webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

She’s Mine

"Ohh by the way, can we borrow our friend?" pagpapaalam ni Katrina dito.

"Yeah sure" tumayo na si Ethan at inabot ang kamay niya sakin. Tinaggap ko naman ito at tumayo na din.

Pumunta na ko sa mga kaibigan ko at ganon din naman si Ethan.

"Kayo ha, may pahawak kamay pa tsk sana all" pang-aasar sa kaniya ni Joana. Inasar naman siya ng tatlo at tinutusok pa ang tagiliran niya. Kaya nagtatawanan na lamang sila at nakikisakay na lang siya sa mga biro nito.

Nag-aya na ang kaniyang mga kaibigan na magswimming kaya nagbihis na din sila ng bikini.

She's wearing a triangle bikini top. Magkaparehas silang tatlo nila Kat at Joana. Color black sa kanya, red naman kay Kat, at dark green naman kay Joana.

Masasabi niyang halos magkasing katawan lang silang tatlo. Kaya wala sa sariling napangiti siya.

"You're sexy" kumindat sa kaniya si Kat. Ganon din si Joana "that's true walang kupas girl."

Nagtawanan na lang sila. Inasar niya din ang mga ito hanggang sa makalabas sila ng restroom.

Pagkalabas nila ay nakaabang pala si Mishy. Nagtataka naman sila dahil hindi ito nakabihis, kung ano suot niya kanina ay ganon pa din hanggang ngayon.

"Hindi ka magsiswimming?" sabay sabay nilang sabi.

"Obvious ba? malamang hindi duh" pabiro itong nag-inarte.

"Bakit nga?" nagtataka niyang tanong.

"Wala ako sa mood magswimming ngayon, saka uuwi na din ako. Hinahanap ako ni daddy nandun pala yung mga step sister and step mother ko" ngumiti naman ito sa kanila to make sure na okay lang siya.

"Are you sure na, okay lang sayo? pahatid ka na namin" nag-aalalang sabi ni Katrina.

"No it's fine, tanggap ko na noh! ano ka ba" pinalo pa sila nito. "Una na ko ah? Ingat kayo. I love you girls" humalik naman ito sa kanila at dali daling umalis.

Naghihinayang siyang kumaway dito dahil nais niya pa sanang magtanong. Mukha namang nahalata siya ng dalawa.

"Hayaan na muna natin si Miguel, kaya niya yun. Magkukwento din satin yun" malungkot na ngumiti si Kat sa kanila, halata sa mukha ng dalawa na nag-aalala din ito.

Sa kanilang apat kasi si Miguel ang pinakalowkey pagdating sa mga problema lalo na sa pamilya. Kaya hindi nila maiwasang mag-alala dito.

Pero maya maya ay dumating si William kasama ang ibang kabarkada nito na galing sa iba't ibang university.

"Hey Nats, mga kaibigan ko nga pala. Iwan ko muna sila sainyo ha? Para may kasama kayo. Enjoy." ngumisi muna ito sa kanila bago umalis.

Maya maya ay narinig niya na ang boses ng dalawa na nakikipag-usap na sa boys.

Hindi niya kayang makipag-usap muna sa ngayon dahil nag-aalala talaga siya sa isa niya pang kaibigan.

Laking gulat niya ng may bumati sa kanya. Mukhang kanina pa siya nito tinatawag.

"Natasha, right? okay ka lang?" nakangiting tanong ng lalaki. Hindi niya naman ito kilala kaya tumango na lang siya.

Hindi siya masyadong tiwala dito sa mukha pa lang halatang play boy.

"Tara sa pool, mukhang malalim iniisip mo eh" hinawakan siya nito sa braso at hinihilala na siya.

"Uhm hindi ko naman kailangan mamaya na lang. Una ka na lang don" nagpupumiglas na siya dito dahil wala na talaga siya sa mood para magsaya.

"Oh come on let's go, nandun na mga kaibigan mo oh" turo nito kela Joana.

"Sorry pero wala talaga ako sa mood mag-" hindi niya na naituloy ang sasabihin ng may humila sa kanya palayo sa lalaki.

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay niya at nilagay siya sa likod. Likod pa lang nito ay alam niya na kung sino to.

"Ayaw niya nga diba? halata naman sa mukha at kilos niya na ayaw niya" diniinan pa nito ang word na 'ayaw'at masama ang tingin sa lalaki.

Ngayon niya lang ito nakitang galit, mukhang nagpipigil lang manuntok.

"Sino ka ba ha? inaaya ko lang naman siya sa pool" maangas na sabi ng lalaking hindi niya naman kilala.

"Wala kang pake. And pwede pa don't touch her again, she's mine" matalim na sabi nito. "narinig mo ba? akin siya dude back off."

Nanlaki ang mata ng lalaki, pati na rin siya ay ganon ang naging reaction. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa sinabi nito.

Hinila na siya nito palayo, papasok sa bahay at binigyan ng robe para takpan ang katawan niya.

"Wear it" malamig na sabi nito.

Sinunod niya na lang ang sinabi nito. Kakasuot niya pa lang ay lumabas na ulit si Ethan.

Hindi niya alam pero lahat ng iniisip niya kanina ay nawala, napalitan ng ngiti ang pag-alala niya.

It's weird, right?

_____________________