webnovel

"Masayang panimula"

Akala ko di na ako makakabangon muli. Sabi ng iba parang "Maalala-ala mo kaya (MMK)" yung kwento ng buhay pag-ibig ko. Pero oo nga naman, sabi ko di din sa sarili ko pwede ng i-ere sa MMK ang kwento ko. Eto na nga sisimulan ko na!

February 2017, nameet ko ulit ang dati kong kabanda na itago natin sa pangalang "Jorge". Si Jorge ay 7-taong ang agwat sa aking edad. Bente anyos palang ako nuon. Noong panahon na yon, sya ang naging sandalan ko dahil galing ako sa isang di magandang relasyon. Hanggang lagi na kaming magkausap. Lagi kaming nagkikita. Si Jorge, masasabi kong napaka-independent na tao. Mapagmahal sa pamilya, mabait sa lahat lalo na sa kanyang mga pamangkin. Hindi ko maipagkakaila na yun ang isang dahilan kung bakit lumalim pa ang pagtingin ko sa kanya. At isa din sa dahilan, malapit ako sa pamilya nya lalo na sa mga pamangkin nya. Hanggang sa umamin at sinabi nya sa akin na gusto nya akong ligawan.

March 5, 2017 at naging kami na nga. Hindi ko na din pinatagal at alam ko naman na duon na din pupunta ang relasyon namin. Halos 7-taon na din naman kaming magkakilala ni Jorge, kaya naman alam kong kilala ko na ito. Noong panahon na yon, kasalukuyan akong nag-aapply abroad. Nag-aayos na ako ng requirements ko para sa pag-alis ko. Naging busy ako, at tumira ako sa Maynila ng dalwang buwan upang mag-aral ng lenggwahe ng bansang aking pupuntahan. At yun ay ang bansang Japan. Pero hindi yun naging hadlang sa amin upang masira ang aming relasyon. Bagkus naging inspirasyon namin ang isa't-isa para tuparin ang aming mga pangarap. Kapag may libre akong oras ay hindi ako nagdadalawang isipin na puntahan sya sa kanyang trabaho kahit pagod ako galing school at malayo ang byahe. Kahit isang beses sa dalwang linggo kami bago magkita o minsan ay wala pa, hindi namin iniinda iyon dahil mayroon namang paraan para makapag-usap kami kahit sa telepono lamang.

Isang araw tumawag sya sa akin, may susunduin daw sya sa batangas pier. Ang kanyang pinsang babae na galing mindoro. Sya si Aubrey, 17-taong gulang sya nuon. Noong umuwe ako at nagpunta ako sa bahay nila, pinakilala sa akin ni Jorge ang kanyang pinsan na si Aubrey. Masasabi ko naman na mabait itong bata. Wala ng mga magulang si Aubrey. Namatay ang nanay nya dahil sa isang malubhang sakit na cancer. Si Aubrey ay lumaki sa kanyang step-father na kaya sya umalis sa puder nito dahil sya minomolestiya ng kanyang amain. Bumalik ako sa Maynila upang mag-aral muli. Binuo ko ang dalwang buwan na pag-aaral ko duon. Si Aubrey ay malapit kay Jorge dahil ito ang kumopkop sa kanya. Si Jorge na ang nagpapaaral sa kanya. Magkasama sila sa bahay kasama ang kapatid ni Jorge na babae pati ang asawa at mga anak nito.

At dumating na ang araw ng aking pag-alis.

(Sundan sa susunod na chapter)

This is a true life story!

Daoist275710creators' thoughts