webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 9: Remember

Nadatnan kami ni mama na ganun ang posisyon. Nakita ko kung paano lumaki ang pagod nyang mata. Hindi ito napirmi samin. Nagpanggap lang na parang walang nakita. Naramdaman din ata ni Bamby ang presensya nya kung kaya't mabilis syang lumayo sakin. Nakayuko nyang iniiwas sakin ang mukha habang pinunasan ang luha.

Hindi ko inexpect na sa yakap na iyon. May nakita ako. Parang panaginip pero parang nangyari na.

Malakas ang buhos ng ulan. Pareho kaming nasa ilalim nun. Umiiyak si Bamby habang nakaharap sa akin. She's murmering words ngunit malabo pa sakin. Ang tanging tumatak lang ay ang pagtalikod nya habang ako ay nagpapaliwanag ng bagay na hindi ko kailanman maintindihan kung bakit nagawa iyon.

Sumunod na alaala ang bumalik. That day. Matagal akong gumising dahil sa sakit ng ulo. Lakas ng hangover ko dahil sa inumang naganap sa kaarawan ni Bamby. We party like no tommorow that special day. Di ko pa nga nakalimutan ang halik na binigay nya sakin. Isang halik na may tensyon. Mapaghanap at mainit. Mabuti na lamang at nakontrol ko ang sarili noon. Lasing ako pero may kaunti pang katinuan na naiwan. Nadisappoint ko yata sya nung gabing yun. I don't know.

Subalit dumating ang araw na hindi lang disappointment ang nakita ko sa mukha nya. Kundi galit at panghihinayang. Dumating noon etong si Veberly sa aming bahay. Di ko alam na dumating talaga sya. Wala akong ideya na nasa bahay sya kung di lang sinabi ni Niko. Ate entertained her. Binigyan ng damit pamalit dahil nabasa sa biglaang ulan.

Ngunit, ang biglaang galaw na nya ang di ko inasahan. Nasa labas ako noon. Nakaupo sa may likod ng pintuan. Nagpapahangin o itatama kong nag-iisip tungkol kay Bamby. She never left my mind either. Ni isang segundo. Di sya nawala sa isipan ko. Pinag-iisipan ko kung paano na kami pagbalik nya ng Australia? Makakayanan ba namin ang malayo sa isa't isa?. Dumarami ang tanong saking isip ng lumitaw ang kabuuan ng aming bisita sa tabi ng pintuan. Malagkit ang ngiti. Agad ko syang iniwasan. "Anong ginagawa mo rito?.." kunot na ang noo kong tanong. Sa labas nakatingin. Ayaw tapunan sya ng kahit katiting na atensyon. I knew what she wants from me. Bamby told me before na may isang babaeng gusto kaming guluhin. Di nya totally binanggit ang pangalan. At sa pagkakadugtong ko ng mga pangyayari. Here she is. Presenting herself na sya nga iyon. Galit ko syang siniringan. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?.." galit ko talagang tanong. Bastos na kung bastos. Binabastos nya kami eh.

"Jaden?.." Shit! Ang lagkit ng pagkakabanggit pa nya ng pangalan ko. Nakakapanindig balahibo.

"Umuwi ka na.." tipid kong sagot. Di ininda ang paglapit nya.

"Paano ako uuwi?.." malandi pang tanong.

"Paano ka ba pumunta rito?.." dumaan ang sarkastiko saking lalamunan. Di ko mapigilang mainis sa ginagawa nya. I'm so sick of this kind of drama.

Umupo ako ng maayos. Sumandal saka tumingala upang makalanghap ng malamig na hangin. Nasa sandalan din ang pareho kong kamay. And that move nang di ko nalalaman. Ginawa nya na ring pagkakataon iyon para gawin ang kanyang plano. She then sit on my lap without hesitation. Itutulak ko na sana sya ng sunggaban nya bigla ang aking labi. Lumaki ang mata ko. Hindi alam ang gagawin dahil sa mga kamay nyang agad hinawakan ang parteng pinagbabawal. Damn!! Kumalat agad ang apoy saking katawan. Umakyat iyon hanggang saking ulo. Malalagot ako neto kay Bamby. Nangako ako sa kanya. At ayokong basagin iyon. And yet. Here I am. Breaking my promises to her. Damn!!

"Ate Bamby!?.." boses ni Niko ang gumalantang sakin. Para itong umaapoy na yelo na ibinuhos saking ulo. Naestatwa ako't nanlamig. Holy fucking hell!!!.

"Bakit po kayo naligo sa ulan?.." Doon lamang ako natauhan. Tinulak ko ng matinde ang taong nasa kandungan ko. Hindi inabalang tignan sya kung nahulog ba o kung ano. I don't fucking care! Kay Bamby ang aking atensyon. She's crying now. Hell Jaden! What did you do?!.

Kahit nasa malayo. Nakita ko ang nag-aalab na apoy sa kanyang mata. Nagbabaga iyon at kung hahawakan ko sya ngayon. Mapapaso ako noon.

Niko keeps on talking. Asking kung anong ginagawa nya doon. She turned to me at once. Nalusaw ako na parang abo sa mga mata nyang nagbubuga ng galit. Later. Her gaze turned also to the women beside me. Great!. Just damn great!!.

Nagbiro pa sya kay Niko. Maglalaro raw sana sila ng taguan. Shit! I knew. Double meaning iyon. Kahit di nya sabihin. May pinapatamaan sya. Nakangiti sya kay Niko pero nakikita ko sa mata nya ang bawat luhang ginagawa noon. Malakas man ang ulan. I saw. Every tear drops on her eyes. And that thing, really broke my heart.

Nagpaalam sya't tinalikuran ako ng di ako kinakausap. Huli ko nalang natanto na dapat kanina pa ako sumugod sa ulan to explain everything at her. Ano ba kasing nangyayari sa'yo Jaden?. Wake up fucker!.

Sumugod ako sa malakas na hambalos ng ulan. Walang pakialam sa tumatawag sakin. I tried to explain pero di na nya ako binigyan ng pagkakataon.

Doon na bumuhos ang aking luha. Damn Jaden!. What now huh?. Ano nang gagawin mo?. Nasira mo na ang pinanghawakan nyang tiwala sa'yo?. Mabubuo mo pa ba ulit iyon huh?.

Malulutong na mura ang pinakawalan ko. Kasing bigat ng patak ng ulan na tumatana saming dalawa.

Di nya ako pinakinggan. Binalewala nya ang paliwanag ko. Ano pa bang dapat mong ipaliwanag Jaden?. Tinapos mo na ang lahat. You broke everything!.

Basang basa at luhaan akong pumasok ng bahay. Kinuha ang susi ng aking motor saka nagmaneho papunta sa kanila.

Now, I remember everything.

Sa isang iglap. Bumalik lahat sakin. Ang sakit na idinulot ko sa kanya. Ang hirap at lungkot. I remember it now.

I remember my one and only love. Bamby!!