webnovel

Chapter 44

Faris' POV

Kasalukuyan akong kumakain sa labas ng silid. Kasama ko ngayon sina Manang Vilma at Manang Loring.

Uminom ako ng tubig saka inubos ang aking pagkain. Napabuntong-hininga ako saka mabilis na tumayo patungo CR.

Umihi muna ako saka rin lumabas. Inaantok pa rin talaga ako. Hindi ako nakatulog ng maayos kahapon, I've been feeling backaches. Palagi rin akong nagihising, hindi ko alam kung bakit.

Nagunat-unat muna ako saka umupo ulit sa waiting area.

Nakita ko ang pigura ni Trayon na mukhang kakarating lamang, basa rin ang buhok nito.

"I'll check him" anito. Tahimik akong tumango saka sumandal sa upuan.

Nilalaro ko muna ang aking cellphone habang naghihintay kay Trayon na lumabas mula sa silid.

Ganito ang palagi kong ginagawa kung nahahalayan ako. Minasan nama'y natutulog ako kung wala akong magawa.

Napansin kong bumukas ang pintuan ng silid kaya mabilis kong pinatay ang aking cellphone saka tumingin roon.

"Kumusta na siya?" Mabilis kong tanong saka linapitan ito.

Ngumiti ito. "He's getting better" napangiti naman ako saka tumango.

That's a great news. Sa lahat ng balitang aking naririnig araw-araw, iyon ang pinakamaganda.

"Thanks"

"Hmm, if you need anything... Just call the other nurse" tumango ako rito. Mabilis rin itong naglaho sa aking paningin.

Napatakip ako sa aking bibig sa tuwa. He's really recovering. "Kumusta na po si Sky?" Mabilis akong napalingon kina Manang Vilma nang magtanong ito.

"Gumagaling na raw. Hihintayin na lang nating magising"

"Juiceko, salamat naman. Napakagandang balitang iyon, hija" I sighed in relief saka bumalik mula sa aking pagkakaupo.

I've been having a real hard time coping from this war. We have different war's. War between money, and war between this accident.

Nalalampasan na namin ang tungkol sa pera, pero ang tungkol sa aksidente ay hindi pa. Kailangan pang malamapasan ang aksidenteng ito.

I cough to clear my throat saka ko hinilig ang aking ulo sa dingding.

Isang urong na lang talaga, nalalampasan na namin ang lahat ng ito. I need Sky's cooperation for his own good.

Napabuga ako ng hangin at umayos ng upo. Nakarinig ako ng mga yapak na papalapit sa aking gawi kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon roon.

I saw five mens wearing denim jeans and black shirt. Binalingan ko ng tingin ang isang lalaki na hindi pamilyar sa akin.

Who is he?...

"Ma'am, may bibilhin muna kami" saad ni Manang Vilma, ngunit hindi ko pa rin tinanggal ang aking tingin roon sa mga lalaki.

Huminto ito sa aking harapan sakto tin na umalis sina Manang Vilma saka Manang Loring.

"Hi" sabat nilang bati at sabay ring ngumiti.

"Naparito kayo?" Tanong ko sa kanila saka ito nginitian.

"Para bisitahin 'yong bangkay... este, si Sky" saad nong lalaking kasama nito.

"Okay?"

"By the way, Faris. This is Kaden, our friend" sumaludo sa aking harapan 'yong Kaden saka malawak na ngumiti.

Dumapo ang tingin ko roon sa dala nitong timba saka tabo.

Eh? Aanhin niya naman kaya 'yang tabo at timba? May laman pa itong tubig. Hindi ba siya nahihirapan kakabit-bit nito?

"What's that?" Naiilang kong tanong at tinuro ang dala nito.

"Para gisingi---"

"Para 'yan sa kanya. Dito raw siya maliligo" deretsong sabad ni Treyton at pinutol ang sasabihin ni Kaden.

Kumuha pa ito ng isang tabong tubig saka iyon bumuhos sa mukha ni Kaden.

Jusmiyo!...

"O-Oo, tama" sagot naman ni Kaden at ngumiti. Halatang napipilitan eh.

"Tama, dito siya maliligo. Wala kasing sabon sa kanila. Hehehe" natatawang sabat ni Aziel at tinulungan pa itong maligo.

"Yeah, he's just a poor little boy" dagdag pa ni Zyair with his British accent.

Bumabaha na sa loob ng hospital, malalagot talaga sila kay Trayon.

"What's happening here?" Mabilis na nabitawan ni Treyton 'yong tabo saka naman sila dahan-dahang lumingon kay Zyair, sabay pa itong ngumiti.

Patay kayo...

"What the hell is happening here? Who fvcking did this?" May bahid ng pagkainis ang boses ni Trayon nang sabihin niya ang mga salitang iyon.

Mabilis at namumutla nilang tinuro si Kade. Kawawang bata, pinagbibintangan.

Masama itong tumingin kay Kaden. "Kaden, linisin mo lahat ng ito. It's your punishment" seryosong saad nito at walang bahid na emosyon ang mukha.

"Ano?! Bakit ako? Hindi ko 'to kasalanan!" Sumisigaw na saad nito saka rin ito ngumuso.

"Stop that 'ANO' thing" naiinis rin si Treyton rito at naunang maglakad papaalis.

"Cleaner for the day. Congrats, sikat ka na" panunukso ni Aziel dito saka humalakhak ng malakas.

"Fighting, you can do this. Trust yourself, dude" sabat ni Zyair saka mahinang natawa.

"Woi! Huwag niyo akong iiwan!" Sigaw nito.

"Here, ayusin mo" saad ni Trayon sabay lahad ng map rito.

Umiling-iling na lamang ako saka umupo sa upuan. Napatingin ako kay Kaden na ngayo'y mangiyak-ngiyak na naglilinis.

Hay kawawang bata naman talaga. Kinuha ko ang aking cellphone at nagpalipas muna ng oras sa paglalaro.

Ilang oras na rin na nasa loob ang mga kaibigan nito at hindi pa rin ito lumabas.

"Bwesit, hindi ko naman 'to kasalanan. Bakita pa kasi 'to nangyari sa 'kin" inis na bulong ni Kaden habang patuloy lang na naglilinis. Mangiyak-ngiyak na itong naglilinis.

Hindi pa rin pala ito tapos?

"Gano'n naman talaga. Kasalanan mo 'yan, sino ba kasi ang nagutos sa 'yo na magdala ka ng tabo at timba na may tubig? Ayan tuloy, napagkamalan kang janitor" natatawa kong saad rito. Umiling-iling ako saka binalik ang aking tingin sa aking nilalaro.

Napansin kong tuluyan na itong napaiyak kaya nanalaki ang aking mga mata. Anong nangyari? Bakit siya umiiyak?

"Why are you crying?" Tanong ko pa rito.

Sumimangot ito. "Ayoko na!" Nagpatuloy lang ito sa kanyang pagiyak kaya umiling-iling na lamang ako.

"Ako na riyan, umupo ka na. Kanina ka pa" I suggested at kinuha 'yong map mula sa mga kamay nito. Nginitian ko muna ito.

"M-marunong ka?" Biglang nawala ang ngiti sa aking labi at walang emosyon itong nginitian.

"Anong akala mo sa 'kin?"

"Wala naman, nagtatanong lang" I tsked saka pinagpatuloy ang paglilinis nito. Nililibang ko muna ang aking sarili sa pamamagitan ng paglilinis.

Hindi rin nagkalaonan ay bumukas ang pintuan ng silid ni Sky at linuwa mula roon ang mga kaibigan nito na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi.

Kumakanta pa 'yong iba. Ano naman kaya ang nangyari?

Nanatiling nakatingin lang ako rito saka kinunutan sila ng noo.

"Here we go yow, here we go yow!" Pagkakanta ni Aziel ganoon rin sina Wren, parang nagiging backup singer ang mga ito.

"What happened? Bakit ang sasaya ninyo? Bakit ang lalawak ng mga ngiti ninyo at may pakanta-kanta pa kayong nalalaman?" Sinulyapan ko si Kaden.

"Masaya lang kami, gusto lang naming ngumiti saka kumanta"

Tss, that is nonsense.

"Can you answer his question properly?" Tumaas ang isa kong kilay at sineryosohan ito ng tingin.

"Okay, fine. Huwag magalit. Chill lang" sabat ni Treyton.

"Hmm, so? Ano na?" Pinagtatarayan ko ang mga ito. Kakainis rin naman kasi.

Nagkatinginan pa ang mga ito bago tumango-tango saka tumingin sa akin. Kumunot ang aking noo habang nakatingin rito.

Parang may ibig-sabihin ng mga tingin nila. I just can't explain kung ano iyon.

"Gising na si Sky"

Mabilis kong nabitawan 'yong map saka mabilis na tumakbo papasok sa loob ng silid nito. Narinig ko pa ang tawag nina Treyton, pero hindi ko ito binigyan ng pansin.

Pagkapasok ko sa loob ng silid nito, nakita ko itong nakaupo sa kanyang higaan.

Halo-halo ang naging emosyon ko nagyon, nahahaluan ito ng saya, excitement, kaba at kung ano-anu pa.

Mabilis akong napalapit kay sky saka ko ito yinakap ng mahigpit.

Gising na talaga siya, gising na siya. I feel really happy. Sa matagal na panahon ng paghihintay sa kanya na magising, finally, nagbunga ang pagiging matapang nito.

He really has a fighting spirit. Kahit mahirap kinakaya nito. Nanatili lang akong nakayakap rito.

Hindi ito kumibo at nanatiling nakaupo lang sa higaan at hindi gumalawa. Binitawan ko rin naman ito saka ngumiti.

"Sky, you're finally awake" kumunot ang noo nito kaya nakaramdam ako ng kaunting kaba.

"Excuse me?" Tanong nito sa 'kin habang nakakunot ang noo.

"Sky"

Nginitian ko ito ngunit nanatiling nakakunot ang noo nito.

"Why are you here?" Aniya pa.

"H-ha? Araw-araw akong naririto upang bantayan ka. Palagi kitang hinihintay na magising" saad ko pa at hindi tinanggal ang ngiti sa aking mga labi.

Umiling-iling naman ito. "I'm sorry, do you really have to be here?"

Naestatwa ako sa nagiisang tanong nito. I paused and my mind went in blank. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin. His question really hits me hard.

"I don't think that I need you here. You can go now" anito.

Nararamdaman ko na lamang na uminit ang aking mga mata saka may tumulong likuido mula roon.

"Sky naman eh. Huwag ka namang magbibiro ng ganyanan oh" naluluha kong saad.

"I'm not joking" seryoso lang ang mukha nito kaya tuluyan nang nagsipatakan ang aking mga luha.

No!...

Napayuko na lamang ako saka nakagat ang aking ibabang labi habang pinipigilan ang sariling humikbi.

I sarcastically laugh at pinipigilan ang luha. "Kakalimutan mo na pala 'yong babaeng minahal mo?" I asked. My voice was full of sadness. Hindi ko maipaliwanag ang sakit na aking nararamdaman.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa lamig ng boses nito.

"I don't really remember" tanging sagot nito saka ako tinalikuran. Parang walang pake na ito sa 'kin.

I really can't do this. I've waited for him. Ito lang pala ang mangyayari, he even forgot that I'am his girlfriend.

"Sky..." Namamaos ang aking boses kakaiyak. I clenched my fist and I gritted my teeth.

"I know you, but I don't think we're close" umiling-iling na lamang ako saka mapait itong tiningnan.

Bumuntong-hininga ako saka pinahiran ang aking luha. I fixed myself at mabilis na tumayo at tumakbo papalabas ng silid nito habang umaagos ang aking mga luha.

Ang sakit lang talaga ng aking nararamdaman ngayon. Sobra lang talaga ang sakit. He forgot me, makalimutan niya ang pinagsamahan namin.

Hindi ko pinapansin ang lahat ng aking mga nadadaanan at dumeretso na lamang sa labas ng hospital.

Napahaguluhul na lamang ako ng iyak mahigpit na hinawakan ang aking cellphone.

Bakit kailangan pa 'tong mangyari? Hindi ko inaasahan ang lahat ng ito.

Ang taong minahal ko ng lubusan ay kakalimutan lang pala ako.

Treyton's POV

Sabay kaming napatingin kay Faris nang makita namin itong tumatakbo palabas ng silid ni Sky habang umiiyak. Hindi niya kami binalingan ng tingin at nagpatuloy lang ito sa kanyang pagtakbo.

Nagtinginan naman kami ng aking mga kaibigan at mabilis na sumilip sa kwarto ni Sky. Nakatalikod ito ngayon kaya sinara namin 'yong pintuan at nagtinginan sa isa't-isa.

"Pupuntahan ko muna si Faris" ani ko pa rito.

"Sama ako" sabat ni Wren. Inilingan ko naman ang mga ito.

"Ako na ang bahala roon. Puntahan niyo muna si Sky" utos ko rito at mabilis rin akong naglakad papalabas ng hospital.

Halos tatakbuhin ko na ang pintuan upang hanapin ang babaeng iyon.

Pagkarating ko sa labas, linibot-libot ko ang aking paningin sa laki ng hospital. Nakita ko na lamang itong nakatilod habang nagpapatuloy lang sa kanyang pagiyak.

Kawawa naman. Awang-awa ako sa hitsura nito ngayon. Bakit pa kasi ito nangyari. I can feel how hurt she is. Hindi ko man alam 'yong mismong dahilan, but I can feel the pain.

Mabilis akong naglakad papalapit rito at linahad ko sa kanya ang aking panyo. Tinanggap niya naman ito saka pinahiran ang kanyang luha at ang kanyang ilong.

Faris' POV

Tinanggap ko ang panyong linahad ni Treyton, pinahiran ko ang aking mata saka ang aking ilong. Napatigil ako sa pagiyak at malumanay itong nginitian.

"T-thank you" ani ko rito at hinaplos-haplos ang panyo.

"Okay ka na ba?" Nagsisimula nanamang tumulo ang aking mga luha. Hindi ko ito mapipigilan. Ang sakit lang talaga.

I'm done, I'm done lying.

Umiling-iling ako rito. "I'm not okay" naiiyak kong sagot.

"Let out the pain, change it with happiness" saad nito.

"Trey, ang sakit lang talaga. Iyong kakalimutan ka ng taong mahal mo, iyong hinihintay mo. I can't... I can't let go of the words he said" yumuko ako ay pinahiran ang aking mga luha.

Hindi ko talaga mapipigilang umiyak. Hindi ko mapipigilan ang aking nararamdamang sakit.

"Kinalimutan ka niya?" Malungkot akong napatango-tango.

"Yes, he forgot every moment we cherished. Ang sakit diba?"

"But you keep on fighting, because you know what's right. Huwag kang munang sumuko. Ganyan naman talaga. He forgot some of his memories, but babalik rin iyon. He maybe forgot you, but I'm sure hindi niya nakakalimutan na minahal ka niya" nasisigurong saad nito at tinapik-tapik ang aking balikat

Mas lalo naman akong napaluha sa sinabi nito. "Why are you so sure? Nakalimot na nga siya eh" kumupas ang aking boses kaya tumikhim muna ako.

"Hindi 'yan. Babalik rin 'yan. Alam mo, sinayang mo lang ang iyong luha. Gabi-gabi at araw-araw ka nang umiiyak. Hindi ka ba napapagod kakaiyak?" saad pa nito at ngumiti.

I sighed. "Ewan ko na lang, Trey. Hindi ko rin naman alam"

Sa totoo lang naman. Parang natatagusan ang aking puso nang sabihin ni Sky ang mga salitang iyon. Ayaw niya atang nandoon ako sa tabi niya. Ayaw niya ata akong makita.

"But you will help him remember, right?" Bumuntong-hininga ako saka dahan-dahan na tumango.

Right, I will help him remember everything. Kahit na itakwil niya pa ako, hinding-hindi ako aalis sa tabi niya.

"That's good" ngumiti ito sa 'kin. Binalik ko naman sa kanya ang panyo.

"Maraming salamat sa iyo. Pinapagaan mo ang aking loob. Salamat dahil nagkaroon si Sky ng mga kaibigan na katulad sa inyo. You also became my friends" ngumiti ito saka ako tumayo. Linahad niya sa akin ang isang nitong kamay kaya tinanggap ko naman ito saka rin ako tumayo.

"Ayusin mo muna ang iyong sarili. Baka pagkamalan ka pang baliw" mahina naman akong natawa saka rin inayos ang aking sarili. "Ayan, I want you to wear that smile of yours" napangiwi naman ako.

"Tara na" tumango naman ako saka kami naglakad papasok sa loob ng hospital. Umakto ako na wala akong nararamdaman sa mga sinabi ni Sky. Umakto ako na hindi nakakalimutan ni Sky ang iba nitong mga alaala.

Pagkabalik namin sa loob ng hospital, dumeretso na kami sa silid ni Sky. Nakita ko ang mga kaibigan nito na nakaupo lang sa mga upuan sa labas. Iyong iba nama'y nakaupo sa sahig habang nakayuko.

Tumikhim ako dahilan nang mapatingin sa amin silang lahat. Ngumiti ako rito at umupo sa bakanteng upuan. Hindi ko pinapakita na nasasaktan ako, hindi ko pinapakita na naiiyak ako. Pinapalakas ko muna ang aking sarili.

"Okay ka na ba?" Sinulyapan ko si Aziel nang magtanong ito.

Tumango ako. "Okay lang ako" pilit akong ngumiti rito.

"Sigurado ka ba? Namamaga na 'yang mga mata mo kakaiyak" sabat naman ni Wren at tumabi sa 'kin.

"Okay na ako, huwag na kayong mag-aalala. Laban lang" mahina akong natawa kahit na ito'y peke lamang. Hindi ko magawang ngumiti. I can still feel the pain.

Sa isang simpleng salita, nakakramdam ako ng kirot at may halong sakit sa sinabi nito. It's very simple, pero parang tinusok na ako ng milyon-milyong karayom.

Sa salitang 'I don't think I need you in here, you can go now' parang tumiklop ako. Nakakabingi lang pakinggan. Sagad na sagad ito sa aking isipan.

Kung hindi ko lang siya mahal, siguro... Matagal ko na siyang iniwan. Pero hindi ko pa rin siya iiwan. Ipapaalala ko sa kanya ang lahat. Kung sino ako at kung ano ako sa buhay niya.

Ang unfair naman kasi, naaalala niya ang kanyang mga kaibigan tapos ako hindi. Siguro kakaunti lang 'yong araw pinagsamahan namin. Ang unfair ni Sky, hindi niya man lang ako inaalala.

"Akala ko ba okay ka na? Bakit umiiyak ka nanaman?"

Nabalik ako sa aking hwisyo nang makarinig ako ng boses. Hindi ko napansin na tumulo na pala ang aking luha. Hindi ko talaga mapipigilan maiyak. Ewan ko lang, nagiging emotional ako.

Ngumiti ako rito. "H-hindi, may naaalala lang ako" sinamahan ko pa ito ng malumanay na ngiti.

"Naaalala mo nanaman si Sky? Alam ko na 'yan. Siya lang naman ang taong iniiyakan mo" napasimangot naman ako sa sinabi ni Treyton. Kilala na niya talaga ako. Tama rin naman siya. Si Sky ang aking iniiyakan.

"Tigilan mo na 'yang pagiyak mo" tumango ako at bumuntong-hininga. Sakto rin na dumating sina Manang Vilma saka Manang Loring, kasama pa nila ang aking ama.

Inayos ko muna ang aking sarili saka rin ako ngumiti kina daddy. Nakangiti itong naglakad papalapit sa aming gawi.

"Magandang gabi po" saad ni Treyton rito.

"Gabi na pala?" Tanong naman ni Kaden. Tinawanan lang siya ng kanyang mga kaibigan saka rin ito tumingin sa aking ama.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ni daddy. Mabilis akong napailing.

"H-hindi naman" malumanay akong ngumiti.

"Namamaga na 'yang mga mata mo oh. Nga pala, kumusta na si Sky?" Napailing na lamang ako at napapikit. Parang naiiyak ako sa tuwing maririnig ko ang pangalan ni Sky.

Ayaw ko nang umiyak.

"Gising na siya, dad" mapait akong ngumiti kaya napakunot ang noo ng aking ama.

"Anong ibig sabihin niyang hitsura mo?" Tanong pa nito.

"Ang saklap nga dad, eh. Kinalimutan niya ako" bahagya pa akong natawa. Napalunok ako saka sumadal sa aking upuan.

"Makakaalala rin 'yon" may bahid na siguridad ang boses ng aking ama. Parang wala lang rin sa kanya na gumising na si Sky. Hindi nga ito nabigla.

Bakit ba lahat ng mga sinasabi nila may siguridad? Parang hawak-hawak nila ang panahon, hawak-hawak nila ang oras. Parang sobrang sigurado nila, samatalang ako nama'y sobra ang problema. Namomroblema pa ako.

"Tama 'yong ama mo, Ris. Huwag mo nang aalahanin pa ang lahat, makakaestres lang 'yon sa 'yo" tumango naman ako.

"Ganito na lang, dadahan-dahanin natin si Sky. Kausapin mo siya Ris" sabat naman ni Treyton. Napailing naman ako.

Hindi ko muna siya kakausapin. Hindi ko muna gutong marinig ang masasakit na salitang ibabato nito sa akin.

"Bukas na lang" yumuko ako saka nilalaro ang aking mga kamay.

"Bakit naman bukas kung pwede ngayon?" Inilingan ko lang sila at hindi na ako sumagot.

Sabi nga ni Sky, parang hindi na raw niya ako kailangan dito. Oo tanggapin ko iyon, but I won't give up. Tatandaan mo 'yan Sky.

Hindi ako susuko, ipapaalala ko sa 'yo lahat na makalimutan mo. Kaunti man para sa iyo ang mga panahong pinagsamahan natin, pero para sa akin, kulang pa iyon.

Batohin mo lang ako ng masasakit na salita. I will accept all of it, but I won't let go. Kahit na ako pa 'yong magdudusa, tatanggapin ko pa rin ang mga iyon.

Bakas na sa aking kalooban na hindi ko siya iiwan. Hinding-hindi iyon mangyayari.