webnovel

Dark Glazer Academy [COMPLETED]

Athena Brix Alexandro is a 20-year old girl who wants to find the justice for her older brother's death. Napag-alam n'yang Dark Glazer Academy ang huling pinuntahan ng kanyang kapatid bago ito mamatay, at dahil do'n, napag-desisyonan n'yang mag-enroll sa nasabing eskwelahan at natanggap naman s'ya, ngunit kailangan n'yang magpanggap na lalaki para masagawa ang paghihiganti n'ya.

Ellaine_Mojado · Otras
Sin suficientes valoraciones
27 Chs

Chapter 22

-Athena Brix Alexandro-

I need to know kung sino ang ka-miyembro ng lalaking nanggagahasa ng kababaihan noon. Habang nasa cafeteria kami ni Jerix kanina ay nakwento n'ya sa'kin na namersonal ang lalaking 'yon sa kanila. Natalo daw kasi nila ito sa gang fight, kaya gumanti. Hindi daw n'ya mapatawad ang sarili noon nang mangyari 'yon sa kapatid n'ya. Her sister was 15 years old! Kaya naisip ko na baka 'yon din ang pumatay sa kuya ko dahil napakasama ng ugali n'ya. How could he? Wala ba s'yang nanay o kapatid na babae? Pa'no n'ya nasisikmurang manggahasa ng inosente?

I couldn't believe that, that kind of man really do exist! Mabuti na lang talaga at patay na ito.

Isa pa sa um-okupa sa isipan ko ay ang tanong na.. dapat ba akong magtiwala sa pito?

In order to know the truth, I need to trust at least one of them, at isa lang ang naiisip kong tao, at si Funky 'yon. Tutal nalaman naman na n'ya ang sikreto about sa pagkatao ko, siguro dapat na rin n'yang malaman 'yong dahilan ko kung ba't ako pumasok dito. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo dito sa kama ko at lumabas ng kwarto namin ni Jerix. Tulog si Jerix, habang ang lima naman ay naggala-gala, baka naghanap ng away.

Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ni Funky ay nagdalawang isip pa ako kung tama ba ang gagawin ko, bumuntong hininga muna ako bago kumatok.

"Pasok, bukas 'yan, " rinig kong sambit n'ya. Pinihit ko na ang door knob at saka tuluyang binuksan ang pinto. Nakita ko namang nakahiga si Funky at nakatakip ang braso n'ya sa mga mata n'ya.

"Funky, can I talk to you? " agad naman s'yang napabangon dahil sa sinabi ko.

"Sure, Athena, about what? "

This is it. I need to tell him the truth.

"The reason why I enrolled in this Academy, " napaarko naman ang kilay n'ya sa sinabi ko.

"Are you sure about this, Athena? I mean, okay lang kung hindi mo sabihin sa 'kin, kasi feeling ko mabigat 'yang dahilan mo, " umiling ako sa sinabi n'ya.

"No, I need to tell you the truth kasi hihingi din ako ng tulong sa'yo. You see? Three months na lang at aalis na ako dito sa eskwelahang 'to, pero 'di ko pa rin nagagawa ang dapat kong gawin, "

"Sit beside me, " sinunod ko naman s'ya.

"Talk, "

"I came here at DGA to take a revenge. Five years ago, my older brother died, at hindi ko alam kung anong rason ba't s'ya pinatay. All I could think that time is someone murdered him. Someone took his life. I did a research about this Academy and it turns out that this school is an all boys school, with lots of secrets. At naisip ko na baka dito ko matatagpuan ang pumatay sa kuya ko, I need to take a revenge for him. I want that murderer of him pay for what he did to my brother, " mahabang paliwanag ko.

"Shh, don't cry, " pag-aalo n'ya sa 'kin saka pinunasan ang pisngi kong basa na pala ng luha.

"So, please, Funky, tulungan mo 'ko. Tulungan mo 'kong mahanap kung sino ang pumatay sa kuya ko, pinagkakatiwalaan kita dahil ikaw lang ang nakakaalam na isa akong babae, "

---

-Jerix Han-

Nagising ako dahil sa gutom. Hay, makaluto nga muna.

Bumangon na ako sa higaan ko saka lumabas ng kwarto, aba, tahimik ata? Nasa'n kaya 'yong pito? Pati ba si Brix sumama sa kanila?

Hay, for the past 3 months, 'yong nararamdaman ko kay Brix ay lalong lumalim. Lalong lumago. Paglabas namin sa Academy na 'to, aamin na ako sa kanya.

Lumabas na ako ng kwarto at nakita kong bukas 'yong kwarto ni Funky. Sumilip ako do'n at parang nilamukos ang puso ko.

"Shh, don't cry, " sambit ni Funky saka pinunasan ang luhang lumalandas sa pisngi ni Brix.

Fuck this.

Ako dapat ang gumagawa no'n, eh! Ako dapat ang nagpupunas ng luha n'ya kapag malungkot s'ya!

Pa'no mangyayari 'yon, eh parang si Funky lang naman ang nilalapitan n'ya lagi tuwing may problema s'ya.

Yeah, right. Hindi ko alam, pero nanatili akong nakikinig sa usapan nila.

"So, please, Funky, tulungan mo 'ko. Tulungan mo 'kong mahanap kung sino ang pumatay sa kuya ko, pinagkakatiwalaan kita dahil ikaw lang ang nakakaalam na isa akong babae, " rinig kong sambit ni Brix.

T-teka, anong sabi n'ya?

"..dahil ikaw lang ang nakakaalam na isa akong babae, "

Para akong binomba sa narinig ko. Tama ba ang narinig ko? Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko at para itong tinatambol. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at pumasok ako sa kwarto ni Funky.

"Anong sabi mo? " napalingon silang dalawa sa 'kin at bakas ang pagkagulat sa mukha nila.

Great, Jerix! Great! You questionned your gender identity for a liar.

"J-Jerix.. " sambit ni Brix.

"You're a woman?! " hindi makapaniwalang singhal ko.

For three fucking months, kinwestyon ko ang sarili ko para sa isang sinungaling! Fuck!

"Jerix, let her explain, "

"You shut-up, Funky! Alam mong gusto ko si Brix and you didn't bother to tell me the truth?! "

"Jerix, it's her secret! "

"Na alam mo? Wow. So, all this time, niloloko n'yo lang pala kami? All this time, babae pala ang kasama namin? " hinarap ko si Brix na nakayuko ngayon.

"And you! Alam mo bang kinwestyon ko ang pagkalalaki ko dahil nagsisimula na kitang magustuhan! Kinwestyon ko ang gender identity ko, tapos.. tapos babae ka pala talaga?! " hindi makapaniwalang sambit ko.

"I'm sorry, "

Sorry? Hah!

Hindi ko na kinaya at umalis na lang ako sa dorm namin. I need a break.

"Oh, Boss, sa'n ka pupunta? " tanong ni Harry. Nakabalik na pala sila.

"Wala, " malamig na tugon ko saka sila nilampasan.