webnovel

Dark Paradise: The Vampire existence

CuteyMaeZekim · Fantasía
Sin suficientes valoraciones
3 Chs

Chapter two

"Sorry to hear that."

"Sam?if I tell you about my true identity would you still be my friend?"

"Of course,"

Napahawak ako sa ulo ko ng madinig ko ang usap usapan sa loob ng isang kwarto, bakit puti lahat ng wallpapers ko sa kwarto hindi naman yun puti ah.

"Mom?Nasaan ako?"tanong ko Kay mommy ng makita ko ng tuluyan ang kanyang mukha.

"Samantha you're here at the hospital, crystal called us earlier, she told us that your her. You fainted at the school canteen earlier."

"Mom, to tell you the truth I've been suffering headache this past few days. I've seen memory's that I can't explain kung sino o ano yung mga nakikita ko."I exclaimed

I really can't explain kung ano yung mga nakikita ko sa mga panaginip ko, hindi ko alam kung bakit ganon nalang halos lahat, Ang palaging boses na madidinig ko ay yung sa lalakie ang familiar ng boses niya pero hindi ko alam kung saan ko nadinig.

Bumukas ang pinto ng hospital at pumasok ang isang doktor na may dalang notes. Ngumiti siya saakin ng maka harap na siya.

"How are Miss Laurel?"Nakangiting tanong ng doctor. May pagka maamo ang mukha niya mukha ring bago pa siya sa pag dodoktor nasi mid 20s ang tansya ko sa kanya.

I smiled back"I'm fine doc"

Tumango siya at humarap Kay mommy.

"Mrs. Laurel, your daughter is gone through amnesia and maybe sumasakit ang ulo niya dahil sa memoryang nawala noon at bumabalik na unti unti ngayon."rinig Kong sabi ng doktor.

I've been suffering amnesia until now kasi sabi ng doktor sa states hindi naman daw severe ang nangyari sa akin, babalik daw ang alaalang nabura sa akin within a months daw pero nong lumagpas na ng mahigit apat na taon hindi na ako umasang babalik pa ang memoryang nabura.

Car accident may daddy died before that accident ako naman na bunggo ang ulo ko sa dashboard ng sasakyan. I'm 17 years old that time but now I'm 20 and I know my memory will be back.

"Dok, ano po ba ang dapat gawin para hindi na sumakit ang ulo niya?"nag alalang tanong ni mommy.

"Isa lang ang maipapayo ko sa you samantha(tumingin siya sa akin) wag mong piliting alalahanin ang mga bagay na hindi mo maalala dahil sa tingin ko maalala mo na din ang lahat sa tamang panahon."ngumiti siya.

Nakauwi kami sa bahay at nag pahinga mo na ako sa kwarto ko. Hindi ko alam Kong kaninong boses ang narinig ko sa panaginip ko. Ang puti ng balat niya ngunit ang mukha hindi ko lubusang makita dahil sa blurred ito.

Unti unting pumipikit ang mga mata ko hanggang sa makatulog ako.

"You really made me happy today...thank you."nakangiting sabi ng Babae habang may hawak na kulay pulang rosas sa kanyang kamay. Nakatingin siya sa lalaking hindi ko rin masyadong mahagilap ang kanyang mukha.

"Its nothing"Hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae at yinakap ito.

Ngumiti sila pareho hanggang sa nag iba ang lugar ang kaninang mabulaklakin ngayon naman halos lanta na ang mga bulaklak, the place is so dark.

"Anong nangyari?"Halos hindi makapaniwalang sambit ng babae.

Iba na ang lalaking nakikita ko hindi na ito ang kaninang kausap ng babae ang lalaking ito ay medyo mahaba ang buhok at matangkad, mas matangkad pa siguro ang isang to kaysa sa lalaking kausap kanina ng Babae.

"So?You're Samantha, the girl of clyde?"Natatawang pag sambit ng lalakie. Bakit hindi ko ma kita ang mga mukha Nila pero ang kanilang mga boses sobrang pamilyar.

"W-who are you!?"parang natatakot na ang boses ng babae.

Bigla nalang may humawak sa kamay ng babae at nawala ang kanyang takot ng hawakan siya ng isang lalakie sa kamay.

"Don't you dare.."May Pagtitimpi sa boses ng isang lalakie o ni Clyde daw ang pangalan.

Humihingal akong bumalikwas sa kama dahil sa kaba ko nakita ko nalang si mom na papasok sa kwarto ko tinignan ko din ang oras isang oras nalang pala at mag si-six am na.

Umiiyak na ako hindi ko alam Kong bakit pero alam Kong dahil ito sa panaginip Kong hindi ko maintindihan. Yinakap ako ni mommy.

"What happen?"Mommy suddenly ask.

"Mom?Hindi ko alam e, ano po ba ang nangyari sa akin 3 years ago?Saan ako nanggaling before ko makuha ang amnesia ko?Sino yung lalaking palagi Kong mapanaginipan?"sunod sunod Kong tanong.

Hindi ko na alam Kong ano ang gagawin ko para fully bumalik na ang ala-alang nabura sa akin noon. Nababaliw na ako sa kakaisip kung sino ba ang lalaking kausap ko sa panaginip.

And Clyde? Who is Clyde yan ba ang name ng lalaking palagi Kong mapanaginipan.

"Easy, Tia hindi ko naman masasagot lahat ng tanong mo, huminahon ka mo na uminom ka Mona ng tubig(Ibinigay niya sa akin ang isang baso na puno ng tubig) tia ang masasabi ko lang sayo take rest ang relax."

"Mommy?"Hindi ko alam Kong dapat ko ba tong sabihin o hindi.

"Hmm?"nakataas ang kilay niya parang alam na niya na nagdadalawang isip akong sabihin.

"Mommy? Sino ang nag dala sa akin sa Ospital nong nabangga kami ni daddy sa hindi malaman kung anong lugar yun."nagtataka Kong sabi.

Kumonot ang noo ni mom at nagkabitbalikat na parang walang alam"Hindi ko alam, kasi nong pumunta na ako sa Ospital dahil ng tinawagan ako ng isang doktor ang sabi lang ng doktor sa akin isang naka itim na lalakie daw ang nag dala sayo doon at isang babae naman ang sayong ama kaya wala akong ka alam alam."

Isang naka itim na lalakie at isang babae. Sino kaya sila otang ko pala sa kanya ang buhay ko kasi kung hindi dumating ang lalakieng nag ligtas sa akin baka wala na ako ngayon.

"Who is Clyde?"Wala sa sarili Kong tanong.

"Clyde?I don't know what your talking about Samantha tia laurel. Bumaba ka na parang mag breakfast"Hindi makatingin ng diretsyo si mommy sa akin hindi ko alam kung bakit.

Isa lang ang alam ko kung bakit ganon nalang ang reaction ni mommy sa sinabi ko. Alam niya Kong sino si clyde pero baka hindi niya ipaalam sa akin dahil nga sa kalagayan ko ngayon.

ⓢⓒⓗⓞⓞⓛ

"Class dismissed."Pahayag ng guro namin.

Kasama ko si Crystal ngayon palabas na sana kami ng marinig ko ang sigaw ni Monica

"NEXT WEEK NA ANG ALIS NATIN SAMANTHA, MAG PREPARE NAKAYO!"nang-aasar niyang sigaw hindi nalang namin pinansin. Nagpatuloy kami sa Paglalakkad habang hindi lumilingon sa likod.

"Alam mo cyrs?Hindi ko talaga alam Kong sino si Clyde, siya kasi palagi ang laman ng panaginip ko parang bang may kinalaman siya sa past ko."

Nakaupo kami sa isang bench malapit sa soccer field wala namang nag lalaro at hindi rin maaraw kaya maganda ang pagtambay dito.

"Baka nga may kinalaman yang Clyde na yan sa past mo, try mong hanapin ang lalaking yan para malaman mo ang nabura mong alaala."Sabi ni crystal habang umiinom sa kanyang juice.

Kumagat mo na ako sa cheese burger ko bago siya sinagot"Hindi naman ganon kadaling mahanap ang lalaking yan no. Lalo na't wala tayong alam sa kanya."

Nakita ko si aly na naglalakad papunta sa direksyon namin naka shade ito at napapansin ko rin ang suot niyang kwentas na may symbot na "V".

Nagsalita siya ng makalapit na siya sa amin"Ano ang pinag-uusapan niyu?(nag iwas siya ng tingin ng parang may na alala siya) Ah, hindi nga pala kayo nag sha-share ng private stuff."

Parang naguilty ako sa sinabi niya marunong rin pala si aly sa pangungunsensiya take note the sarcasm.

Kailangan Kong mag tanong tanong Kong sino si Clyde kasi hindi ako titigil hanggat hindi ko nakikita si Clyde? Siya lang ang makakasagot lahat ng tanong ko.

"Aly?"kailangan Kong mag open up sa kanya kahit ngayong araw lang.

"Ano?"walang ganang sagot niya nakatingin siya sa binabasa niyang libro.

"Kilala mo ba si...."Parang hindi ko masabi e, kinakabahan ako bigla.

"Si ano?Wag ka ngang pa trill dyan Sam."iritabli niyang sabi.

"Kilala mo ba si CLYDE?"natigilan siya bigla sa sinabi ko ng marinig niya ang last part ng sentence. Nakakabigla ba ang name na Clyde?kasi kahit si mommy nabigla rin nong tinanong ko siya.

Biglang tumayo si Aly at pinagpagan ang kanyang suot. Akong aalis na ito ng hawakan ko siya sa braso.

"Kilala mo ba ang taong yun aly?"Curios Kong sambit.

Hindi talaga ako mapakali hanggat hindi ko alam Kong sino siya.

"Ah, kasi, ano Sam, may gagawin papala akong assignment sa classroom kaya mauna na muna ako sa inyo."Sabi niya at nag mamadaling umalis hanggat sa para na siyang tumatakbo dahil sa bilis ng kanyang paglalakad.

"Bakit ganon ang reaction niya?"tanong ni Crystal.

"Ewan ko, nagtataka nga rin ako."

Bakit ganon nalang ang mga taong sinasabihan Kong kilala ba nila si Clyde bigla nalang aalis at magbabago ang expresyon ng mukha.

"Next week na pala ang graduation natin at after ng graduation pupunta na tayo sa Dark paradise na sinasabi nila Jane at Monica."

"Hindi ko alam Kong maganda bang pumunta tayo sa dark paradise na yan dahil malakas ang pakiramdam kong may Mali sa lugar nayan eh."Nakakunot noo Kong sabi.

"Wag ka na ngang manood ng mga drama o bumasa ng mga triller at horror na genre Samantha ano ano na yang nasa isip mo."

"Hindi naman Horror ang genre ko ah, nakakatakot kaya yang genre na yan baka atakihin pa ako sa puso."

Ayaw ko talaga ang mga horror movies, o mga Story's kasi hindi ko alam Kong ano ang mangyayari sa akin baka hindi ako makatulog sa gabi.

Tumawa siya"Pano nalang Kong maka kita ka."

"Wag sana."Inirapan ko siya.