webnovel

Death Kill Academy

Death Kill Academy School of Death Is a school full of game. Larong pwede at Hinding pwede pangbata Larong puno ng mystery Larong puno ng dugo. Dadaganak ang dugo sa panibagong yugto ng buhay sa pagpasok ng mga students sa Death Kill Academy. Let's the game begin.

MissHYchii · Historia
Sin suficientes valoraciones
33 Chs

Kabanata 16

Kabanata 16: Sammantha Zyril Reduxes

#Death University

#Revelation of Truth

****

(Hayden Zyrienne Pov)

Apat na araw na akong nakakulong dito. Mahina na ang katawan ko apat na araw rin akong hindi makakain.

Letseng buhay to akala ko matatakasan ko na. Pero mukhang bumabalik na naman. Gusto ko nang takasan pero hindi talaga aalis.

Nakaramdam ako na may lumapit sa akin. Umupo siya sa harapan ko. Kilala ko siya kasi tinutulungan niya ako dito.

"Anong kailangan mo?" Taka kong tanong. Nagulat ako ng may nakita akong luha sa mata niya. Ngumiti siya ng malungkot saka pinasadahan ako ng tingin.

"Hindi ko akalain na makikita kita sa kalagayan na ito. Katulad nung sa akin. Patawarin mo ako" Nagmamakawa niyang sabi saka pinunasan ang luha niya.

Anong ibig sabihin niya? Katulad ng nangyari sa kanya? Ano bang nangyari sa kanya.

"Patawad Zyrienne"

Nagulat ako ng bangitin niya ang pangalan ko. Paano niya alam ang pangalan ko?

"Sino ka? Bakit ka humihingi ng tawad sa akin?"

Nalilito na ako sakanya ha? Sino ba talaga siya? Nakakagulat naman ang ginawa niya. Para saan naman yung pagsosorry niya? Wala naman siyang nagawang mali o kasalanan sa akin.

"Hindi mo talaga ako kilala Zyrienne. Patawarin mo ako Zyrienne" Ewan ko kung bakit naging blanko ang tingin ko.

Isang tao lang ang tumatawag sa akin ng Zyrienne. Hanggang sa kusang tumulo ang luha ko. Ewan ko kung bakit bigla akong napaiyak? Siguro nag-iimagine na naman ako. For the first time kong maiyak sa harap ng ibang tao.

"Impossible. Imagination lang ito"

"Zyrienne patawad kung naging ganito ka"

Yung babaeng laging tumutulong at nagpapakita sa akin. Siya pala. Pero bakit ngayon lang siya nagpakita? Bakit hindi manlang niya sinabi sa akin?

"Ate Zyril" 

Ngumiti naman siya saka lumakas ang pag-iyak niya. Siya ba talaga si Ate Zyril?

"Magpakatatag ka Hayden. Huwag mo akong gayahin na mahina"

Kaya kong magpakatatag pero hindi habang buhay. Kahit kailan ay hindi ako naging mahina. Lahat ng gusto nila mama ay sinusunod ko.

"Bakit ngayon mo lang sinabi ito? Bakit ngayon ka lang nagpakita ha?! Alam mo bang lagi akong pinag-iinitan nila Lolo kasi hindi daw ako katulad mo. Lagi ka nalang kinukumpara sa akin! Pagod na ako at sawang-sawa na ako sa ganitong buhay! Na puro Favoritism lang!"

Ngayon lang ako nakasigaw. Ngayon lang ako naglabas ng saloobin ko at umiyak. Ayaw kong ipakita sa iba na ako yung dating Hayden na pala iyak at walang kwenta.

I change for the better. I like to be a better person just like lolo advice.

"Kasalanan ito ng Ate Zyril mo. Hindi dapat ito mangyayari aa iyo. Patawad Hayden"

Ano pang silbi ng patawad kung nangyari na. Hindi ko alam kung bakit ganito ang pamilya namin. Lagi nilang bukambibig si Sammantha. Hindi ko makakalimutan rin ang sinabi sa akin nila mama noon.

"It's too late"

"Kung hindi mo ako mapatawad okay lang. Basta tutulungan kitang makaalis dito. Pero makita ka sa ikukuwento ko"

Nakatingin lang ako sakanya. Anong alam niya? May alam ba siya kung saan matatagpuan ang libro? Bukas na ang Curse day.

"Makinig ka Zyrienne"

*****

(Sammantha Zyril Pov)

"Makinig ka Zyrienne"

Pagsabi ko ng katagang iyon ay bumalik sa isipan ko ang hindi ko malilimutan pangyayari sa buhay ko. Sana panaginip lang at sana hindi nalang nangyari.

Ang pagtatapos ng aking buhay.

****

(Flashback 10 years ago)

"Sammantha. Pinatatawag ka ng lolo mo. Pumunta ka daw sa library niya" Sabi sa akin ni Mama na busy sa pagbasa ng dyaryo.

Bakit kaya ako pinatawag ni lolo? May problema ba?

"Bakit naman ho?" Tiniklop ni Mama ang binabasa niyang dyaryo saka tumingin sa akin.

"Hindi ko alam nak. Basta pumunta ka nalang. Kilala mo naman ang lolo mo ayaw niyang pinaghihintay siya"

Ayaw talaga ni Lolo na pinaghihintay siya. Hindi ko rin alam kung bakit. Habang naglalakad ako papunta sa study room ay parang kinakabahan ako feeling ko may sasabihin si lolo na hindi ko magugustuhan.

Nakarating ako sa pintuan ng study room. Bumuntong hininga ako saka

Kumatok sa pintuan at pumasok na rin ako.

Nakita ko si Lolo na nakaupo sa upuan ng study room. Nakatingin ito sa laptop niya.

"Lo. Bakit niyo ako pinatawag?" Nagulat ako ng tumayo siya saka hinagis niya ang mga picture namin ni Samuel.

Paano niya nalaman ang lahat? Sekreto lang naman ang relasyon namin ni Samuel at si Mama lang ang nakaalam.

"Anong kagagahan ang ginawa mo Sam, Kailan ka pa naging ganito ha?! Alam mo binibigyan mo ng kahihiyan ang pamilya natin" Galit na galit na sabi ni Lolo. Hindi ko alam kung bakit kusang tumulo ang luha ko.

Masakit kasi ang mga sinasabi niya. Ngayon ko lang yan narinig

"Lolo mahal ko po si Samuel kaya sa ayaw at sa gusto niyo. Siya ang pipiliin ko"

(*PAK)

Ngayon lang ako napagbuntungan ng kamay ni Lolo. Napatagilid ang ulo ko at napahawak ako sa labi namay dugo

Ang sakit pala ng ganito.

"Ipapakasal kita sa Anak ni Montemayor. Kaya humanda ka bukas!"

Napatigil ang pag-iisip ko. Hindi! Hindi ako papayag ng ganito.

"Ayaw ko! Si Samuel lang ang mahal ko! Si Samuel lang ang papakasalan ko!" Galit na sigaw ko. Ngayon lang ako naglabas ng saloobin ko.

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok sa loob ang nakakabata kong kapatid na si Zyrienne.

"Lolo, Ate huwag napo kayong mag-away. Ayaw ko pong makitang mag-away kayo!" Malungkot niyang sabi. Saka naglakad palapit sa akin.

Nakita ko ang galit sa mata ni Lolo ng makita si Zyrienne.

"Huwag kang makisali dito Zyrienne! Kapag lumaki ka huwag kang gumaya sa ate mo na nabaliw sa pag-ibig. Pareha- parehas kayong mga walang kwenta!" Sigaw niya at hinampas na baston si Zyrienne.

Inaawat ko sila pero ayaw maawat ni Lolo. Galit na galit siya habang walang awang hinahampas sa baston si Zyrienne.

"Tama na Lolo!" Hindi pwedeng madamay dito si Zyrienne.

Pumasok si Lola at inawat si Lolo.

"Pwede ba! Huwag mong hampasin ng baston si Zyrienne. Bata pa siya!"

Nagmadaling lumabas si Lola kasama si Zyrienne na natrauma parin sa nangyari.

"Lumayas ka sa harap ko Sam! Hindi mo ba alam na pamilya ng boyfriend mo ang kalaban natin sa business! Isipin mo nga! Sam!"

Lalabas na sana ako pero may nakalimutan akong sabihin. Wala akong pakialam sa business namin.

"Hindi pa rin magbabago ang isip ko. Mark my words!"

Lumabas ako at napasandig sa pintuan. Anong gagawin ko? Ayaw kong matuloy ang kasal?

May naisip na ako!

***

Tumakas ako. Ayaw kong matuloy ang kasal eh. Saka hindi ko naman mahal ang taong papakasalan ko. Kahit wala akong pera ang mahalaga magkasama kami ni Samuel.

Pumunta ako sa tagpuan namin ng boyfriend kong si Samuel may kapatid rin siya sing edad lang ni Hayden. Den ang tawag ko sa kapatid niya.

Dumating siya na may dala  maleta lalayas rin kami. Magkakasama na kaming dalawa na walang makakapaghiwalay sa amin.

"Yam. Sorry natagalan ako" paumanhin niya ng makalapit siya sa akin. Ngumiti lang ako.

Hindi ko pa alam kung paano ko sasabihin sakanya ang problema ko eh. Ibang rason ang sinabi ko sa kanya.

"Okay lang  Yam. Tara" Niyaya ko siyang sumakay sa kotse. Hindi pa niya alam na ikakasal ako sa ibang lalaki.

Hindi ko maiwasan maisip ang pagmamakaawa sa akin ng kapatid ko.

"Ate! Huwag mo akong iwan. Ikaw lang ang kakampi ko dito. Ate huwag!"

Patawad Zyrienne

Kailangan ko lang isipin muna ang sarili ko. Mapapatawad mo rin at maitindihan sa tamang panahon.

Habang nasa daan kami medyo gabi na kasi at may mga gubat kaming nadadaanan.

"Malapit na ba tayo" Nag-alalang tanong ko. Tss saan ba kami pupunta?

Ang sabi niya pupunta kami sa nabili niyang bahay. Kaloka!

Ang dilim. Tsk malamang gabi. Nababaliw na yata ako.

"Medyo"

Nabigla kami ng mamatay ang makina ng kotse. Nasiraan ba kami ng sasakyan?  Bumaba siya sa kotse para tingnan kung may mali.

"Sh*t Naubusan ng gas. Yam"

Ang malas naman. Saan kami hihingi ng tulong? Eh walang bahay dito.

"Paano na tayo nito?"

Bakit kasi hindi muna tiningnan ang kotse kanina bago kami umalis. Langya!

Eh mukhang walang tutulong sa amin. Tapos wala pang mga bahay dito ma pwede maghingi ng tulong.

"Maglakad tayo dyan baka may tumulong sa atin dyan"

Nababaliw ba siya? Eh ang dilim eh.

"Iiwan natin ang kotse mo?"

Ang mahal kaya ng kotse niya. Tapos favorite niya pa.

"Babalikan rin natin yan"

Nagsimula na nga kami maglakad sa gitna ng gubat. Tanging cellphone lang ang  ilaw namin, Habang naglalakad kami may napansin kaming malaking gate sa tingin ko mukhang siyang gate ng paaralan. Tss May paaralan pala dito? Ngayon ko lang nalaman.

Nang makarating kami doon ay binasa ko ang pangalan ng paaralan.

DEATH UNIVERSITY.

Sounds like creepy school. Katakot naman. Kung ako student hindi ako mag-aaral dito.

"Pumasok tayo dyan Yam. Baka may makatulong sa atin" Suggest ni Samuel habang nakanguso sa school.

Langyaa! Eh mukhang ngang nakakatakot eh.

Napakapit ako sa braso niya dala na rin siguro ng takot.

"Baka may mangyari sa atin na masama diyan"

Hinawakan niya ang kamay ko. Saka ngumiti sa akin. Hay, kapag ngumiti siya ng ganyan sa akin ang ibig sabihin ay magtiwala ako sakanya.

"Basta sumama ka na lang sa akin. Hindi kita pababayaan" Lumapit kami sa gate.

May guard na nakabantay roon. Saan ka ba naman nakakita ng school na walang guard diba?

Saka medyo mataas ang gate kaya wala kang kawalang tumakas.

Parang pangkaraan ang school na ito.

Medyo nakakatakot ang mukha ng guard may katandaan narin ito.

"Pwede po ba kami dito magpalipas ng gabi? "

Tumingin sa amin ang guard parang kinakilatis nila kami. Nakita ko pa ang bahagya niyang pag-ngisi sa akin. What a pervert!

"Makakapasok lang kayo dito. Kung mag-aaral kayo"

Mag aaral pa kami? Eh nakagraduate na kami ng senior high. Anak ng tokwa.

"Eh. Manong guard wala kaming requirements ng paaralan nato"

Mukha kasi siyang nakakatakot lalo na hindi niya binibitawan yung dala niyang bat yung parang sa baseball.

Nakangiti sa amin ito ng wagas. Kanina ang sama makatingin. Hindi ko rin maintindihan ang guard na ito eh.

"Pwede kayong pumasok kahit walang requirements basta hindi kayo lumabag sa school rules "

Bawal lumabag sa rules? Ito lang yata ang school na walang requirements. Di tulad ng ibang school na ang raming pakulo. Kaya pala unique ang pangalan ng school.

"Sige. Pumapayag kami" Nakangiting sabi ni Samuel. Agad naman akong tumingin sa kanya.

Nagnod lang siya sa akin. What the heck? Ano bang iniisip niya?

Agad naman binuksan ng guard ang malaking gate.

Kinakabahan ako tang*na. Akala ko pupunta kami sa lugar na binili niya.

"Yam.  Sigurado ka ba? Papayag ka? Mag-aaral tayo ulit? Akala ko iba ang pupuntuhan natin?"

Hinawakan niya kami ko at ngumiti. Hindi manlang niya ako sasagutin. Tss May tiwala naman ako kay Samuel kaso mukhang nakakatakot dito.

Pumasok na kami sa loob maraming estudyante ang nandito.

Grabe naman sila makatingin parang kakainin nila kami. Feeling ko tuloy ang panget ko kaya nila akong tinitingnan. Kumapit ako sa braso ni Samuel dala na rin siguro ng takot.

Saan ba ang principal office? Mabuti nalang alam ni Samuel. Expert yata ang isang to.

Lumapit kami sa principal office dala na rin namin ang aming mga maleta. Malaki ang paaralan nato kaso mukhang nakakatakot ang creepy. Pero maganda talaga siya. Ang labo ko diba?

"Transferre ba kayo?"

State the obvious naman. Hindi kami magtatrabaho dito noh.

May nakalagay na pangalan sa desk nito. Cindy Sandford. Yan ang pangalan niya

"Ah. Opo" Magalang na pala ngayon si Yam.

May tinawag siyang babae na siya daw ang maghahatid sa amin sa dorm namin. Hiwalay ang dorm ng boys sa girls.

Room105 ang dorm number ko habang dorm 95 si Samuel waah! Mabuti pa siya dorm number niya ang jersey number ni Jimin.

Habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mamangha sa ganda ng paaralan nato kahit nasa gitna ito ng gubat. Malawak ito kumpara sa dati kong pinapasukan actually Graduate na ako sa Senior High. Kaya babalik na naman ako sa pagiging Grade 12. Nasa kaliwa ang dorm ng boys habang sa kanan ang sa girls.

Sinamahan ako ni Ms. Joyce siya ang asistant ng Principal medyo mabait ito kumpara kay Maam Cindy. Wow alam ko na agad if mabait sila o hindi?

Pagkarating ko sa room 105 ay iniwan na ako ni Ms.Joyce

Kumatok ako sa pinto at agad naman ito bumukas. Mabuti nga lang at hindi ito bingi. Tumambad sa harapan ko ang nakangiti na babae pero medyo weird siya may mga alahas kasi na nasa leeg niya at kamay.Wow manghuhula haha.

"Oh. Ikaw pala ang doormate ko,sa wakas mat doormate na ako. Ako pala si Claire. Pasok ka na" Nakangiti niyang bati at iginaya niya ako sa kwarto.

Iginala ko ang mata ko medyo creepy kasi puro black ang nakikita ko black na kurtina black rin ang bedsheet at pillow. I love Pink hehe.

"Pasensya kana ha kung ganyan ang style nito mahilig kasi ako sa creepy things "

Ahh. Gusto niyang maging manghuhula? Hulaan ka niya kung anong mangyayari sa buhay ko?

"Ako nga pala si Samantha. Tawagin mo akong Sam"  Pakilala ko sa kanya

Umupo ako sa katabi ng kama niya at tiningnan siya.

Mabait naman siya kaso weirdo. Psh

"Anong grade ka na?"

Mabuti nalang nasabihan ako kanina. Saka ayaw kong sabihin sa kanya na magbabalik ako sa Grade 12. Baka sabihan niya akong repeater. Ang talino ko kaya.

"Grade 12 A1. Ikaw?"

Nabigla ako ng niyakap niya ako. Okay? FC po siya.

"Yes! classmate tayo. So Friends?" Ang hyper niya! Lahad niya ng kamay. Hihingi ba siya ng pera?

Ngumiti ako sa kanya. First day may kaibigan na agad.

"Friends"

Natulog na ako kasi inaantok na ako. Pagod rin ako sa nangyari.

***

(KINABUKASAN)

Nagising ako ng kumiliti sa paa ko. Kyaah!!! Sinong kumiliti sa akin?

Gumising na ako at tumingin ako kay Claire. Nakaligo na siya. Naligo na rin ako kasi papasok ako sa school nakakahiya naman kong transferre ka tapos late ka pa.

Sabagay lagi akong late.

*****

P/S: Ang corny ko na. Long Updates.

Yam ibig sabihin po ay You Are Mine.

Malapit napo matapos ang story.

Feedback.

-@missHYchii