webnovel

Deserve to be Love (Single Mom Story)

Sa murang edad, maaga nakapag-asawa si Patricia Castillo. Nagkaroon ng dalawang anak. Ang kanyang magandang panaginip ay nauwi sa masalimuot na bangungungot dahil sa pagkamatay ng kanyang asawa. Muli kayang titibok ang puso ni Patricia? Kahit pa naging priority na nito ang kanyang mga anak, nanaisin din kaya niyang mapasaya ang kanyang sarili? Tunghayan natin ang isang matatag, independent at mapagmahal na Single Mom na muling matututong buksan ang puso niya sa isang lalaki na hindi niya aakalain na tatanggapin ang kanyang buong pagkatao, si Patrick Sy.

cloudymichiqoh · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
5 Chs

IV

PATRICK SY POV

Heading to our home, nakasunod pa ako sa kotse ni Miss Castillo. Kumanan ito sa intersection samantalang dumiretso naman ako. Looking outside the car, I am mesmerizing. Napaka kaswal kasi niyang babae. She's so formal but when outside work, napaka clingy naman at masayahin.

Kaya siguro siya naging General Manager ng aming kumpanya dahil sa pagiging professional nito. Ngayon lang ako nakakita ng babaeng kagaya niya na kahit kasabay o kasama ang boss. Hindi ito madaldal. Kung ano lang ang tanungin ko, direct to the point ang kanyang sagot.

Bukod tanging siya lang ang naramdaman ko na mailap sa akin. Hindi man lang ito nagpapakita ng emosyon bukod sa ngiti sa kanyang labi kapag humaharap sa akin. She's not interested in me and damn! Masyado akong affected. Kanina sa parking lot, napatunayan ko talaga 'yan.

"Tired?" tanong ko kay Patricia. Napansin ko kasi na hinihilot nito ang kanyang balikat. Hindi mo mapaghahalataan na pagod ito dahil sa fresh na itsura nito.

"Not really, Chairman." Kaswal na tugon nito.

Natahimik kaming dalawa. Pagbukas ng elevator sa parking area, sabay kaming lumabas.

"Goodbye, Chairman. I hope your first day is great." Sabi nito sabay lakad palayo sa akin. Hindi na nga nito hinintay ang aking tugon.

Napamulsa ako at tinitingnan ang likuran habang naglalakad papunta sa kanyang kotse. I thought motor ang sasakyan niya, tulad kagabi na minamaneho niya.

Kasunod ng pag-alis ni Patricia ay nakasunod na ang kotse na sasakyan ko. Ang driver namin ang nagmamaneho 'non dahil hindi ko dala ang aking kotse. Ngayon lang naman ito, dahil bukas, I will drive on my own papunta sa trabaho.

Papasok pa lang sa bahay, amoy ko na ang mabangong luto ni Mommy. She's so skilled pagdating sa pagluluto at hindi ito inaasa sa maid ang aming pagkain. Simula maliliit kaming magkakapatid ay si Mommy na talaga ang gumagawa nito.

Ibinigay ko sa kasambahay ang aking coat na suot. Dumiretso ako sa hapag kainan kung saan nakaupo na ang buong pamilya.

"How's your first day, kuya?" tanong ni Keri.

"Great. Lalo na magagaling ang empleyado na kasama ko, lalo na yung general manager." Sagot ko.

"Si Patricia ba yung tinutukoy mo?" sabat na tanong ni Mommy.

"Yes, Mommy." Sagot ko.

Nakita ko ang ngiti ni Mommy ng pag-usapan namin si Patricia.

"Alam mo anak, magaling talaga ang bata na iyon. Paboritong staff ng daddy mo iyon dahil sa galing magtrabaho at matalino."

Napahawak si Mommy sa kamay ni Daddy habang sinasabi iyon.

"Maasahan mo sa lahat ng bagay si Patricia. Hardworking at matalino siya kaya hindi ako nagsisisi na i-promote siya bilang General Manager. Sa limang taon ko siyang kasama, wala pang nagawang kamalian ang batang iyon. Napaka dedicated sa trabaho."

"Let's eat na po." Sabat ni Hail.

Nagsimula kaming kumain. Nawala na sa usapan si Patricia, dahil kausap ni Daddy si Keri at Hail. Napag-usapan din ang branch na bubuksan. Mom and Dad will move to our house near the East Branch na bubuksan ni Daddy.

"Maybe next week, aalis na kami ng Mommy niyo. Malalaki na kayo at kaya niyo na alagaan ang mga sarili nyo."

"Ako na bahala sa dalawang ito." Nakangising tugon ko kay daddy.

"Ayoko ng mga ganyang ngiti mo, kuya." Pairap na sagot sa akin ni Hail.

"Kapag may time ako, bibisitahin ko kayo doon." Sabi ni Keri sa aming magulang.

"Tatawag kaming madalas dito ng mommy niyo para i-check kayo everyday sa ating kasambahay. Kahit malalaki na kayo, kayo pa rin ang babies namin ng mommy niyo."

Napangiti ako sa sinabi ni daddy. Kahit nga malalaki na kami ay hindi pa rin nila inaalis ang responsibilidad nila bilang magulang namin.

"Hail, kamusta pala ang pag-aayos niyo ng kasal ni Edward?" tanong ko.

"Okay naman, kuya. No rush! Ilang buwan pa naman bago ang kasal kaya relax lang kami. Beside halos lahat nagawa na ni Edward." Tugon nito.

Ngayong taon ang kasal ni Hail. Sabi ni Mommy, dapat ako daw ang magkapamilya bago ang aking mga kapatid, kaya lang anong magagawa ko, hindi ko pa nakikita yung babaeng pakakasalan ko. Naisip ko si Patricia ng pumasok sa isip ko ang pagpapakasal na iyan, but it's impossible.

Pagbaba ko ng kotse, napukaw ng mata ko ang isang tao na kakaparada lang ng motor. Pinagmasdan ko ito hanggang sa tanggalin nito ang kanyang helmet. Hindi nga ako nagkamali, siya nga! Hinintay ko ito upang makasabay papasok.

Hindi ako nito napansin at dinaanan lang ako. Inaayos kasi nito ang kanyang helmet na dala.

"Cool!" Basag ko sa katahimikan sa parking.

Nagulat ito at napalingon sa akin.

"Good morning, Chairman. Sorry hindi ko po kayo napansin." Paumanhin na sabi nito.

"It's okay. Bago sa paningin ko na makita ang isang general manager na nagmamaneho ng motor papasok sa trabaho."

Sinabayan ko ito sa paglalakad papunta sa elevator.

"Hassle po kasi kapag kotse, lalo na ngayong biyernes. Ma-traffic."

"Uhmm." Tango kong sagot. Hindi ko na kasi alam kung anong isasagot ko. Bukod pa doon wala naman akong alam sa mga motor dahil na rin sa ayaw ni daddy.

Pinauna ko na itong lumabas sa elevator ng bumukas iyon. Nakasalubong naman sa amin ang isang babae, ang secretary ko na si Chloe.

Chloe is a supervisor. Siya muna ang ina-ssign sa akin ni Patricia habang hindi pa ito nakakahanap ng secretary ko.

"Good morning, Chairman. Good morning Ma'am Pat." Bati nito sa amin.

"Good morning. I have to go, kailangan ko pa pumunta sa kabilang building." Sabi ni Patricia.

"I will accompany you." Sabat ko sa pag-uusap ng dalawa.

Napalingon sa akin ang dalawa.

"Chloe, maiwan ka na sa office ko. Wala naman akong schedule ngayong morning, right?" tanong ko.

"Yes, Chairman." Nakangiting tugon nito. "Mamaya pa pong 3pm ang meeting niyo."

"Okay! Just give me a call if there's anything important." Tugon ko.

Ibinaling ko ang atensyon ko kay Patricia.

"I'll wait for you here, Miss Castillo."

Hindi ako sinagot nito at dumiretso papasok sa kanyang opisina. Si Chloe naman ay nagpaalam din at bumalik sa aking opisina. Napabuntong hininga ako habang naghihintay sa labas. Masyado kasi akong naasiwa kay Chloe dahil nagpapakita ito ng motibo. Motibo na may gusto sa akin na hindi ko man lang makita kay Patricia.

Ilang araw ko rin hindi nakita si Patricia dahil sa busy ito sa hotel dahil sa bagong mga guest at events na mga gagawin. Busy rin ako sa mga tambak na trabaho na kailangan ko pag-aralan dahil nga sa itinurn-over na sa akin ni Daddy itong Main Branch.

Ngayon araw lang ako medyo may time kaya gusto ko samahan si Patricia. Nalulumbay ako nitong mga nakaraang mga araw dahil hindi ko ito nakikita.

"Chairman, let's go." Bungad nito pagkalabas ng kanyang opisina. "Next Monday po, magsisimula na po ang bago ninyong secretary."

"Okay." Kaswal kong tugon. Hinahabol ko pa ito sa paglalakad dahil ang bilis nito. "What's the rush, Miss Castillo?"

Napalingon ito sa akin. Napansin niya na medyo malayo siya sa akin. Naglakad ito papunta sa akin.

"I'm sorry, Chairman. Importante po kasi ang event ngayon dahil VIP Client po natin. Masyado po kasing metikuloso at perfectionist si Mr. Chan lalo na sa pagkain at pag-oorganize sa venue."

"Really? Pati mga VIP Client natin alam na alam mo na ang mga traits."

"Chairman, trabaho ko po iyan. Ayoko po masira at mapahiya ang kumpanya sa mga guest. Kaya nga po malaki ang binabayaran nila dahil gusto nila ng exceptional and high-end services."

Magsasalita na ako ng may tumawag kay Patricia. Hinihingal na ito dahil siguro sa pagtakbo. Nasa entrance na kami ng hotel.

"Ma'am Pat." Hingal na sabi ng empleyado. "Mabuti nalang at nandito na kayo, hinahanap po kayo ni Mr. Chan."

Napatingin sa akin si Patricia. Maybe she's worrying na baka masira ang imahe bilang general manager. Nagmamadali ang sumunod sa staff. Ganun din ako.

"I'm sorry, Chairman."

"Why? Hindi mo pa alam ang problema." Sabi ko.

"Bakit raw ako pinapatawag ni Mr. Chan?" tanong nito. "May problema ba sa venue o sa food tasting?"

"Hindi ko po alam, Ma'am. Basta pagdating dumiretso siya sa table kung saan nakahain ang mga pagkain. Tapos sumubo lang ng isang kutsara at pinatawag na kayo."

"Okay, calm down. Parang hindi pa kayo nasanay kay Mr. Chan. Baka may konting issue lang siya na hindi nagustuhan sa pagkain."

Wala akong masabi sa kung paano siya mahinahon na makipag-usap sa empleyado. Hindi ito katulad ng ibang may posisyon na ipatawag lang ng customer o client ay galit na agad. Hindi ito naninira ng ibang empleyado.

Pagdating sa hall, ako na kaagad ang sumalubong sa VIP Clients

"Good morning, Mr. Chan. I'm the new chairman of SY Tower Mall." Pakilala ko.

"Good morning, Mr. Sy. Your dad and I are good friends."

Nakipagkamay ito sa akin.

"Is there anything problem kaya niyo pinatawag si Miss Castillo?" tanong ko.

"Oh! Wala naman. Since you two are here, sabayan nyo na ako kumain." Umupo ito. "Come on, I insist." dugtong nito.

Umupo kaming dalawa ni Patricia. Sa tinginan nito kay Patricia, alam ko na may pagnanasa na ito.

"Kaya ko pinatawag si Miss Castillo, para sabayan ako kumain. Ang dami kasing nitong food tasting niyo at ayaw ko naman magsayang ng pagkain." Sabi nito.

"Is that so, you are so kind, Mr. Chan. But unfortunately, hindi po talaga pwede gawin 'yan ng staff."

"I know, kasi sa tuwing nagpapa-organize ako ng event, palagi akong tinanggihan ni Miss Castillo. Since kasama ang boss, pwede na siguro."

Mr. Chan is a handsome guy. May edad na ito pero hindi halata sa pangangatawan at itsura. Habang kumakain ay magkausap kaming dalawa, may time na nahuhuli ko itong patingin-tingin kay Patricia kaya kinukuha ko ang atensyon. Kapag alam kong kakausapin niya si Patricia ay ako na kaagad ang gumagawa ng paraan para makausap ito.

"Thank you Mr. Chan. I hope nagustuhan niyo ang mga pagkain para sa event niyo mamayang gabi." Sabi ko. Kinamayan ko rin ito. May meeting pa ito kaya kailangan ng umalis.

"Kahit kailan hindi naman ako dinis-appoint ni Patricia. She know me better lalo na sa mga importanteng event na ganito sa akin."

Nilapitan nito si Patricia at kinuha ang kamay. Nakipag-kamay ito at pinisil-pisil pa ang kamay ni Patricia.

"Thank you, Pat. See you later." Paalam nito.

"Salamat din po, Mr. Chan." Ngiting tugon ni Patricia. Nakita ko na naiilang ito at mabilis din binawi ang kamay sa pagkakahawak ni Mr. Chan.

Pag-alis ng guest. Hinarap ni Patricia ang ibang empleyado na nag-aayos ng venue. May ilang pinabago din ito at pinadagdag. Habang tinitignan ang mga staff, tumayo ako sa kanyang likuran.

Tinawagan ako ni Chloe dahil may kailangan raw akong pirmahan na mga dokumento. Napabuntong hininga ako. Ayoko pa sana umalis kaya lang kailangan na. Magpapaalam na sana ko kay Patricia pero nauna na ito nagsalita.

"You may go, Chairman. Kaya na po namin dito." Kaswal na sabi nito sa akin.

"Okay." Tipid kong sagot.

Lunch break at merienda, hindi man lang bumalik ang babaeng iyon. Ayoko naman magtanong kay Chloe dahil ayoko magkaroon ng malisya sa kanyang pag-iisip. Ang mga babaeng katulad niya kasi ay selosa at maaaring bigyan ng laman ang aking pagtatanong.

Napatingin ako sa orasan. Mag 5pm na at hindi pa rin bumabalik si Patricia. Paalis na ako ng opisina ng makita ko si Chloe na dala ang gamit ni Patricia.

"Chairman." Ngiting bati nito. "Dadalhin ko lang po ang gamit ni Ma'am Pat sa kabilang building."

"Let's go together. I will also check kung maayos na ang lahat. Mahirap mapahiya sa VIP clients natin."

Nagdahilan lang ako para makabalik sa hall. Mukhang hindi naman magdududa si Chloe.

"Kapag si Ma'am Pat ang trumabaho,plantsado." Proud na sagot sa akin ni Chloe.

Marami pa itong sinabi tungkol sa kung gaano kagaling sa trabaho si Patricia. Tumatango lang ako at minsan nginingitian ito.