webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

So Damn Perfect

12:00 am na hindi pa din ako makatulog iniisip ko pa rin hanggang ngayon yung sinabi ni daddy hindi ko alam yung rason kung bakit sya nagsosorry.

Kaya nagbukas na lang ako ng social media accounts ko at nakita kong may friend request na bago, madaming narerequest sakin pero hindi ko inaaccept.

When I open it I clearly saw the name of him. Ethan.

Napaupo agad ako sa gulat and I automatically click his profile, he's wearing plain white T-shirt, black pants, naka shades din sya, at nakaside view.

Private ang account niya sa facebook kaya agad kong chineck ang instagram ko para makita kung finollow niya ko and I'm right, he's following me also in this app.

I check his profile again and I saw him holding a folder and wearing a black polo at hinayaan niyang nakabukas ito hanggag dibdib and he put necklace din while he's wearing a eyeglasses.

Though kahit may salamin sya he's hot pa din, he have so many followers and I check it karamihan puro model, artista and mga taga ateneo. So I think dun sya nag-aaral, 13 lang ang nakapost don pero hindi ko na tinignan dahil medyo nakakaramdam na ko ng antok at nakakalimutan na ang iniisip ko kanina.

I have so many friends din napakafriendly ko, I'm nice with everyone, madami akong friend sa ateneo dahil dun ako nag senior high.

——KINABUKASAN——

It's 6 in the morning when I woke up, sunday ngayon kaya dumeretso agad ako sa cr para maligo dahil pupunta ako sa church, bago tumingin ng mga gamit ko sa condo.

Paglabas ko ay nakasuot lang ako ng bathrobe at dumeretso sa harap ng salamin para magblower, hinahayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko dahil hindi naman ako mahilig magpony.

Naglagay lang ako ng powder, blush on, and lip tint para natural lang tignan. I'm wearing dark blue sweatshirt, black pants, white nike sneakers, and channel bag, naglagay din ako ng black channel belt para hindi simple tignan. Kinuha ko muna muna ang susi ng car ko bago magpaalam kay dad.

"goodmorning Dad! punta na ko sa church then after i'm going to buy some stuffs for my condo, if you're not busy you can go with me" nakangiti kong sabi.

"that's good hija don't forget to thank him, okay? and i'm sorry I can't be with you today mag aayos ako para mamayang gabi, bawi ako next time okay?"

"and by the way goodmorning" nakangiti niyang sabi and he hug me tight, tumango lang ako at umalis na.

Maaga naman akong nakarating dahil wala namang traffic, pagpasok ko ay agad akong nakahanap ng upuan.

Sobrang sarap lang sa feeling na nagwoworship ka kay God, thank him and say sorry for him sa mga kasalanang nagawa mo.

Bata pa lang ako my mom brought me here kaya hanggang sa paglaki ko hindi ko nakakalimutang magsimba because I always remember her.

Sabi ni fathter "lahat tayo napapagod pero hindi ibig sabihin non kailangan mo ng sumuko, don't give up hangga't may naniniwala sayo at nandyan para sayo magpatuloy ka, lahat ng trials you need to survive. laban lang ng laban God always be there for us, kung nahihirapan kayo wag sumuko, maswerte nga kayo kasi may mga bahay kayo, may magandang trabaho, may pera kaya nabibili niyo mga gusto niyo. Eh yung ibang tao? wala silang bahay, wala silang pera at sapat na pagkain pero patuloy pa rin sila sa paglaban. Kasi mahirap man o mayaman God teach us how to be strong and contented sa mga bagay na meron tayo"

Napangiti ako sa narinig ko, tama si father walang mangyayari kung patuloy mong tinatakasan ang mga problemang meron ka, kung wala mang tao na nandyan sayo, nandyan si God para gabayan ka, while you're praying you can feel his presence and legit yung bigla ka na lang iiyak habang nagpepray.

Pagkatapos ng misa ay lumabas agad ako at dumeretso sa parking, its already 10 am kaya bukas na ang ibang mall. Kumain muna ako dahil hindi pa bukas yung shop na bibilhin ko dito sa mall, nasa shakey's ako ngayon at kumakain ng chicken, rice and pizza.

Tumambay muna ako saglit bago lumabas nakita ko namang nakabukas na ang shop na pagbibilhan ko at saktong nakita ko si kuya Martin.

"kuya Martin!" tawag ko sa pinsan ko napatingin naman agad sya sa direksyon ko at kumaway sa kanya,

Lumapit naman agad sya sakin at tinanong ako "anong ginagawa mo dito?" kunot noo niyang tanong.

"bibili ng mga gamit sa condo, and you! what are you doing here?" tanong ko sa kanya

"wala lang" tinarayan ko na lamang sya at kinulit dahil alam kong may iba pa siyang rason why he's here.

"fine fine Nat, tito told me to help you" tumawa naman ako sa kanya.

"whatever kuya Tin, lets go na"

Hinila ko na sya sa store at nagpatulong gusto ko kasi black, white and gray ang kulay ng condo ko. Pinapinturahan at pinaayos na ni daddy ang condo ko kaya bibili na lang ako ng mga gamit. Bukas ko na lang ipapadeliver ang mga gamit dahil mag aayos pa ko para sa dinner.

4:40 pm ako nakarating sa bahay kaya marami pa kong oras para makapag ayos at tumulong. Hinatid muna ako ng pinsan ko dito, para makapag aayos na din daw sya.

Dad talk to him muna kaya umakyat na din agad ako, nagscroll muna ako sa social media bago pumunta sa cr para maligo, almost 1 hour akong nakababad sa bathub ko.

And now I'm wearing bodycon dress above the knee naman ito, pair of diamond earings and diamond necklace and a pair of cream ankle strap heels. Naglagay lang ako ng silver pin sa gilid ng buhok ko malinis tignan.

Bumaba na ko after and I saw my cousin with his parents agad ako lumapit sakanila at bumeso. After non narinig naming may binati si dad at nakita ko ang kaibigan niya, si tito Edwin super close sila dati pa kaya nakikita ko na din ito minsan except sa anak niya na magiging future husband ko daw, eww.

Nakita ko sa likod ni tito Edwin, ang isang matangkad na lalaki siguro 6 footer sya, malaki ang pangangatawan at moreno ang kulay ng balat, he have those almond shape brown eyes, pointed nose, small pink lips, perfect jaw line and girl he's clearskin.

Tinaas at inaayos niya ang buhok gamit ang kamay, napansin ko din ang damit niya he's wearing black suit, inside of it is white polo and black shoes, he's also wearing a necklace and silver rolex naka unbutton naman yung polo niya kagaya dun sa instagram.

Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya at laking gulat ko ng bigla syang tumingin sakin at ngumiti.

Ewan ko ba pero ang ganda ng ngiti niya as in, also his teeth are so damn prefect like him, well that's the truth he's almost a perfect guy i've never seen in my life.

"Ethan fortelojo" I whispered to myself.

________________________________

Enjoy reading and god bless y’all!!

alxandracolecreators' thoughts