webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 58: Surprise

Maaga akong nagising nang madinig ang boses ni kuya sa kabilang kwarto. Madaling araw palang pero ang ingay na nya?. Seryoso?. Sobrang lasing nya kagabi tapos ang agad nyang nagising ngayon?.. Hmm.. mukhang may dahilan nga ang paglalasing at kakaibang mga kinikilos nya nito noong nakaraang linggo.

Di sya dati nagluluto ng almusal o naglilinis ng bahay o nag-aayos kahit ng sariling kwarto. Tapos, ngayon lahat ng mga nabanggit ko ay ginagawa na nya. Tsaka, ayaw na ayaw pa nya kaming magkalat sa buong bahay. Ang weird.. e sya dati ang promotor sa pagkakalat ng kung anu ano sa bahay.

Isa pa. Lagi yang late kung gumising kahit pa may pasok o wala. Ngayon?. Suskupo!.. Lumalaklak sya ng ilang bote kagabi tas heto na sya, Gising na?.. Ano kayang nangyayari sa kanya?.. Sino kaya ang dahilan?.. Yan ang right term.

"Baby, hindi ko alam.. magpapaliwanag ako.." dahan dahan akong naglakad patungong tabi ng pinto saka ito pinihit nang walang nagagawang ingay. Wala pala sya sa loob ng kanyang silid. Dito sa may sala sa harap ng aking kwarto. Doon sya nakatayo. Kaya pala naririnig ko. Akala ko tuloy multo. Suskupo kuya!.. Nakatayo sya sa tabi ng kabinet na may laman na mga libro ni kuya Mark. Kaharap kasi nito ang overlooking ng village. At ang malawak na karagatan.

Iniawang ko pa ng kaunti ang pinto saka tumayo sa likod nito. "Hindi ko sya babae.. Wala akong babae... maniwala ka naman sakin kahit ngayon lang.."

Aww!..

Parang naramdaman ko ulit yung araw na sumigaw ako sa may park kahit malakas ang ulan. Ang sakit.

Tahimik akong tumakbo papuntang tabi ng kabinet patungong silid nina kuya Mark. Malapit lang kaya di nya mahahalata. Ito ang magandang pwesto kung saan mas maririnig ko ang usapan nila. Ayoko sanang makialam kaso, naintriga talaga ako sa Joyce na tinutukoy nya. So here I am. I'm like a crazy girl who needs to eavesdropped to found out the true identity of a girl.

"Kahit tanungin mo pa si Bamby.. wala akong babae rito.." namaywang sya at nagbaba ng tingin. Sinilip ko sya sa gitna ng mga nakatayong libro. Kinakamot ang batok. Tapos ginulo ang buhok sa likod. Ngayon ko lang sya nakitang nafrustrate ng ganito.

Inlove nga si tsong!.

"Wala akong pakialam kahit malaman pa nya..Mahal kita at gusto kong ipangalandakan sa buong mundo iyon... pagod na akong magtago Joyce..." sa paraan ng pagkakasabi nyang iyon. Pagod ang bumalatay dito.

Whoa!!! Wag kang mapagod magmahal kuya. Kung mahal nyo ang isa't isa. Be proud. And be loud.

Damn!!.. Bumilis bigla tibok ng puso ko. Now I knew it!.. Sya nga. Ang nawalay kong bestfriend.. Sa pagkakaalam ko. Nakontak ko sya last year lang din. Through him.. O my goodness!!.. Bakit hindi ko naisip iyon?.. Napakalaki mo talagang tanga Bamby!. All this time may connection na sila tapos hindi mo man lang nahulaan?.. Tsk. Nagkamot ako kahit wala namang makati.

E di naman kasi ako manghuhula. How will I know?.

Bumuntong hininga ako sa pagkadismaya. Kung nalaman ko lang ng mas mabilis e di sana nakausap ko sya.. At baka makatulong pa ako sa kanila.

"Hindi nagbabago ang pagmamahal ko sa'yo, kahit nasa ibang dako pa ako ng mundo.."

Mga linyahan nya mga tsong!.. Tsk.. Kulang nalang pumalakpak dalawa kong tainga. Kaya pala kung magbigay ng payo sakin, malalim. May hugot pala ang tsong.. Pinagtawanan ko pa dahil akala ko lonely boy sya. Yun pala.. He's having an secret relationship to my bestfriend and yet they planned to hide it from us... from me.. Suskupo!..

Umayos ako ng tayo nang humarap ito sa aking gawi. Hawak pa rin nya ang cellphone na nakadikit sa kanyang tainga. Mukhang mahaba ang sinasabi ng nasa kabilang linya. "Mahal nga kasi kita... hindi ako magpapakalunod sa alak kung hinde.."

Lihim kong nilinis ang lalamunan. Biglang natuyot. My gosh!.. Gusto ko nang lumabas at komprontahin sila subalit naiisp kong masyadong mainit ang usapan nila. Nagkaka-ayos pa ata sila. "Minsan lang akong nagmahal at ikaw iyon..." Tangina!!..

Natutop ko ang bibig sa emosyon na gustong kumawala sakin. Halo halo sila. Masaya dahil sa wakas may daan na ako para makontak muli sya. Excited rin dahil sila talaga. Amp!!. Tsaka, tsong!!.. Mahal ni kuya?.. Whoa!.. Di pa rin pa makapaniwala. Magsasaya ako ng todo nito.

Iyon lang at bumalik na sya sa kanyang silid. Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Pero binilin samin nina papa na maglinis ng bahay at maggrocery mamaya.

Bumalik rin ako ng kwarto na di masukat ang suot na ngiti. Shit lang!.. Bigla akong kinilig. Isang masungit at isang maingay.. Paano kaya sila nagkasundo?. I'm so curious talaga.. Tsk..

"Good morning babe.." bati sakin ni Jaden. Nakaupo ako sa mesa kaharap ang laptop. Tumunog ito ng ilang ulit kanina kaya kinabahan ako. Baka mahuli akong nakikinig sa kanya eh. Buti nalang bumalik na rin sya ng kanyang silid nang di sinisita ang maingay kong kwarto. "Good evening babe.. I miss you na.." nguso ko sa kanya bago nangalumbaba. Magkaiba ang oras sa aming lugar. Umaga sakin. Gabi naman sa kanya. Pero lagi pa rin kaming nag-uusap. Gumagawa kami ng oras para makausap namin ang isa't isa. No excuses.

"Miss na rin kita.. sobra.." hinalikan nito ang gitnang daliri at hintuturo tapos idinikit sa screen. Tumatalon na naman puso ko. "Sana mahawakan ko ulit ang iyong kamay at mayakap ng mahigpit.." malungkot nyang sambit.

"Namimiss ko na rin amoy ng buhok mo tsaka yung malakas mong tawa.." humalakhak sya. "Umuwi ka nalang dito.." anya na parang ang daling gawin ng gusto nya.

"Loko..mahal pamasahe.. tsaka wala pa akong budget.."

"Lumipad ka nalang kaya.. sasaluhin naman kita.."

"Hahahaha..baka bumagsak pa ako sa putik eh.. wag nalang.."

"Hinde ka babagsak dahil tatakbo ako para saluhin ka, mahal kita eh.." kindat pa nya..Pinaypayan ko ang mukha gamit ang aking palad. Suskupo!.. Bat ang dami nyang mga hirit na ganito?. Kinikilig tuloy ako.

"Pareho na kayo ni kuya Lance.. ang korni.. hahaha.."

"Atleast, korni hinde boring.. haha.." natawa na naman ako sa mga walang humpay nyang hirit. Di naman nakakatawa pero seryoso, di ko mapigilan kapag sya ang kausap ko. Parang lahat nga ng sinasabi nya, nakakatawa para sakin. Baliw na nga ata ako.

"Alam mo bang may kontak na ako kay Joyce?.."

"Really?.. paano?.." umayos sya ng upo. Bago hinagod ang buhok.

"Hindi paano. Kanino babe?.."

"Then who?.."

"Kuya Lance lang naman.." tumatango ko pang himig habang iniisip yung mga banat nya kanina. Ngumiti lang sya na para bang hindi na nagulat o hindi na bago sa kanyang pandinig. "What?. Wala ka man lang reaksyon?.." ako pa yata ang parang nagulat sa mukha nyang di pa rin nagbabago ang itsura. Nakangisi pa rin..

"Babe?.." kulit ko. Naghihintay ng kanyang sasabihin.

"Matagal ko nang alam yan babe.." nagulat na naman ako sa pasabog nya. Imbes na sya dapat ang magulat sa ibinalita ko. Mukhang ako pa talaga. "Seryoso?. Kailan pa?.." Seryoso sya?.. Bat di ako aware?.

"Yung mga panahong kasama mo pa sya... kung paano kita titigan noon sa malayo... ganun rin sya sa bestfriend mo..."

"Whaaat!..." tili ko. Damn it!!.. Tumango lamang sya. Tapos kinwento ang lahat ng napapansin nya kay kuya. Kaya pala laging tahimik ito dahil di nya magawang sabihin sa taong gusto nya na gusto nya ito. Akala ko, si Jaden na ang pinakatorpe sa lahat ng lalaking nakilala ko. Sya pala. Ang kapatid kong laging nang-aasar. Coward! Whew!

Hindi pa rin ako makapaniwala. O my goodness!!.My kuya and my bestfriend?.. Whoa!. I'm damn surprised!.