webnovel

Chapter 14

-Athena Brix Alexandro-

Today is the first day of my training.

"Patingin nga ako ng lakad mo, Brix. " utos sa'kin ni Jerix.

"Po? "

"Patingin kako ng lakad mo. " utos nyang muli kaya nagsimula na akong lumakad. 'Yung matikas at matipunong lakad.

"Hmmm.. Brix, lagyan mo nga ng kembot 'yung lakad mo. " uto naman sa'kin ni Kean.

"P-pero.. " hindi ako marunong kumembot huhu.

"Kailangan mong gawin 'to, tol. Para sa The Kings! " sabi naman sa'kin ni Harry. Hays.

"S-sige. " at ginawa ko na nga ang sinabi nila. Ang ending? Ayon, tawa sila ng tawa maliban lang kay Jerix pa seryoso pa rin.

"Quiet. " saad ni Jerix dahilan para manahimik ang anim na lalaki.

"Sorry, boss. " sabi ni Khal.

"Suggest ko lang 'yung ginagawa ng kapatid kong babae. Nasali kasi 'yun sa beauty pageant eh. " biglang sabat ni Zef.

"'Yon naman pala, pre eh. May silbi ka naman pala HAHAHAHAHA! " sabi ni Kean.

"Gago! Gaya mo pa ako sa'yo. " sagot naman ni Zef.

"Sige, Zef, ano 'yung suggestion mo? " tanong ni Jerix.

"Ia-acting ko, pero 'wag nyo 'kong pagtawanan, ha? Hindi ako bakla. " ayaw nya mapagtawanan, pero pinagtawanan nya ako kanina huhu. Bad!

"Uy, 'wag masyadong defensive, dre. " sabi ni Khal saka tumawa ng pagkalakas-lakas.

"Go on, Zef. " utos ni Jerix sa kanya.

Nagsimula na syang rumampa at wow! Ang galing! Daig nya pa ako!

"Sabi na eh, bakla talaga 'tong si Zef. " wika ni Gray.

"Pakyu! " mura ni Zef sa kanya. Nagtawanan naman ang limang lalaki, maliban ulit kay Jerix.

"Okay lang 'yan, dre. Tanggap ka namin, diba boss? " natatawang wika pa ni Funky. Letseng Funky!

"Shut-up, Funky. " seryosong sabi ni Jerix sa kanya. Bleeeh!

Pinagawa naman sa'kin ni Jerix ang ginawa ni Zef at after 1 hour, nakuha ko na rin ang sinasabi nila. Hooo!

"Oh, pinabinigay nung SSG President natin. " sabi ni Harru sabay tapon ng heels na 3 inches! What the heck?!

"Wear it. " utos na naman ni Jerix. Putcha! Dapat pala si Ereya ang pumasok dito eh!

Ako naman 'tong sunod din. Kailangan eh hays. No'ng nasuot ko na ay muntik na akong matumba mabuti na lang at nakuha ni Jerix ang kamay ko.

*dug dug dug dug*

Tigil nga, heart!

"Ikaw na ba si Mr. Right~ ikaw na ba love of my life~ " kanta ng anim.

"Kingina nyo! " mura sa kanila ni Jerix saka tinaas ang middle finger sa kanila. Tinawanan lang sya ng mga ito.

Pinalakad na ulit nila ako habang suot ang sapatos na may heels! Argh! Letse talagang Funky 'yun eh! Sya dapat ang gumagawa nito dahil sya naman ang nag-suggest na ako na lang! Grrr.

Pumayag ka rin naman. Oo na. Kasalanan ko din!

After ng mahabang pagpapraktis ay pumasok na ako sa kwarto ko at saka nagpahinga. Ang sakit ng paa ko! d >__< b

"Hey, you okay? " pumasok din pala si Jerix.

"Medyo hehe. " tangina, Brix. Medyo?! Sobra kamo! d T___T b

"Patingin ng paa mo. "

"'W-wag na. "

"Sige na. " at dahil masakit na rin talaga ang paa ko ay binigay ko na rin ito sa kanya. Syempre, hindi ko pinutol. Baka 'yun iniisip nyo eh HAHAHAHAHA!

Nagulat na lang ako ng masahiin nya ito. I'm just staring at him while he's doing that.

*dug dug dug dug* ayan na naman ang puso kong dumadagundong. Erase. Erase. Athena, you're to find out who's the murderer of your brother, no more, no less.

"Okay na ba? " tanong nya kaya nabalik ako sa ulirat.

"Ah..oo. " sabi ko at agad pinatong ang paa ko sa higaan.

"Sorry kung inutos-utusan kita, ha? Gusto ko lang talagang manalo. Sige na, magpahinga ka na at ipagpapatuloy natin bukas ang training. Good night. " he said and tapped my shoulder.

"Good night din. " saad ko rin habang nakangiti. Lumabas na sya sa kwarto. Siguro may paguusapan pa sila.

Nahiga na ako sa higaan at mabilis din akong nakatulog dahil sa sobrang pagod.