webnovel

Chapter 22

Marami pa sanang gustong gawin si Van Grego sa paggalugad ng Myriad Painting ngunit lubhang  napakapanganib at sobrang hina niya pa. Ayaw niya ng patagalin ang mga gagawin niya. Isasagawa niya ang pang apat niyang plano ngayong arawkabilang sa mga Clan na halos lahat ay biniyayaan na maging isang Alchemist, ang mga ito ay ang Chandelo Tribe na isang Kilalang Second Rate City na noong limang taon lamang ay nalusob at napabagsak ng malulupit na mga sundalo ng Slavery City.

Nais niyang puntahan ang Slavery City na isang Second Rate City na pinamamahalaan ng mga malulupit na mga Opisyales upang bumili ng alipin na galing sa Chandelo City.

Hindi niya gagawing alipin ang mga taong ito kundi ay gagawin niyang katuwang ito sa kanyang bubuuing Alchemy Powerhouse na kasalukuyang itinatayo ang pangunahing pundasyon at magsisilbing tahanan ng mga Alchemist.

Alam niyang makakatulong ang Chandelo Tribe lalo pa't ito ang may pinakamaraming miyebro ng pamilyang halos nagtataglay ng Alchemy Flamesat kung maswerte siya ay magkakaroon pa siya ng mga henyong taong nsgtataglay ng Alchemy Sacred Flames para sa paggawa iba't ibang pills na may matataas na kalidad at benepisyo.

Ang mga Chandelo Tribe ng Chandelo City ay tinuturong na mababa ang kanilang Cultivation lalo pa't nakakasagabal sa kanila ang sinasagawang panggagamot at paggawa ng  low-tier na pills na siyang nagpapahina ng pag-angat ng kanilang rank. Itinuturing pa rin silang yaman ng noong Chandelo City lalo pa't naturingan silang manggagamot.

Ang iba sa mga miyembro ay piniling maging Alchemist at halos karamihan sa kanila ay mas piniling maging Cultivator at kinalimutan na ang mga pangarap nilang maging Alchemist dahil na din sa malaking gagastusin sa pag-aaral at maging ang gastusin sa pagbili ng mga raw materials at ingredients ng paggawa ng pills.

Pinili niya ang mas malaking imprastraktura dahil plano niyang tumatag ng malakas na Powerhouse na hihigit pa sa kabuuang lakas ng Royal Clans. Hindi pa siya sigurado sa pinaplano ng Royal Clans kaya sa mas madaling panahon ay magtatatag siya ng isang Powerhouse ng pasikreto.

Paglabas niya sa Myriad Painting ay agad niyang iniba ang kanyang itsura maging pangangatawan at boses niya. Ang panlabas na anyo ngayon ay isang binatang mahigit sa dalawampung taong gulang at may magandang pagmumukha.

Sinuot niya ang isa sa mga bagong bili niyang mga damit na nabili noon sa pamilihan malapit sa pangunahing ruta lalo pa't may mga itinayong mga negosyo ang mga kaliapit na lote na kanyang nabili.

Natapos na siya sa kanyang pag-aayos ng sarili habang nakaharap sa full- lenth mirror. Nandito siya ngayon namalagi sa Sacred Pond sa labas ng Interstellar Palace.

Halos nasanay na siya sa pakiramdam ng pagbabago kung Kaya't madali na lamang siyang naiayos ang dapat na dadalhin lalo na ang malalaking halaga ng Martial Money at ibang mga bagay-bagay upang maging matagumpay ang isasagawa niyang plano. At sinimulan na ang kanyang mabilis na paglalakbay sa pamamagitan ng paglipad.

Anim na beses ang bilis ng paglipad ni Van Grego gamit ang tatlong pares ng pakpak at agad na kumubli sa nagkakapalang mga ulap upang maiwasan ang agaw-atensyon sa oaningin ng mga tao sa kalupaang kanyang madadaanan

Kasalukuyan na siyang naririto sa Slavery City at nagbayad na sampong Martial Money ayon na rin sa kaukulang bayad para sa pagbisita ng taga-labas sa kanilang siyudad. Hindi maipagkakailang istrikto ang pamamalakad ng City lalo pa't ang mga tao rito'y sobrang disiplinado na walang maririnig na mga ingay. Halos nakakbingi ang katahimikan dtio tanging mga tunog lamang ng mga yapak ng mga taong naglalakad ang maririnig.

Maging ang mga mamamayan dito ay mahahalatang may takot sa awtoridad ng Slavery City lalo pa't sa kanyang kaalaman ay mabibigat na parusa ang ipinapataw sa sinumang lumabag sa mga patakarang ipinatupad ng pamahalaan dito. Maging ang mga bata dito ay hindi maipagkakailang inalisan ng kamusmusan lalo pa't ipinagpabawal ang paggala ng mga bata sa alinmang sulok ng kalye.

Masakit para sa kanyang makitang parang nagsilbi itong kulungan para sa mga taong gustong msging malaya. Tanging makapangyarihang Cultivator lamang ang pwedeng baliin ang patakarang ito. Kahit na naawa si Evor sa kalagayang ito ay mas mabuti na ito lalao pa't maraming nakaambang panganib sa aling mang sulok ng mundong ito.

Ipinagpatuloy niya ang kaniyang paglalakad kasabay ng disiplinadong dalawang gwardiya sibil na may Cultivation na  Martial Knight.

Halos kapantay ng karamihan na ordinayong mamamayan ng Royal Clans. Yun nga lang ay may apatnapong pamilyang nagkaroon ng Alyansa upang buuin ang Royal Clans at nakatapak na ang mga Cultivator nito sa Middke Stage ang mga Opisyales ng bawat royal Families kung Kaya't hindi pa rin sila maikukumpara rito maging ang first Rate Class ay hindi din mapapantayan ang kabuuang lakas nila.

Iwinaksi niya ang kanyang mga iniisip at patuloy ang paglalakad papunta sa tanggapan ng mga taong gustong bumili ng mga alipin.

Nakarating na sila sa tanggapan at mabuti na lamang at walang mga masyadong ginagawa ang Ginoong si Mr. Lino Banyes na nakabalandra ang pangalan niya sa mesa kung Kaya't hindi na niya maaaring alamin at itanong ang pangalan nito.

"Magandang umaga Ginoo, anong maipaglingkod ko sa inyo? Maaari ko po bang malaman?" Paunang pahayag ni Ginoong Lino na may kasamang tanong sa a dulo.

'Magandang umaga din Ginoong Lino, kung inyong mararapatin ay Gusto ko sanang bilhin lahat ng mga alipin niyo na kabilang sa tribo ng Chandelo." May respetong tugon ni Van Grego sa Balat-kayo niyang panlabas na anyo na isang binata

"La-h-hat? Lahat ng mga a-alipi-n n-ng Ch-Chand-del-lo T-Tribe? Pautal-utal na sabi niya. Gusto na ngang itapon ni Ginoong Lino ang mga para sa kanya'y mga basura at walang halagang mga alipin.

Wala na ngang nagkakainteres sa mga iyon. kahit na bata pa ang mga iyon maging sa kutis at nabiyayaan ng magagandang katawan mapalalaki man o babae ay hindi nila ito magagalaw lalo pa't mga angkan ng mga Alchemist ang mga ito.

Hindi nila ito maaaring galawin lalo pa't napa-init ng katawan nila lalo nagtataglay sila ng Alchemy Flames. Hinulma ang katawan nila na may attributes ng apoy kung Kaya't tanging mga kapwa nila Alchemist ang pwedeng gumalaw sa mga ito lalo pa't marami ng insidente na sinubukang halayin ng isa sa mga sundalo ang mga kababaihan, nagulat na lamang ang mga nakasaksi na naging abo na lamang ang mga ito pagkatapos tupukin ng Alchemy Flames.

Nagsilbi itong aral sa lahat ng mga mamamayan at sundalo ng Slavery City. Wala dong silbi para sa kanila ang mga Alchemist na ito dahil na rin hindi mataas ang Cultivation nila at idagdag oang halos lahat ng Chandelo Tribe ay   nagkokonsumo rin ng Cultivation Resources  pawang mga palamunin  para sa kanila. 

Kahit na masasabing biniyayaan ng magandang pangangatawan at kutis ang tribo ng Chandelo Tribe ay sa makalipas ng limang taon ay naging alagain at pasanin na nila ito lalo pa't nanghihina na rin ito dahil na rin sa kaunting resources at pagkain ang mga ito. Mababa pa ang kanilsng rank kung Kaya't nakakaramdam pa rin sila ng gutom, uhaw at maging ang karaniwang pagod sa katawan. Naging buto't balat na ang mga ito, napakamiserable na ng panlabas na anyo nila idagdag mo pang ang iba ay may iniindang mga sakit. Kaya't para kay Mr. Lino ay kailangan na nila itong itapon lalo pa't wala na itong silbi para sa kanila.

Hindi na din niya inabalang alamin ang mga pangalan ni Van Grego dahil para sa kanila ang bisita ay bisita at hindi na kailangan pang alamin ang mga layunin niya sa pagbili bagkus ay sinusuma niya na lahat ng kabuusng perang pwedeng kitain niya.

Sa kabilang banda naawa si Van Grego sa kalagayan ng mga Chandelo Tribe at maging ang mga iba pang alipin na nakahilata at nakahandusay sahig. Marami ang mga ito halos mga limang daang libong katao. Nakita niya itong mga kalunos-lunos na kalagayan ng mga ito sa tulong ng Immortal Eye niya.

"Kung inyong mamarapatin Ginoong Lino ay bibilhin ko na ang lahat ng mga alipin niyo dito!" Magalang na pagkakasaambit ni Van Grego na may himig na paghiling

Ang mga malalaking silid ng mga aliping may sakit ay itinuro niya kay Van Grego liban na lamang sa  ilang naglalakihang mga silid ng mga malulusog na alipin na binibigyan ng mga komportableng mga higaan at sapat na pagkain at Cultivation Resources. Sapat na rin ang mga aliping itinuro ni Ginoong Lino kung kaya't kontento na rin siya. Wala na siyang magagawa pa. tumango na lamang at ngumiti ng pilit.

"Ilan lahat na mga alipin ang maaari kong mabili Ginoo?" Magalang na tanong ni Van Grego

"Sa aking pagbilang sa lahat ay mga 574, 842 na bilang ng mga alipin." sagot ni Ginoong Lino

Ang kabuuang bayad sa mga ito ay 5 million Martial Money at wala ng tawaran yan, either you take it or Leave it! Dagdag na sagot ni Ginoong Lino lalo pa't gusto niya ng idespatsa o itapon ang mga alipin na mga ibinenta niya kay Van Grego. Halos lahat ay mga wala ng silbi sa kanila lalo na sa Lider ng Slavery City. Mabuti na lamang napagkakakitaan niya pa ito ng malaki-laki.

Lingid sa kaalaman niya na may baong 100 milyong  Martial Money si Van Grego upang sana bumili ng madaming alipin. Hindi niya aakalaing makakatipid siya ng  99 na milyong Martial Money dahil dito.

Kung alam lamang ito ni Ginoong Lino ay sigurado siyang magsisisi siya sa mababang presyong kanyang ipinasya.Ganon talaga, nasa huli ang pagsisisi.

Di niya alam na mas namuhunan pa si Van Grego kaysa sa kanya.

Inabot na ni Van Grego ang kabuuang bayad na 5 million Martial Money. Nilagdaan na nila ang kontrata at may isang Master-Slave System na papel ang ibinigay sa kanya.

Napakadali lamang itong paganahin lalo pa't patakan lamang ang nasabing kontrata ng dugo upang mapagana niya na ito na kayang kontrolin ang kahit na sinong alipin sa pamamagitan ng pagbibigay ng sakit o torture. Agad niya itong pinatakan ng dugo upang maactivate na ang seal.

Sinubukan niya nga ito sa isang alipin at epektibo nga. Natuwa din si Ginoong Lino sa kanya pero di niya din ito gustong mangyari na saktan ang kahit na sinong alipin dito. Hindi niya ito ituturing na sariling pamilya ngayon.

Kaya niya namang sirain ang Seal sa pagitan ng Master-Slave System pero hindi pa ngayon lalo pa't kinakailangan niya ng malakas na pwersa sa nalalapit na digmaang hindi alam ng karamihan.

Lahat ng mga alipin ay ipinalabas ng mga sundalo. Kompletong mga bilang ang mga ito at walang itinira kshit na isa man sa silid. Nagpaalam na agad si Van Grego kay Ginoong Lino. Gamit ang Wrap stone ay biniyak niya ito at agad silang dinala sa malawak na kapatagan.

Isa-isa niyang binigyan ng paunang lunas ang bawat may sakit lalo na ang may mga sugat o pasa. Halos lahat naman ay nalapatan niya ng paunang tulong kung Kaya't nagalak ang lahat. Sinumulan niya ipanapasok sa isang high-grade Interspatial Dimension kung saan magkakasya ang lahat ng mga aliping kanyang nabili at agad na isinara ang lagusan papasok ng Interspatial Dimension na naging hugis sing sing ngunit mahahalata mong iba sa Interspatial ring at sack dahil kaya nitong sidlan ng mga nabubuhay na nilalang.agad niya itong isinuod at lumipad a kaulapan.

May nakalagay na rin sa loob ng Interspatial Dimension na mga pagkain at iba't ibang klaseng pills na low-tier pero mas mabisang pills lalo pa't Sacred Flames ang inilagay niya.Hindi na din bumalik pa sa Interstellar Palace dahil lubhang mapanganib doon lalo pa't sa nakaraang nalaman niya pagtapos niya ng floor ay nahintatakutan siya lalo pa't malalakas na mga Martial Experts ang pwede niyang makalaban kung kaya't wala ns siyang magagawa kung hindi ang iwasan ang nagbabadyang panganib lalo pa't maraming tao na siyang kasama mula ngayon.

Bumaba siya sa masukal na parte ng kabundakan na madalas niyang babaan kapag lumilipad siya. Isinara niya na rin ang kanyang pakpak na naging sang tattoo na may iba't ibang kulay ayon sa kulay ng pakpak.  Gumawa siya ng napakatibay na harang at magtatago ng aura at enerhiya sa kahit na sino mang nilalang.

Naglagay din siya ng mga napakompikadong array na siyang magiging deoensa sa sinumang magbabantang atakehin ang barrier at ang lugar na ito.

Agad niyang inilabas ang Myriad Painting na itinago niya sa kanyang dantian upang masigurong ligtas. Ng inilagay niya ito noon ay linagyan niya ng maraming defensive Formation ang buong katawan niya maging ang dantian niya at linagyan ng Ancient Reflecting Barrier Technique kung Kaya't alam niyang protektado lahat ng mga bagay na nasa katawan niya lalo na ang kanyang dantian.

Pumasok siya si Van Grego sa loob ng Myriad Painting at binuksan ang lagusan ng  Interspatial Dimension at nilagyan ng mga Formation Arrays at mga barrier na may Martial Qi Absorbing Technique. Tanging ang Qi lamang at si Van Grego ang pwedeng maglabas-pasok sa Interspatial Dimension lalo pa't hindi niya masisigurading tapat ang lahat ng mga naging alipin noon sa kanya.

Ibinahagi ni Van Grego sa Sampong Departamento, Ito ay ang mga:

Alchemy Department: grupo ng mga Alchemist na nagtataglay ng Alchemy Flames o Sacred Flames na biniyaya mula pa ng ipinanganak sila o kaya ay dahil sa sinuwerteng nakakuha nito.

Weapon Department: Grupo ng mga eksperto sa mga armas na nakakagamit ng halos buong lakas nito. Sila ang inatasang magiging opensa o front line sa maaaring mga banta. Sila ang may malawak na kaalaman ukol sa Kagamitang kayang maglikha ng damage sa mga bagay at nilalang.

Sales Department: Sila ang grupong magsisilbing tagabenta ng mga bagay-bagay kagay ng pills at iba pang mga produkto. Halos lahat ng mga ito ay mga kababaihan at meron ring kalalakihang nagtataglay ng maaamong mukha at anyo. Sila ang mamamahala sa anumang magiging tkbo ng negosyo. May malaking papel para sa magiging sales rate  ng produkto ng negosyo

Strategy and Plan Department: Ito ang grupong magsasagawa ng mga plano sa anumang klaseng sitwasyon kagaya ng pagtakas sa delikadong sitwasyon, pagreresolba ng problema, pagsira ng mga bitag at harang, pagpapataas ng sales rate at iba pa. Malaki rin ang papel nito sa anumang suliraning kakaharapin.

Safety Precautionary Department: Ito ang grupo ang magsisiguro sa kaligtasan. Ang pangunahin nitong paoel ay ang pagsisiguro ng mga bagay-bagay lalo na sa mas magandang magiging desisyon sa mga transaksyon at negosyasyon ukol sa maaaring maging anomalya.

Hunter Department: Ito a ng grupo ng mga nangangalap ng mga bagay- bagay katulad ng mga herbs, raw materials, paghunt ng mga Martial Beast o ibang mga nilalang, paghahanap ng mga nakatagong mga kayamanan at iba pa.

Intelligence Department: Ito ang grupo ng mga  nakatalagang magtago ng mga nakatagong mga sikreto at mahahalagang impormasyon. Ito ang nagsisilbing utak ng Iba't ibang departamento at nagbibigay ng lahat ng mga impormasyon sa kahit na anong bagay at sitwasyon. Lubhang napakahalaga ng grupong ito at pangunahing poprotektahan  sa oras ng kagipitan. Ito ang grupong magiging tago sa lahat ng mga grupo. Mananatili lamang sila sa loob ng tagong lugar upang maiwasan ang pag-leak ng mga sensitibong mga impormasyon. Nangangahulugang kapag nadakip sila, babagsak ang pundasyon ng itinayong samahan.

Production Department: Ang grupong ito ang siyang namamahala sa pagsasaayos ng produkto maging ang maayos na pagdeliver ng produkto para sa maayos na kondisyon ang mga ito. Trabaho nilang inspeksiyonin at tiyaking epektibo pa rin ang isang produkto. Lahat ng magiging problema sa kalidad ay kanilang papasanin kung Kaya't ibayong pag-iingat ang kailangan. Pati ang pag-iimbak at pagpreserba ng produkto ay kanila itong gagawin.

Military Department: Ang grupong ito ang masasabing halos lahat ay mga kalalakihang may malulusog na mga katawan na batak sa mga ensayong pang pisikal at mga batak ang katawan. Masasabing ang grupong ito ay sanay sa mabibigat na mga gawain at angkop sa mga pagsasanay na kailangan ang pisikal na lakas. Tungkulin nilang tiyakin at protektahan ang iba't ibang departamento upang masiguro ang kanilang kaligtasan. Sila ang masasabi mong sana'y sa pangmatagalang laban at nakaranas ng totoong mga laban.

Kids Department; Ang mga ito ay ang grupo ng mga kabataang nais na maging susunod na mamumuno sa susunod na mga henerasyon ng bawat Department. Sila ay sinasanay ayon sa angkop nilang edad. Tungkulin nilang maging disiplinado sa oras ng pagsasanay.

Lahat ay nagkaroon na ng Sariling mga department na sinalihan. Tinanggap nila ang mga tungkuling iniatang sa kanila ng may galak sa kanilang mga puso.