webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 29: Gosh!

"Why are you crying mommy?.." tinakpan ko agad ang mukha sa hiya. Di ko alam na bumigay ako ng bigla sa harapan nya. It was so sudden at ni hindi ko na namalayang humahagulgol na pala ako.

"Tito dad's.. mommy is crying.. Is she mad at me?.." inosenteng tanong nito sa kausap. Wala na sa isip ko ang taong kausap kanina ni kuya. Naglaho ang isiping iyon ng napunta sa usapan si Jaden. Matagal na panahon na ang lumipas pero iba pa rin ang epekto nya sakin. Natutuwa ako na kinakabahan kasabay ng takot. Kumplikado ang nararamdaman ko sa tuwing sya ang nasa isip ko. Pakiramdam simula noong unang kita ko sa kanya noon.

Hindi ko narinig si kuya. Lalo ko lang tinakpan ang mukha sa kahihiyan. Ramdam ko ang takot at pangamba ni Knoa. Sinisilip ako sa baba tapos tatayo ulit at hahawakan ang likod ng aking palad na nakatakip sa buo kong mukha.

"I'm not gonna ask anymore about daddy po.. stop crying na po mommy.." napakaswerte ko naman sa batang to. Ang talino. Na ultimo hindi ko sinasabi ay nahuhulaan nya. Kanino kaya sya nagmana?.

"I'm not mad baby.." sinabi ko iyon sa pagitan ng mga hikbi at iling ko. Di pa rin kayang tumingin sa kanya. Suskupo Bamby!. Ayan na nga ba sinasabi ko sa'yo! Umayos ka nga!

Unti unti nyang tinanggal ang mga daliring nakaharang saking mukha. Nang nagtagumpay sya sa pagtanggal. Binaba nya iyon ng dahan dahan. Puno pa rin ng luha ang aking mga mata. Nanlalabong nakatingin sa kanya.

"Sorry baby. Nagsinungaling ako sa'yo.." haplos ko sa kanyang mga pisngi patungo sa kanyang buhok. "Nagsinungaling ako dahil baka masaktan lang kita.. pero.. hahaha..." sarkastiko akong tumawa. Agad nagsalubong ang makakapal nyang kilay. "I didn't meant to hurt you.."

"What's sinungaling po?.."

"Pero di mo na namamalayan. Nasasaktan mo na sya..." halos sabay kong narinig ito galing kay Knoa. May kung anong bagay sakin ang bahagyang nanginig. Ang boses na lalim at ang laki. It reminds me of someone.

Andito ba sya?. My inner self asked without looking around.

Sa mata lang ako ni Knoa, nakatitig. Nagtatanong ito at talagang nilalamon ng kyuryosidad.

"Paglaki mo anak. I'll explain it to you.."

"But mom?.." pilit nya na naman. Masyado syang interesado sa mga bagong bagay o salita na first time nyang marinig.

"Let me explain it to you..." ang akala ko. nananaginip lang ako. Pero hindi talaga kasi kumukurap pa ang mata ni Knoa. Gising na gising talaga ako. But saan galing yung pamilyar na boses na yun?. Lagi kasi akong lutang nitong nakaraan dahil sa pag-iisip kaya di ko na matukoy kung nasa reyalidad ba ako o panaginip lang.

"Tito dad's, who is he?.." Doon lamang ako nagising. Naniwala na, di pala ako tulog.

Nakalingon na si Knoa sa gawi nina kuya na kanina pa yata nanonood saming mag-ina. Suskupo Bamby! Nakahihiya ka!

Tahimik. Walang nagsalita. Kahit ang maingay na boses ni kuya. Nakakapagtaka. Ang boses lamang galing dining area ang naririnig ko.

"Mom, you knew whose with tito?.." sakin nabaling ang tanong na iyon ng bata. Gusto kong kutusan at sigawan ang kapatid ko sa katamaran nyang magsalita sa ngayon.

"Hello! What is your name po?." magalang na bati nya pa rito ng di ko sya tugunan.

Nakayuko pa rin ako kung kaya't di ko pa makita ng tuluyan ang may ari ng pares ng paa sa tabi ni kuya

"Ask your mommy. I think, she knows the answer.."

Damn! Di nga ako nananaginip! Sya nga! O my gosh! Really!?

Dahan dahan kong iniangat ang mukha. Sa kaba na nangyayari sa puso ko, Damn! My goodness!. Sorry! I'm damn speechless!

"Ask your mom if she still knew me.." patuloy na sambit ng malamig na boses na iyon. Mula sa kulay itim nyang boots pataas sa maong nyang pantalon. Mariin akong napalunok sa pagitan ng mga hitang iyon. Kailangan ko pa talagang pumikit ng mariin upang maipagpatuloy ang pag-angat ng tingin pataas sa kanyang katawan. Yung walang laman na katawan nya noon. Shit!. Sumisigaw na ito sa ganda. Halata na iyon sa hapit nyang kulay gray na polo. Nakatupi iyon hanggang sa kanyang siko dahilan para mapalunok akong muli. Nakakaakit ang mga ugat doon na tanaw ko mula saking kinauupuan.

"Hmm.." may tumikhim pero di ko iyon pinansin. Nagpatuloy pa rin ako sa pagpantansya sa katawan ng tao. Forgive me! Di ko mapigilan! Shit lang!

Muling naglakbay ang aking paningin sa dibdib nya hanggang sa leeg at sa kanyang baba. Pataas ulit sa labi nyang mamula mula na, dati ay mapusyaw pa. Walang kurap na tumitig ako doon. Walang pakialam sa nakakakita. Sya man o ang bata saking tabi. O goodness Bamby! Wake up you flirt!

"Mom, what are you doing?.." noon ko lang naramdaman ang kahihiyan. Sa puntong ding iyon. Natagpuan ko na ang kanyang mata. Nakakagulat. Wala itong kinang. Hindi na sya kumikislap di tulad noon.

Masakit akong lumunok. Naikuyom ang mga palad sa kaba kasabay ng takot.

"Mommy.." yugyog sakin ni Knoa ng marahan pero di ako natinag. Di ko binitawan ang titig nya. Kapag kasi bumitaw ako. Talo na!

"Tito, is he my daddy?.." mas lalong naging mahirap sakin ang huminga ng tanungin ito ni Knoa out of curiosity.

Nakanganga na ako!

DAMN!

"Why did you asked?.." Doon lamang sumagot ang taong napipi yata. Gosh!. Akala ko ba, you got my back?. What now huh?. Ugh kuya!!!

"Kasi po, I just felt it po.." mahinang bulong ni Knoa. Bumaba na para puntahan ang taong nakatitig pa rin. "Daddy?.." tiningala nya pa ito nang sabihin iyon. Saka lamang kumurap si Jaden at nagbaba ng tingin sa kanya. "Can I call you daddy po?. Kasi sabi po ni mommy ko. My daddy is coming soon po. And I don't know po when is that soon po.." napaawang na naman ang aking labi sa daldal nya.

Mahinang humalakhak si kuya sa tabi. Tumaas pa ang sulok ng labing nakasulyap sakin. Shit!

"Of course!. I can be your daddy from now on.." magiliw nyang sagot dito nang pantayan ang paningin ng bata. Nagtakip ng labi si Knoa. A few seconds. Tumalon na ito sa tuwa.

"Yehey!. I have my daddy na. Mommy, daddy, yehey!!.." sa di maipaliwanag na dahilan. Natulala na naman ako sa tanawin nila.