webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Grow Together

"Tara canteen na tayo, I'm hungry na" nagbabasa na naman ito ng libro dahil baka may quiz na naman mamaya, may isa pa kasi silang prof na mahilig din magsurprise quiz.

"Ano ba yan Joana kanina ka pa nagbabasa! mamaya matalisod ka habang naglalakad tayo eh! pagtawanan pa kita kapag nangyari yon" natawa naman silang dalawa ni Mishy.

'Pag talaga kasama ko sila walang kapantay yung sayang nararamdaman ko. Nakakalimutan ko lahat ng stress, pagod at problema ko.

"Talent ko 'to! manahimik ka diyan. Ikaw nga di pa ata nagrereview" tinarayan sila nito.

"Gaga ka! nagreview na ko kagabi. Ikaw nga ngayon lang nagrereview"

"Excuse you vakla nagbabasa lang ulit ako noh! hindi katulad mo isang beses lang nag-aaral"

"At least mataas pa rin grade and scores ko"

Natawa siya sa kakulitan ng kaniyang mga kaibigan. Sa kanilang apat itong dalawa ang laging nagtatalo.

"Ikaw nag-aral ka na?" tanong sa kaniya ni Mishy. Kumakain ito ng chicken kaya medyo malaki ang boses nito.

"Don't speak when your mouth is full" mahina niyang tinampal ang pisngi nito dahilan para matawa siya, mukha kasi itong bata. "by the way, yeah I already did"

Ang bilis naman ng oras uwian na agad. Napagdesisyunan naman nila Joana na mag-ikot muna sa MOA, kasama si Kat. Namiss kasi agad nila ang maggala nang kumpleto.

"Hey lasallians! how are you guys?" niyakap sila ni Kat isa isa.

"We're fine kakagaling lang sa stress. Just kidding" biro niya.

"Oh bakit ganyan mata mo? may nangyari ba? tell me" hinawakan siya nito sa kamay at tinitigan sa mata. She really have those cat eyes, so pretty.

"Mental breakdown while reviewing, and kulang sa tulog" iniwas niya ang mata at tumingin sa mga restaurants.

Si Katrina kasi ang pinakamabilis makahalata. She's an observer kaya mahirap na. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita ang favorite korean resto niya.

"Omg! kain tayo dun!" natuon naman sa restaurant na tinuro niya ang atensyon ng mga ito nang ikinahinga niya ng maluwag.

"Lezzgo na!"

"Grabe namiss ko kayo! ang boring sa ateneo ako lang mag-isa. And sobrang kj ng mga friends ko dun kaya ayun puro bakla lang din kavibes ko but at least sobrang saya" ngumiti pa ito habang nagtitingin sa menu.

"Pinagpapalit mo na ko dzai?" nakapout na tanong ni Mishy.

"Ang cute mo! but never! super love kita noh"

"Buti naman noh! tulak kita sa mga yun eh makita mo" nagtawanan kami.

Umorder kami ng seasoned pork ribs, korean style raw beef, etc and of course rice.

Marami silang makakain nito dahil mahilig sila sa korean foods.

Pagkatapos kumain ay napahawak sila sa kanilang tiyan at natawa nang dumighay si Mishy ng malakas.

"Ingay mo pasalamat ka walang ibang nakarinig kundi kami lang" nagtawanan naman kami.

Medyo natagalan pa kami bago lumabas dahil dinaldal at napagpicture pa si Kat at Mishy sa gwapong customer kanina, korean kasi ito at marunong magtagalog kaya agad pinuntahan ito.

"Ednals yung dalawang yun" bulong sa kaniya ni Joana.

"True buti pa tayo minsan lang"

Namimili naman sila ngayon sa innisfree para sa beauty guru nila. Bukod sa pamimili ng damit ay hilig din nilang mamili ng mga beauty products. Yung tatlo ay mahilig sa make up, samantalang siya ay mahilig naman sa face masks and moisturizers. Simpleng make up lang kasi ang ginagawa niya at marami pa siyang stock ng make up sa condo at mansion.

Pagkatapos naman ay bumili naman sila ng damit, konting damit lang dahil may iba pa silang dala.

Seven o'clock nang matapos ang pamimili niya, kaya agad naman silang naghiwa-hiwalay para makauwi na. Pagkadating naman sa bahay ay inayos niya muna ang mga pinamili at nilagay sa tamang lagayan.

Naliligo naman siya ng maalala na may quiz sila bukas sa anatomy, maikli lang magdiscuss ang prof nila don pero sobrang haba magpaquiz kaya kailangan niya mag-aral.

8 pm pa lang ay nagstart na siyang mag-aral, neon highlighter ang gamit niya para mabilis mamemorize. Nagtimpla na lang siya ng gatas at naghanda ng tinapay sa side table niya. Ayaw niya mapuyat ngayon kaya maaga siya nagsimula at gatas ang tinimpla.

Hindi niya namalayan ang oras three hours na pala siyang nag-aaral, habang nililigpit ang gamit ay napalingon siya sa kaniyang phone nang umilaw at nagvibrate ito.

From: Katrina

'Usap tayo bukas, 4 pm uwian niyo diba?'

To: babyluvs

'yeah, bakit?'

From: Katrina

'Good same lang tayo ng time. Wala lang I just want to talk to you'

To: babyluvs

'okay saan tayo?'

From: Katrina

'sa condo mo na lang, diyan ako matutulog hehehe pwede ba?'

To: babyluvs

'sure why not! see you tomorrow'

From: Katrina

'Ahh! goodnight and sweetdreams! thank you Nats! love youu!'

Napangiti siya sa kakulitan nito. Pero ramdam niyang itatanong nito kung ano ang totoong nangyari sa kaniya, halata naman na hindi ito na convince sa sinabi niya.

Pilit niya namang iniiwasang isipin ito, buti na lang at hindi rin nagpapakita ito sa kaniya, dahil niya alam kung mahaharap niya ba 'to o iiwasan niya ng paulit ulit. Aaminin niyang malakas ang epekto sa kaniya ni Ethan pero hindi niya masisisi ang sarili dahil ito ang unang beses na umibig siya at hindi sigurado kung may kasunod pa.

Ang iniisip niya lang naman tungkol dito ay kung okay lang ba ito. Dahil lahat ng sakit ay nailabas niya na. Hindi ito naging madali sa kaniya pero naging desidido siya para makalimutan ang sakit pansamantala. May mga bagay muna siyang dapat unahin.

Love yourself first, bago ka sumugal.

Para hindi ka puro bigay lang, hindi mo hahayaang maubos yung sarili mo. Para maging contented ka sa kung ano meron ka at tanggapin lahat ng pagdadaanan mo mag-isa o kayong dalawa. Because everyone needs someone who can grow with them, in short grow together is better than fighting alone. Grow together is the type of love that hits so different.

________________________