Val's PoV
Mahal kita.
Salitang lumalabas sa mga bibig ng taong nagmamahalan. Nandidiri ako palagi sa mga salitang iyan. Siguro sa panahon na iyon hindi ko pa alam ang tunay na kahulugan ng mga salitang ito. Para sa iba ang ibig sabihin ng mga katagang iyon ay aalagaan kita, poprotekhanan kita at hindi kita iiwan. Nakakatawa lang na ni isa ay hindi niya nagawa. Paano na niya akong aalagaan, poprotektahan kung simula pa lang ako'y kanyang iniwan at ang huling sabi niya ay "mahal kita". Akala ko babalik siya, naghintay ako pero wala pa rin.
Ngunit iba na ngayon, alam ko na ang tunay na ibig sabihin ng mga salitang ito. Siguro dahil sa nahanap ko na ang taong mahal ako ng totoo.
"Will you marry me?" pangiting tanong ko sa kanya habang nakaluhod. Nasa restaurant kami. Lahat ng tao rito ay nakatangin sa aming dalawa naghihintay sa kanyang sagot. Lalo na ako kahit na alam ko naman ang sagot niya ay 'yes'.
"No."
Sa isang salita, nawala ang ngiti sa mukha ko.
"Val, go back to your seat please."
Nakakayuko pa rin ang kanyang ulo. Napahimas siya sa kanyang mukha. I was looking at him with questioning eyes. Hindi ako makagalaw sinubukan kong tumayo pero hindi ko makaya para akong nawalan ng lakas. He hesitated, pero tinungan pa rin niya akong makaupo.
"Val, I'm sorry," tumayo siya at lumakad papalayo sa akin. Tumingin ako sa paligid, lahat ng tao nakatingin pa rin at gulat rin kagaya ko. Tumitingin sila sa akin at halata sa kanilang mukha ang kanilang naawang mga mata. Tiningnan ko ang singsing nakapwesto sa ring box na nasa aking kamay hanggang bumalik ang paningin ko sa paligid ulit at nakita ko siyang lumakad palabas sa exit. Ginamit ko ang aking buong lakas at tapang para tumayo at habulin siya hanggang sa naabutan ko siya sa parking lot.
"Adrien!" sigaw habang pinapaandar niya ang kanyang sasakyan binaliwala niya ako pero bago paman siya makalayo hinarangan ko ang sasakyan niya.
"Valorie, get out of the way! We're done."
Halatang galit na siya. Valentine na yung tawag niya sa akin 'pag galit na galit na siya eh.
"No, not until you get out of the car and tell me why!" kahit anong serbato niya hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Hindi nagtagal ay sumuko na siya at lumabas sa kotse.
"You want me to tell you why? " puno at galit ang boses niya sa pagtanong.
"Oo, bakit hindi oo yung sagot mo. Bakit sa lahat ng panahon na makipagbreak ka sakin ngayon pa? I thought mahal mo ako," sa lahat ng araw bakit sa anniversary pa natin.
"Minahal kita kaya ayoko na." wika niya. Minahal niya ako. Mahal niya ako pero nawala na ang pagmamahal na iyon.
"Bakit? "
"I just had enough of you. Ginagawa mo lang akong yaya mo. Hindi ka marunong maglilinis sa apartment mo, maglalaba, manghuhugas ng plato. Ako lahat gumagawa niyan para sayo. For goodness sake, Kath minsan mas lalaki ka pa nga kaysa sakin. I need a woman. I just don't think we are meant for each other. May taong maghahal sayo ng lubusan pero hindi ako yung taong iyon. I'm sorry. "
Pagkatapos pagsabi niyan ay bumalik siya sa loob ng sasakyan. Tumabi na ako sa gano'n ay hindi na ako nakaharang.
Ang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko akalain ang resulta ng mga pangyayari.
Minahal niya ako.
Ngunit iniwan niya ako, iniwan na naman ako ng taong mahal ko. Masakit pero walang luhang tumulo. Walang kurot sa puso. Walang sakit sa dibdib.
Hinayaan ko siyang lumayo. Wala akong magawa kung ayaw na niya talaga.
Minahal ba talaga niya ako?
Minahal ko ba talaga siya?
Kung talagang minahal namin ang isa't isa. Then maybe it was love that failed us. If love was there between us. Then it faded through time.
Akala ko ba hindi mawawala ang pagmamahal ng isang tao.
Maybe I was wrong. It was not love between us. It happened too fast, it ended too soon. He left me in the end but it didn't hurt.
***
Basta sawi sa pag-ibig, ang sunod na dapat gawin ay mag-inom! Kaya, heto ako ngayon sa bar nag-iisa. Naglalakad sa gitna ng dilim. Napakanta ata ako ngayon. Hindi naman ako nag-iisa, ang dami kayang tao dito. Umupo ako sa may counter at nag hingi ng alak sa bartender.
Galit na galit ako sa kanya. Inum lang ako ng inom hanggang sa nalunod na ako sa alak.