webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 47: Slow

"Kuya. Bilis!!. Iiwan ka na raw ni ate Bamby.." kinalabog ni Niko ang pintuan ng aking kwarto. Ito yung date na pinag-usapan namin noon sa kanilang bahay. Naudlot noon dahil parehong wala kaming oras. Busy ako sa school. Sya naman, sa mga gatherings nila. At sa pagpaplano sa kasal ng kapatid nya. Kaya naurong yung date hanggang sa ngayon palang mangyayari.

"Kuya?!!.."

"Patapos na ako." minadali kong sinuot ang pantalon at sapatos. Di pa naibutones ang polong suot. Lumabas na ako. Habang bumaba. Sinusuklay ko ang aking buhok gamit nalang ang mga daliri para mabilis. Susmaryosep!.. Bakit naman kasi matagal kang nagising boy?. Alam mo namang araw ng date nyo ngayon?. Naykupo!. Ewan ko sayo boy. Sana lang hindi maging amazona yang date mo. Kahihintay sa'yo.

"Tara?.." agad kong yaya sa kanya. Tumayo sya at sinipat ako. Paa hanggang ulo. Nakahalukipkip.

Naku lagot!.. Boy!. Galit na.

"Ah. hehe. pasesnya na..." kamot ang ulo kong paliwanag. "Natagalan ako.." patuloy ko dito. Hindi pa rin nagbabago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Galit. Seryoso.

"Anong ginawa mo kagabi?.." seryoso pa rin sya. Dinadaanan lang kami nila ate at Mama. Pareho kaming nakatayo at nakatingin sa isa't isa.

"Katext ka.."

"Anong oras ka natulog?.."

"10pm..."

Iniimbestigahan nya ako?. Wala naman akong kaso. Susmaryosep!. Anong wala Jaden?. Late kang bumaba!. Tinalo ka pa nya.. Mahiya ka hoy!!!..

"Bakit ang tagal mo?.."

"E kasi, hindi ako agad nagising.." habang tumatagal. Pahina ng pahina ang tono ng boses ko. Nagtatago sa mga titig nyang parang patalim. Nakakatakot.

"Hindi mo ba alam ang araw ngayon?.."

Susmaryosep!. Galit na nga sya. Nagpapaulan na ng tanong eh.

"Alam.." mahina kong bulong.

Tumango lang sya pero seryoso pa rin.

"Hmmp.. Alam?.. Alam mo rin ba kung ilang oras na akong naghihintay sa'yo?.."

"Bamby--." agad nyang itinaas ang kanang kamay sa mukha ko. Pinahihinto ako.

"Don't try to speak. Baka, lalo lang akong mainis sa'yo.." bumuntong hininga sya. Tumitig sakin ng pagkasama sama. Saka umirap at umupo ng padabog.

Hindi ako gumalaw ng ilang minuto. Gaya ng sinabi nya. Hindi rin ako nagsalita ng kahit ano. Baka lalo nga syang mainis. Iwan ako bigla. Di na matuloy ang date na pangarap ko.

"Ayusin mo nga yang sarili mo. Bago tayo umalis. Daig mo pa si kuya Lance. Ang tindi ng hangover.. Psh.." siniringan pa ako. Akala ko mamatay na ako sa kinatatayuan ko. Akala ko. Katapusan na ng mundo ko. Mabuti nalang at nagsalita sya. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko.

Gaya ng utos ni boss. Inayos ko nga ang aking sarili. Umakyat muli at inayos ang damit. Simula sa pantalon. Sa damit. Sa sapatos. Lalo na sa buhok at pabango. Noong nakuntento na ako. Pumanhik na ako paibaba. Nadatnan ko pa silang tumatawa. Kandong nito si Niko na kumakain ng cereal.

"Andito na pala ang prinsesa natin.." sutil sakin ni ate na naging dahilan ng tawanan nila. Maging sya. Nakisama nalang ako sa saya nila. Baka pabalikin pa ulit ako sa taas eh. Di na talaga matuloy tong date namin. Susmaryosep!.

"Mauna na po kami tita.. hatid ko po sya dito pagkatapos.."

"Ikaw talaga hija.. sya sana gumagawa nito sa'yo eh. bat nabaliktad ata?.." tinaasan ako ni Mama ng kilay. Kibit balikat lang din ang sagot ko.

Humagalpak si ate. "Ang kupad eh.." Anya pa. Bwiset!.

"Hahaha.. Sana nga po kaso, mukhang matagal pa po bago mangyari yun. Masyado po kasi syang mabagal. hehe.."

"Sinabi mo pa hija.. Alam mo noong--.."

"Ma naman?.. mauna na po kami." agap kong paalam sa kanila. Iginiya ko sya palabas ng bahay at papasok ng kanyang sasakyan. Sya ang nasa drivers seat dahil hindi pa ako marunong magdrive. Ayaw akong turan ni papa eh. Napag-iiwanan ako ng lahat.

"Nagcommute nalang sana tayo. Mahihirapan ka pang magmaneho eh.." Sabi ko nang nasa gitna na kami ng kalsada. Isang segundo nya akong nilingon. Agad binalik sa daan ang mata.

"Mas mahihirapan tayo kapag nagcommute. Tagaytay tayo.." Hindi ko na sya kinontra pa.

"Ah Bamby?.." Ng dumaan ang ilang minuto.

"Hmmm?.."

"Dito na ba ulit kayo titira?.." ito ang isa sa mga tanong ko na matagal ko ng gustong sabihin.

"Hinde eh. Bakasyon lang kami dito. Balik din after wedding ni kuya.. bakit?.."

"Wala lang.. Akala ko kasi dito na ulit kayo titira?.." umiling sya.

"Nope. Andun trabaho ng parents ko. Ganun din si kuya. Tsaka duon din kami nag-aaral ni kuya Lance.."

"Dito naman kayo nag-aaral dati diba?. Bat di nalang kayo lumipat ulit dito?.."

"Ayaw mo ba akong umalis?.." nilingon nya ako matapos ihinto ang sasakyan dahil sa red light.

"Sana. Pero wala naman akong magagawa kung aalis ka ulit..."

Hindi sya nagsalita. Sa totoo lang. Ayoko syang umalis. Paano nalang ako kung wala sya sa tabi ko?. Nasanay na akong nakikita at nahahawakn sya.

"Don't worry.. Kapag bumalik ako dun. I'll make way para makausap kita araw araw.."

"Promise?.." ngumiti ako. Nabigyan ng pag-asa sa sinabi nya. "Its not a promise. Baka kasi di ko matupad. Magalit ka pa sakin. Basta, gagawin ko lahat--.."

"No!. gagawin NATIN lahat para makapag-usap tayo araw araw. Got that?. no promises. Just that, we trust each other.." tumango sya at sumang-ayon sakin.

Pagdating sa tagaytay. Inakyat namin ang taas. Kumuha ng litrato naming dalawa. Nagtatawanan dahil sa mga stolen shots. Kumain kami pagkatapos. Tumambay at nagkwentuhan. The usual date. Nothing special. The only important for me... is her.. with me... making memories. and histories... about us.