webnovel

Dear Future Boyfriend

Kayleen's diary entries about her future boyfriend, current crush, and everyday life. *Written in Filipino / Tagalog language*

AlesanaMarie · Ciudad
Sin suficientes valoraciones
156 Chs

Kayleen's POV

Nilapag ko ang kahon sa study table ko at pinag-isipan kung bubuksan ko ba iyon o hindi. Galing ang kahon kay Ashton. Bakit kaya nya ako dinalahan ng ganito. Ano kaya ang nasa loob? Curious ako pero natatakot ako na buksan. Baka kasi may laman yon na gustong-gusto ko.

Siguro dati magiging excited ako. Pero alam ko na kasi na nababasa nya ang diary ko. May inilagay ba ako ron na gamit na gusto kong makuha? Alam ko naman na mayaman sila, binili nya kaya yon para sa akin? Tatanggapin ko ba o ibabalik sa kanya.

Sabi ni kuya mukhang malungkot daw si Ashton. Kinurot naman ang puso ko sa narinig ko. Ayoko naman syang malungkot pero hindi ko kasi sya kayang harapin kaagad.

Dumapa nalang ako ulit sa kama ko at nakinig sa mga pang-broken hearted na love songs. Huhu. Ashton bakit mo ginawa sa akin ito? Bakit mo pinaparanas sa akin ngayon ang sobrang pagkapahiya?

Pero una sa lahat, paano mo nahanap ang username kong may napakaraming letter X sa app na yon? Kakaunti lang ang taong meron non kasi may bayad yon! At kuripot ang mga tao dito kaya for sure iilan lang ang meron non na Pilipino. Di rin naman yon kasikatan na app kasi may free naman na iba. Nilagay ko pa sa Espanyol ang profile ko para di makikita ng ibang Pilipinong gumagamit non. Paano mo yon nahanap?

Sobrang confident ako na walang makakahanap sa akin dun. Si Ashleen nga lang ang may alam ng kakaiba kong username eh. Ang hirap kayang mahanap non. Kahit ako minsan nagkakamali sa dami ng letter X dun. Pero ngayon alam ko na xxXikayXxx. Ang hirap kaya nyan!

Ayokong isipin na sinabi sayo ni Ashleen. Bakit naman nya yon sasabihin sayo eh bestfriend ko sya. Alam nyang magagalit ako kapag may sinabihan sya. Tsaka tumigil na nga sya sa pag-babasa non matagal na eh. Last time I checked, wala na yung app sa cellphone at tablet nya.

Kaya paano? Mababaliw na ako kakaisip.

Goodbye, my almost lover

Goodbye, my hopeless dream

I'm trying not to think about you

Can't you just let me be?

Inabot ko ang kleenex na nasa dulo ng kama ko. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang gilid ng mga mata ko. Naiiyak na naman ako. Bakit ba kasi nakakaiyak 'tong kantang to? Pero okay lang kasi nakakarelate ako. Feeling ko dinededicate nya talaga sakin yung kanta.

Pumikit nalang ulit ako at kumanta ng tahimik. Sinubukan ko nalang ulit na matulog. Pero hindi ko alam na hanggang doon pala ay susundan ako ni Ashton. Ang kulit nya talaga!