webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 43: Baby

Ilang minuto pa muna ang lumabas bago ko hinila ang kamay nya paalis doon. Nanginginig pa ang kamay ko. Mabuti nalang at, naigalaw ko ito at nahawakan nito ang mainit nyang palad. Habang tumatakbo. Pakiramdam ko talaga pare. Nanalo na ako ng loto. Nahawakan palang itong kamay nya?. That's a big big luck for me bro. Mas lalo ngayong, kasama ko sya ng kaming dalawa lang. Natupad nun ang isa sa mga pinangarap ko bro. Hindi ito biro. Walang halong plastik. Totoo. Daig ko pa nagbirthday. Binigay agad ang aking hiling.. Di matumbasan ang sayang namumutawi sakin. Walang salita na makapagsasabi kung gaano ako kasaya at nakalutang sa tuwa.

"You okay?.." tanong ko sa kanya ng huminto kami sa isa sa mga kainan dito. Sinundan ng mata ko ang leeg nya nang lumunok. Bwiset!. Bat ang ganda pa rin nyang lumunok?.

Inayos nya ang takas na buhok. Tumuwid ng upo bago sya sumagot. "I'm okay.." sumilay pa ang maliit nitong dimple sa pisngi ng ngitian ako. Susmaryosep!.

I'm stunned!. Nalunod sa lalim ng nag-iisang dimple nya. Iyon ang dahilan kung bakit naging baliw ako sa kanya sa loob ng ilang taon. Lahat ng nagpapakilala saking babae. hinahanapan ko ng katulad ng nasa pisngi nya. Tuloy, kahit nakapila sila. O magkandarapa pa sakin. Walang epek. Sya lang. At sya lang ang gusto ko. Wala ng iba. Wala ng mas hihigit pa kundi sya lang.

"Are you okay?.." ipinatong pa ang likod ng palad nya saking noo. Natulala ako aa ginawa nyang iyon. I'm not used to it.

"Pasensya ka na kay kuya. Pabigla bigla yun minsan.."

"No worries. it's beneficial.." huminga ako ng malaim bago sya binigyan ng isang nakakalokong ngisi. Imbes sagutin ako. Kinurot lang nito ang aking ilong. Dahilan para mahawakan ko ang kamay nya. Pilit nya itong hinihila pero hindi ako nagpatalo. No way!. I already caught her. And I want to hold her this way. Pinagsalikop ko ang aming mga palad habang seryosong nakatitig sa mata. Kumurap sya. Umirap at ang-iwas ng tingin.

"Gusto ko rin naman itong date tayo kaya wala kang dapat na ipag-alala sa kuya mo." I bothered. So she can't think anymore serious now. Binalik nya sakin ang mata nya. Nangungusap ang mga ito.

"I want you Bamby. Always you.." pinag-aralan nito ang mukha ko. Kung nagbibiro ba o hinde. Lumipat ako ng upuan. Tumabi sa kanya kahit todo na ang kalabog ng aking dibdib. "Can I court you?.." matagal nya akong pinanood. Kalahating minuto. Iyon ang hula ko dahil marami ng dumaan na costumer na palabas at papasok ng fast food.

Bumuntong hininga ako. Okay. Chill boy!. No need to rush. You need to breathe both and be calm to think more.

"Dito ka muna. Order lang ako." tumayo ako't iniwan sya para mag-order. Mabilis lamang akong nakabalik. Binigay ko agad sa kanya ang isang basong Ice cream. Burger at frieea. Both large.

"Thanks.." she whispered.

"No thanks.." nagsalubong agad ang mga kilay nya. Pinisil ko agad ang kanyang pisngi..Ang bilis magalit e. Ang cute cute pa naman nya. "I mean. No need to thank me. Cause you deserve the love and respect..from me.." kinagat nya ang ibabang labi.

"And can you please stop bitting your lips.. it's like a candy to me. I want to taste it.."

"Tsk. Crazy!.. haha.." iyon. Finally. Ngumiti na sya. "Totoo bang wala kang naging girlfriend?.."

"Wala e. Loyal kaya ako sa'yo.."

"Di nga?. Yung seryoso?.."

"Totoo. Seryoso ako sa'yo.."

"Jaden?.."

"Yes?.."

"Umayos ka nga.."

"Maayos naman ako. Baliw nga lang sa'yo.."

"Jaden?.."

"Yes baby?.."

"Ugh!!.."

"Ahahahaha.. Ang cute mo talaga.."

"Cute lang ba?.."

"Syempre maganda at mahal ko pa..."

"Jaden!!.." gigil nynag himig. Kulang nalang isigaw nya ito saking mukha. Di ko tuloy mapigilang humalakhak.

"Yes baby?.. payagan mo na kasi akong ligawan ka para mas lalo kang kiligin..." sinamaan nya ko ng sobrang samang tingin. Tipong nakakamatay. Lol. Walang humpay ang halakhak ko.

"Please?.." kulit ko dito. Kinuha ang isang fries tapos isusubo sa kanya. Mataman nya akong tinignan. Hindi ibinuka ang bibig.

"Baby?.." ngisi ko.

"Jaden. stop it!.." irap nya sakin.

"Baby?.."

"Jaden. Isa.."

"Baby.."

"Dalawa.."

"My baby.."

"Ugh!. Ang kulit kukit mo talaga." Kinurot na naman aking ilong.

"Baby.. please.. pumayag ka na.." ngumuso pa ako aa mismong mukha nya. Nagpapacute. Humalakhak sya. Piningot muli ang ilong ko bago ginulo ang aking buhok.

"Sige na nga. Ligaw muna ha.. Di pa tayo. Baby.." sutil nya rin sakin. Sumilay ang kanina pang ngiting tagumpay ko. Hinapit sya palapit at niyakap ng napakahigoit.

"Yes po. Ligaw muna. Saka na yung tawagan na baby.. haha.." tumango sya at sabay kaming nagtawanan.