webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 29: Second gift

After her graduation. May maliit na salu salong inihanda sa kanilang bahay.

"Congratulations babe. Finally.." niyakap ko sya ulit nang nasa sala nila kami. Abala ang lahat sa paghahanda ng makakain. Nandito lahat ng tropa. At, ang hindi alam ni Bamby. Umuwi ang kuya Mark nya.

"Thank you.." makikita ang saya sa kanyang mata. Unti unti na ring natutupad ang kahilingan nya. Pangarap nya talaga kasing sumunod sa mga yapak ng kanyang ama. Masyado syang bilib kay Tito. At ako rin sa kanya.

Niyakap ko sya saka inayos ang kanyang buhok. Kumalas ako ng yakap bago inabot ang regalo ko sa kanya. Isa itong necklace na hugis puso. Muli. Nagpasalamat ulit sya. "My gift also.." ani Lance sa kanyang likuran. Square yun na malaki. Di ko mahulaan kung anong laman. "Thanks kuya.." nagyakapan silang dalawa.

"May gift pa ako sa taas. Wanna see?.." tanong ni Lance nang maghiwalay sila.

"Sure. Why not?.." excited na sabi nito sa kapatid. Sinenyasan ako ni Lance na kuhanin yung video recorder sa tabi ng tv saka sumunod sa kanila. Kanina pa pala may recorder doon. Susmaryosep!. Mabuti nalang di nagtagal yung halikan namin.

"Ano ba kasi yun kuya?.."

"You'll see later.." nagpatuloy nga sila sa silid ni Lance. Naabutan ko rin silang kumakatok doon. Nagtaka pa sya kung bakit kailangan pa nyang kumatok eh silid naman daw nya iyon. Sabay lang kaming natawa ni Lance.

"Congratulations Bamblebie!.." isang bata ang nagbukas ng pinto sabay talon at hiyaw ng ganun. Ang cute nya!.

"O my God!. Jacob!.." agad nya iyong kinarga at niyakap. Tumatawa ang bata habang iniikot nya. "I miss you so much.." pinaulan nya ng halik ang pisngi nito.

Hula ko'y nasa tatlo o apat na taon na sya. Maputi at medyo mataba. Walang gamit na sapin sa paa saka walang suot na salawal. "Congratulations Bamby!.." sunod naman na lumabas si Mark at ang asawa nito.

"O gosh!!. Kuya!!!.." she screamed. Agad kinuha ni Lance ang bata saka nya niyakap ang panganay nila. Namiss nga nya ito ng sobra. Been years naman kasi noong huli nilang pagkikita. Di kasi sila laging nagbabakasyon ng Australia. Pag di lang sila busy tuwing summer. Iyon lang.

Binati nila ako pagkatapos ng mahaba nilang usapan. I closed the camera at iniabot kay Lance. "Salamat pare.." anya at tinapik ang balikat ko. Sa tuwing ganun ang ginagawa nya. Parang pakiramdam ko. Ang laki ng naitulong ko sa kanila. Tinanguan ko na lamang sya.

Lumabas na rin ako pagkatapos noon. Tumulong ako sa iba para iset ang lamesa at ang iba pa.

"Boy, nakapgregister ka na ba duon sa review center?.." tanong ni Kian sakin. Pareho naming inaayos ang videoke para mamaya.

"Sa lunes nalang.. ikaw ba?.." ang tinutukoy namin na review center ay ang in house. "Ganun din. Good luck sa review.." itinaas pa nya ang mikropono na hawak.

"Good luck satin.." sagot ko. Good luck talaga. Kahit wala pa ang exam. Kinakabahan na ako. Sana makapasa ako. Sana maging enhinyero na ako.

Muling lumipas ang oras at nag-uumpisa nang sindahan ang mga ilaw sa poste. Inilawan na rin namin ang Christmas bulbs na nilagay namin sa puno at alambre. Pati rin sa gitna ng mesa at halaman sa gilid.

Sabay silang lumabas ni Mark at ng pamilya nito. Pinagkaguluhan ng lahat si Jacob. Ngunit dumiretso sya sakin. "Thank you babe.." ngiti nya sa kabila ng mga braso nyang nakayakap saking baywang.

"All for you.." ngumuso ako at dinampian nya naman ng isang mabilis na halik iyon.

Ilang minuto muna ang nagdaan bago sya nagbigay ng speech sa lahat.

"Good evening guys.." binati namin sya pabalik. Ngumiti sya. Eto na naman yung puso kong kahit ilang ulit nang nakikita ang maganda nyang ngiti. Natutunaw pa rin. "Thank you sa inyong lahat at nakarating kayo rito.."

"Thank you rin sa pagkain.." nagtawanan ang lahat sa naging tugon ni Winly. Di pa rin sya nagbabago.

Panahon lang ang lumipas.

"Kumain na tayo. Alam kong napagod kayo kaya di ko na pahahabain pa to.." sumang-ayon naman ang lahat.

Inalalayan ko sya saka binigyan ng plato. "Nagustuhan mo ba yung gift ko?.." bulong ko.

"Grabe ka gurl... hahaha.." tinawanan nya ang ginawa ni Winly kay Aron. Nilagay nya yung isang buong manok sa plato nito. "Hmm.. basta galing sa'yo.. gustong gusto ko.."

"Really?.."

"Hmm.."

"May gift pa ako.. wanna see?.." naglakad kami pabalik ng upuan. Hinila ko ang upuan para sa kanya bago ako umupo. "Yeah.. ang yaman mo huh?.. hahaha.." tawa nya.

Nginisihan ko sya. Kami palang ang unang nakaupo sa mesa na may anim na upuan. Pahaba iyon. Abala pa ang lahat sa pagkuha ng pagkain at pangungulit kay Jacob.

Kinapa ko ang kupitang nasa ilalim ng aking bulsa. Kinakabahan ako. Inilabas ko iyon saka inihalad sa kamay nyang naghihintay sa ilalim ng mesa. Agad umangat ang kaliwa nyang kamay upang takpan ang kanyang labi. "Babe?.." di sya makapaniwala.

"Gusto kong ibigay sa'yo to para sabihin sayong seryoso ako sa future kasama ka."

"Shit!.." nagmura pa sya sa sunod nyang mura. Hinawakan ko ang mga kamay nya sa ilalim. Sinusuportahan para di mangalay. "Gusto kong malaman mo na.. ikaw lang ang mamahalin ko ngayon, bukas at habambuhay.."

Kumislap ang mata nya. Umiiyak sya. Shit!. Pinunasan ko ang luha nya. Yumuko sya at binuksan ang pulang kupita. Tumambad ang kumikinang na singsing na may batong emerald sa gitna nito. "Maghihintay ako kahit gano pa katagal.."

Noon ko lang natanto na wala nang maingay sa paligid at lahat sila ay nakatuon na sa amin. Susmaryosep!!. Lalo akong kinabahan.

"What if I say yes?.." umawang ang labi ko sa naging tugon nya. I don't really know what to say baby. Just say yes and I'll marry you asap.

"Babe?.." parang bangag ko pang tanong.

"Yes baby.. I want to marry you.." nangilid ang luha saking mata at nag-unahan sila pababa. Di ako makapaniwala. Ang tanging plano ko lang muna ay ibigay sa kanya yun. Expect the unexpected ika nga nila.

Naghiyawan at nagtilian ang lahat sa paligid. Nanlalabo ang aking matang kinuha ang singsing sa kupita saka inilagay iyon sa palasingsingan nya. Yes it fits!.

"I love you.." niyakap ko sya ng mahigpit. Sobrang higpit.