webnovel

Dead Bodies (Completed) Tagalog

Nagsimula ang lahat sa isang trahedya. Trahedyang magdadala ng epidemya. Sino ang makakalutas nito? Sino ang makapagliligtas sa buong mundo? May pagkakaibigan ang mabubuo, sama sama silang haharap sa gulo. May mawawala, may magbabalik at may mag tatraydor. Paano nila lahat malulusutan ito? Dead Bodies are everywhere but the most ridiculous part is the Dead Bodies are Alive!

Aerang_Manunulat · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
71 Chs

Dead 29 (Part 2) -FINAL BATTLE

Chapter 29

Third Person PoV

Agad na nakahinga ng maluwag ang lahat ng makita nila na sila ay kompleto sa loob ng sasakyan.

"How is she?" Pagtatanong ni Aries habang hinahaplos ang pisnge ng kanyang kapatid.

"She's okay I guess?" Saad naman ng binata na si Kyler.

"Kailangan nating makuha ang nanomites sa leeg  niya." Biglang saad ni Aries.

"Nanomites?" Tanong ng lahat.

"Yes, nanomites. Kasing laki ng simcard. They invented it to control someone, napakadelikado ng bagay na ito dahil maaring sumabog ang parte ng katawan mo kung saan binaon ang nanomites. Maarin din itong maglabas ng lason at sapat na iyon para kitilin ang buhay mo.

Halos magulat ng malaman nila kung ano ang nanomites.

Agad pinakita ni Aries ang kaliwang leeg ni Aira at tiningnan ang isang maliit na sugat kung saan naroroon ng bagay na iyon.

"Sigurado ba kayong pampatulog talaga ang tinurok niyo sa kanya?" Pananakot ni Lee.

Bigla namang nakaramdam ng kaba ang binata dahil hindi ito sigurado sa kanyang itinurok. Napalunok ito habang tinitingnan si ang dalaga na walang malay parin sa kanyang mga bisig.

"Huwag ka ngang OA diyan, humihinga pa oh!" Sabi ni Christine.

"I'm glad na nailabas natin siya doon."

"We need to get this as soon as possib--"

Hindi nila inaasahan ng makarinig ng pagsabog at parang naging slow motion ang lahat ang kanilang paglutang sa ere habang tumataob ang kanilang sasakyan.

Mahigpit ang pagkakayap ni Kyler sa dalaga, ginawa nitong pang sangga ang kanyang buong katawan para maprotektahan lang ang dalaga.

Hindi nila maipaliwanag ang kanilang naramdaman, napakabilis ng pangyayari at natagpuan nalang nila ang kanilang mga sariling nakataob.

Puro daing nila ang maririnig dahil sa kanilang mga sugat na natamo.

"Shit! Guys?!!"

"O-okay lang ako."

"Mia! Hey! Wake up!" Pagtatapik ni Lee sa dalagang walang malay.

"Kailangan nating makalabas dito!" Sigaw ni Xander na nasa Driver seat.

Hindi mabuksan ang pinto kaya wala silang nagawa at binasag ang natitirang salamin ng bintana at doon lumabas.

Sinuri ni Kyler ang dalaga kung meron ba itong sugat at nakahinga naman ito ng maluwag.

Tulong tulong silang lahat sa paglabas at hindi mapakali si Lee habang buhat buhat ang dalaga na ngayon ay walang malay at inihilig sa isang puno.

"Mia gising!!!" Sigaw nito at nakahinga naman siya ng maluwag ng gumalaw ang ulo nito.

"Abegail at Christine! Okay lang kayo?" Pagtatanong ni Aries.

"O-opo." Sambit ng dalawa na nakasandal parin sa sasakyan.

"Ang kapatid ko?!" Tanong ni Aries habang nilalapitan si Kyler.

"She's okay."

Bigla silang napayuko dahil sa mga balang tumatama sa direksiyon nila.

Agad silang pumunta habang nakayuko sa sasakyan at kunin ang kanilang mga baril.

"Catch!" Sigaw ni Aries sa kanila at kaagad nila iyong pinaputok ng makuha na nila.

"Nasundan ba tayo?!"

"Siguro!"

Patuloy lang sila sa pagpapalitan ng baril habang nakatago sa kanilang sasakyan.

Halos patay na lahat ang mga sumugod sa kanila ngunit---

"Guys may paparating pa!" Sigaw ni Ace.

"Ano ng gagawin natin?!"

"Wala na tayong mapupuntahan, kailangan nating lumaban." Saad ni Kyler at tiningnan ang dalaga.

"Kailangan nating sumugod at lumaban ng mano mano, mauubasan na tayo ng bala at ganun din sila."  Aries said.

"Abegail and Christine, bantayan niyo si Aira." Tumango naman ang dalawa at kinasa ang kani kanilang mga baril.

"Let's go guys."

Agad na sumugod ang lahat at maiging umiwas sa mga balang papunta sa kanilang direksiyon.

Mabilis na sinuntok ni Kyler ang lalaking kakasa pa sana at binali ang leeg. Kinuha nito ang baril ng lalaki at agad na pinaputok sa mga lalaking malapit sa kanyang pwesto.

Pinagbabaril naman ni Aries at Xander ang mga sasakyan na papunta sa kanila at hindi naman sila nabigo ng bigla itong bumulusok pababang bangin.

Si Mia naman ay nakatago habang bumabaril, halos manghina pa ang kanyang katawan dahil sa impak ng nangyari kanina.

"Guys tulong!" Sigaw ni Christine habang patuloy na pinagbabaril ang mga zombie na tumatakbo patungong direksiyon nila.

Agad na tumakbo patungo doon si Mia at si Lee, pumunta si Ace sa kinaroroonan nina Kyler at tumulong sa pakikipaglaban.

"Bad timing naman ata ang mga 'to!" Singhal ni Lee habang pinagbabaril ang mga nilalang na papalapit sa kanila.

"Ano ng gagawin natin?"

"Hindi pa gumigising si Aira! Mia gisingin mo yan!" Sigaw ni Christine habang patuloy parin ang pagbabaril.

Napamura nalang ito ng maubusan siya ng bala, agad itong tumayo at naghalughog kung ano pa ang kanyang magagamit sa sasakyan at hindi siya nabigo ng may crow bar siyang natagpuan.

"Let's get it on." Nakangisi nitong sabi at hinarap ang mga zombie.

Napamura nalang si Aries ng tamaan siya ng bala sa kaliwang balikat agad niya itong nilagyan ng pressure para hindi dumugo at nagtago.

"Aries! Are you okay?" Pagdadalo sa kanya ni Xander at pareho silang napasandal sa isang malaking bato. Napatingin din sila sa kanilang ibang kaibigan na pinapatay ang mga zombie.

Hindi nila alam ang kanilang gagawin.

Pagod na pagod na si Kyler at halos mawalan na sila ng pag-asa dahil meron pang paparating.

Hindi magkaugaga si Mia at mangiyak-ngiyak na ito habang ginigising si Aira. Halos mawala na ito sa sarili lalo na at nakita niyang narito ang taong kinamumuhian nila.

Wala ng nagawa si Mia ng makita nito ang likido na nakalagay sa syringe. Ito yung sinasabi ni Aries na makapagbabalik ng ala-ala nito at nagbabakasakaling ito rin ang magiging dahilan upang gumising ito. 

Humupa ang labanan sa pagitan ng tao sa tao at tao sa zombie.

Huminto ang sasakyan at bumaba ang kinamumuhian nilang tao.

"Alfonso" sabay sabay na bulong nila.

Tumawa ng pagak ang matanda.

"Sa tingin niyo ba ay ganun kadali? Hindi ko akalain na buhay pa kayo." Nakangising sambit nito sabay tingin kay Aries.

"Well, ayoko ng gulo at alam kong ayaw  niyo rin kaya ibigay niyo na saakin ang kinuha niyo." Pagtutukoy nito sa dalaga.

"No!/Hindi!"

Muling tumawa ang matanda.

"Tandaan niyo, ako ang dahilan kung bakit buhay pa ang babaeng iyan. Tapos babawiin niyo?!"

"Wala kang karapatang sabihin yan Alfonso!" Untag ni Aries.

"Saan pa kayo? Kapag binigay niyo saakin yung babae ay maliligtas ko ang buong mundo? Hahaha. Pero mukhang hindi na kayo maliligtas ngayon." At tumawa pa muli ito.

Nanlilisik ang mga mata nila habang nakatingin kay Alfonso. Hindi na sila makalaban dahil may mga baril na nakatutok sa kanila.

"Ibigay niyo na siya kundi lahat kayo ay mamatay sa isang pitik lang."

"Hindi namin siya ibibigay!"

"Sandale." Nagulat ang lahat at napatingin sa nagsalita.

"Aira! Bumalik ka dito!" Tawag nina Mia at patakbong lumapit sa kinaroroonan ng lahat.

"Aira!" Nagmadaling lumapit si Aries sa kanyang kapatid.

"Anong ginagawa mo?!" Galit at puno ng pag-alalang tanong ni Aries.

Puno ng pag-alala naman at pangamba ang  nakarehistro sa lahat lalong lalo na kay Kyler.

Dahan dahang iwinaksi ni Aira ang pagkakahawak nito ng kanyang kapatid.

"Kuya" Untag nito at ngumiti.

"Please" Dugtong pa muli nito.

Isa-isa niyang tinignan ang kanyang mga kaibigan hanggang dumako ito sa mata ng binata at naroon nanaman ang kakaibang pintig ng kanyang puso.

"If you're thinking doing that again, we will never let that happen again, I will never." Seryosong saad ng binata habang nakakuyom ang kamao.

Napalunok naman ang dalaga at kahit hinang-hina ito ay malakas niyang hinarap si Alfonso.

Nais niyang pumunta sa kaibigan na si Mia at yumakap ng mahigpit at umiyak ngunit hindi niya magawa dahil sa matandang kaharap niya.

Ngumisi ito ng magtama ang kanilang paningin.

"Hmmm, mukhang gagawin mo uli iyon?"

Seryoso lang ang tingin ng dalaga. Hindi niya maramdaman ang sarili para siyang lasing o lutang at nanghihina na ito, gusto ng sumuko ng kanyang mga tuhod ngunit pinipilit niyang magpakatatag.

Napahigpit ang hawak niya sa kanyang baril na hawak.

Hindi ito napansin ng lahat kanina ngunit sa pagkakataong ito ay sumiklab ang kaba sa kanilang dibdib.

Nawala ang ngisi ni Alfonso ng itinutok ng dalaga ang baril sa kanyang sentido.

"Aira!"

"Aira! What are you doing?!"

"Aira! Huwag!"

"M-magagamit mo pa ba kaya a-ako kung patay na ako?" Nanghihinang saad ng dalaga habang nakangisi.

"Aira! "

Halos panghinaan ang loob ang kanyang kaibigan. Natatakot sila kapag gumawa sila ng kanilang hakbang ay baka maiputok ito ng dalaga.

Tumawa ng pagak si Alfonso.

"H-hindi mo 'yan magagawa---"

*bang*

Nagulat ang lahat, maski si Alfonso ay nagulat.

Nataranta si Alfonso sa nangyari habang nakatingin sa magkakaibigan at sa kanyang mga tauhan na ngayon ay nakasalampak na sa lupa at wala ng buhay.

"Anong ginawa niyo!!!!" Galit na galit nitong sigaw at halos maputol na ang kanyang ugat.

Maski sila ay hindi makapaniwala at punong-puno ng katanungan.

Ng may biglang lumabas mula sa dilim.

Ang mga tauhan ni Aries.

"I called them, hello! Kailangan natin ng back up!" Sigaw ni Lee.

Napailing nalang ang lahat at naibaling muli ang paningin sa dalaga na hanggang ngayon ay nakaharap kay Alfonso.

Hindi sila gumawa ng kahit na ano at inaabangan lang ang mang-yayari.

Natataranta na si Alfonso at hindi malaman ang gagawin.

Nanalalaki ang kanyang mata at agad na napahawak sa kanyang dibdib ng sumibol ang pamilyar na sakit.

"Hindi pwede 'to!" Saad nito sa kanyang sarili.

Atras ito ng atras at umabante naman ang dalaga palapit sa kanya.

Hindi alam ng lahat ang nangyayari at nagulat sila ng unti-unting nagbabago ang kanyang balat at napalitan ng pag-aagnas.

Bakas ang takot nito at hindi na makagalaw habang nakatingin sa dalaga. Kinakain na ang kanyang sistema. Agad itong napaluhod at nanginginig.

"Ano na Alfonso?" Hamon ng dalaga.

"Dito na ba matatapos ang lahat?"

Saad nito at itinutok ang baril sa noo ng matanda.

"Itong sinimulan mo ay tatapusin namin." Bulong ng dalaga.

Unti-unti ng naging infected ang matanda hanggang ang kanyang mga mata ay naging purong puti.

Bago pa man ito gumawa ng masama ay agad na bumulagta ito ng barilin ito sa ulo.

Nanghihinang binaba ng dalaga ang kanyang kamay at binitawan ang baril kasabay 'nun ang biglaang pagluhod nito sa lupa.

Agad itong nadaluhan ng binatang si Kyler at sinalo bago pa man ito matumba.

"Shit! Aira! Hey! Stay with us okay? Stay with me please." Umiiyak at nagmamakaawang sambit ng binata.

"Aira! Hoy!"

Nanghihinang binuksan ng dalaga ang kanyang mga mata at ngumiti.

"T-tapos na d-diba?" Mahina nitong tanong.

Mabilis na tumango si Mia habang umiiyak.

"Oo, n-nagawa natin, nagawa mo."

Ngumiti muli ang dalaga.

Sumibol ang kanilang pag-asang mailigtas dahil sa tunog na papalapit ng mga chopper at jet plane  sa  kinaroroonan nila.

"N-narinig mo 'yun Aira? T-tapos na."

Masayang wika ng binata.

Done