webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Since Birth

4 pm nang matapos ang klase nila, medyo madami ng pinapagawa pero mga notes pa lang naman ito. Ang iba naman ay nagdiscuss at sigurado siyang may surprise quiz ang ibang prof niya sa ibang araw.

"Ano balak niyo ngayon?" inaayos niya ang mga gamit niya at kinuha ang ilang libro sa locker.

"Deretso uwi na ko, siguradong may quiz bukas" nagreretouch naman ng make up si Joana. Ugali talaga nito ang mag-ayos kahit pauwi na.

"Ako din, saka may family dinner ulit kami ngayon. You know okay na okay naman ang step mom and sister ko so no problem, tanggap ko na sila"  kasalukuyan namang nagbabasa ito ng libro habang hinihintay sila.

Napatingin naman agad kami ni Joana sa kaniya at ngumiti. Tila napansin naman nito ang tingin namin kaya nag-angat ito ng nagtatakang tingin sa amin.

"Oh bat kayo nakatingin?" kunot noo naman itong nagtanong sa kanila.

"That's good! enjoy mamaya ha, and don't forget to study later. Baka masyado kang mag-enjoy at makalimutan ang paniguradong surprise quiz bukas, you too Natasha."

Tumango naman kaming dalawa ni Mishy kay Joana. Ito kasi ang pinakaseryoso samin pagdating sa acads.

"I'm sure sir Scoval is planning to give us quiz for tomorrow" inaayos niya naman ang buhok niya ngayon at naglagay ng pabango.

"Oo nga eh, alam mo naman yun laging si surprise quiz." "Okay class! get one whole sheet of yellow paper" natawa naman kami dahil sa panggaya ni Mishy kay sir Scoval. Buti na lang ay kaming tatlo na lang ang tao dito. Kundi lagot kami kapag may nagsumbong.

"Gwapo pa man din kaso masungit, tatandang binata, no girlfriend since birth daw yun"

"Ohh? kaya naman pala eh! kung hanapan kaya natin ng jowa para hindi na magsungit satin" nagtawanan naman kami, mukhang magandang idea yon para hindi na masungit at mahigpit masyado.

Naglalakad na kami palabas ng school nang magring ang phone ko. Sabay naman silang napatingin sakin, kaya medyo lumayo ako bago sagutin ang tawag.

"Hello?"

"Hey Maze! It's me Ethan, where are you? kanina pa ko naghihintay dito. It's already 5 pm, sabi sakin ni Kat four o'clock daw labasan niyo."

"Oww yeah yeah, I'm sorry may inayos pa kasi ako" walang gana siyang sumagot dito dahil wala siya sa mood. Pinatayan niya naman agad ito ng tawag at nilagay ulit sa bag ang phone.

"Ay pinatayan yung driver?" natatawang sabi ni Mishy, nakipag-apir pa ito kay Joana. Tinapunan niya naman ang mga ito ng masamang tingin.

"Oo nga noh, ambastos mo naman sa driver mo Miss Natasha" tinarayan niya na lamang ang mga ito at binilisan na ang paglalakad.

"Oh teh saan ka pupunta? nandun ang sunod mo nakatingin na sayo!"

Papunta kasi siya sa kabilang side para hindi siya makita, pero laking gulat niya na makita itong nakasandal sa kotse at seryosong nakatingin sa kaniya, napalunok siya dahil sa kaba.

"Lakad na! tatakasan mo pa crushie mo eh go babe!" tinulak tulak pa siya ng mga ito.

"Oo na! tumigil na nga kayo!" papunta na siya sa direksyon ng lalaki nang sumigaw sa kaniya ang mga ito.

"Ingat kayo Nats! mahal ka namin! enjoy kayo!" napapikit na lang siya sa inis. Masyado siyang naiirita sa mga nangyayari ngayon.

_____________________________