang gagawin.

"Kuya," napatingin ako kay Creg na umupo upang pumantay sa ulo ko. "Nasubukan mo nabang gamitin ang Skills mo?" Napaisip naman ako. Hindi kopa nagagamit ang kahit anong skill na meron ako, ni hindi ko nga alam kung may skill ba ako.

"Hindi ko alam kung meron ba ako, tyaka kung meron man anong magagawa ng tulad ko?" Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at tinitigan ng diretso sa mata.

"Susuko kana ba? papabayaan mo nalang ba sila?" Tama siya, nakarating na ako dito kaya dapat panindigan ko. Kasamahan ko sila kaya hindi ko dapat sila pabayaan.

"hindi ako susuko! hindi ko sila pababayaan! kaibigan ko sila at mahalaga sila para saakin," Nabuhayan si Creg at hinila na yung Espada ni Sandro. "A-ako na diyan" natatawa kasi ako kapag nakikita siyang binubuhat ang espada ni Sandro.

binuhat ko iyon at inilagay sa likod ko. Pakiramdam ko makukuba ako sa pinag-gagawa ko, pano kaya nakakaya ni Sandro na buhatin 'to?

Muli kaming bumalik sa bahay ni Rosette pero laking taka ko nang makita na iba na ang itsura noon. Ang dating magandang bahay ay naging isang malawak na hardin na pinalilibutan ng salamin. "Anong nangyare dito?"

Napaatras kami ng biglang magbukas ang malaking gate ng hardin na gawa sa halaman. Pagpasok namin ay puno ng mga rosas na kulay pula ang paligid na nagpaganda pa lalo sa lugar. 

Hindi dapat ako magpaapekto sa nakikita ko baka mamaya ay may mga patibong "Ahhh!" agad akong napatingin sa kinaroroonan ni Creg na ngayon ay nakabitin na ng patiwarik.

"Creg! ibababa kita wag kang mag-alala!" agad kong kinuha ang Dagger ko at pinutol ang halamang nakapulupot sa paa ni Creg. 

"Grabe kinakahan ako dun," inilahad ko ang kamay ko at agad naman niya iyong tinanggap. "Pasensiya kana kuya Ziro naging pabigat pa ako sayo" nginitian ko lang siya at tinapik sa balikat. Senyas na wag mag-alala

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa matanaw ko ang isang arko na gawa sa halaman. Makikita mo na sa loob non ay may lamesa at upuan na gawa din sa halaman. Siguradong nandyan siya, nararamdaman ko.

Nasa tapat na kami ng Arko at nadatnan ko siya na nakaupo sa halamang upuan habang humihigop ng tsaa. Nag-iba din ang itsura niya na dati ay medyo may katandaan. Meron siyang mala Nyebeng balat at pulang mga mata at labi. 

"Kinagagalak kong makita ka muli," ngumiti ito na parang normal lang.  "Mag-tsaa muna kayo" Napapikit ako sa inis at tiningnan siya ng masama.

"Hindi kami nandito para mag-tsaa. Ibalik mo ang mga kaibigan ko!" Nagulat ako ng biglang sinigawan ni Creg si Rosette na ikinabigla nito.

"Bata kapalang pero kung makapagsalita ka akala mo kasing edad mo ang kausap mo, pasalamat ka at hindi kita pinatay" ibinaba niya ang tasa at tumayo. Mas kita ko na ng malinaw ang pula at puting dress nya na may mga disenyong rosas.

"Rosette, pakiusap ibalik mona sila!" inis kong sabi. pumikit lang ito at ngumiti. Nang-aasar ba siya o ano kasi nakakaasar ang mga ngiti niya. 

"Ganyan kaba pinalaki ng Ama mo?," Umupo ito sa mismong lamesa habang nakatuon ang tingin sa bubong na salamin. "Wala naman talaga akong balak na saktan kayo, sadiyang may misyon lang ako" 

"anong ibig mong sabihin?" 

"Wala ka nadon," Bigla nalamang gumalaw ang baging na puno ng mga tinik at inatake kami. Agad kong binuhat si Creg at umiwas sa atake ni Rosette. "Malalaman mo ang sagot kapag natalo mo ako!" Patuloy sa pag-atake si Rosette habang ako ay ilag lang ng ilag.

Nang makahanap ako ng tiyempo ay inilayo ko si Creg upang hindi madamay.

"kung yan ang gusto mo" Agad kong kinuha ang Giant Sword ni Sandro sa likod ko at Ibinaba iyon. Masyadong mabigat ang espada ni Sandro kaya nahihirapan akong kumilos. Inilabas ko ang Dagger ko at inipon lahat ng enerhiyang meron ako. 

Kung kinakailangan kong gamitin ang Skill ko gagawin ko pero masiyadong aksaya yon sa Mana ko. "Gusto ko magseryoso ka, Ziro" Muling gumalaw ang mga Halaman at handa na upang atakihin ako.

Isang problema nalang ang problema ko, ano ang skill ko? Wala akong oras para tignan ang status ko. Agad akong naghanap ng pagtataguan at nakita ko ang isang puno sa 'di kalayuan. Agad akong nagtago sa likod non na pinagtaka ni Rosette "Naduduwag kana ba?" 

Napabuga ako ng hangin at iniunat ang kamay ko upang makita ang status ko. Napakunot naman ang Noo ko ng makitang gray ang kulay ng Skill ko at hindi mapindot. 

"Ano na Ziro?!" Tanong ko sa sarili. 

Dahil sa kakaisip kung ano ang gagawin ay hindi na ako nakailag pa sa atake niya. Halos gumulong ako sa damuhan dahil sa lakas ng atakeng pinakawalan niya.

"Lumaban ka Ziro! Lumaban ka!!" Hirap mang tumayo ay pinlit ko parin. Oo alam kong mahina pa ako, alam kong Wala akong silbi pero alam kong maiiligtas ko sila gamit ang kamay nato! 

Agad na akong sumugod at iniwasan ang mga atake niya. May ibang atake na natatamaan ako pero Galos lang. Kahit umatake ako sa kaniya ay nasasalag naman iyon ng mga halaman. "Hanggang diyan nalang ba si Ziro? Hindi ka ata pinalaki ng maayos ng mabait mong ama?" 

"Nagkakamali ka. Dahil Nagsisimula palang ako!" Nagpatuloy ako sa pag-atake kahit alam kong hindi ko naman siya matatamaan dahil sa mga halamang pinoprotektahan siya.

Napahawak ako ng mahigpit sa Dagger ko At bumwelo upang hiwain ang halamang pananggalang niya. "AHHHHHHH!!!" 

Isang malakas na pag-atake ang ginawa ko na ikinagulat ni Rosette kahit ako ay nagulat sa nangyari. Bigla nalamang nagliyab ang halaman kasabay ng paghiwa ko doon. 

"P-panong?—"

Muli ko sana itong aatakihin habang wala itong balanse kaso natigilan ako ng balutan ito ng mga baging na puno ng tinik na parang sa mga Rosas. Agad akong napaatras ng magsimula nanamang umatake ang mga halaman na parang may sarili itong buhay, Parang pinoprotektahan siya ng mga halamang nakapaligid sa kaniya.

"Hanggang dito nalang muna sangayon." Bigla nanamang umihip ang napakalakas na hangin at binalot ako ng mga iyon. Bago paman akong tuluyang balutin non ay nakita kopa ang nakangiting si Rosette.

DEMETER

Bago paman tumagal ang laban ay agad ko na siyang inilayo sa lugar na ito. Hindi ko hahayaang hindi matapos ang misyon niya dito.

Unti-unting nagbago ang itsura ko at bumalik ang orihinal kong pagkatao. Ang damit ko ay naging mahabang gown na kulay berde at may mga bulaklak iyon na nagpaganda pa. "Malakas talaga siya" Mahina akong natawa dahil naalala ko nanaman ang laban namin. "Nagawa koba Emillia? Sana nakikita mo ngayon ang anak mo"

Tanaw ko si Ziro sa di kalayuan habang nagtatago ako sa likod ng puno. Binalik ko lang sila sa lugar kung saan sila bumagsak. Halos pigil ang tawa ko ng makita si Ziro na parang baliw na may kung anong hinahawi sa hangin.

"WAHHH! ilayo niyo sakin 'to! Waaahhhhh"

"Hoy! Ziro ano bang nangyayare sayo?" Tumigil ito sa ginagawa niya nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. Naglaho ang ngiti ko ng makita si Sora habang binibiro si Ziro at ganon din ang ginawa ng iba.

"Sora," bulong ko sa sarili. Hindi ko akalaing ang tulad niya pa ang napiling maging materyales ng lalaking yon. "Sana mahanap mo na talaga ang halaga mo sa mundong ito"

"Buti naman at ayos lang kayo! Akala ko talaga napahamak na kayo sa kamay ni Rosette" napakunot naman ang noo ng mga kasama niya. Tinanggal ko ang alaala nila upang hindi na magkaproblema.

"Ano bang pinagsasabi mo? Sino si Rosette?" Tanong ng babae na may gintong buhok. Siya yung babae na kasama ni Ziro nung hinahanap nila ang mga kasama niya. Kung tama ako siya si Riku.

"H-hindi niyo ba natatandaan ang nangyare?" Nag-aalalang tanong ni Ziro. Alam kong nagmumukha siyang baliw sa pinagsasabi niya pero natatawa talaga ako sa kaniya.

"Syempre naaalala! Wag mong sabihin na nabagok yang ulo mo kaya tuloy kung ano-ano na ang pinagsasabi mo!!" Inis na sabi ng lalaki na may asul na buhok. Ramdam kong may hinanakit siya sa puso niya at nakikita kong may isang tao ang babago sa nararamdaman niya.

"B-baka panaginip lang yung nangyare HAHAHA" napakamot sa ulo si Ziro at halatang napahiya siya. Ang inakala niyang si Rosette ay isa palang Diyosa:

Pasikreto akong nakikinig sa usapan nila Rosette at napagtanto ko na ang kausap niya ay kakilala ko. Tsk! Gumagawa nanaman siya ng hakbang na hindi namin alam.

Nang makasigurado na akong umalis na siya ay doon kona sinimulan ang plano ko. Agad kong ginapos si Rosette gamit ang baging ng mga puno.

"Pasensiya kana , trabaho lang" 

"Bwiset ka! Sasabihin koto kay —" agad kong tinakpan ang bibig niya gamit ang damo. Pinalamon ko sa kaniya yon at tinalian ang bibig niya.

itinali ko siya sa isang puno upang hindi siya maka-abal sa gagawin ko. Nag-panggap akong siya at ginabayan si Ziro sa tamang daan na dapat niyang tahakin. 

Sinubok ko din ang lakas niya at katulad ng inaasahan malakas siya kahit wala ang kapangyarihang yon. Ang kapangyarihang matagal ng itinatago ng ama niya.

Hindi ko naman talaga hawak ang mga kaibigan niya, hindi lang nila napapansin ngunit nasa iisa lang silang lugar.

---

Tapos na ang misiyon ko dito bahala na ang ibang Diyos(a) sa kaniya. Alam kong magiging malakas siya higit pa sa lakas ng mga kasama niya at pagdumating yon hihirangin siyang bayani ng lupain ng mga mortal.

Bumalik na ako sa Paraiso ng mga Diyos(a) at masaya silang nagkwekwentuhan na parang mga walang problema. Walang kwenta talaga ang ginawa nilang motto dahil kaming mga diyos(a) ay patuloy parin sa pagtulong sa mga tao.

Aasahan kong magtatagumpay si Ziro, alam kong malalaman din niya ang katotohanan.

Ang katotohanang gigimbal sa kaniya, pero kung nalaman naman niya ang katotohanan hindi niya maililigtas ang bawat isa sa mundong ibabaw.

"Diyosa Demeter!," napalingon ako sa aking likuran ng biglang sumulpot ang anghel na siyang nagbabantay sa Tore kung nasaan ang sentro ng mundo. "May problema tayo!"

"Ano iyon?" Tiningnan niya ako ng diretsiyo sa mata at itinulong ang sasabihin niya. Hinahabol pa nito ang hininga niya dahil malayo ang nilipad niya papunta dito.

"Si Diyosa Freya! Gumagawa nanaman siya ng hakbang na hindi dapat!" Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at pumunta sa Life City. Tanaw ko siya sa di kalayuan kasama ang isang Ifrit na naninira ng lugar, at kilala kona kung sino iyon.

"Freya!," napalingon ito saakin "Ano nanaman itong ginawa mo?!" Nilayo niya ang tingin niya saakin. Eto nanaman siya, kumikilos ng hindi nag-iisip.

"Wag mona ako pakialaman, pakialaman mo yang sarili mo" nagpatuloy ito sa paglalakad at hindi na pinansin pa sigaw ko sa kaniya.

Hindi kona alam kung kanino ba talaga siya kampi, saamin o kay Esther.