webnovel

Deity Of Darkness

PurestBeggarBlood · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
125 Chs

44: ??????

44: ?????? 

.

.

Si Jane at Mocci, ay magkahawak kamay na namasyal sa loob ng Metallic Aircraft, samantalang si Chris ay sinubukang umiwas sa pagkakaipit sa tatlong babae.

.

-----

.

'hindi ko matatagalan ang mga ito. Tsk. Teka asan pala si Jane? '

Napansin ni Chris na hindi na nya makita anyo ni Jane sa mga nagdaang mga araw at maske anino nito ay wala. 

.

'iniisip mo nanaman ba si Jane habang narito naman kaming tatlo, ha ha ha. Malakas din ang pagka-loyal ng puso mo ah.'

Mental message naman ni Ahri kay Chris. 

.

Si Lanna naman ay sumunod kay Hannah para tumingin ng mga brochures sa isang fashion shops.

.

Sina Lucas at Box na halos mag focus sa kakapanood ng mga Arena duels sa Global Arena Theatre.

.

"mukhang Yung lalakeng tinatawag nilang Mocci ang pinaka delikado pagdating sa team at solo matches--- sya ang nag top contender sa huling Continental match-up sa online Arena duel."

Sabi ni Lucas at nakatingin sya sa lalakeng may hawak na dual Katana sa Crystal Screen

.

"pero may mga iba pang top rookie sa taong ito tulad nalang nung Phantem, Goroi at madami pang iba, mahihirapan tayo nito. Pero mas malaki tiwala ko sa team natin na mananalo. he he he".

Sabi naman ni Box, habang napahugot naman ito sa bulsa dahil may message sya sa kanyang Phone. 

.

"oh sino yan?! "

Tanong ni Lucas at nagdududa na may GF itong kasama nya. 

.

"mukhang tumunog na yung alarm, tara sa Gym bro. Madami tayo nakitang moves mula sa mga top contenders at tiyak alam na rin nila mga galaw natin nung mga huling tournaments sa SkyFlame continent".

Sabi naman ni Box. Habang naghahanda ng lumabas sa Arena Theatre.

.

Ang totoo ay hindi pa nila sineryoso ang kanilang mga matches sa mga panahong iyon. Ni hindi pa nila ginamit ang mga hidden skills sa loob ng kanilang Cultivation techniques. 

.

Pagkalabas nila ay nakita nila ang pamilyar na hitsura sa Crystal screen. 

.

"Mocci!, "

Nagkatinginan naman sina Lucas at Box. Pero mas focus muna sila sa training nila at agad din sila bumaling sa ibang daan. 

.

Napalingon naman si Mocci sa dalawa, at nagbigay ng tingin na kawalang gana. 

.

'sigh, weak people----'

Nagpatuloy na itong naglakad at pumasok sa Arena Theatre.

.

Nasa room 380 si Jane naghihintay sa kanya. 

.

"oh, natagalan ka"

Sabi ni Jane. At may hawak na popcorn. 

.

"napadaan ako sa isang kakilala at nag usap kami saglit. He he he. So ano pangalan ng team nyo gusto ko malaman kung makakaharap nyu din ba kami sa Tournament. He he".

Sabi nama nito na tila napakabait nyang tao sa harapan ni Jane. 

.

"ikaw talaga, hmmmfp. Malay mo makapasok pa kami sa top 10 or baka top 5. He he".

Sabi naman ni Jane at may pride ito sa team nila.

.

Umakbay naman si Mocci, at humalik sa pisngi ni Jane. 

"sure sure. Basta naroon ka tiyak akong tataas ang ranks nyo sa tournament"

(i feel sorry for Jane)

.

*i feel sorry for Chris*

.

## i feel sorry for you two ##

.

-----

.

Lumipas na ang mga araw at isang linggo nalang ay makakarating na sila sa PurpleMoon continent.

.

Nakatakas n si Chris sa mga kamay nina Ahri, Bliss at Vera. Dahil mahimbing na silang natutulog sa kama nya. 

.

'i'm the happiest. Pero mas sasaya ako sa piling nya kapag nalaman na nya nararamdaman ko sa kanya'. 

Napaisip naman si Chris kay Jane. 

.

-----

.

Si Jane naman sa gabing iyon ay nagising sa pagkakayakap ni Mocci sa kanya. At nasa kama sila ni Mocci sa loob ng kwarto nito habang naka kumot ang kanilang mga katawan. 

.

Nag bihis na ng damit si Jane at inayos ang buhok nito. 

.

"oh. Gabi palang, aalis ka na agad? "

Sabi naman ni Mocci na inaantok pa ang hitsura nito. 

.

"ahm. Baka hinahanap na nila ako, at isa pa nasa loob tayu ng Barrier, napag isip isip siguro nila na naka nasa loob ako ng isang shop or lugar na devoid ng aura."

Sabi naman ni Jane na tila may naalala sya, biglang sumagi sa isipan nya si Chris. 

.

Nagtungo na si Jane sa pinto at nag flying kiss ito kay Mocci.

.

"sige kita nalang tayo sa Arena. Ingat ka lagi, chat me later ok".

Sabi naman ni Mocci kay Jane. 

.

Ng makaalis na si Jane ay agad hinawakan ni Mocci ang kanyang phone at agad na syang nag chat kay Jane. 

.

-----

.

Si Chris ay nasa Park at walang katao tao duon. Sa gabing iyon. 

.

Nakaupo man sya na nakapikit, pero sa totoo ay sinusuri nya ulit ang kanyang katawan, sa kanyang mga Qi-veins at maging sa flow ng blood.

.

'walang mali, wala talagang mali----pero hindi ko kaya ng ganito ang katawan ko bago ang labanan. Lalo na gusto ko malaman ang lakas na narating ni Denz---gusto ko din harapin si Phantem, at ng young master nya---- gusto ko na makauwi sa amin'. 

Sabi ni Chris na tila nanghina na sya ng tuluyan dahil sa kawalang lakas para suportahan ang kanyang sarili, at upang makabalik na sya sa tinatawag nyang tahanan. 

.

(wag na malungkot, Idol)

.

*don't be sad, idol*

.

-----

.

Sa phone ni Mocci ay ang litrato ni Chris. At alam na din nya ang info tungkol sa pagkamalapit nito kay Jane.

.

'mukhang kailangan nyang maging lumpo habambuhay.'

Kumabas ang seryosong mukha ni Mocci.

.

Lumabas na ito sa kwarto at mukhang alam na nya kung nasaan si Chris, dahil sa mga alagad nyang nagkalat sa paligid para hanapin ito. 

.

-----

.

Nakaupo si Chris, at huminga sya ng malalim sa mga sandaling iyon.

.

Hindi nya inaasahan na may anyong papalapit sa kanya sa park sa ganung oras ng gabi. 

.

"masyado kang ambisyoso par!! "

Fast movement speed. Si Mocci. 

.

Nanlaki ang mga mata ni Chris ng maramdaman nya ang sakit sa kanyang kanang braso at kaliwang tuhod.

.

Crack!!! -----(2x)

.

Nanatili syang nakatayo sa sandaking iyon pero, may hiwa ang kanang braso sakto lang sa siko nito, at ganun din sa ilaliman ng tuhod kung saan naroon ang ligaments na sumusuporta sa hita at paa. 

.

"nababagay yan sayo----".

Sabi ni Mocci. At napangiti ito sa anyo ni Chris na hirap ng gumalaw. 

.

(whats these tears------)

.

*i feel hopeless bro----*.

.

## i feel too ##

.

Nawala sa kadiliman ng gabi si Mocci at si Chris ay parang nawalan ng buhay sa mga oras na iyon.

.

Sadyang magkakasunod sunod ang mga masamang nangyari sa kanyang buhay. At hindi nya inaakalang darating ang punto na malulumpo sya sa kanang kamay at kaliwang paa. 

.

Dumaloy ang dugo sa kanyang kaliwang binti, at ganun din sa kanyang kanang braso. 

.

-----

.

Nagtungo si Mocci sa pinakamalapit na Security post, naroon ang isang magandang officer na naka security outfit. (bluish and white) at halatang nasa edad na 20's lang ito or trainee.

(baka lang trainee, malay natin expert)

.

"ahm excuse me, may non-cultivator sa loob ng Metallic Aircraft. Base sa rules hindi papayagang makapasok sa loob Ang isang Non-cultivator base sa laws ng Human Rights, may ticket man or wala."

Sabi ni Mocci at halatang madami itong alam sa mga batas na nasa systema ng mundong ginagalawan nya. 

.

Ang babae naman na ito ay nakaramdam ng inis at hindi malamang dahilan. Siguro marahil sa tono ng boses ni Mocci. 

.

"ganun ba, asan ba yang sinasabi mo?!"

Tanong nito at naglabas ng Ancestor stage aura sa katawan, na ngayon lang naramdaman ni Mocci.

.

"ah eh!!, nasa central park sya, sa 18th bench. Tiyak akong naroon sya sa mga sandaling ito".

Sabi naman ni Mocci at nakaramdam ng kaba sa aura na nilalabas ng babaeng iyon. 

.

"ano problema dito?, non-cultivator trash, asan yan?!, at ako na bahalang magpatalsik sa kanya palabas ng Metallic Aircraft!!"

Sabi ng matabang lalake na nasa edad na 38, at may bald head. 

.

Sumunod ang dalawang officers sa lugar na sinabi ni Mocci. 

.

At naroon si Chris naka bandage ang sugat nito sa tuhod at maging sa joint sa braso at kamay. 

.

"hoy!, hindi ko inakala nakapasok ang tulad mo sa lugar na ito----"

Sabi ng matabang lalake, pero kinurot sya ng babae sa bewang. 

.

"manahimik ka nga muna, mukhang may natamo syang sugat at tiyak akong joints at ligaments ang natamaan sa kanya"

Lumapit ito sa tabi ni Chris na tila walang buhay ang mga mata nito na nakatingin ng diretso sa kawalan. 

.

"ahm, ano pangalan mo? "

Tanong ng babae at naupo ito sa tabi ni Chris.

.

"Chris-----".

Walang siglang sagot nya. 

.

"ahm, bago ka lang ba sa pagsakay sa ganitong Metallic Aircraft?, dahil kung oo, bibigyan kita ng Pardon sign sa List. At sa susunod, ----ahm hindi ka na nila papayagang maka sakay p----".

Tila nay awa ang babaeng ito kay Chris. Pero hindi na nya naituloy ang sasabihin.

.

"----naintindihan ko, ----pakiusap iwan nyo nalang ako sa kung saang lugar. Sa labas ng Metallic Aircraft".

Walang siglang singit ni Chris. 

.

"oh!!, syah mukhang gusto na nyang umalis dito. He he he kesa pag pyestahan syang pagtripan ng mga nobles at mga high stage cultivators dito!! ".

Sabat naman ng matabang lalake at hinatak ang kanang kamay ni Chris. 

.

Swwwaaak---(teared off)

.

Nabali na ng tuluyan ang pagkakabit ng braso at kamay ni Chris mula sa siko. 

.

Bammm!!!! ----(Piercing hit)

.

Hindi na nakapag pigil ang babaeng officer at sinipa ang kanang braso ng matabang lalake. 

.

Naputol ang kanang braso ng matabang lalake at hindi tumigil ang pagpatak ng dugo duon. 

.

"ano ibig sabihin nito?!"

May takot naman na bigkas ng matabang lalakeng iyon. 

.

"manahimik ka jan!, o gusto mo na atang mamatay na hindi kompleto ang iyong katawan!! "

Namula ang mga mata ng babaeng iyon at inilabas ang isang Chained scythe mula sa kanyang Storage Ring na may rose detail. 

(mukhang galing sya sa Rose clan or Sects na hawak ng Rose clan)

.

Naglabas si Chris ng Short sword at pinutol na nya ang kutis na nanatiling naging koneksyon ng kamay at braso nya. 

.

Sshshhhrrt----(sliced half)

.

Drip----drip----drip----(blood)

.

"paki usap iwan nyo ako sa kahit saang lugar sa labas ng Metallic Aircraft".

Walang emosyon nitong sabi, na tila hindi ramdam ang matinding sakit sa naputol nyang kanang kamay. 

.

"buweno, heto regen pills, may 1,000 pcs na laman yan, at ilang Bless Stones".

Iniabot nya kay Chris ang isang GreenJaded storage ring(copper grade)

.

Tinanggap ito ni Chris upang hindi na tumagal pa ang usapan. Tumayo sya ay naglabas sya ng isang long sword at nagsilbing tungkod nya. 

.

Walang magagawa ang babae na tulungan sya, dahil si Chris narin mismo ang qmay gustong umalis sa Metallic Aircraft.

.

Dinala ng babae si Chris sa labasan. At may hawak itong rune stone sa kamay. 

.

"heto ang short instant stop rune stone, basagin mo kung handa kana".

Sabi ng babae kay Chris. 

.

May idadagdag pa sana ang babaeng iyon ng bigla nalang binasag at tumalon si Chris palabas ng pintong iyon. 

.

'base sa build ng katawan nya, mukhang nagkaroon sya ng cultivation breakdown, at tinamaan ang kanyang pundasyon sa pag-cultivate----sigh. Minsan may dahilan din ang langit, pero hindi sana sa ganung paraan'. 

May kirot sa dibdib ang babaeng iyon ng maalala nya ang anyo sa mukha ni Chris. 

.

-----

.

Nananaginip si Ahri, at sa hindi inaasahang pangyayari, namatay si Chris sa kamay ng hindi kilalang salarin. 

.

Sa sea of consciousness ni Ahri ang seal mula sa contract soul nya kay Chris ay, naglaho na parang bula. 

.

Nawala na ang mental connection nilang dalawa at maging ang feeling ng suppression ay ganun ding nawala. Kumbaga masasabing Laya na sya sa kamay ni Chris. 

.

Napabangon sya sa kama ni Chris. 

.

Pero hindi saya at galak ang bumakas sa kanyang mukha.

.

unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata nya na hindi nya na napigilan. 

.

"Chris, h-hindi ---h-hindi maaari!!"

Lumabas si Ahri sa kwarto at sa kanyang bilis ay agad nyang ikinalat ang intent sa abot ng kanyang makakaya, ngunit sadyang napaka layo na ni Chris sa bilis ng Metallic Aircraft.

.

At sa huli wala syang nasagap mula sa presence ni Chris.

.

Agad syang naghanap sa paligid ng Metallic Aircraft, at inabot na sya ng umaga. Pero wala sayng nakitang kamukha or katulad ni Chris. 

.

Nag send narin sya ng messages sa phone nito, pero tila walang account or contact patungkol kay Chris, nabura na ito ng tuluyan sa World registry ng Phone users. 

.

-----

.

Nagising na si Jane sa mismong kwarto nito. At sumagi sa isipan nya si Chris. 

.

'bisitahin ko kaya sya, sana naman wala sina Ate Ahri doon, or lalo na si Bliss hmmmfp.'

Sa isipan nito ay napaka importante na rin sa buhay nya si Chris sa unang tingin palang nya ito noong new transfer palang sya sa St. Cessia. 

.

Agad syang naligo at nagtungo sa kwarto ni Chris. 

.

"hi, goodmorning Chris".

Excited at masaya sya sa pagbukas nya ng pinto. Pero----.

.

Nasa loob sina Vera, Hannah at Bliss. May hindi mabasang takot or lungkot sa kanilang mga mukha. 

.

"Jane, nakita mo ba si Chris kagabi? "

Tila nababahala naman na tanong ni Vera. 

.

"ahm, hindi---- bakit ano ba nangyari?! "

Tila nakaramdam ng kakaibang lungkot sa puso ni Jane. 

.

"nawala na kasi ang Phone contact nya sa akin, ganun din sa Account nya sa World Registry."

Sabi naman ni Vera. 

.

Wwooossshh!!, (fast speed)

.

Dumating si Minty, at halatang nakay Vera na ang Contracted spirit nito. 

.

'hindi ko sya maamoy sa Metallic Aircraft, naglaho ang trace of smell nya malapit sa labasan'. 

Mental connection ni Minty kay Vera. At naglalaman ng malungkot na boses.

.

Si Lanna ang huling dumating, at may lungkot sa mukha nito.

.

"alam ko kung nasaan si Chris, pero tiyak akong malabong mahanap pa natin sya."

Sabi nya na may hawak na Phone. 

.

Nakalagay sa Bulletin ang tungkol sa pagpa-alis ng isang Non-cultivator kagabi, palabas sa Metallic Aircraft. At nakunan ito ng litrato ni Lanna ng napadaan sya sa Cafe. 

.

"hindi maaari, asan si Ate Ahri!?----Ateh?!"

Agad namang napabaling ang atensyon nila sa anino na nasa pintuan. 

.

Ito ay si Ahri at mukhang, umiyak itong magdamag pansin ang mga mata nya na medyo namumula.

.

-----

.

Matapos makaalis si Chris sa Metallic Aircraft ay nahulog sya sa kakahuyan, at napa dapa ang kanyang katawan sa damuhan. Sa loob ng Isang remote Province ng SparrowSong Continent.