webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

I Hope

Tulad ng nakasanayan ay agad akong nagising ng maaga. Kahit papano pala ay sanay pa rin ang katawan niya sa paggising ng maaga katulad dati.

But I really missed my home, si Dad na strict pero malambing, sila ate jecella na maingay at masisipag. Umiling siya at bumangon na, dumeretso naman siya sa cr para maligo. Pagkatapos niya blinower niya naman ang bagong gupit niyang buhok, mas maayos ito tignan kaysa sa mahaba. Mabilis kasi ito ayusin at hindi masyadong mainit sa pakiramdam.

She's wearing a simple outfit. Black shirt, cream pants, and a pair of white shoes. Ganon lang kasimple ang gusto niyang pormahan kapag nasa school siya, comfortable gumalaw.

Nireready niya na ang mga gamit niya, sinabit niya sa left shoulder ang black jacket dahil malamig sa room. Dalawang aircon kasi ang nasa loob, at sobrang lakas pa nito kaya lagi siyang nagdadala ng hoodies.

Kakakuha niya pa lang ng susi ng kaniyang sasakyan, nang makarinig siya ng pagkatok sa kaniyang pintuan. Hinanda niya muna ang sarili bago ito buksan, nanlaki ang mata niya ng hindi inaasahan tao ang nasa harap niya. Mukhang maaga din ang pasok nito.

Nakasuot ito ng gray dress shirt, black pants, and a pair of white shoes. Nakasabit naman sa right shoulder nito ang black backpack.

Tingin niya tuloy ay matchy sila dahil sa kanilang suot, halos parehas kasi sila ng pormahan nito. Sobrang gwapo pala talaga ng lalaki kahit anong suot, isama pa ang mabangong amoy nito na kapag dumaan sa harap mo ay naiiwan ang amoy. Isa ito sa mga pinaka nagustuhan niya kay Ethan. His scent is really attractive for her.

"Hi goodmorning!" nakangiti itong bumati sa kaniya. Feeling niya namumula ang kaniyang pisngi dahil sa kilig, she really love his smile.

"H-hello goodmorning!" napapikit naman siya dahil medyo nahihiya siya. Masyadong obvious dahil nauutal pa.

She heard him chuckled a bit. Kahit ata tawa nito ay nakakapanindig balahibo, everything he's doing ay mapapatitig ka talaga sa kaniya.

Iniwas niya ang tingin dahil baka mabasa nito ang mga iniisip niya. Masyado na ata siyang nahuhulog dito.

"Nag breakfast ka na?" nakikita niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang titig nito sa kaniya. "I hope not yet" bulong nito.

Napalingon siya dito dahil hindi naging malinaw sa kaniyang pandinig ang huling sinabi nito.

"What did you say?" kunot noo niyang tanong.

"Sabi ko kung kumain ka na ba?" seryoso lang ito habang nagsasalita, pero sa loob loob ng lalaki ay hinihiling na hindi nagkukunyari si Maze na hindi narinig ang sinabi niya.

"Hindi yan, yung huli! may pabulong bulong ka pa diyan! pero hindi pa ko kumakain"

"Edi tara na, kaaga aga ang init na agad ng ulo mo diyan" hinila na siya nito. Napatingin naman siya sa maghawak nilang kamay.

Bagay na bagay ang malaki at maugat na kamay nito, sa kamay niyang maliit at manipis. Parang ginawa talaga ito para sa isa't isa.

Pinagbuksan siya nito ng pintuan at pumasok naman siya agad. "Gentleman" wala sa sariling banggit niya bago pumasok si Ethan sa loob.

"Saan mo ba gusto kumain?" nagdadrive na ito palabas sa parking lot.

"Take out na lang. Maaga first class namin eh, sorry" she give him an apologetic smile. Ginulo naman nito ang buhok niya.

"Sure Maze, It's okay. Gusto lang talaga kita ihatid kaso hindi ka pa pala kumakain saka maaga din ang class ko eh, maybe next time." ginulo naman nito ang buhok niya dahilan para mapangiti siya.

"Oh hindi ka na naiinis kapag ginugulo ko ang buhok mo? dala ba yan ng gutom? yung totoo gugutumin na lang kita lagi kung ganon" natawa naman siya dito, mukha kasi itong nagbibiro pero napakaseryoso ng mukha.

"Ang assuming mo dude! manahimik ka na lang diyan"

Hindi niya pwedeng sabihin ang totoong dahilan. Dahil alam niya sa sarili niya na natutuwa siya sa kahit anong ginagawa nito para sa kaniya, dala ito ng pagkakagusto niya sa lalaki, ang mga bagay na ayaw niya dito dati, ay yun namang ikinatutuwa niya ngayon, at yun ang ayaw niyang sabihin sa lalaki dahil alam niyang mahuhulaan agad nito kung ano ang ibig niyang sabihin.

Umorder lang sila ng pancakes at hot chocolate. Parehas pala sila ng balak na sa school na lang kumain.

Pagkarating naman sa school ay nagpasalamat siya dito.

"You're always welcome, mamaya susunduin ulit kita" ngumiti ito sa kaniya.

"Nako! wag na kaya ko naman sarili ko, pwede naman akong sumabay sa mga kaibigan ko" nahihiya siyang ngumiti, pero sa totoo lang gusto niya talaga ang idea na yon.

"No, susunduin kita hindi naman kita tinatanong eh" sinamaan niya ito ng tingin, may pagka sarcastic kasi ang pagkakasabi nito.

"Bahala ka sa buhay mo! hindi ako magpapakita sayo mamaya" tinarayan niya ito at padabog na sinarado ang pinto ng sasakyan. Hindi naman talaga siya naiinis, kanina niya pa nga pinipigilan ang ngiti dahil gusto niya lang malaman ang reaction nito. Siguradong naguguluhan 'to sa inasal niya.

Palihim niya itong nilingon at nakitang nandun pa ang sasakyan. Agad naman siyang pumasok at dumeretso sa room.

"Omg Natasha! ang ganda ganda mo!first time mo magpagupit ng ganiyang kaikli" hinawakan nito ang buhok niya, ang aga aga ang ingay ingay ng baklang 'to.

"Anong sabi ni papi Ethan sa buhok mo? nagkita na ba kayo?" curious na nakatingin si Joana sa kaniya, nakatingin din si Mishy sa kaniya at hinihintay siyang sumagot.

Tumango naman siya sa mga ito at binigyan sila ng maliit na ngiti. "Actually sabay kaming pumasok ngayon and bumili din kami ng breakfast." Pinakita niya naman sa dalawa ang supot na may lamang pagkain at ang cup ng hot chocolate. "But he didn't say anything, hindi ko nga alam kung napansin niya ba yun o ano eh."

Totoo naman ang sinabi niya, hindi siya sigurado kung napansin ba nito ang maliit na pagbabago sa kaniya. Kung hindi pa tinanong ng kaniyang mga kaibigan ay hindi niya maalala ito. But she managed to smiled at them, bumakas na kasi sa mga mukha nito ang pag-aalala.

Hindi pa rin talaga nagbabago ang pag-ooverthinking niya, iniisip kasi niya na mapapansin ni Ethan ang bago sa kaniya, siguro nga malabo talaga na magustuhan siya nito. Ito ang unang beses na nakaramdam siya ng ganto, pagmamahal sa isang tao at ang masaklap pa, mukhang siya lang ang sasalo sa sarili.

"Kung ano man iniisip niyo, okay lang ang lahat"

"Are you sure babe?" bakas na pati sa tono nito ang pag-aalala.

Alam kasi ng mga kaibigan niya na mabilis siya masaktan kapag hindi naaappreciate ng ibang tao ang pagbabago niya, it's one of her problem sa sarili niya. But she's improving, hindi niya na dapat binabalikan ang nakaraan. Kahit maliit kasi na bagay lumalaki minsan sa kaniya, pero hindi naman lahat. Hindi niya alam kung siya lang ba ang ganon o masyado pa siyang immature sa mga ganoong pakiramdam.

"Of course I'm fine! masyadong maliit na bagay yun"

But I hope he noticed me.

_____________________________

Hi guys! sorry ngayon lang nakapag-update, super busy lang sa studies! pero i’ll try best mwa mwa!

alxandracolecreators' thoughts