69: The Extraction plan.
.
.
Ganun namang nakaisip si Chris ng itatanong sa limang Babae.
"ahm, balita ko sa kaibigan ko, dumating kayo sa DragonNest last year, at saan kayo nanggaling? "
.
"Hindi namin masasagot yan"
Sabi naman agad ni Anetta kay Chris. At ganun paring hindi maiiwasang mas lumalim ang titig nila kay Chris.
.
'mukhang wrong code ang pagtatanong ko sa bagay na iyon----'
Parang bata naman na napagalitan si Chris.
.
"Pero masasabi naming, ikaw na mismo magtanong sa mahal na reyna".
Sabi ng isa sa lima. Na tila mas jolly ito tignan kesa sa apat.
.
"oh, sige, he he he. Tutal importante naman ang mga paguusapan namin".
Sabi naman ni Chris sa lima.
.
Na curious ang limang babae.
"Ano namang importanteng bagay ang pag uusapan ninyo?".
.
"he he he. Hindi ko masasagot iyan"
Ganun namang bawi ni Chris sa limang iyon.
.
Hindi na pumilit pa ang limang mga babae, dahil alam nilang importanteng tao si Chris sa kanilang clan base sa kanilang natanggap na message mula sa kanilang Reyna.
.
-----
.
Ang mga araw ay lumipas, at hindi huminto ang Metallic aircraft at ganun din ang mga titig ng limang diyosa kay Chris.
.
Naka upo si Chris ng meditate posture.
.
'Ahm, ate sa tingin mo, papasa sya sa taste ng mahal na Reyna? '
.
'ahem, no no no no, balita ko may laging bumibisita kay Ate Queen. At sigurado akong mas kilig-much yun kesa sa Chris na ito'.
.
'grabe kayo guys, natural na hindi magkakagusto si Ate Queen sa tulad nya na nasa Master stage lang----pero masasabing Nasa edad syang 20 or 22 base sa anyo nya, maliit sya'.
.
'uyyy wag kayo masyadong mapaghusga, diba, importante syang makausap ng Momsie ni Ate Queen tiyak napaka importante nya na din sa buong Dragonian Clan.'
.
'shhh, tama na ang usapan last week pa natin pinag-uusapan ang batang iyan, hmmmfp. Ibaling nyo naman ang usapan kay Denz na isa sa mga priority na papalakasin ng Mahal na Reyna duon sa Sect. '
.
'ahhh, oo nga noh, may nalaman ulit ako, base sa pagkakaalam ko kay Sis Jie, si Denz daw yung nag request na makalaya ang batang iyan duon sa Dungeon'.
.
'oh ano relasyon nilang dalawa?, halatang mas malakas yung cultivation ni Denz kesa sa batang iyan'.
.
'ewan ko, pero guys, lately napanood ko sa isang Arena Theatre yung bizzare na pangyayari sa WorldTournament last year, at duon sa Pitch black Dragon na sumira sa buong stadium---'.
.
Patuloy parin ang Telepathy connections ng limang mga babae. Habang nakatitig sila kay Chris.
.
Ang focus naman ni Chris ay ang kanyang nasayang na time sa pag-cultivate.
.
Kasalukuyang nasa loob sya ng kanyang Sea of consciousness. At tila nagsusulat ang Astral Projection nito ng inscriptions sa paligid nya sa lugar na iyon.
.
'hindi ko alam, pero hindi ko na mahanap yung lagusan patungo sa domain ng Dread na iyon----tila nag laho na parang bula----'.
Naguguluhan si Chris, dahil simula ng magamit ni Dread ang kanyang katawan, ay nagpamalas ito ng WorldShaking skill ay hindi na ito nangulit pa kay Chris.
.
Ganun namang natapos na ang kanyang pagsusulat----at umilaw ng Bloody/Golden color ang mga inscriptions.
Nag chant sya gamit ang kanyang Astral Projection.
.
Ilang araw nalang ay makakarating na sina Chris sa DragonNest continent.
Inabot kang sila ng tatlong buwan ng paglalakbay in full speed ng metallic aircraft. (masyadong mahal ang metallic aircraft nila tiyak na High-Grade ito)
.
-----
.
Medyo lumalamig nanaman ang klima, at nalalapit na ang Winter months.
.
Sa DemonSpiritualistAlliance.
.
Nasa kwarto si Ahri, at naka boxer shorts ito, nakatingin sa bintana, at naka sando ng pink. Tila malalim ang iniisip nito.
.
Bumukas ang pinto sa kwarto nya at pumasok duon si Bliss.
.
"wala paring balita, nagtanong na ako kina Lucas at Box, ganun ding wala silang balita kay Chris sa RoyalDungeon. Hindi gaya ng dati".
Sabi naman ni Bliss. Na may pag-aalala at miss na nitong yakapin si Chris.
.
Huminga ng malalim si Ahri at bumaling ulit sa labas ng bintana ang atensyon nito.
"hindi ko alam kung bat ako nagkakaganito, miss ko syang asarin, miss ko syang akitin, miss ko syang pagtawanan, miss ko syang pang-gigilan----pero napakalayo nya sa atin".
.
Maamo ang boses ni Ahri habang tumatagal, at halatang humaba ang buhok nila ni Bliss at mas gumanda mga kutis nila.
.
"ahm. I think---oras na para magtungo sa Sect assembly hall. Nandun na si Rhian".
Sabi naman ni Bliss at may natanggap syang message sa phone.
.
"hmmmfp, tiyak nandun nanaman mga stalker natin, tiyak din ako na hindi sila titigil sa pangungulit sa Phone signatures natin".
Sabi naman ni Ahri na tila may mga gustong manligaw sa kanila sa isang sect ng DemonSpiritualist alliance.
.
(phone signature means, auto connect na mga phones ninyo kapag nag Accept ka sa Phone signature ng ibang phone. At ang digits naman ay pawang profile ID, at ganun ding ma-kukuha ang Phone signature via Aura ng gumagamit sa phone)
.
*complicated intindihin. pero----ayos narin base sa specs ng Phones nila sa mundong iyan----woooh.*
.
-----
.
Nakatayo si Mocci sa garden grounds ng DragonianFortress. At hinihintay nito ang pagdating ni Bianca.
.
"hi, Goodmorning Mocci".
Sabi naman ni Bianca na nakasuot ng Martial Outfit na Scarlet with Dragon details.
.
"woah, ngayon ka lang nagsuot ng Ganyang outfit, bagay na bagay sa iyo Bianca".
Sabi naman ni Mocci na may masayang ngiti sa mukha nito.
.
(mukhang lumalo na ang nangyayari, dahil Hindi na Reyna ang tawag ni Mocci kay Bianca)
.
*tsk, hayaan mo sya, mabubuking din yan kapag nalaman ni Jane ang lagi nyang pagbisita sa DragonianFortress*.
.
-----
.
Masaya sina Bianca na nag-uusap sa Garden Grounds ng biglang.
.
"Mahal na reyna dumating na sina Elder Siffu para salubungin ang mahalagang bisita sa Aerial Port ground".
Yumuko ang isang Alagad ni Bianca para ibalita ito.
.
Lumingon si Bianca kay Mocci.
"ahm, gusto mo ba sumama?"
.
"ayos lang ako dito Mahal---na reyna".
Sabi naman ni Mocci, at ayaw nyang makahalata ang babaeng alagad ni Bianca sa nabubuong Bridge nilang dalawa.
.
(palihim ka din pala eh!, halatang Breezy!!!, kung gusto mo wag mo ikahiya, ilantad mo sa mundo ganun yun!!! )
.
*bro, yang sinabi mo, baka mabasa ni Boss, wala sa Writen part ng chapter nya yan, at isa pa baka may maalala syang mapait na nakaraan----oppps sorry*
.
## its ok, guys---move on na ako, kahit hindi naging kami----Sob* ##
.
-----
.
Sumama si Bianca sa kanyang alagad, at good mood ito sa mga sandaling ngumiti si Mocci sa kanya.
.
Sa Aerial port. Sa labas ng DragonianFortress. Naroon si Bianca kasama ang dalawang alagad nito. isang lalake at isang babae. At ganun ding nakatayo sina Denz at Siffu sa tabi.
.
Wwwhhhiiirrlll!!! ----(Wind pressure)
.
Dumating na ang sinakyang metallic aircraft nina Chris at limang commanders sa ilalim ng pamumuno ni Bianca.
.
Naunang bumaba ang Lima sa metallic aircraft. Ganun namang sumaludo sila kay Bianca at yumuko sila saglit sa harap nito.
.
"Bro!! "
Agad na sabi ni Denz kay Chris. At halatang excited nitong malaman lahat ng mga nangyari sa loob ng Dungeon grounds.
.
'oh, sya pala yung Chris, na SwordBrother ni Denz----parang may mali'.
Napansin ni Bianca ang Aura na taglay sa katawan ni Chris, at hindi nya mabasa ang puso at kaluluwa nito. Tila may pader na hindi nya magiba pagdating kay Chris.
.
Ganun namang bumaling ang pansin ni Chris kay Bianca. Na tila kalmado ito kahit sino ang kaharap nya. (pure confidence)
.
Lumapit si Chris sa harapan ng Reyna, at ganun nga ay halos magka tangkad na sila base sa suot na boots ni Bianca.
.
Yumuko saglit si Chris.
"ako si Chris, SwornBrother ni Denz, Mahal na Reyna, maraming salamat sa inyong tulong para ako ay makalaya ng maaga".
Sincere at walang halong kaba ang boses ni Chris sa harapan mismo ng Reyna.
.
'i think, hindi sya basta basta Master stage lang----maaaring isa syang Physical Cultivator. '
Napa isip ang mga Alagad ni Bianca, kay Chris.
.
"tara pasok tayo sa loob, at may mga katanungang naghihintay mula sa aking ina".
Sabi naman ni Bianca kay Chris.
.
Sumunod sila papasok sa Palasyo at duon sila sa Guest area nagtipon. Naroon na ang ina ni Bianca. At ganun din sina Lara at Goryo.
.
*Elise ang pangalan ng ina ni Bianca*
.
'Isang Master stage, base sa Information tungkol sa kanya'
Sa isipan nina Lara at Goryo.
.
Tulala naman si Elise ng makita nito si Chris sa personal. Tila nakakita ito ng Ancient being.
"Hijo, ikaw ba ay nanggaling sa MistyHands clan?"
.
Nagulat naman si Chris sa kanyang narinig mula sa Ina ni Bianca. At mukhang ngayon lang nya ito narinig.
"ahm, hindi ko po alam ang MistyHandsClan, ipag paumanhin nyo po pero, alila na po ako simula ng sanggol palang po ako".
.
Hindi naman naglihim si Chris dahil nabigla sya sa kanyang narinig mula sa ina ni Bianca.
.
"Hindi ako maaaring magkamali, ---Hijo, ipakita mo saken ang kulay ng iyong DarkHands".
Sabi ni Elise kay Chris.
.
Ganun namang baka focus sina Lara at Goryo ngayon kay Chris, na parang nakakita ng Ancient being.
.
"ah eh, siguro po yung Ability ko bilang Advance Assasin----".
Pero inunat nalang ni Chris ang kanyang kanang kamay at pinalabas ang Gray smoke sa mga kamay nito.
.
Ganun ding Curious si Chris kung saan nya nakuha ang ability nya na kayang naglabas ng kakaibang usok sa kanyang nga kamay, na tila sumusunod sa kanyang intentions at will.
.
"Hijo, mukhang madami kang hindi nalalaman tungkol sa clan mo, pero bago yan---- tatanungin muna kita kung papaano ka nakahanap ng isang DragonBloodStone? Sigurado akong alam mong mapupunta tayo sa usaping ito sa ngayon tama ba?."
Parang hindi itinuring ni Elise si Chris na isang Younger generation sa sabdaling iyon. Bagkus parang ka-level nya ng knowledge ang turing nya kay Chris.
.
"maupo tayo"
Sabi naman ni Bianca.
.
Naguguluhan sya sa kanyang ina. Maging sina Lara at Goryo ay hindi nag ingay sa sandaling iyon. Naka tutok sila ng maigi sa bawat galaw ni Chris, na tila isang napakahalagang bagay sa kanila na dapat nilang alagaan.
.
"una sa lahat, ang napulot kong DragonBloodStone ay ss isang Ruins sa Norte, kung saan hinabol ako ng mga MagicalBeast ----(Short story)----at dahil sa ito lang ang aking nakuha, hindi ako sigurado kung meron pang nahahanap duon".
Pag kkwento ni Chris sa isang Imaginary battles ng Saints stage experts at MagicalBeasts.
.
Pero nangyari ito ng madaming beses nung 5 years ago. At hindi maaaring sabihin na nagsisinungaling si Chris.
.
Sinuri naman ni Bianca ang puso at kaluluwa ni Chris, pero hindi umipekto ang kanyang ability.
'hindi tama ito ugh!!, masyado kang misteryoso tiyak akong may mga kasinungalingan kang sinabi!! '
.
NagDududa si Bianca kay Chris, at lumingon sya sa kanyang ina, na may kapareha ding ability pero, gulat sya ng mapansin nyang nakangiti ang ina nyang si Elise at mapapansing malaki ang tiwala nito kay Chris.
.
"ganun ba hijo, pero sa katunayan naman sayang ang DragonBloodStone, dahil mismong mga elder alchemist namin noong panahon ng kadiliman ay namatay na, at iilang Apprentice ang natira sa aming clan, maging sa panahon ngayon wala ng nakakaalam pano mag-extract ng BloodEssence sa DragonBloodStone."
Inilabas ni Elise ang DragonBloodStone sa kanyang kanang kamay. At ganun din ang isang Majestic Furnace na ginagamit ng isang Alchemist para sa paggawa ng Pills at Elixirs, gamit ang DivineFlames.
.
(Divine Flames ay mapapalabas lamang ng mga talented sa paggamit ng Qi, at karamihan ay mga magicians, magus, Wizards, Witches Alchemist at Craftsmen ang makakagamit nito sa early stages tulad ng peak GrandMaster stage)
.
*eh si Idol, kayang nagpalabas ng DivineFlames kahit nasa Advance stage palang sya eh----ah oo nga noh, experience nya base sa kanyang nakaraang buhay, o alala mula kay Dread*.
.
-----
.
Sinubukang i-extract ni Elise ang BloodEssence sa DragonBloodStone, gamit ang method sa DragonBloodPebble. Pero hindi tinanggap ng Stone at nag evaporate ang mga ingredients na nagamit. At lumutang sa ere ang DragonBloodStone ng walang kahit katiting na galos.
.
Napansin naman ni Chris ang kalungkutan sa mukha ng ina ni Bianca.
'mukhang napaka shrewd ng ina ng Mahal na Reyna, halatang mukhang inosente at napaka-cunning nya---- tsk. Dibale plano ko naman talagang tulungan sila sa pag-extract.'
Umunat ng kamay si Chris at kinuha ang DragonBloodStone sa ere.
.
"oh, may idea ka kung pano i-extract ang DragonBloodStone?"
Sabi naman ni Elise kay Chris, at curious ito sa gagawin nya.
'tiyak akong alam mo, dahil ito ay isa sa mga katangian ng MistyHandsClan members, ang pag extract ng anomang essence sa nga bagay bagay'.
.
Inunat ni Chris ang kaliwang kamay nito sa bakanteng area. At lumitaw duon ang kanyang sariling Black Dragon Furnace.
.
Naglalaman ng Dark at negative aura ang furnace na ito, at nababagay lamang ito sa makakakayang mang-handle sa taglay nito. At yun ang nagpamangha sa kanilang lahat lalo na kina Lara at Goryo.
'mukhang madaming fruitful encounters ang batang ito----isang High-Grade Furnace'.
.
Ang hindi nila alam ay, parang isang treasure trove ang CopperStorageRing ni Chris, at sa katunayan ang anyo nito ay isang inkyBlack dragon ring. Naglalaman ng mga Divine Artifacts at mga ibat ibang klaseng treasures na hindi mahahanap sa mundong iyon.
.
Sa isang flick ng kamay ni Chris ay naglabas sya ng Blue DivineFlames sa kanyang dalawang kamay at inilagay sa furnace ang DragonBloodStone.
.
Naglagay sya ng ColdSpring sa furnace gamit ang kanyang Aura, ganun ding naglagay sya ng dalawang Crimson powdered crystal ng isang weapon ore essence at ilan pang mga complicated bloody inscription sa Magic scrolls.
.
Ganun namang nabigla si Bianca sa kanyang nasaksihan at masasabing nag aral din sya ng Alchemy ng halos 1,000 years. Pero nasa Mid-stage lang sya sa intermediate level. At hindi nya akalain na si Chris ay may mas malawak pang kaalaman sa alchemy kesa sa kanya.
.
(si Chris ay nasa edad na 22, at bihasa na sya sa mga bagay bagay, kaya mas lalong nakakatakot kung iisipin ng iba kung saan nanggaling ang kanyang kaalaman----masasabi lang nila na maaaring may Master si Chris na nasa SageSaint at expert sa larangan ng Alchemy, Spells, at MartialDao)
.
*kaso lampas-lampas pa ang kaalaman ni Chris, ibang usapan pa kung patungkol na ito sa DivineRealms he he he*.
.
-----
.
Isang oras nila pinanuod si Chris at mukhang natatapos na nya ang pag extract ng BloodEssence sa DragonBloodStone.
.
'Bro, isa kang likha ng milagro!'
Sa isipan naman ni Denz, ay sadyang hindi nya maunawaan kung may bagay bang hindi alam si Chris patungkol sa cultivation.
.
Naglabas si Bianca ng StorageJadeBottle, na kayang mag store ng ibat ibang klase ng Liquid. At may space na 100sq/meter .
.
Inabot nya ito kay Chris, at agad namang Tinanggap ni Chris ang Jade bottle.
.
Ssswwwwooosshh! ----(liquified)
.
Gamit ang aura ni Chris ay ipinasok nya lahat ng BloodEssence sa Jade bottle.
.
Sinuri ni Bianca at laking gulat nya dahil, masyadong refined at mas pure ang Energy na naramdaman nya sa BloodEssence na ito kesa sa ibinigay ni Mocci na katiting na BloodEssence.
.
(nahiya ako kay Mocci at sa HiddenMaster nya)
.
Ibinigay nya ito sa kanyang ina na si Elise.
.
Napansin ni Bianca ang maputlang anyo sa mukha ni Chris. At sa pawis nito.
.
Akmang gagalaw si Chris pero----nawalan na ito ng balanse, at agad namang sinalo ni Bianca ang katawan nito.
"Napagod sya ng husto dahil lang sa pag-extract? "
.
"dalhin mo sya sa guest room, ganun din kina Denz, anak. Tiyak akong napagod sya sa paggamit ng mental concentration at maging na exhaust nya ang kanyang Qi-energy sa paggamit ng divineflames ".
Sabi naman ni Elise at lumingon sya kina Lara at Goryo na nagbigay ng hint.
.
-----
.
Dalawang araw na walang malay si Chris, at ganun ding naghintay sina Denz sa kanyang paggising.
.
"uhh?, nawalan ata ako ng malay sa sandaling natapos ko ang pag extract sa BloodEssence".
Bumangon si Chris sa kamang hinihigaan nya.
.
"ahm. Gising ka na pala---nasa kabilang kwarto ang Kaibigan mo".
.
Boses ito ng isang babae, at agad namang bumaling ang pansin ni Chris sa tabi nya.
"ahm, mahal na reyna? "
.
Nakasuot ng casual outfit si Bianca at medyo madilim pa sa labas ng bintana.
.
"alam mo Chris, you are so mysterious".
Malalim na tumitig si Bianca sa barechest ni Chris at sa Six-pack abs nito