webnovel

DangerousLY Love

Si Paige Dalla Sanfuego, kilala siya bilang sexy, maganda at fashionistang babae. Bukod pa ron matalino rin siya at mapagmahal. Kaya't maraming nahuhumaling sa kanya hindi lang sa panlabas na anyo kundi sa panloob nito. Kilala siyang mabait na tao ngunit sinong hindi mag aakala na isa siya sa mga nakakatakot na tao. Nagbago ang pananaw niya sa buhay ng dahil sa isang bagay... Ito ay ang pag ibig.

Chace_Gonzales · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
10 Chs

1.2

Boyfriend

"Ihatid na kaya kita", umiling ito.

"Hindi na. Saka mag iingat ka sa boyfriend mo. Remember, lapitin ka ng manloloko saka mag background check ka. Hindi yung sunggab ka ng sunggab kapag may nagkakagusto sayo", alam ko naman iyon. Pang ilang boyfriend ko na itong si Mark. Matagal na rin kaming dalawa. Isang taon na kaming magkarelasyon ngayong araw. Sa katunayan nga, kaya rin ako namili ngayon ay su-surpresahin ko siya sa kanyang bahay.

Hindi pa ko nakakapunta sa bahay niya o kahit manlang naipakilala sa magulang niya. Sabi niya kasi ay low key relationship ang sa aming dalawa. Sinang-ayunan ko naman iyon dahil nung nanligaw siya sa akin ay pareho kaming kagagaling sa break up.

Sinabi niya sa akin noon na naging malinaw ang pag uusap nilang mag ex sa kanilang closure kahit na nag co-comment pa rin ang babae sa kanyang mga posts. Pero wala naman akong pakialam kahit na nakakaramdam ako ng kaunting kirot. Ilang taon din silang nagsama bago maging kami at sigurado akong mababaw lang ang naging dahilan ng break up nila.

"Mag ingat ka pauwi ha. Mauna na ko. Ito kasi ang tanghalian namin ngayon kailangan ko pang iluto", tinukoy niya yung bitbit niyang karneng hilaw. Nag wave siya bago tuluyang umalis at ako naman ay sumakay na sa aking sasakyan.

Hanga rin ako sa kanyang kasipagan dahil kapag off siya sa trabaho siya ang tagaluto ng pamilya. Ganoon din siya nung nag aaral pa kami. Kaya hindi na ko nagtaka kung bakit mabilis siyang nakahanap ng trabaho.

May trabaho din naman ako pero hindi kasing desente ng kanya. Nagtapos din ako ng pag aaral at sa katunayan nga may sarili akong negosyo. May ari ako ng maliit na bubble tea shop. Galing iyon sa sarili kong bulsa.