webnovel

Diary ng Dakilang Bitter (Walang Forever Believer)

Akirokyd · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
26 Chs

Bitter 21

Dear Diary,

Maaga akong nagising, diary dahil papasok ako ngayon sa pet shop. Ala sais pa lang kasi nagtext 'nung taong bagang kaya heto, gising na ang maganda. Baka miss na niya kagandahan ko, diary. Duh, sino ba namang hindi makakamiss sa ganito  kagandang mukha, 'di ba?

Napapitlag naman ako, diary nang humangin ulit nang malakas at biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko saka humambalos sa pader. Potanis, pati hangin aangal na maganda ako. Kagabi ka pang hayop ka!

Bago pa ako mabwisit, diary ay lumabas na ng kwarto at nagpunta na sa kusina para mag-almusal. Nang mapadaan ako sa sala, nakahiga pa rin doon si Mumoy at nakapasak pa din sa bunganga niya ang pot holder na nilagay ko kagabi. Hindi na siya nakapunta sa kwarto ang hayop. Sarap na sarap sa tulog porke busog, bwisit.

Nadatnan ko naman sa kusina si Nanay, diary. Nwgluluto siya ng almusal.

"G-good m-morning 'Nay." Bati ko sa kaniya. Ang totoo niyan diary, kibakabahan ako.

"Good morning din, a-anak," napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Nanay. Nagpapalakoakan ang mga tutuli ko sa tainga dahil sa sinabi niya.

"Maupo ka na. Malapit nang maluto 'tong sinangag." Sinunod ko naman ang sinabi niya, diary. Baka ihambalos sa'kin 'yung kawali kapag 'di ako sumunod.

Ano kaya nakain ni Nanay bakit ang bait niya sa'kin ngayon? 'Di kaya nahipan siya ng masamang hangin? O kaya naalog ang utak niya 'nung nahimatay siya? Hay, bahala na nga. Basta ang mahalaga, diary eh medyo hindi na magaspang na ang pakikitungo sa'kin ni Nanay. Hindi na kasing gaspang ng mukha ni Mimi.

Nagtimpla naman muna ako ng kape, diary para sa amin ni Nanay habang nagluluto pa siya. Saka nagmumog na rin ako, medyo hindi maganda ang naamoy ko sa hininga ko eh.  Baka mag-iba ang lasa ng kakainin ko mamaya, mahirap na.

Kumain na rin kami ni Nanay, diary pagkatapos niyang magluto. Hindi na muna namin ginising si Mumoy dahil ang sarap pa ng tulog niya, nahiya naman kami ni Nanay. Medyo makapal kasi ang tabas ng mukha ng hayop na 'yun, diary.

"Kaya ko nilihim sa'yo 'yun, Milan ay dahil 'yun ang gusto ni Clent. Ayaw niyang malaman mo ang kondisyon niya." Biglang nagsalita si Nanay. Magugulat sana ako pero bigla akong tinamad, kaya huwag na lang.

"Ipinaliwanag na po sa'kin nila Asphyx 'Nay. Late na kayo — charot. Ang ipinaliwanag lang nila sa'kin 'Nay ay kung bakit nilihim niyo sa'kin ang tungkol sa pagpapanggap ni Asphyx."  Sabi ko naman. Naalala ko 'yung sinabi ni Tita Eli na nagkaroon sila ng hindi pagkaka-intindihan ni Nanay. Hindi niya nasabi 'yung dahilan kasi umeksena si Asphyx. Matanong nga si Nanay.

"Ah 'Nay, kinuwento ni nung Nanay nila Asphyx na nagkaroon daw kayo ng hindi pagkaka-intindihan dati, bakit po?" Natigilan naman si Nanay habang kumakain. Hindi ba siya nasarapan sa luto niya?

"Nay?" Pagtatawag ko ulit sa kaniya. Medyo natulala kasi siya. Sabi na eh, hindi siya nasarapan sa niluto niya.

"Matalik kasi kaming magkaibigan ni Elizabeth. Magbestfriend ba," panimula ni Nanay, diary. Mukhang mala-MMK ang kwento ni Nanay ah. Nagpatuloy naman ako sa pakikinig sa kaniya, diary. "Kukunin ko pa nga siyang Ninang mo... sana. Kaso masyadong mapaglaro ang tadhana." Huminto sa pagkukwento si Nanay. Ano ba 'yan! Pasustains si Nanay!

"Bakit 'Nay? Ano bang nangyari sa inyo?" Pagtatanong ko, diary.

"Ipinagbubuntis kita noon... nang malaman kong may relasyon sila ng Tatay mo." Nabitawan ko naman ang kutsarang hawak ko.

Si Tita Elizabeth ang dahilan kung bakit naghiwalay sina Nanay at Tatay?

Nanatili akong tahimik, diary. Hindi ko kasi lubos maisip na 'yun ang dahilan kung bakit nasira ang pamilya namin. Parang biglang nasira 'yung magandang imahe na nakita ko sa kaniya. Sa isang iglap, nasira 'yung tiwala ko sa kaniya kahit saglit pa lang kami nagkakilala. Siya ang nagpatunay sa katagang, "Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo.".

"Isa 'yun sa dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila na ayaw ko nang makita sila... kung bakit gusto kong umalis sila at magpakalayu-layo... kung bakit gusto kong mawala sila sa buhay natin... at kung bakit ayaw kong malaman mo at maalala mo agad ang mga ala-ala mo noon. Dahil alam ko na kapag naalala mo na, hahanapin mo ang kambal... dahil natatakot ako na baka maulit ulit ang nangyari." Nagsimula nang umiyak si Nanay, diary.  Agad ko naman siyang nilapitan at inalo.

Ngayon, naiintindihan ko na si Nanay. Kaya pala ganoon na lang ang pagtatago niya sa'kin ng lahat dahil para rin sa'kin. Nagsimula na rin akong maiyak, diary. Hindi ko alam na sa kabila pala ng magaspang na pakikitungo sa'kin ni Nanay ay nakatago doon ang pag-aaruga at pagmamahal sa'kin.

Nahinto naman ang drama-rama namin ni Nanay nang umeksena si Mumoy — ang kapatid kong tamad na nagkatawang tao.

"Hmmm, aga-aga ang drama drama niyo. Arte niyo mga sis." Sabi niya habang humihikab.

Potanis talaga! Sa inis ko diary, pasimple kong inabot 'yung syanse na nakapatong sa kawali saka ko hinagis sa kaniya. Walang kwenta talaga kahit kailan!

"Bwisit ka, Mumoy! Mabaog ka sana!"

---

Nakatulala ako ngayon sa shop, diary. Dito sa tabi 'nung hawla ng parrot na walang iba ginawa kundi laitin ako, potanis na 'yan. Katatapos ko lang maglinis ng mga poo poo ng mga hayop dito. Kasama na rin 'yung taong bagang na 'yun. Bwisit siya! Mantakin mo, diary, hinintay niya pa sa akin 'yung mga pesteng dumi na 'yan mula pa 'nung isang araw! Nakakagigil siya, diary! Heto ako ngayon, ang dungis-dungis ko. Sinusuway nga niya ako kanina, sabi niya doon daw ako sa CR, nangangamoy daw ako. Bwisit talaga! Potanis.

Pasado alas tres na ako natapos kakalinis sa potanis na 'yan. Parang nagsisi tuloy ako na nag-apply ako sa shop ng taong bagang na 'to. Pero keri lang, diary, maganda ako kaya dapat mabait din para swak, duh.

Tumayo ako sa kinauupuan ko, diary at nagtungo sa CR. Magbibihis na ako ng damit dahil naaamoy ko na ang sarili ko, medyo hindi magandang amuyin, diary. Nang makapagbihis ako, bumalik ako sa loob ng shop. Ang dami na namang tao, diary. May mga bagong dating kasi na mga hayop.

Tinawag naman ako 'nung amo kong taong bagang. Syemre dahil mabait ako, lumapit ako sa kaniya. "Ano ho iyon?" May pagkasarkastiko kong tanong sa kaniya.

"Ikaw na mga muna bahala sa ibang customer. Lalo na ayun oh, gustong bumili ng parrot." Nginuso niya 'yung lalaking matangkad na maputi tapos naka-suot ng maong na short saka itim na t-shirt na nasa tabi 'nung hawla 'nung mapanglait na parrot.

Hindi ko na siya sinagot diary at dali-daling pumunta sa pwesto 'nung lalaki.

"Aba, shunga na nga bastos pa." Rinig ko pang sabi niya. Bahala siya diyan. Mabulok sana bagang niya.

Papalit pa lang ako, diary sa pwesto 'nung lalaki pero rinig na rinig ko na 'yung parrot na may kung anong sinasabi.

'Pogi ka, pogi ka, pogi ka...' paulit-ulit niyang sabi doon sa lalaki. Aba, himala hindi siya nanlalait ngayon. Tuwang tuwa naman 'yung lalaki. Rinig ko kasi 'yung pagtawa niya. Hmmm, ang gwapo ng tawa niya, diary. Napangiti naman ako. Mukhang fafable siya, hihi.

Lumapit ako sa kaniya, diary, at napalingon naman sa'kin 'yung parrot.

'Pangit alert, pangit alert...'  Nawala 'yung ngiti ko nang marinig 'yung sinabi niya. Potanis! Akala ko pa naman pupurihin niya ako ngayon, kasi narinig ko siyang pinuri 'yung lalaki pero pagdating sa'kin lait ulit? Potanis na iyan!

Sasakalin ko sana siya diary kaso humarap 'yung lalaki.

"Ikaw?" Sabay naming sabi, diary. Hindi ako pwedeng magkamali! Siya 'yun! 'Yung gwapong lalaki sa tricycle tapos 'yung nakabunggo sa'kin, diary! Siya 'yun!

'Tulo laway, tulo laway, tulo laway...' Natauhan ako nang marinig ko ang boses 'nung parrot. Tinignan ko nang masama 'yung parrot dahil sa sinabi niya. Pinapahiya ako ng hayop na 'to talaga!

Napahawak naman ako sa labi ko dahil naramdaman kong nagtutubig na siya. Pisti, kung kailan nakaharap ko 'to sa'ka naman nagbadyang tumulo laway ko.

Inayos ko ang sarili ko at saka sumagot sa kaniya. "Ako nga. 'Yung nakasakayan mo sa tricycle at 'yung nakabunggo sa'kin. Yes , ako nga. Anong maipaglilingkod ko sa'yo?" Bakas ang pagkasarkastiko sa boses ko, diary. Hindi ko pa rin makakalimutan ang sinabi niya sa'kin sa tricycle at 'nung nabunggo niya ako, noh.

"Ah, so dito ka pala nagtrabaho?" tanong niya. Hindi ba halata? "Buti tinanggap ka." Dagdag niya. Mahina ang pagkakasabi niya pero narinig ko 'yun. Napakayabang naman ng epal na 'to.

"Ano iyon?" Pagtatanong ko. Ang kapal naman ng tabas ng mukha niya, diary ah.

"Wala. Shunga na nga, bingi pa." Bulong niya. Pinapakulo talaga nito ang dugo ko, diary ah.

"Hoy, ang kapal ng mukha mong manlait. Kala gwapo, hmp!" sigaw ko sa kaniya, diary.

Napataas naman ang kilay niya. "Ako? Hindi gwapo? Talaga?" tanong niya sa'kin. Napalunok naman ako dahil doon.

Potanis, diary! Ang lapit ng mukha niya! "Ngayon, sabihin mo nga,  gwapo ba ako?" Pasimple kong hinawakan ang garter ng panty ko, diary dahil naramdaman ko na medyo bumaba siya nang kaunti.

"Hmm... A-ah, medyo. Hehe." Nahihiya kong sagot. Potanis! Nilayo niya ang mukha niya saka napangisi. Potanis ulit!

"Ano? Bibilhin mo ba 'yan?" Pag-iiba ko ng usapan. Baka kung saan pa 'to mapunta, mahirap na.

"Oo. Nakakatuwa kasi siya saka maganda 'yung kulay. Combination of  blue and yellow. Nice." Mukhang kinilig naman 'yung parrot at palipad-lupad pa siya. Ang landi ng gaga.

"Oo o hindi lang ang sagot eh ang dami pang sinabi, hmp." Tumalikod na ako sa kaniya at pumunta kay taong bagang. Siya na bahala diyan, wala naman akong alam diyan eh. Keribells na niya 'yan.

"Bibilhin daw ho niya 'yung parrot." Pagbibigay alam ko. May mga pinipirmahan siyang mga papeles kaya hindi niya ako narinig.

"Bibihin daw ho niya 'yung parrot!" Sigaw ko na medyo malapit na sa tainga niya nang marinig niya ang sinasabi ko dito.

"Nyeta, ang bago ng hininga mo. Kinain mo ba 'yung tae ng mga hayop?" Napataas naman ako ng kilay dahil sa sinabi niya, diary.  Potanis, nanlait na naman. Bakit ba lahat ng tao kahit hayop na kaharap ko nilalait ako?

Imsecure ba sila? Masyado ba akong maganda para ma-Imsecure? Teka, tama ba 'yung imsecure? Feeling ko mali. Hmp, hayaan na nga. Ako nagsabi kaya tama 'yan, diary duh.

"Malapit po bunganga sa ilong, TB. Mas mabaho lalo na kapag puro bagang ang bunganga." Sagot ko naman. Kala mo hah, palaban 'to, duh.

"Anong TB? Wala akong sakit, Milan ah!" Napasapo naman ako sa noo ko dahil sa sinabi niya. 'Pag tinamaan ka nga naman ng katangahan, oo. Napapa-iling na lang ako, diary.

"Huwag mo nang intindihin 'yun, asikasuhin mo na 'yung bumibili ng parrot doon bago pa magbago isip niya." Natatawa kong sabi sa kaniya.

"Shunga mo talaga, Milan." Sabi pa niya bago umalis. Aba, nakalait na naman siya. Pinagmasdan ko naman siya habang naglalakad papunta sa lalaki. Nakwento ko na sa'yo ang itsura niya diary?

Maliit siya, tapos malaki ang tiyan. Bilang na lang ang buhok niya dahil panot siya, may makapal na bigote tapos nakasalamin. Medyo kulubot na rin ang balat niya, diary. Oh ngayon alam mo na ang itsura niya, diary ah? Samahan mo na akong tumawa, diary.

One, two, th--

Hindi natapos ang countdown ko sa pagtawa nang magring ang selpon ko, diary. Ano ba 'yan! Panira ng moment!

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang selpon ko, diary at sinagot ang tawag kahit hindi ko alam kung sino 'yun. Medyo mahina ang signal sa loob ng shop diary kaya kinailangan ko pang lumabas. Potanis, ang init!

"Hello, sino 'to?" Tanong ko, diary.

May naririnig akong mahinang pagsinghot kaya nagtaka ako, diary. "Hello?"

"M-milan, s-s-si k-kuya..."

***