SURPRISE her? Kanina pa ako nag-iisip kung saan ko siya dadalhin. I suddenly remembered Brizz, Trev's sister. May restaurant na kasi ito and the ambiance is great there. Her restaurant lies at the fourteenth-floor of a famous building. Alam na rin nito ang sitwasyon ni Eevie. Trev told her. Brizz became distant to me when Eevie left ngunit naging civil pa rin ito sa akin. Until only recently, we patched things up. If we'll go there ay paniguradong matutuwa si Brizz at alam kong magugustuhan din ni Eevie doon.
Kanina pa ako kinukulit ni Eevie kung saan kami pupunta. Lagi na lang 'secret' ang aking sagot sa kanya. Nang makapasok na kami sa lobby ng high-rise building ay mas lalo siyang naging matanong. Nang mapagod na siya sa kanyang pangungulit ay tumahimik na siya kahit kitang-kita sa kanyang mukha na gustung-gusto na nitong malaman.
Pumasok na kami sa elevator. The elevator man smiled at Eevie. "What floor ma'am?"
She looked at me. "Fourteenth," malamig kong sagot ko sa lalaki. I suddenly held Eevie's hand.. Nag-iwas naman ng tingin ang lalaki nang tinaasan ko ito ng kilay.
"Para kang may kaaway," natatawang bulong niya sa akin. She straightened my knitted eyebrows and forced me to smile. "Smile. Baka mamaya niyan tumanda ka."
Napailing na lang ako sa kanyang ginawa.
Pagkalabas namin sa elevator ay may waitress na bumati sa amin. "Goodevening, Mr. Monteverde, ma'am."
"Usual seat."
Hindi ko na hinintay ang sagot nito. Pumunta na ako sa table na reserved lang para sa amin nila Trev at Eevie. Nang maupo na kami ay tumingin ito sa labas. Her eyes twinkled in amazement. Madali lang talaga siyang i-please. Kahit malii na bagay naa-appreciate. Ganyan naman siya noon pa. Hindi talaga ito mapili sa kahit anong bagay.
"It's beautiful," manghang bulong nito.
"Like you." Did I say that out loud? Nang makita kong pumula ang kanyang mga pisngi niya ay nakumpirma ko na. Totoo naman. Hindi ko kailangang bawiin iyon. Tumayo siya at lumapit sa may glass wall.
"This is really beautiful."
Napatingin ako sa papalapit na Brizz. Hindi pa yata nito napapansin na si Eevie ang aking kasama.
"What brought you here, Alexus?" tanong nito at saka umupo sa bakanteng upuan. "Who told you to bring a girl at this table? You know my rule. Our rule," diretsang wika nito. Nakasimangot pa ito na parang may nagawa akong kasalanan.
Napangisi ako sa kanyang inasta. "Don't sound so rude, Brizz. I have a little present for you."
Sakto namang lumingon sa akin si Eevie at mukhang babalik sa kanyang upuan nang biglang dumako ang kanyang mga mata kay Brizz. Tinignan ko si Brizz at muntik na akong matawa sa kanyang reaction.
"Hi?" bati ni Eevie kay Brizz sabay upo sa kanyang upuan. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness ni Eevie kay Brizz. Yan ang napansin ko sa kanya simula nang magkita ulit kami. She's testing the water first before talking to someone.
Biglang siyang niyakap ni Brizz at natampal ko na lang ang aking noo. This girl doesn't know how to resist her urge. Alam ko namang miss nito si Eevie kaso binigla naman nito.
"God knows h-how much I wanted to see you," garagal na anito. Alam ko kung ano ang nararamdam nito. I was like her when I saw Eevie for the first time since that day she walked out of my life.
Nagtatanong na tumingin sa akin si Eevie.
"Brizz, you're freaking her out."
Agad itong kumalas sa pagkakayap nito kay Eevie. "I'm dying to see you. Ikaw lang ang laging bukam-bibig nitong kulugong ito, eh. By the way, I'm Brizz Kaye Sandoval." masayang pakilala nito.
"Eevie Del Fuente."
Del Fuente.. Why does it sound so foreign to me? Kung alam lang niya na apelyido ko ang nakakabit sa kanyang pangalan. Kung alam lang niya...
"By the way, I'm his friend. And you're his girlfriend?" Pwede na talaga kaming mag-artistang magkakaibigan.
Eevie blushed. "Oh! You got it wrong. We're...I don't know, eh? Friends siguro?"
I felt like I was punched. Friendzoned na pala ang lagay ko. Friends? Mag-asawa kaya tayo. We can't be friends!
Tumawa si Brizz. "I thought so. So, okay lang na maging kami? You know, we are not getting any younger naman na." Napaubo ako sa sinabi ni Brizz. Anong pinagsasasabi nito? I was about to deny that nang bigla niya akong kinurot sa hita. She shot me a warning glare.
She gave Brizz an awkward smile. "It's up to you. Kung diyan kayo sasaya. CR muna ako, ha? Wait lang, Lex."
Inis na tinignan ko si Brizz. "What's that all about?"
She smirked. "Just testing her. Friends lang daw? Kung hindi ko lang kilala si Eevie ay baka naniwala pa ako. Baka nga umiiyak na yun sa CR."
"You're freaking crazy," umiiling na wika ko.
I waited her to comeback ngunit sampung minuto na ang nakakalipas ay hindi pa siya bumabalik. May nangyari kaya? What's taking her too long? Hindi ako makapakali sa aking upuan.
"Brizz, can you follow her?" nag-aalalang pakiusap ko. Kung pwede lang akong pumasok sa CR ng mga babae ay kanina pa ako pumunta roon.
"Okay."
****
Humahangos na lumapit si Brizz sa akin. Her worried face freaks me out. Alam kong may mali.
"She's gone," medyo guilty na anito. Alam ko kung anong tumatakbo sa isipan nito. She's blaming herself. My phone suddenly beeped. Nang makita kong mula iyon kay Eevie ay nakahinga ako ng maluwag.
'I'm home. Sorry kung hindi na ako nakapagpaalam. May nangyari kasi.' That was her text. Nireplayan ko muna siya bago tumingin kay Brizz. "Umuwi na raw siya."
She let out a heavy sigh. "I thought it would turn out to be a disaster pero hindi pala."
Napakunot-noo ako sa kanyang sinabi. "What do you mean?"
She smiled at me. "I think she's falling for you."
Namilog ang aking mga mata. Nagbibiro lang ba ito? Pinagtri-tripan? "Seryoso? How did you know?"
"Instinct."
"Wag mo akong paasahin, Brizz. Masakit umasa."
Humalukipkip ito and gave me her challenging look. "Wanna bet?"
Sana. Sana totoo nga ang hinala nito. Kahit suntok sa buwan ay aasa ako. Aasa akong mahal pa rin niya ako. Kung hindi man ay gagawin ko lahat para mahalin niya lang ulit ako.