webnovel

CRUSH KITA ALAM MO BA {Book 1} (COMPLETED)

"Bamby!.." kahit sobrang basa na ako. Nilalamig na dahil kanina pa ako sa ilalim ng malakas na ulan. Nakaya ko pa ring tumayo at harapin ang taong tumawag saking pangalan. Hindi Bamby ang tawag nya sakin eh. Babe!. Bakit biglang nagbago?. Halos hindi ko na sya maaninag. Hapon na kasi kung kaya't madilim na ang paligid. Epekto ng malakas na ulan. Kinuyom ko ang palad nang matanaw kong palapit sya sakin. "Dyan ka lang!.." nanginginig kong sambit. Nag-init muli ang gilid ng mata ko. Hindi ko na kailangan pang magpanggap na hindi umiiyak dahil hindi naman iyon halata sa lakas ng ulan. Para ngang nakikisama sakin ang panahon. Nagdadalamhati rin sa unang pagkabigo ko. Dinadamayan ako. Sinasabing, umiyak ka lang para di masakit. Pero tangina talaga! Kahit anong iyak ko. Masakit pa rin eh. Sobrang sakit ng puso kong makitang unti unting nawawala ang taong pinangarap ko. "Babe?.." basag na rin ang kanyang boses. Isang pulgada pa rin ang agwat naming dalawa. Ngunit sa layo naming iyon, ramdam ko pa rin ang hindi ko maintindihan na presensya nya. Ang gulo. O ako ngayon ang naguguluhan sa lahat. "Di mo naman sinabi sakin na, ang tindi pala ng sikat ng araw sa inyo.." Tumingin ako sa kawalan. Natatawa. Baliw na yata ako. Pinunasan ko ang luhang naglandas saking pisngi. Di pa nga ata luha iyon eh. Kundi tubig ulan. Ganun na ako kalito sa nangyayari. "Ang init nyo masyado.... nakakapaso.." Wala na akong pakialam kung hinde nya maintindihan ang sinabi ko. Ang gusto ko lang ngayon, ay sabihin lahat ng gusto ko... sa huling pagkakataon.. "Babe?.." muli. Gumawa sya ng limang hakbang pero hanggang doon nalang sya dahil ayokong lumapit pa sya. "Dyan ka lang!." mariin kong banta. Natigilan sya. Nagmamakaawa ang kanyang mga mata. Pulang pula na rin ang kanyang ilong. Tanda na umiiyak rin sya. Hell! Wala akong pakialam. "Nangako ka hindi ba?.." suminghot ako. Sa wakas, nagkaroon ng lakas ng loob na tumingin sa kanyang mata. "Nangako ka sa akin?." hindi sya tumango o umiling o kahit na ano. Pinanood nya lang akong humagulgol sa unang pagkakataon. Bumuhos ang luhang kanina ko pa ayaw pakawalan. Hindi ko na kaya. Ang hirap. "Kumapit ako doon.. pinaniwalaan ko..pero anong ginawa mo?.." nanghina ang tuhod ko dahilan para mapaupo ako. At... doon umiyak ng umiyak. "Hindi ko alam..." "Anong hindi mo alam huh?.. Jaden, naniwala ako sa'yo.. bakit mo iyon sinira?.." Hindi sya makapagsalita. Huminga ako ng malaim bago muling tumayo. "Anong pakiramdam huh, masarap ba syang humalik?.." "Bullshit!!." malutong nitong mura. "Hindi ko yun ginusto.." dagdag nya matapos ang ilan pang mura. "Hindi ginusto pero pumayag ka!?.." mahina ngunit madiin ko itong ipinahayag sa kanya. Konting konti nalang, sisigaw na ako. Konting salita pa Jaden. Isa na namang mura ang pinakawalan nya. "Kaya pala hindi mo magawang tugunan ang mga tawag at text ko dahil masyado kang abala.." "Bamby, tama na..." mahinahon nynag himig. Di ko sya pinakinggan. Nagpatuloy lamang ako. "Mas masarap nga naman sya kaysa sakin..." "Sinabi nang tama na!!!.." sa unang pagkakataon. Nakita ko kung paano sya magalit. Ramdam ko ang apoy na nag-aalab galing sa kanyang mata kahit malamig ang bawat patak ng ulan. Galit ang namutawi sa kanya. Wanna read more?. Add this story in your library and see for yourself! You'll loved it!. Please Like, Comment And Share! Thank you!. Keep safe y'all!!!

Chixemo · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
303 Chs

Chapter 17: Hard

Present time.

Matapos nga ang nangyari samin ni Joyce, naging malamig na ang pagkikitungo nito sakin. Tuwing nilalapitan ko sya, lumalayo. Tuwing kinakausap ko naman, umiiwas lang. Kahit kasama pa namin sina Winly at Karen. Tahimik pa rin. Gusto kong mag-usap kami para naman maayos pa ang hindi namin pagkakaintindihan. Pero sa ginagawa nyang pag-iwas, nawawalan ako ng lakas ng loob. Gusto kong malaman ang dahilan nya kung bakit kailangan nyang gawin iyon. Tatanggapin ko kahit ano pa yan. Kaso, ayaw magsalita. Pano namin aayusin kung di sya namamansin?. Is it our friendship over?. Di pa rin tanggap ng sistema ko na ganito ang nangyari saming dalawa. Tamad akong nakahilata sa aking kama. Tulala sa kisame. Biglang pumasok si Mama. Dala ang damit kong nakatupi. Hinayaan ko lang syang tingnan ako.

"May problema ba anak?." yung kanina pang luha na pilit kong tinatago. Bumuhos lahat. Nakita nya. Mabigat ang aking damdamin kaya sinabi ko kay Mama ang lahat.

"Anak, baka naman may dahilan sya?.." alo pa sakin ni Mama. Hagulgol na ako.. Kung ganun, bakit di nya sabihin?. Hindi yung ganito na naglilihim sya sakin.

"Tahan na. Magiging maayos din ang lahat." himas ang aking likod. Sana nga. Maaari pang ayusin. .. Si Joyce ang nakakaalam ng mga sikreto ko. Ang kinakatakot ko, baka ipagkalat nya. Pero hindi naman sya ganun. Kaya lang di rin ako sigurado. Panahon nga nagbabago. Tao pa kaya.

"Hayaan mo na muna sya anak. Give her some space. Di magtatagal malalaman mo rin ang dahilan nya..."

"Sana nga po. Pero sa nakikita ko sa kanya. Wala na syang pakialam sakin.." di ko na namang mapigilang humagulgol. Amp!. Ayaw paawat ng tubig sa mata ko. Subsob ang mukha sa kanyang balikat.

"Nak, hayaan mo na. Ganyan talaga ang tao. Nagbabago.. Bata ka pa. Marami ka pang makikilala.."

"Pero si Joyce yun Ma.." paliwanag ko. Tumango naman ito ng mabilis.

"Oo nga. Si Joyce yun na biglang nagbago. Kaya intindihin mo nalang anak.."

"Ma pano ko sya maiintindihan kung iniiwasan nya ako?.."

"Kaya nga. Yung sinasabi ko sayo kanina. Baka may malalim lang syang dahilan o problema ganun.

"Bakit nya ako iniiwasan?. Anong dahilan nya?.."

"Hindi ko alam. Hindi natin alam nak.. Sana, wag mo syang husgahan batay lang sa isang pagkakamali nya. Lahat tayo nagkakamali. Di yun naiiwasan anak. Siguro kaya nya ginawa yun dahil wala syang choice o may mabigat pang dahilan. Malay natin diba.."

"Malay ko po.." natawa sya sa sinabi ko.

"Tama na ang iyak. Tumayo ka na dyan. Magshower at samahan ang mga kuya mong kausapin ang Papa mo sa deck.."

Iniwan na nya ako. Huminto na rin akong umiyak. Napagod ang buo kong katawan kahit na mata at isip lang ang gumagana.

"Bamby, kausapin ka raw ni Papa.." kinatok ni Kuya Mark ang pintuan ng kwarto ko. Kakatapos ko na ring naligo.

Lumabas ako at dumiretso sa deck. Malakas kasi ang signal duon.

Kaharap ni Kuya Lance ang laptop. Nasa screen si Papa.

"Pa, she's here.." gumilid sya saka pinaupo sa dati nyang inupuan.

"Kamusta?. Oh, ano yan?. Okay ka lang?." agad nyang nahalata nag mugto ko pang mata. Damn!.

"Okay lang po ako. Kayo dyan?. Hindi ba malamig?.."

"Malamig na dito. Sayang nga e. Kung may pagkakataon, idadala ko kayo dito.."

"Talaga po?.." masigla kong tanong. Sumabay pa si kuya Lance.

"Hmmm.. mag-antay lang tayo. Makakarating rin kayo rito.." nagdiwang nga kami ng todo ni Kuya Lance. Matagal na naming pangarap ang tunira sa ibang bansa pero walang pagkakataon. Ngayon, ramdam kong malapit na.

Nabaling sa saya at tuwa ang pakiramdam ko. Sila Mama na ang kausap nya ngayon. Natulog akong magaan ang pakiramdam.

Mabilis tumakbo ang mga araw. Namuhay ako kahit wala ang matalik kong kaibigan.

Nasa school na ako. Oras na para sa first subject.

"Good morning class.." bati ng aming guro. Nag-umpisa na rin syang magturo, nang biglang pumasok si Maam Perez.

"Excuse me Maam.." anya. Huminto ito sa pagtuturo.

Nag-usap sila sa pintuan.

"Class may announcement kami.."

"Malapit na ang intramurals--" ani Maam Perez.

Nagtitili na ang lahat kahit di pa sya tapos magsalita.

Pinakalma sila ng aming adviser.

"Kailangan natin ng representative sa ating level. May tatlo na akong nakuha sa kabilang section, isa nalang ang kailangan ko. Wala nang gustong magvolunteer sa kanila kaya dito na ako dumiretso." huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy.

"Sinong gustong magvolunteer?.." taas ang kanang kamay nito. Nagsitungo ang karamihan samin.

"Maam, girl o boy?.." tanong ni Mimie.

"Oo pala. Babae ang kailangan. Gusto mo?.." alok nya sa nagsalita. Mabilis umiling ang kausap.

Maya maya.

"Maam.." maarteng sabi ni Winly. Nakatungo pa rin ako. Hawak ang ballpen sa kanang kamay. Pinupokpok ang dulo nito sa armrest.

"Yes ganda?. Gusto mong magvolunteer?.." nagtawanan ang kalalakihan samin.

"Maam naman. Itong beauty ko, next time nalang siguro. Automatic D Q na to e."

Mas nagtawanan pa ang lahat.

"E bat nagtaas ka ng kamay kung ayaw mo pala?.."

"Yun nga po ang sasabihin ko. Si Bamby po. Sya nalang kunin nyo.." sagot ni Winly sa kanya na hindi ko narinig na pangalan ko pala. Bwiset!. Pinagkaisahan na naman nila ako.

"Bamby, please stand up.."

Hay!. Gusto ko ng kumain.

"Bamby!.."

Sino kayang kasama kong kakain mamaya?.

"Te, Bamby daw.." yugyog sakin ni Karen. Kaya bigla akong napatayo ng hindi nag-iisip.

"Po?.." taka kong tanong sa mga guro naming nakatayo sa harapan. Bakas na ang inis sa mukha nila. Juice ku po!.

May ibang naghagikgikan sa gilid. Di ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa o matakot sa kanila. Naku naman kasi Bamby!.

"Follow me!.." sambit nya sabay labas ng room. Sumunod naman ako kahit di alam kung saan kami patungo..