webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

I’ll Do Everything for You

Nagscrub siya ng katawan at nagbabasa sa thub. This is her first date with Ethan kaya pag hahandaan niya ito. Paglabas niya ay agad siyang naghanap ng masusuot. Napangiti si Maze sa pormang naisip niya.

She's wearing a color black fitted crop top off shoulder, white tennis skirt, a pair of diamond earrings, necklace and a white high heels. Nagdala din siya ng shoulder bag na kulay black.

Humarap siya sa malaki niyang salamin at tinitigan ang sarili, naglagay lang siya ng simple make up at hinayaang nakalugay ang buhok pero nilagyan niya ito ng silver hair pin sa gilid ng buhok niya.

Maya maya pa ay narinig niya na ang pagkatok ni Ethan. Agad naman niyang binuksan ito ay nginitian ang binata.

"Hey Maze, you're beautiful" nakangitng bati sa kanya nito. Ngumuti siya at kumaway dito, dahilan para tumawa ang binata.

"Hey Ethan, you're handsome today" panggagaya niya sa pagbati nito, and she sweetly smiled at him.

"Silly thank youu, but I'm always handsome and you know that" he winked at her, dahilan para tarayan niya ito.

"Tara na? para maaga din tayo makabalik mamaya." he offered he's hand to her. And she genuinely accept it.

Pagkarating nila sa sasakyan nito ay agad siyang pinagbuksan ng pintuan, napangiti naman siya sa pagiging gentleman nito. Unang kita pa lang niya dito ay alam niyang mabait at maalalahanin ang binata.

Nagtataka siya dahil hindi sa direksiyon papunta sa mall ang tinatahak nila, nagtatanong na tingin ang ibinigay niya dito, ang mas pinagtataka niya pa ay maganda ang ngiti nito habang nagmamaneho.

Hinayaan niya na lang ito at tinanaw ang mga building. Napalingon siya kay Ethan dahil sa pagtikhim nito, tila binabasag ang katahimikan sa loob. akala niya may sasabihin ang lalaki, pero narinig niya bigla ang paborito niyang kanta ng Lany.

Napangiti siya at mas naging comfortable sa upuan.

"Favorite mo?" nakangiting tanong ni Ethan, sa ngiti pa lang nito malalaman mong parehas sila ng gusto.

Tumango siya bilang sagot dito, saka tumingin sa magagandang mata nito. "Yup, maganda kasi ang mga kanta nila masakit pero relaxing" tumingin siya sa bintana at umayos ng pagkakaupo, medyo nilalamig na din siya dahil sa pagkakasagad ng aircon.

"Parehas pala tayo ng gusto, and yeah that's true. Magkavibes tayo dito ah" nagtawanan na lamang sila.

Naramdaman ni Ethan na parang nilalamig na si Maze, kaya agad niyang kinuha ang hinandang blanket dahil sa 30 minutes na layo ng kanilang pupuntahan. Hindi ito sobrang layo pero nakasagad kasi ang aircon kaya mabilis itong lalamigin, hinaan niya din ito at binigay sa dalaga ang blanket.

"Here, take it" kinuha naman agad ni Maze ang blanket at binalot sa katawan niya.

"Thank you Ethan! di mo naman kasi sinabi na sobrang lamig pala sa sasakyan mo, edi sana iba na lang sinuot ko" nakangiti niyang sabi.

Hanggang ngayon ay hindi mawala sa isipan niya ang pagiging gentleman at pagiging mabait nito. Dahil sa panahon ngayon alam niyang konti kalalakihan lang ang makakagawa o may ugali na ganon sa isang babae, and she knows that Ethan is really a man who can take care of you whatever happens. Sa kaisipan niyang yon ay napangiti siya, dahil tama ang tatay niya sa lahat ng sinabi nito una pa lang.

"tsk I'm sorry sanay lang kasi ako ng ganoong kalakas ang aircon kapag ako lang mag-isa. But you don't need to change your clothes it fits you and you're gorgeous, so again I'm sorry" he give her an apologetic smile.

"No! it's okay, don't worry" hinawakan niya ang lalaki sa braso nito at ngumiti. Nagfocus na ito sa pagmamaneho.

Tumigil sila sa mamahaling restaurant, kaya ikinabigla niya ito dahil malayo sa expectation niya ang pupuntahan nila. Akala niya kasi sa mall lang na malayo ang pupuntahan nila o mamasyaI lang kung saan. Isa kasi itong fancy restaurant kung saan mga couples lang ang nandito for dating. Hindi niya mapigilan ngumiti at mamula ng marealize niya ito.

Nagpark na sila at unang lumabas ang binata, inilahad nito ang kamay sa harapan niya at agad namang tinanggap.

Inalalayan siya nito habang hawak ang bewang niya, sa ganoong hawak pa lang ay alam niyang safe siya at mas naging comfortable. Dere-deretso lang ito sa pagpasok at sa magandang pwesto sila pumunta dahil doon tinuro ng lalaking nagbabantay.

Mukhang nakapag reserved agad ito at pinaghandaan talaga. Inayos nito ang upuan at ibinigay sa kanya, lumapit agad ang babaeng kukuha ng oorderin nila. Sinabi niya naman sa binata ang gusto niyang kainin.

Ramdam ni Maze na iba ang tingin ng babae sa kanyang kasama. Nagtama ang paningin nila nito, nginitian niya ito ngunit nag iwas lamang ng tingin ang babae at nagmadaling umalis, na ipinagtaka niya naman.

"Ngayon niya lang ata narealize na may kasama ako at kanina pa siya tinititigan" natatawang sabi ni Ethan, tumawa na din siya bilang pagsang-ayon dito.

"Oo nga eh" tumatawa pa din siya hanggang ngayon. Bigla namang napatingin si Ethan sa bintana kaya sinundan niya din ng tingin ito.

Namangha naman siya sa kaniyang nakita at automatic na napangiti. Garden ang nasa baba nila, iba't ibang uri ng puno, halaman at mga bulaklak ang nandoon. May mga ibon din na lumilipad sa paligid, may ibang kulay pa. Nakadagdag sa makulay na tanawin.

"I brought you here because I know you love this kind of view. Amazing, right?" ramdam niya ang pagtitig nito sa kanya at nakikita niya sa gilid ng mata na nakangiti ito habang pinagmamasdan siya. Hindi maalis ang tingin sa magandang tanawin sa ibaba.

"How did you know? my Dad told you?" nagtataka niyang tanong pero hindi pa rin inaalis ang paningin sa garden.

"Nope" umiling ito "naramdaman ko lang kanina habang pinagmamasdan mo yung mga puno at bulaklak sa harap natin"

Nagulat siya dahil sa sinabi ni Ethan, nagugulahan siya dahil pano naramdaman nito na gusto niya ang mga ganoon view.

Mukhang nabasa naman ni Ethan ang reaction niya.

"I just saw it, sa mga mata mo habang nakatingin ka doon. Parang kahit malungkot ka, iba pa din yung kislap ng mata mo, dun ko naramdaman at nakita na gusto mo ang mga ganoong tanawin. I think yun yung nagpapasaya at nagpapagaan ng loob mo"

"Kaya pinili ko ang lugar na ito, my  uncle own this resto. Kaya hindi ako nagdalawang isip na magpareserved at dalhin ka dito. Kakakilala lang natin pero I want you to be happy." ngumiti ito sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

"So please let me to do that for you" tinitigan niya ito at tumulo ang luha niya sa hindi malamang dahilan, siguro dahil sa saya, na may taong kakakilala pa lang ay gumagawa na ng paraan para maging masaya pa siya.

"Hey! don't cry, please don't cry. Baka akalain ng mga tao dito pinapaiyak kita, hell no" naalis ang pagkakahawak ng kamay nito sa kamay niya at dali daling kumuha ng tissue.

Pinunasan niya ang sariling luha gamit ang sariling kamay at ngumiti sa binata.

"Baliw ka, I'm just happy tears of joy lang ito. don't worry wag ka ngang magpanic!" natatawa pa din siya dahil hindi mawala sa mukha nito ang pag-aalala.

Buti na lang ay dumating ang pagkain nila. Habang kumakain ay nagkukwentuhan sila at nagtatawanan.

Natapos na silang kumain at inaya siyang lumabas para pumunta sa baba kung nasaan ang garden. Nakaramdam siya ng excitement. Habang papunta doon ay hindi niya mapigilang mapatingin sa kamay nilang magkahawak. Nakaramdam siya ng parang may gumagalaw sa tiyan niya parang butterflies.

Pinagsawalang bahala niya na lang iyon. Pagbaba nila ay agad na bumungad ang mga bulaklak, puno at halaman. Naririnig din nila ang ilang huni ng ibon.

"It's beautiful, right?" tanong ng binata habang nakatingin sa bulaklak. "Yup it's wonderful, that's why I really love this kind of view."

Humiwalay siya dito at pumunta sa white ng bench, hinawakan niya ang kulay puti na rosas sa tabi niya. Nilibot niya ang paningin at nakita ang lalaki niyang kasama ay may kausap na matanda ng babae. Sa suot pa lang nito ay malalaman mong ito ang nag-aalaga sa naggagandahang halaman na ito.

Tumingin siya bandang kanan at nakita ang matingkad na kulay pulang rosas ang nandoon, at sa harap non ay puro sunflowers. Ang dalawang uri ng bulaklak na iyon ang paborito niya sa lahat, kaya hindi niya maalis ang paningin doon.

Iniisip ni Maze kung maaari ba siyang pumitas o kumuha man lang doon. Ngunit nahihiya siya dahil alam niyang pinaghirapan ito ng ibang tao. Nagbuntong hininga na lamang siya dahil sa disappointment.

Nakita ni Ethan na nakatingin si maze sa mga roses at sunflowers sa kanan niya. Nakita nito sa mga mata ng babae na gustong kumuha kahit isa man lang doon.

"uhm aling Rose? pwede ho ba akong humingi ng rosas at sunflowers? para lamang po sa kasama ko" nakangiti niyang pagpapaalam pero hindi niya mapigilang mapakamot sa ulo.

"Ay nako Ethan hijo hindi ka maaaring pumitas diyan pero may nakahanda ng mga bulaklak para sa kasama mo." ngumiti ito sa kanya at tinapik ang balikat niya. Umaliwalas ang mukha ni Ethan dahil sa sinabi nito.

"Talaga po? babayaran ko po kahit magkano!" masigla siyang tumingin sa matanda, tumawa ito sa reaction niya. "Nako hijo libre lamang ito para sa iyo, halika't sumunod ka sa akin.

Agad namang sumunod si Ethan sa matanda para makuha ang bulaklak. Hindi niya mapigilang mapangiti ng makita ang bouquet of flowers pero ang nandon ay magkasamang mga roses at sunflowers. Kinuha niya agad ito ay binigyan ng pera. Nung una ay hindi pa ito pumayag pero dahil makulit siya napilitan itong tanggapin na lamang.

Nagtataka man si Maze kung bakit biglang umalis ang binata kasama ang kausap nito kanina, pero hinayaan niya na lang muna ito. Tumayo na lang siya at pumunta sa mga paboritong bulaklak.

Hanggang ngayon si Ethan pa din ang laman ng isip niya, at ito ang nagbibigay ng kakaibang pakiramdam sa tiyan niya.

Naiisip niya ang napakagandang mata nito na kapag tinititigan niya ay iba ang kislap, mga matang tuwing nakatingin sa kaniya ay pinag-aaralan ang bawat galaw at ugali niya. Perpektong panga na kahit nakaharap o side view ito, halatang halata pa din. At mga ngiting nakakahawa, at alam niyang maraming kababaihan ang nahulog dito.

Hindi niya namalayan na nasa likod na pala ang binata at kinalbit siya. Pag harap niya ay inabot agad sa kanya ang dalawang paborito niyang bulaklak.

"Hey, sorry iniwan kita humingi kasi ako kay aling Rose ng mga bulaklak na kanina mo pa tinitignan.And yeah take this" kinuha niya agad ito yumakap kay Ethan

"Nakakainis ka, ilang beses mo na ko napangiti, I hate you" nagpout siya dito, "joke lang thank you! thank you. These are my favorite flowers, I appreciate this" hindi na maalis ang ngiti niya habang nakatingin sa binata.

Yumakap ito sa kanya at may binulong.

"of course I'll do everything for you, Maze"

_______________________

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

alxandracolecreators' thoughts