webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

I’m So Tired

Unang subject ay ang terror prof nila ang pumasok. Wala naman itong ibang sinabi kundi ang mga rules at kailangan gawin sa class niya. Lahat naman sila ay nakikinig. Si Mr. Chu ang chinese nilang prof ang mahigpit talaga.

Sa dalawang subject naman ay si Mrs. Laurel. Mabait ito at mahinhin, one of their favorite professor. Mahigpit din naman ito sa mga requirements pero normal na ito lalo na't college na sila.

After 3 subjects ay lunch na, dumeretso sila sa cafeteria at pumwesto sila sa favorite spot nila. Nagkukwentuhan habang nakain. May bumabati sa kanila at nakikipag-usap saglit kapag napapadaan sa table nila.

Pagkatapos naman ay agad din silang bumalik sa room. Silang tatlo ang hindi nagkakahiwalay dahil pare parehas sila ng tinetake na subject.

After four hours ay natapos na din ang first day of classes nila. May mga notes lang na binigay ang iba niyang professor.

Nag-aya naman agad si Joana magmilk tea sa malapit na mall para deretso gupit na din siya. Mautak din ang isang to, gusto lang magpalibre dahil sinamahan siya nito. Mayaman pero kuripot.

Bumili na sila ng milk tea at naglakad lakad muna dahil bawal sa loob ng salon ang food. Hindi na sumama si Mishy dahil may importante daw itong gagawin, hinayaan na lang nila ito.

Pumunta na sila sa sikat na salon at binati siya ng mga tao dito. Suki na din siya dito dahil dito din siya nagpapa-manicure and pedicure.

"Hi Queen Natasha! Welcome back you to your home. Just kidding." Biro sa kaniya ni Tanya. "Oh hi Joana! How are you? shala ha ginupit ang hair. Bagay sayo" Tumawa naman silang dalawa dito.

"I'm fine Tanya! I just want to try this new look. Bagay naman daw."

Si Tanya ang may ari ng salon na ito, pinsan ni Mishy. Kaya din nila nakilala ito at naging close dahil sa kaibigan nila. Ito din ang nagsusuggest sa kanilang magmodel. But they decided to follow their dreams, their priority. They want to be a hero for everyone. A hero wearing white coats not capes.

Nagpaalam na ito sa kanila na may pupuntahan at makikipagkita sa boyfriend nito. Napadaan lang daw kasi ito, para na din i-check ang mga tauhan niya.

Pagkatapos siya gupitan hanggang kili kili ay agad siyang pinuri ng mga nagtatrabaho dito.

"Ang ganda ganda niyo ma'am"

"Oo nga ma'am parehas po kayo ng kaibigan niyo."

"Thank you. You're beautiful too guys" ngumiti siya dito lumapit na sa kaibigan niya.

"Wow you're so pretty! baka mainlove sayo si Ethan niyan"

"Okay na sana eh! kaso yung huli malabo yun!" lumakad na sila palabas at balak ng umuwi. Kailangan din nila ng mahabang pahinga para bukas.

"Ang nega mo girl!" nagtawanan na lang sila.

Nang makauwi ay saglit siyang nagpahinga at naligo na. Agad agad namann siyang humiga dahil nakakaramdam na siya ng antok kahit maaga pa. Iniisip niya din kung ano ang magiging reaction ng binata kapag nakita siya nito. Pero kailangan niyang magpahinga kaya ipinikit na lang niya ang mata at hinayaan ang sariling makatulog. Hindi na sanay ang katawan niya sa ngayon.

"I'm so tired for today."

______________________________