webnovel

DASHER: THE DASHING DEVIL

"I will kiss you until you ran out of breath. I will kiss you until you'd scream my name, like you wanted me to kiss you forever. I will kiss you until you kiss me back. And then I won't stop." Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkasala-salabit ang landas nina Donnie Marie at Dasher. Nasa isang misyon siya noon nang biglang humarang sa daan niya si Dasher. Iniligtas siya nito sa isang tiyak na kapahamakan ngunit kapalit naman niyon ay ang pagkatuklas nito sa kanyang sikretong katauhan bilang si Mystique Agent—isang private investigator. Sinukol siya nito sa isang blackmail at inatasang lutasin ang panghuhuli sa lunatic stalker nito. Sa pagsasama nila sa paghahanap sa stalker nito ay hindi niya inasahan na sa kabila ng kagaspangan ng ugali nito ay nagawa niya itong mahalin. Dahil rito ay natuto siyang magtiwala sa iba, natuto siyang aminin ang kanyang mga kahinaan. Ngunit dahil rin dito ay natuto siyang matakot—hindi para sa sarili niya kundi para sa taong mahal niya. Hindi niya pwedeng idamay sa masalimoot niyang buhay bilang isang si Mystique Agent ang payapa nitong buhay kaya kahit masakit ay kailangan niyang iwan ito. Ngunit makakaya ba niyang gawin iyon kung nabihag na nito ang buong puso niya?

EX_DE_CALIBRE · Real
Sin suficientes valoraciones
25 Chs

CHAPTER 13

DONNIE MARIE should run away. Dapat ay itulak niya ito palayo, hawakan ang kamay nito at ibalibag ito sa semento pero imbes na pakitaan ito ng galing niya sa self-defense ay iba ang ginawa ng traydor niyang katawan. Damn, but his lips felt really soft and warm...and sweet.

Hindi niya alam kung paano nangyari ngunit namalayan na lamang niya ang kanyang sariling hinahayaan itong halikan siya. Unti-unting nasira ang depensa niya. Slowly, she closed her eyes. Ganoon pala ang feeling ng "kiss", ano? Napakasarap pala sa pakiramdam. Parang kang nakalutang sa alapaap. Ang gaan sa pakiramdam. Nakaka-high. Nakakabaliw. Nakakaadik.

Her mind kept on telling her to stop him, to stop herself from responding to his sweet, fierce kisses, but she couldn't do it. Parang may sariling utak ang mga labi niya na walang humpay sa pakikipagtagisan sa ekspertong mga labi nito. Napasinghap siya nang maramdaman ang pananalakay ng dila nito sa loob ng bibig niya. Pakiramdam niya ay pinasok ng nagbabagang espiritu ang bibig niya, lalo na noong marahas na gumalaw ang labi nito sa ibabaw ng labi niya.

Higit niyang ikinagulat ang katotohanang imbes na manghilakbot ay isang ungol pa ang kumawala sa kanya. Ah, he's driving her crazy. Unable to control herself, she kissed him back. Nang lalo nitong hapitin ang katawan niya ay natigilan siya. She felt his "thing" down there. Her eyes widened. He was as hard as a rock. Sa kabila ng mga suot nilang saplot ay nararamdaman niya ang pagkapaso ng tiyan niya habang marahang naikikiskis ang kaselanan nito roon.

"Can you feel that?" bulong nito. "That's what you do to me, sweetie. You make me and my buddy crazy." After a short grunt, his lips captured her parted lips again. "Damn, you taste so good," ungol nito sa pagitan ng paghalik sa mga labi niya. He playfully bit her lower lip as he sucked on her trembling lips. Sa tuwing ginagawa nito iyon ay napapaungol talaga siya. Pakiramdam niya ay parang gusto na nitong kainin ng buo ang labi niya.

Natigilan siya at balak sanang magprotesta nang maramdaman niya ang pagdausdos ng mga labi nito pababa sa leeg niya. Napaigtad siya dahil sa kiliting naramdaman niya nang dumampi ang mainit-init nitong labi sa sensitibong kutis niya. She wanted to push him away but her hands couldn't do it. It won't. Her body was a traitor. Nararamdaman niyang konti na lang ay matutupok na siya sa apoy ng pagnanasang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon.

And that if she didn't do something about it, she'd end up on his bed—naked and writhing underneath him—just like what he's declared before. Hindi niya rin dapat kalimutan na maaaring may hidden camera sa kwartong iyon at tiyak na naririnig ng stalker nito ang usapan, bawat ungol at bangayan nila ni Dasher.

Hindi nga ba't iyon dapat ang inaatupag niya kesa ang nakikipaghalikan dito? What the hell was she doing? Mariin siyang napapikit at inipon ang buo niyang lakas upang sana itulak ito palayo. Ngunit hindi niya inasahang mauunahan siya nito. To her surprise, bigla siya nitong niyakap ng mahigpit bago agad ding binitiwan. Hinihingal sila pareho matapos nitong lumayo sa kanya. Kahit na medyo madilim, hindi pa rin niya maiwasang panlakihan ng mata habang pilit na inaaninag ang mukha nito. What the hell has just happened?

"I c-can't do this," hinihingal at tila hirap na hirap na anas nito.

"W-what do you mean?" medyo nasasaktang tanong niya. Tama ba ang hinala niyang nireject siya nito? He couldn't do what? Her chest constricted as if she were in pain. Her face flushed, habang ang mga labi niya ay namumula at nangangapal pa rin dahil sa halik nito.

"H-hey, it's not what you think. I don't know. Ayokong isipin mo na hanggang ngayon ay gusto pa rin kitang makuha dahil kagaya noong una tayong nagkakilala. It's stupid, I know. Since gustong gusto naman talaga kitang angkinin ngayon. But tt's different between us now. You know that, right?" medyo nagpa-panic na paliwanag nito.

He reached for her trembling hand and squeezed it gently. Hindi agad siya nakapagsalita. Hindi niya kasi inasahan ang mga sinabi nito. Parang nahulog yata ang puso niya roon.

"Look. We have already told our secrets with each other. For me, that't already a big thing. I mean, I don't always open up for anybody." He looked away.

Did she really mean something to him? Possible ba iyon? Kahit na puno ng pagdududa ang kanyang isip ay hindi niya pa rin maiwasang makaramdam ng galak dahil sa sinabi nito. True or not, it still felt good to hear that she meant something for him.

"A-are you saying that you treat me as your friend now?" naitanong niya.

He switched on the lights. Nakita niya tuloy ang matamig na ngiti nito. "Yes."

Napangiti na rin tuloy siya. "But friends don't kiss each other," she whispered.

"Well, I got carried away. I couldn't resist to kiss you," apologetic na sagot nito.

"You still want to bed me," akusa niya.

"S-sweetie..."

She snickered. Sinasabi na nga ba niya! Ang gulo gulo nito! Kung friends na talaga sila, dapat ay hindi na nito hangaring maikama siya, hindi ba?

"Whatever. That kiss meant nothing anyway."

She pushed him away and snatched the flashlight in his hands. Muli niyang pinatay ang ilaw bago pa man ito makapagreact. Then she switched the flashlight on. Gamit ang flashlight ay sinuyod niya ang buong kwarto nito. Nang madaanan ng ilaw ang painting na nakasabit sa pinakagitnang parte ng kwarto nito ay natigilan siya. She spotted a tiny red dot at the very center of that painting hanging on his wall. Nakapaharap ang painting sa mismong kama nito.

A hidden camera! Nanghihinang pinatay niya ang flashlight at tsaka binuksan ang ilaw sa kwarto nito. When the lights turned on, she was greeted by Dasher's fervent gaze. Naniningkit ang mga mata nito habang nakatitig sa kanya. He gave her that what-the-hell-did-you-just-do-look. Ayaw man niyang gawin ay hindi pa rin niya naiwasang mangikig sa klase ng tingin nito.

Napalunok siya. She couldn't spend another minute with him inside that room without wanting to kiss him again. Nakakabaliw na mag-isip ang utak niya. Why the hell did those red and throbbing lips look so inviting? She nervously bit her lip.

"I-I really should go," giit niya.

Binuksan niya ang pintuan at mabilis na lumabas ng kwarto nito. Pasimple niyang sinuyod ang buong lugar pagkalabas niya. Natitiyak niyang mayroon pang hidden camera sa lugar na iyon. Damn! Ganon ba kalupit ang stalker nito? How the hell did that person do that? Hindi biro ang security sa condo ni Dasher. Natitiyak niyang ang stalker nito ay hindi lang miminsang nakapasok na sa bahay nito. It must be one of his close friends. Ngunit sino?

"You are not going anywhere. We have to talk!" habol ni Dasher sa kanya.

Napalingon siya rito bago siya napailing. "Please, Dasher," agap niya sa pagsunod nito.

But being ultimately stubborn, he still followed her. Ang bruho, hinarangan pa ang pinto para hindi siya makalabas. Napahalukipkip siya at pinaningkitan ito ng mata.

"We have to talk," mariing ulit nito.

"About what?" iritableng angil niya. "I'll give a report about everything I've discovered," bulong niya sa pag-aalalang marinig ng stalker nito ang mga sinasabi niya. She couldn't tell him about the hidden cameras dahil may plano siya sa mga iyon.

"About that freakin' hot kiss we've shared!" he hissed. "Don't you ever tell me that it's nothing or I'm gonna kiss you right now until you'd beg me not to stop just to prove my point."

"F-Fine, we kissed. So what? Sabi mo nga, magkaibigan na tayo diba? Eh ano ngayon kung naghalikan tayo? It's not as if we are going to kiss each other again. Iyong nangyari kanina, pareho lang tayong nadala ng sitwasyon. We got carried away. That's it."

"I'm sure as hell that it would happen again. Sa tingin mo ba, ngayong natikman ko na iyang mga labi mo, mapipigilan ko pa ang sarili kong halikan ka ulit?"

Pinamulahan siya ng mukha dahil sa nagbabagang tinging ipinukol nito sa kanya. Napalunok siya. She could never deny the sexual tension between them whenever their eyes met. Lalong hindi niya magagawang itago ang reaksiyon ng katawan niya sa bawat tingin nito.

"She might hurt you," mayamaya ay bulong nito. "Isa sa mga dahilan kaya gusto kitang makita ay dahil gusto kitang balaan. But now that I think about it, I shouldn't have just called you to come here. Paano kung bigla ka niyang inatake sa labas? What if..."

"I'll be fine," iling niya. "Kaya ko ang sarili ko."

"You are not wonderwoman. Hindi mo kayang lutasin ang lahat. Your safety is at stake right now. Hindi ko mapapayagang may mangyaring masama sa'yo. Kaya naisip kong dumito ka muna sa condo ko habang hindi pa natin nahahanap ang stalker ko."

Dumbfounded, she stared at him as if he just spoke alien words. Makalipas ang ilang segundo ay napailing siya. "I can't stay here."

"Why not?" kunot-noong tanong nito.

"Because we are already friends. At baka kapag nag-stay ako rito, makalimutan nating friends tayo," sarkastikong sagot niya.

"H-hey, it's not—"

"Whatever," she cut him off. "I have to go. Ayokong gabihin sa daan. Anyway, I'll call you as soon as I get some clues about your stalker. I'll be online. I-send mo sa akin via e-mail iyong file video na makukuha mo mula sa CCTV ng opisina at ng condo mo. Kung makatanggap ka man ulit ng sulat mula sa stalker mo, call me instantly. Understand?"

Hindi ito sumagot, sa halip ay matiim lang siya nitong tinitigan. Tila nagtatalo kung papayagan ba siya nitong manalo o hindi. Sa huli ay napabuntong-hininga na lang ito nang mabasa sa kanyang mukha na wala siyang balak magpahinahod dito. "O-okay."

"Thank you," she nodded. "Sige, aalis na ako," paalam niya.

Bago pa man siya tuluyang makalabas sa pinto ay nahawakan na nito ang kamay niya at napigilan na siya nito. "Ihahatid na kita. Kahit hanggang sa parking lot lang"

Napangiti siya nang makaringgan niya ng pag-aalala ang boses nito. "No, thank you. Okay na ako. Isa pa, wala akong balak sabihin sa'yo kung saan ako nakatira," biro niya na tinawanan naman nito. "Sige na, aalis na ako," muli niyang paalam.

Ngunit bago pa man siya tuluyang makaalis ay nagawa na siya nitong hapitin palapit rito at nahagkang muli. It wasn't a haste kiss, hindi rin naman ganon katagal. It was something in between a hot-hasty kiss—just perfect. Mabagal na mabilis. Masuyo at matamis. When he stopped kissing her, a wide grin plastered on his face. She flushed like an idiot.

"Take care, sweetie. I'll see you in the party?" Wala sa sariling napatango siya. He chuckled at her weird reaction. His right hand reached for her left cheek and softly caressed it. "Call me as soon as you get home, promise?"

She blinked. Nababaliw na yata siya. Bakit parang gusto niya itong yakapin at hagkan ito? She shook her head. She must be crazy. O baka may gayuma ang mga halik nito. Hindi na siya sumagot. Sa halip ay natatarantang lumayo siya rito at tsaka tumungo sa pinto.

Sa sobrang pagkataranta niya, namalayan na lang niya ang kanyang sariling lulan na ng elevator. Nanghihinang napasandal siya sa dingding niyon. Bakit ayaw tumigil sa mabilis na pagtibok ang puso niya?