webnovel

Chapter 43

Faris' POV

Ilang araw na ang nakalipas simula nang mangyari ang insidenteng iyon. Nakulong ang tiyohin ni Sky, hindi ito namatay nong araw na iyon, nahimatay lang ito nang barilin ito ni Sky.

Nagising na rin ang aking ama at gumagaling na rin ito mula sa mga pasa't bugbug nito, pwede na itong makalakad, but Sky's condition is still unconscious. Magiisang buwan na itong tulog.

Wala akong ibang ginawa kung hindi ay umasa na balang araw ay gigising rin ito. Iyak lang ako ng iyak sa tuwing maaalala ko ang kalagayan ni Sky ngayon.

Halos araw-araw akong naririto sa hospital at binabantayan si Sky na magising. Minsan nagpapalipas akong kumain. Minsan rin hindi na ako makakatulog kakaisip kay Sky. Mabuti na lang at naisalbar ito.

Nakatitig lang ako sa mukha nito habang ito'y natutulog. May namumuong luha sa aking mga mata kaya pinahiran ko ito.

Ayaw kong magmukhang mahina, pero hindi ko kayang hindi mapaiyak. Naaawa ako rito. Awang-awa ako sa kanya.

Bumuntong-hininga ako saka pinahiran ang aking luha. Sinubukan kong kontakin ang numero ng mga magulang ni Sky, pero out of coverage area ito. Si Treyton na raw ang bahala rito.

I keep on praying and hoping that he will wake up soon. Namimiss ko na si Sky, namimiss ko na ang pangungulit nito.

Araw-araw, gabi-gabi akong umiiyak. Pilit akong ngumiti habang pilit na inaalala ang magaganda naming alaala.

Hinawakan ko ang kamay nito habang nakatitig lang ako sa maamong mukha nito. Muntik na itong maubusan ng dugo, mabuti na lang at kapareho kami ng dugo. I shared my blood with him.

I let out a deep breath saka ako tumayo at lumabas ng silid nito. Sumalubong sa akin sina Daddy pati na rin ang kapatid ni Treyton na si Trayon.

"I'll check on him" paalam ni Trayon sa amin. Tumango ako saka umupo sa upuan.

Tumabi naman sa akin ang aking ama, hinawakan nito ang aking kamay saka ito ngumiti.

"Hija, alam kong nahihirapan ka ngayon. I want you to be brave, balang araw gigising rin si Sky" malumanay akong ngumiti rito at pilit na tumango.

Nakita ko ang apat na paparating na pigura, tumatakbo ito patungo sa gawi namin. Nang makalapit na ito sa amin doon ko lang naaninag kung sino iyon.

"Hija" maluha-luha nitong saad at mabilis akong yinakap.

"Mrs. Baldassare, I'm sorry for what happened to your son" pagpapaumanhin ko rito at tumingin sa sahig.

Hinawakan nito ang aking kamay saka ito ngumiti kahit na may munting luha ang mga mata nito. "Alam na namin ang tungkol sa inyo, hija. Sinabi na sa akin ni Señor Cúnfuego" anito sa akin saka nginitian ang aking ama.

"Señor Cúnfuego, okay lang ba kayo?" Baling nito sa aking ama. Tumango si Daddy saka sila sinamahan papasok sa loob ng silid ni Sky. Napahalimos na lamang ako saka tumingin sa dingding.

Ang dami kong nasaktang tao. Sana pinanganak na lang akong mahirap. Now I realize I'am not lucky to be born rich. Maraming napapahamak, maraming nasasaktan, maraming nagdudusa.

I sighed and played my hands. Nakita kong lumabas si Trayon mula sa silid ni Sky at umupo ito sa aking tabi.

"Kumusta na si Sky?" Malungkot kong tanong rito.

"Medyo gumagaling na siya, but I don't know kung gigising na ba siya o hindi. I takes a few days for his recovery" tumango ako saka sumandal sa upuan. Ngumiti ako rito.

Kaunting tiis na lang, Ris. Malalagpasan mo rin ito...

"Doktor ka rin pala?" Hindi ko maiwasang tanong rito. Ilang araw ko nang iniisip na doktor pala ang kapatid ni Treyton. Hindi ko rin ito natanong sa kanya. Okupado palagi ang aking isipan, minsa'y hindi ako nakikipagusap sa mga tao.

"Obviously, Yes" sagot nito.

"I mean, you and Treyton has a different taste" saad ko rito.

"Yes, because we have different body and tongue" hindi ko pinansin ang sagot nito at tumingin na lamang kay Mr. and. Mrs. Baldassare at sa kanyang mga anak na lumabas mula sa silid.

Umiiyak si Mrs. Baldassare at todo hagod naman si Mr. Baldassare sa likod nito.

"Mommy, stop crying na. You're so ugly na" saad ng anak nitong si Dale. Hindi ito pinakinggan ni Mrs. Baldassare at iyak lang ito ng iyak.

"Oo nga, Mommy" sabat naman ni Skyzer sa ina.

Napayuko na lamang ako at tahimik na humikbi.

"Hey, umiiyak ka nanaman. Stop it, okay?" Saad ni Trayon.

Napakagat ako sa aking ibabang labi at humarap dito kahit na tumutulo pa ang aking mga luha.

May kinuha itong panyo saka ito linahad sa akin. "Wipe your tears" utos nito. Tinanggap ko 'yong panyo saka pinahiran ang aking luha.

Napangiti ako saka ito tinignan. "Maraming salamat" tanging tango lang ang isinagot nito.

"You know what? I actually have a crush on you since the first day we met, pati na rin 'yong kapatid ko, but you're now tied up" nanghihinayang na saad nito saka mapait na ngumiti.

Hindi ako nakaimik saka yumuko ulit. "But that's okay. The both of you made a good team" dagdag pa nito saka unalis.

"Wait" tawag ko pa rito nang makailang hakbang ito. Lumingon ito sa akin na parang nagtataka. "Iyong panyo mo" umiling-iling ito saka ngumiti.

"Sa 'yo na 'yan" saad pa nito saka ako kinindatan at tuluyan nang naglaho.

Sinulyapan ko sina Mrs. Baldassare, kanina pa ito naiiyak. Tumayo ako saka linapitan ito.

"I'm so sorry, Mrs. Baldassare. Alam kong hindi dapat ito mangyari sa anak ninyo. I'm really sorry" mahina kong pagpapaumanhin at mapait na ngumiti. "I was also afraid, I'am only forcing myself to be brave. But deep down, I'am weak. Wala akong laban, but still, I keep on fighting" saad ko rito. Napahinto ito sa kanyang pagiyak saka nito hinawakan ng mahigpit ang aking mga kamay.

"M-maraming salamat, hija. You never get tired of waiting"

"Hindi po ako mapapagod kakahintay kung siya lang rin naman po ang aking hihintayin" sagot ko at pilit na ngumiti.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik sa aking kinauupuan at tumitig sa kisame.

Maawa po kayo, sana gumising na si Sky.

Sa lahat ng mga pagsubok sa buhay, dapat may magsasakrispisyo, dapat makukunan, dapat madadagdagan, meron ding nasasaktan. Hindi natin alam kung ano ang nakatadhana sa atin. I think it's really my Destiny na makakasakit ng tao.

Hindi natin maiwasang masaktan ang isang tao kung para rin naman sa atin ay tama ang ating gagawin.

Kung sa tingin rin naman ng iba ay tama ang naging desisyon mo. I don't deserve a guy like Sky, I don't deserve to be rich, hindi ako deserving sa mga lahat ng ito lalo pa't dumagdag pa itong mabaho kong ugali.

Sa lahat ng mga pagsubok na dumating sa aking buhay, ito ang pinakamahirap. Ako ang patuloy na lumalaban sa hindi ko giyera, pero lumalaban ako dahil mahal ko ang aking nilalabanan.

Sa lahat ng mga pagsubok, ito ang pinakamahirap kalimutan lalo pa't tumatak na sa aking isipan ang pangyayaring ito. Ito ang pagsubok na ako ang lumalaban at patuloy lang sa paglaban. Minsan iniisip ko na lang na lumalaban rin si Sky.

Nagdadasal ako na sana lumalaban rin si Sky sa pagpapahinga nito. He fought in my war, now I fight for his war. And this is the war.

I clenched my fist saka matunog na bumuntong-hininga. I hold my chin saka iniisip ang pangyayari ng mga nakaraan.

I really can't forget what happened. Nang sabihin nito ang tungkol sa aking ina, iyong inaakala ko na si Ren ang gusto ko, but it's a big mistake. Naging bobo ako sa part na 'yon.

Hindi ko man lang napansin ang pagiging plastik ng lalaking iyon. I've learned so much in my life. Marami akong natutunan, dahil na rin kay Sky. He teached me to change. Hindi man ganoon ka halata iyon, but I changed because I realize something that I didn't realized before.

Hindi deserving si Sky sa mga nangyayari ngayon. Simula nong makilala ko siya, nagbago na ang lahat, ang ugali ko, ang buhay ko at marami pang iba, he even fullfilled my dreams, which my parents cannot fullfill.

I realize more na hindi ko kayang ipapaliwanag. I realize that I made such a big mistake. I realize I'm a fool out of this game.

Mapait akong natawa saka pinahinga ang aking sarili. Umidlip muna ako habang nakaupo sa waiting area dito sa labas ng silid ni Sky.

Treyton's POV

"Bro, how was she?" Tanong ko sa aking kapatid habang kausap ito sa telepono. May bahid na pag-aalala ang aking boses nang bitawan ko ang mga salitang iyon.

I turned on the loud speaker upang marinig ito ng aming mga kaibigan except for Kajick, wala siya ngayon dito.

"(She's always crying, I can't do anything about it)" pormal na sagot ng aking mga kapatid. Narinig ko naman ang mahinang pagkagulat ng aking mga kaibigan.

"Puntahan na lang kaya natin si Sky sa hospital bukas saka natin buhusan ng tubig para magising" sabat ni Kaden saka humalakhak.

"Hoi, huwag kang gago. Ulol, kailan ka pa nasali rito sa grupo namin?" Inis kong tanong rito. Nahihiya naman itong tumawa saka napakamot sa kanyang batok.

"Dude, you're a doctor" sabat naman ni Wren doon sa aking kambal.

"(Yeah, I know. Kaya nga nandito ako sa hospital)" sagot ng aking kamabal.

"Boom Sapol" panunukso ni Aziel rito.

"Aww, your so kawawa" sabat ni Zyair saka humalakhak.

"Woi! Amerikanong hilaw, huwag mo nga akong minsulo-insulto diyan, kung ayaw mong insultohin ko 'yan pananalita mo" inis na suway ni Wren dito at sinamaan siya ng tingin. Nagsitawanan naman kami.

Kahit kailan talaga, mga gago pa rin talaga.

"We'll go there tomorrow, dude. We will visit Sky and Faris" saad Zyair rito.

"(Okay?)" Tanong ng aking kapatid rito.

"So, we'll go there"

"(Yeah I know, hindi naman ako nagtatanong)" mahina akong natawa.

"Boom, wala ka pala eh" humalakhak ng malakas si Wren. Nakakaganti rin ang gago.

"Okay, huwag muna natin itong poproblemahin. Pupuntahan natin sila sa hospital bukas and that's final" ani ko rito. Sumang-ayon naman sila sa aking naging suhestiyon.

"(I'm going to end this call, I need to go to my office)" saad ng aking gwapong kapatid.

"Bakit? Nasaan ka ba ngayon?" Tanong ni Aziel rito at ipinatong ang kanyang mga paa sa mesa.

"(Nasa hospital)" sagot nito dahilan nang napakamot sa kanyang batok si Aziel.

"No, what I mean is... Nasaan ka ngayon, right now, saan ka nakatayo?"

"(Oh, 'yon ba? Narito ako sa aking kinatatayuan)"

"Exact location!" Naiinis nitong saad.

"(Las Piñas, inside the Monterey hospital, First corner to the right and standing in the front of room 10)"

"Ay, anak ka ni satanas" mahinang saad ni Wren kaya sinamaan ko ito ng tingin.

"Woi, Wren, kailan pa naging satanas sina Mommy at Daddy? May magic ba sila? Are they shape shifters? Magiging human sila and then magiging satan rin?" Inosente kong tanong rito. Hindi ko naman kasi talaga nakita na naging satanas ang aking mga magulang.

"Ang titino niyo kausap" sabat naman ni Aziel at hindi ko alam kung ano ang tuno ng boses nito, it's normal, but at the same time, it's also sarcastic. Ngumiti ako rito saka tumango.

"Malamang, we are born to be smart" I heard them chuckling.

Bakit naman sila natatawa?

"Sige na Trayon, patayin mo na 'yong tawag, sumasakit 'yong ulo ko sa inyo" sabat ni Kaden saka hinilot-hilot ang kanyang ulo.

"(Gano'n naman talaga ang gagawin ko kung hindi na sana kayo nagtatanong)"

"I'm so sick of this family" saad ni Wren at sinalinan ng alak ang kanyang kopita saka iyon mabilis na linagok.

"Sige ne, umalis ka na" pagatatkwil ni Aziel sa aking kapatid.

"(Paano ako aalis kung nandito na ako sa hospital?)"

"Sige na, bye!" Sigaw ni Wren at ito na ang kusang pumatay sa tawag saka bumuntong-hininga.

"Why did you just end the call?" Gulat at inis kong tanong rito.

"Bakit ba?" Inis naman nitong tanong.

"Ako dapat ang papatay sa tawag na 'yon, cellphone ko 'to eh" inis kong saad at pinasok sa loob ng aking bulsa ang cellphone.

Inis akong sumandal sa aking upuan at pinagkrus ang aking mga braso.

"Sige na boss. Mauna na ako sa inyo" pag-papaalam ni Kaden sa amin saka mabilis na sumibat. Tumatakbo pa ito patungo sa pintuan saka derederetsong lumabas na walang paligoy-ligoy.

"Let's talk about the divorce of Kajick and Rhunzel" saad ni Wren kaya tumango naman ako.

Nagihingchismoso rin talaga ako. Kahit kailan naman talaga.

"Pwede kayong kakasohan sa pagiging chismoso ninyo" mabilis akong napalingon kay Aziel saka sinamaan ko ito ng tingin.

"Don't be such a KJ, dude. We're having fun, this is not a gossip... It's a problem, okay" saad ko pa rito pero umiling lang ito.

Faris' POV

Natataranta akong tumayo nang makita kong tumigil ang pagpitik ng puso ni Sky sa nakikita ko sa monitor.

Oh no!...

"Doc! Emergency!" Malakas kong sigaw. Natataranta namang tumatakbo pagpasok sa loob ng emergency room si Daddy.

"Faster! Doctor, Monterey!" Sigaw rin ng aking ama. Mabilis na pinasok ni Trayon ang silid ni Sky at agad kaming pinalabas.

Juiceko naman, sana okay lang siya. Kinakabahan na talaga ako. Juiceko talaga.

Kinakabahan ako nagpalakad-lakad ng pabalik-balik habang magkadikit ang mga palad.

Namamawis ang aking noo pati na tin ang aking mga palad sa kaba, gustong tumulo ng aking luha ngunit pinipigilan ko pa rin ito.

Nakailang buga na anko ng hangin upang pagkalmahin ang aking sarili

Hinihintay kong lumabas si Trayon mula sa loob ng silid ni Sky. Dasal lang ako ng dasal at hindi pa rin ako bumalik sa aking pagkakaupo.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo ng aking ama. Palakad-lakad lang hanggang sa lumbas si Trayon.

Mabilis akong lumapit rito. "Buhay pa ba si Sky?" Kinakabahan kong tanong.

"Gusto mo patayin ko?" Kalmang tanong nito.

Gagong doktok...

Bakit pa kasi 'yon ang naging tanong ko?

"Okay, I know the question was wrong. What I mean is o---"

"Enough of that, kumusta na ang anak ko, hijo?" Sabat naman ni Daddy kaya mabilis pa sa alas kwatro akong napalingon roon sa kinauupuan niya.

"Dad, kailan pa naging anak niyo si Sky?" Nakakunot ang aking noo habang nakatingin rito. He tsked and stood up. Lumapit ito sa gawi namin at hinawakan ang aking balikat.

"Shut up ka na lang, hija. Kumusta na siya hijo? May masama bang nangyari sa kanya?" Tanong nito. Ramdam ko ang lungkot sa boses ng aking ama. Nalulungkot na lamang rin ako rito.

"We keep on reviving him, but..."

"B-but?" Nagsisimula nang lumakas ang kabog ng aking dibdib, nagsimula na ring manlamig ang aking mga kamay. Naiiyak na rin ako.

"Iiyak ka nanaman, ano?" Tanong nito sa akin at hindi muna dumeretso sa kanyang sasabihin.

"H-hindi" umiling-iling ako saka humingos. "Sige na, ipagpatuloy mo na. I want to hear it na"

"Okay lang naman si Sky. He has a fighting spirit. Himala nga 'yong nakayanan niya pa" bigla namang napalitan sa tuwa ang aking nararamdaman ngayon.

"Talaga?" Sumilay ang ngiting sa aking labi.

"Ayaw mo maniwala? Dapat ko ba siyang patayin? Papatayin ko na siya ata"

Los cojones...

"Alam mo, you're cool. I like the way you talk, but your so sarcastic" prangka ko iyong sinabi sa kanya saka siya tinaasan ng kilay.

"Thank you" napa-awang ang aking bibig sa sinabi nito.

"Excuse me? That's not a compliment" saad ko rito saka ko naman siya tinarayan.

Nakakainis lang rin talaga. Mabuti na lang at hindi ako nagkakagusto sa kanya.

"I take it as a compliment. Thanks to you" proud nitong saad.

"Hindi ba't dapat kang mainsulto?" Kunot-noong ta ong ko.

"I'am never insulted. That's a brilliant compliment, a perfect, rather. Ngayon ko lang iyan narinig, nanggaling pa sa iyo, na matagal ko nang gusto" he smirked and he put his hands on his lab gowns pocket.

GAGO!...

"Three words to say, 'You're so gago'" pagmamalidita ko rito saka siya inirapan.

"Enough, hija. Tama na 'yan, sige na, hijo. Maraming salamat sa 'yo" ngumiti si Trayon and he excused himself. Sinundan ko ito ng tingin at kaagad rin akong umupo nang mawala ito sa aking paningin.

Bumuntong-hininga ako at tsaka tumayo ulit. Pumasok ako sa loob ng silid ni Sky saka umupo sa tabi nitong upuan.

"Sky, mabuti naman at lumaban ka. Akala ko talaga nahihirapan ka na. Mahirap naman talaga Sky, pati ako nahihirapan na rin, pero kinakaya ko" ngumiti ako saka pinagdikit ang aming mga palad. "Kakayanin natin 'to, Sky. Tiwala lang" bulong ko at yumuko.

Ilang minuto pa akong naghinatay sa silid ni Sky hanggang sa napagpasyahan ko na lamang na lumabas. Natagpuan ko na lamang sa labas ang mga magulang ni Sky.

Malumanay akong ngumiti rito saka umupo sa upuan.

"Nabalitaan ko ang nangyari sa aking anak, hija. Mabilis kaming napatungo rito. Akala ko talaga mawawalan na kami ng anak. Jusmiyo mi hijo" tumango ako saka ngumiti. May luha pang tumulo sa mga mata nito.

"Lo Siento Señora Baldassare, pero okay na po 'yong anak ninyo. Huwag na po tayong mag-aalala, hihintayin na lang po natin siyang magising" ani ko rito. Ngumiti sila saka sabay na napabuntong-hininga.

Sabay?...

"I can't believe your brother can do this, amor. This is bullshit, that hijo de puta! I want him in prison!" Malakas na sigaw ni Mrs. Baldassare sa kanyang asawa dahilan ng mapatingin sa amin ang mga tao.

Ngumiti ako sa mga tao saka rin naman ito bumalik sa kanilang pinagagawa.

"Lo Siento, mi amor. I-I don't even know he betrayed our family. Perdóname, amor" sabat naman ni Mr. Baldassare sa kanyang asawa. Napailing-iling na lamang ako.

"That devil bark! I won't forgive that hijo de puta. Mabubulok siya sa kulungan!" Nandidilim ang paningin ni Mrs. Baldassare sa galit. Pinapakalma ito ng kanyang asawa pero hindi pa rin ito kumakalma.

"Nakulong na po si Michael. They are still working for the case" sabat ko rito upang pakalmahin ito.

"Dapat lang 'yan sa kanya. Magsama sila ni satanas sa impyerno!"

"Mi Amor, calm down" nag-aalalang saad ni Mr. Baldassare rito.

Bumuntong-hininga ang kanyang asawa saka ngumiti, ngunit hindi pa man tumatagal bumalik nanaman 'yong aura nitong nandidilim sa galit at inis.

What should I do?

"Ate, okay ka lang po ba? Pumapatay ka po ata" napalingon ako kay Dale nang magsalita ito sa akin.

"Okay lang ako, Dale. Kulang lang sa kain at pahinga. Alam mo na, palagi kong binabantayan 'yong kuya mo" sagot ko rito.

"Pero infairness ka ate, ha. Ang ganda't sexy mo pa rin, walang kakupas-kupas" mahina akong tumawa rito. Tumango 'yong kamabal nitong si Skyzer.

Napakabolerong mga bata naman. May nangyaring masama sa kanilang kapatid pero naggawa pang mambola.

Parang kalmang-kalma nila, parang wala silang problema. Ako na girlfriend lang, ako pa 'yong palaging namomroblema.

"Napakabolera niyo" saad ko at kinurot ang ilong ng dalawa. Napadaing naman ang mga ito saka hinaplos-haplos ang kanilang ilong

"Totoo naman eh" nakasimangot na sagot ni Dale habang haplos-haplos ang ilong nito. Natawa na lamang ako sa reaksyon ng mga magulang nito.

Kahit paminsan-minsan naman, naggawa ko pa ring tumawa at ngumiti kahit na may problema ako.

"Ang kukulit ninyo" kukurotin ko sana ulit ang mga ilong nito nang magsitayuan ito saka mabilis na tumakbo papalayo sa akin. Nananakbo ito kahit saan kaya napahalakhak ako ng ma lakas.

Kambal nga naman talaga.