webnovel

Chapter 46

Faris' POV

"Yo también te quiero, cariño"

Napakurap ako nang marinig ko itong magsalita.

Natigilan naman ako ng bigal itong dumilat saka deretso akong siniil ng mapusok na halik.

Hindi ako rumesponde rito, but he bit my lower lip kaya mahina pa akong napaungol saka ito tinugon ang halik nito.

Tumigil naman ako when I realized something, mahina ko naman itong tinulak. Nakarinig rin ako ng pagbukas ng pintuan, pero masyadong ukupado ang aking isispan.

"W-what?... H-how?..." Napaatras pa ako habang nahihirapang magsalita. Tahimik ang buong paligid pati na rin sina Daddy na kakapasok lamang.

Lahat ng mga tingin nila ay nasa akin. Punong-puno ng mga kaatanongan ang aking isipan. Walang salitang lumabas sa aking bibig. Hindi ko alam kung paano magsisimula. Nalilito ako.

"Sky..." Napabulong na lamang ako nang maramdaman ko ang luhang tumulo sa aking mga mata.

Nakatingin lang sila sa akin habang tahimik na tahimik. "A-ano ang ibig s-sabihin nito?" Nauutal kong tanong sa kanilang lahat.

Walang nagsasalita kaya napatingin ako kay Sky. "Lo siento, cariño. To tell you honestly, gising naman talaga ako kanina when I heard your footsteps coming over me. I was about to sleep, but then I feel your presence" mahinang saad nito at mahigpit na hinawakan ang aking luha.

"Sky, may amnesia ka ba talaga?" Mahina kong tanong rito at paulit-ulit na bumuntong-hininga. Umiling-iling naman ito pati na rin sina Daddy.

"W-why? Bakit kailangan niyo pa akong saktan ng ganito? Bakit kailangan niyo pang ipamukha sa akin na isa akong tanga?" I can't stop my tears from falling. Pati rin pala sila nagsisinungaling sa 'kin.

For all this time, nagiging tanga lang pala ako. Iyong inaakala ko na nakalimutan niya talaga ang lahat, isa lang pala akong malaking tanga.

"I'm so sorry, baby. Nagawa ko lang naman ito. Thy said you got almost tired of waiting for me to wake up. I'am desperately wanted to know kung totoo ba ang lahat ng iyon, by faking my amnesia. But you proved to me that I really deserve someone like you. Not actually someone, but I deserve you" napahaguluhul naman ako. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Halo-halo ang aking emosyon. Pinigilan ko muna ang aking luha na dumaloy at pinakalma ang aking sarili. Tumingin ako kina Daddy.

"Alam niyo ba 'to, Dad?" Tanong ko rito habang nakatungo. He nodded kaya binalingan ko ng tingin sina tito. "Kayo tito? Tita?" Yumuko si tita at dahan-dahan na tumango. "Treyton?" Tawag ko pa rito.

"Yes, alam ko" aniya pa at bumuntong-hininga.

Oh my gosh!...

"Trayon?" Tanong ko rito.

"Hmm" saad pa nito at pinasok sa kanyang bulsa ang magkabilang kamay nito.

"Zyair?" Ngumiti ito bago tumango.

Napailing naman ako. "Aziel?"

"I'm sorry, alam ko rin 'yon" anito at ngumisi.

"Wren?"

"Hmm"

Mabilis akong napalingon kina Manang Vilma. "Manang Vilma? Manang Loring?" Dahan-dahan rin naman 'yong dalawang tumango kaya napahilamos ako.

"Actually matagal na akong nagising, last day pa. I plead them to act with me, lahat sila nakakaalam, except you and Kaden" sinulyapan ko si Kaden. Tumango-tango ito at sinimangutan ako.

"So pinagtulungan niyo ako? Pinagmukha niyo sa akin na isa akong tanga. Hindi niyo man lang iniisip kung ano ang mararamdaman ko. Palagi akong umiiyak dahil lang rito. Dumagdag lang pala kayo" may pagkainis ang tono ko nang sabihin ko iyon. "Alam niyo namang masasktan 'yong tao ginawa niyo pa rin. Sky, sinabi ko na sa 'yo, huwag na huwag mong kuwestiyonin ang nararamdaman ko sa 'yo. You're hurting my feelings"

Mabilis kong hinawi ang aking kamay mula sa pagkakawak ni Sky rito. Panagsa akong umupo sa upuan saka hinilot-hilot ang aking noo.

Nakaramdam ako ng kaunting pagkirot ng aking ulo and I felt a little bit dizzy. Pakiramdam ko umiikot ang buong paligid.

"I'm sorry, Ris. Perdóname, Te amo, cariño" marahan akong napabuga ng hangin at umirap rito.

Napapikit naman ako nang maramdaman ko ang pagsakit ng aking tiyan. Parang nasusuka rin ako sa sama ng aking pakiramdam.

Sinubukan kong tumayo ngunit napahawak ako sa aking upuan. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nina Daddy, pero binaliwala ko ito at hinawakan ang aking ulo.

Pakiramdam ko nakainom ako ng beer. Ang sama-sama lang talaga ng pakiramdam ko.

"Aray" mahina kong daing nang kumirot muli ang aking ulo.

"Ris, okay ka lang ba?"

"Hija, anak, okay ka lang?"

"Anong nangyari sa 'yo?"

"Dude, it's your fault"

"Naku, hija, are you okay?"

Sari-sari ang mga tanong nila pero ni isa wala akong sinagot. Nasusuka ako.

Mabilis akong napahawak sa aking bibig nang bigla akong maduwal. Nananakbo na ako papasok sa loob ng banyo saka linabas ang aking suka.

Ugh, ang sama ng pakiramdam ko...

Suka lang ako ng suka at mabilis na pinunasan ang aking ibibig. Ano bang nangyari sa 'kin?

"¿Estás bien, querida?" Tanong ni tita at inalalayan akong maupo.

I nodded. "Sí, estoy bien. Medyo nahihilo lang po ako. Magiging okay rin po ako, siguro sa estres lang po 'to" paliwanag ko sa kania upang mawala ang pag-aalala ng mga ito.

Pati na rin si Sky, hindi maipinta ang mukha nito dahil na rin sa pag-aalala.

"Sigurado ka ba?"

"Opo"

Hinawakan ko ang aking ulo. Ang sakit ng aking ulo. Parang sumasakay ako ng Merry-go-round, nakakahilo.

"You're pregnant"

Lahat kami natahimik at napatingin sa nagsasalitang si Trayon. Kumunot naman ang aking noo.

"What? Ako? Buntis?" Umiling-iling naman ako.

"You're pregnant" pag-uulit pa nito. Narinig ko pa ang malakas na pagtawa ni Kaden.

"Bro, kailan mo pa nalamang buntis si Faris, eh wala ka namang matris?" Humalakhak nanaman ito kaya nakatanggap ito ng malakas na batok mula kay Wren. "Aray, masakit 'yon, ha" dagdag pa nito at hinagod-hagod ang kanyang ulo.

"Gago ka talaga. Kailan ka pa kaya titino, ano?" Inis na sabat ni Aziel rito.

"Yeah, I do really think she's pregnant" saad naman ni Sky kaya napabaling ang tingin ko doon. Kinakabahan naman akong napasulyap kay Daddy.

"Wait, may nangyari sa inyo ng anak ko habang wala ako?" Kunot-noong tanong ni Daddy rito.

"Hahahaha, asintado talaga ang anak ko. Magaling, mahusay ka talaga pumili, anak" sabat naman ni toto saka tumawa.

"Yes, tito and I'm not sorry" saad pa nito kaya pinandilatan ko ito ng mata.

Gago rin talaga.

"Eh, kung gano'n... Mahusay! Magkaka-apo na pala ako. Eso es bueno. Muy bien, hijo" natatawang saad ng aking ama kaya mas lalong kumunot ang aking noo.

"Muchas gracias, tío" sagot naman ni Sky at ngumiti rito.

"Hindi pa tayo sigurado. Huwag munang excited, hindi naman kayo ang iire" suway ko sa mga ito dahilan ng mapatahimik ito.

"We don't have to be sure. When I make love. I make sure, I make babies" nakangising saad ni Sky saka ako kinindatan.

"Boom!"

"Yow!"

"Anak na 'yan!"

"Sapol!"

Iba't-iba ang mga sigawan na naririnig ko ngayon rito sa loob ng silid. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti. Malumanay akong ngumiti at umiling.

"Hindi nga ako buntis, Sky" saad ko rito at tumingin kina Daddy.

"No, you're pregnant" pagpupumilit nito kaya inirapan ko na lamang ito.

Hindi naman ako buntis. Bakit ba palagi nilang pinipilit na buntis ako?

"Dumating na ba ang araw ng dalaw mo, hija?" Natigilan naman ako.

Oo nga pala. Parang hindi naman.

Umiling ako. "H-hindi" ani ko sa kanila.

"confirmar, estás embarazada" yawa! Hindi nga ako buntis.

"Hindi. Ako. Buntis" nakakinis rin talaga.

"If you're not pregnant, let me pregnant you, then" dumako ang aking tingin kay Sky habang nanlaki ang aking mga mata.

"Hanep, edi ikaw na malakas"

"Privacy muna"

"Labas muna tayo, gagawa pa sila ng little Sky"

"Ehem, ehem, ang lakas ah"

Naghiyawan ang naririto sa aming paligid. Imbis na dapat magalit ako sa panlolokong ginawa nila sa 'kin, parang mas natatawa pa ako. Ang bilis mawala ng galit ko.

"Tama na nga 'yan, pag ako napuno lalabas talaga kayong lahat" banta ko sa mga ito.

"Kasali ba ako diyan, baby?" Tanong ni Sky. Tumungo ako kaya nagsitahimikan ang lahat.

"Ayaw ko pang lumabas" bulong ni Kaden kay Treyton kaya mahina itong natawa.

"Wait, bakit pa ba natin ito pinoproblema? We're here in the hospital. Nandyan si Trayon" sinulyapan ko si Trayon. Sumang-ayon naman ang lahat sa sinabi ng aking ama.

"I'll check up her" saad ni Trayon at hinawakan anga king kamay.

Nakita ko kung paano mandilim ang paningin ni Sky habang nakatingin sa kamay namin ni Trayon.

"Bùyào pèng tā" seryosong saad nito kay Treyton kaya mabilis na napabitaw si Trayon sa aking kamay.

"Lagot ka, bro" sabat naman ng kapatid nitong si Treyton.

"Anong sabi?" Tanong ni Kaden doon kay Treyton.

"Huwag chismoso" tuluyan na kaming nakalabas ng silid at dumeretso sa opisina ni Treyton.

May ginawa muna kaming test saka rin ako lumabas. Umupo ako sa labas ng opisina ni Trayon at hinintay ang resulta. Medyo kinakabahan naman ako habang naghihintay rito sa labas.

Nanlalamig rin ang aking mga kamay. Okay lang naman sa akin kung buntis ako, medyo kinakabahan lang ako. To be honest, I really wanted to have a baby as chubby as West.

Hindi ko talaga makakalimutan ang batang iyon. Palagi niyang tinatawag si Sky na kuya Ky, ang cute niya lang talaga.

Gusto ko ganoon kataba ang aking anak. Bumuntong-hininga ako.

Napabalingkawas naman ako ng tayo nang makita ko ang nakasimangot na si Trayon at kakalabas lamang ng opisina nito.

Nagtataka akong nakatingin sa hitsura nito. "Okay ka lang ba? Ano na ang resulta?" Nakasimangot pa rin ito at nagthumbs up.

Ano raw?...

"You're pregnant. It's positive"

Ano raw?...

"Ha?"

"You're pregnant. It's positive. Congratulations, magkakababy na kayo" ngumiti naman ito kaya mabilis akong napatalon.

"Jusmiyo marimar! Buntis ako!" Sigaw ko at tumalon-talon pa. Ewan ko lang parang ang saya ko. Kanina naman nagpupumilit ako na hindi ako buntis. "Yes!" Tumalon-talon ako at pagkatapos nama'y tumakbo papasok sa loob ng silid ni Sky.

Kinalma ko muna ang aking sarili at tinago ang aking masayang expresyon. Dahan-dahan kong pinihit'yong doorknob saka pumasok.

Nakatingin silang lahat sa akin, pero kalma lang ang mukha ko. Iyong iba namang parang may inasam-asam sa hitsura ng mga mukha nito.

"Kumusta na?" Nakangising tanong ni Kaden.

"Woi, buntis ka diba? Sabi ko na nga ba eh" masayang saad ni Wren na parang nanalo pa ito sa luto.

Nagkibit-balikat ako at umupo sa upuan. Bigla namang nalungkot ang mga mukha nila.

"You're not pregnant?" Nakangusong tanong ni Zyair.

Bakit ba ang OA ng amerikanong ito. Hindi naman siya ang mabubuntis.

"No, hindi ka buntis?"

"Ay, ang weak pala ni Sky"

"Hindi ka buntis?"

"Naman eh, sayang, akala ko magkaka-apo na kami"

Nalulungkot ang expresyon ng mga mukha nito. Dinaig pa nila ang mga taong namatayan sa lungkot ng mga mukha nito.

"May sinabi ba ako?" Tanong ko rito saka ko naman sila inirapan.

"Baby, tell us" saad ni Sky.

"Okay" bumuntong-hininga ako. "I'm actually... I'm actually pregnant" sumilay ang ngiti sa aking labi. Ganoon rin ang sa kanila.

Tumahimik muna sila at nang tiumaas ang isa kong kilay saka na sila naghiyawan at nagsigawan.

Parang kami na ata ang pinakamaingay sa buong hospital, mabuti na lang at soundproof ang buong silid. Mayaman naman kasi sina Trayon.

"Magiging ninong na ako!"

"Salamat naman, dininig mo ang aming panalangin. Magkaka-apo na talaga kami" naiiyak na saad ni tita at yinakap ang kanyang anak.

"Naiinggit ako. May anak na sila" nakangusong saad ni Kaden.

"Bakit? May matres ka ba?" Tanong ni Trayon rito kaya natahimik naman ang gago.

Mahina na lamang akong natawa saka umiling-iling. Kahit kailan naman talaga.

"Come here, baby. I love you" nakangiting saad ni Sky at hinawakan ang aking kamay. Mabilis niya akong yinakap at hinalikan ang aking noo.

He has a priceless reaction, pero masasabi mo takagang masaya ito sa hitsura ng mukha nito. Even though, he has a priceless reaction, he's happy.

Masaya siya dahil nabuntis na niya ako.

"Okay" sagot ko rito at ngumiti.

"Okay? Bakit okay?" Kunot-noong tanong nito at hindi pinansin ang mga taong nagsasalita sa aming paligid.

"Okay" pag-uulit ko pa rito.

Ngumuso naman ito. "I love you" pag-uulit nanaman nito kaya tinunguan ko lang siya.

"What's that nod all about?" My brows furrowed as I looked at his eyes. His eyes was fill with the mixture of happiness and sadness.

"Wala"

"I love you, baby" pag-uulit nanaman nito kaya sinamaan ko ito ng tingin. Kanina pa talaga siya pa I love you-I love you diyan.

"Tigilan mo na nga 'yang kaka I love you mo" sinuway ko ito at sinamaan ng tingin.

"What's your answer?"

Ano raw?...

Quiz pala 'to? Bakit walang pluma? Bakit walang papel? Nasaan na 'yong test paper?

"Answer? May quiz pala tayo?" Nakangisi kong tanong rito. Tumahimik naman ang buong paligid.

Hindi ko napansin na nakikinig pala ito sa amin. Ano bang problema nila?

"I love you, please answer me" saad nito kaya kumunot ang aking noo.

"Ng?"

"Anong ng?"

"Ano naman ang isasagot ko sa 'yo?"

Minsan talaga napakaeng-eng ng lalaking ito. Masyadong nakakalito, ginawa niya pa akong manghuhula. Kakailang sabi ko na sa kanila na huwag akong gawing manghuhula.

"Where's my I love you too?"

"Ah, 'yon lang pala ang hinihingi mo?" Tumango-tango naman ito. "I love you too" seryoso pa rin ang mukha nito.

"I love you two, who?" Umirap ako sa kawalan.

"I love you too, Sky"

Umiling-iling ito. "Not accepted"

"Bakit ba? Ano bang gusto mong sabihin ko?" Inis kong tanong na ikinatawa nila.

"You should call me, baby"

"Bakit? Si West ka ba?" Pagmamalidita ko rito. Sumama naman ang tingin nito.

"Sino si West?" Tanong ni Wren.

"Kabit mo?" Sabat naman ni Aziel.

"May ibang baby na pala si Ris. Ikaw kasi Sky eh, ang tagal mong gumising. Nakahanap na pala ng ibang baby si Ris" ani ni Treyton. Binaling ni Sky ang kanyang tingin rito at sinamaan ito ng tingin.

"Shut the fvck up" inis na saad ni Sky.

"Sky, language" ani naman ng ina.

"West? Kapatid niya ba si South. Hehehe" ani pa ni Kaden at awkward na tumawa.

"Ang korny mo masyado" saad naman ni Treyton sa kaibigan.

"Hija, sino ba ang West na 'yan? Siya ba ang ipinalit mo sa aking anak?"

Eh?

Kumunot ang aking noo rito. Ipapalit ko si West kay Sky? Nababaliw na ata sila. Sa bagay rin naman, hindi nga naman nila kilala si West.

"Hindi ko po kabit si baby West, hindi ko rin po siya boyfriend" sabay naman na kumalma ang kanilang mga expresyon.

"Kung gano'n, sino naman ang West na 'yan?" Tanong ng aking ama habang nakakunot ang noo nito.

"Oo nga, sino si West?"

"Right. Pupuntahan ko 'yan saka ko pupugutan ng ulo" sinamaan ko ng tingin si Aziel. Ang sama ng mga ugali.

"Gwapo ba 'yan?" Tanong naman ni Kaden at hinawakan ang baba nito. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o hindi. Ang ingay-ingay naman kasi nila kakadada ng mga kaibigan ni Sky. Dumagdag pa si Tita at tito, tapos si Daddy.

Mabuti pa sina Manang Vilma at Manang Loring saka rin sina Dale at Skyzer, tawa lang ng tawa habang nakikinig sa amin.

"Can I talk?" Tanong ko rito. Para kasing ayaw nila akong pasalitain.

"Sure, you can talk hija. Tell us who's that West?" Saad ni tito at tumahimik.

"Si baby West po, siya po 'yong batang three years old na nakilala namin sa parke. FYI lang Treyton, Aziel, Wren, Kaden and Zyair... Hindi ako pumapatol sa bata, hindi ko siya kabit" inis kong saad rito kaya sabay naman na nanlaki ang kanilang mga mata.

"Putahamida, kala ko kung sinong putragis na West na 'yan na anak ni South, na kapatid ni East, na asawa ni North" natatawang saad ni Kaden at sinpo-sapo ang kanynag noo.

Ayan, hinala pa. Gago...

"Ano? Si Sky nagseselos sa bata?" Gulat na tanong ni Wren.

Sabay-sabay naman silang lahat na tumingin kay Sky habang nakataas ang dalawang kilay.

"Mi hijo?" Tanong ng ina.

"Lo siento, mamá" pagpapaumanhin nito saka tumingin sa akin. Tinawanan ko lang ito saka ko rin ito binelatan.

"I love you, baby" saad ko rito kaya nakarinig nanaman ako ng mga malalakas na hiyawan.

Mga baliw, kahit kailan naman talaga.

- - - -

"Pwede nang madischare si Sky, tutal ilang araw na rin naman siyang gumaling. Malakas nama kasi ang lakaking iyan, nakikita ka lang okay na kaagad" saad ni Trayon sa amin.

"Ngayon kaagad?" Tanong naman nito.

"Yes, sasabihin ko ba 'to ngayon kung hindi pa pwede?" Napabuga ako ng hangin saka umiling-iling.

Umupo ako sa tabi ni Sky. "Pwede ka na raw lumabas rito. Ano ba ang masasabi mo?" Tanong ko rito. Para akong interviewer ngayon.

"That's great. I can be with my babies" saad pa nito kaya napakunot ang aking noo.

Paano naman kasi magiging babies kung isa lang naman ako. "Babies?"

"Hmm, ikaw saka 'yong magiging anak ko" aniya pa ito at tinuro nag aking tiyan.

"Hmm, ewan ko sa 'yo" tumayo ako saka lumapit sa pintuan. Liningon ko muna ito. "Magbihis ka na, discharge ka na ngayon. Bayad na rin ang bills mo rito sa hospital, binayaran ni daddy at ng parent mo. Maghihintay ako sa 'yo sa labas. Ipapahanda ko muna ang eroplano" derederetso kong saad.

"Why plane?" Kunot noong tanong nito.

"Plane is bigger. May silid rin doon" ani ko rito. Kumunot ang noo ko nang bigla itong ngumisi ng nakakaloko.

"You really wanted to feel me, huh? Want my hawk inside you?"

Ano raw?...

"Na aksidente ka lang naging hawk na 'yang agila mo? Wow, hanep" natatawa kong saad rito.

"I realized, it's way more bigger and longer"

Putragis, gago!...

"Ano ba 'yang iniisip mo? Sabi ko kaya ko pinili 'yong eroplano dahil malaki ang espasyo, may silid rin na pwede mong pahingahan" saad ko rito at sinamaan siya ng tingin.

"Oh, baby, doon na rin naman ang mapupunta ang pahinga natin. Hindi pa naman malaki 'yang tiyan mo, pwede ko pa 'yang dagdagan"

Gago!...

"Kahit kailan talaga, you're so bold"

"Sa 'yo lang naman" anito at kumindat sa akin. He licked his lower lip saka rin niya ito kinagat.

Sasapakin talaga kita...

"Pweh! Manahimik ka nga. Magbihis ka na" suway ko rito at umirap. Narinig ko pa itong tumawa nang makalabas ako.

Pfft, gago. Gumaling lang siya galing sa kanyang aksidente, bumalik nanaman ang ugali nito. His naked attitude is damn nakakinis. So nakakainis, but he's really sweet.

I just realized, ang bilis pala talaga ng mga pangyayari. Ang bilis niyang gumaling, ang bilis niya ring makarecover.

Ang bilis lang talaga. Nawala na rin lahat ng sakit na nararamdaman ko. I feel really happy for him, I feel really happy for us.

I hope this will last long...

I'm not a fan of sneak peek pero bibigyan ko kayo ng sneak peek chapter 47.

Chapter 47: January 25, the day when a Sky was born bringing it's own captivating beauty.