webnovel

Come Back To Me

Walang kasiguraduhan ang pagbabalik pero nanatiling umaasa na masilayan muli. Lumaki si Natasha na controlado siya ng kanyang ama. Nang dumating ang panahon na nakamit niya na ang 'freedom' na nais niya, may malaking kapalit din pala ito. Walang kasiguraduhan ang mga pwedeng mangyari pero umaasang maging masaya siya muli. Hindi niya inaasahang mabilis nahulog ang kaniyang loob sa maikling panahon. At hindi naiwasang masaktan ng paulit ulit. Magkakaroon nga ba siya ng pag-asang sumaya ng habang buhay sa taong yon o patuloy pa rin siyang masasaktan nito.

alxandracole · Adolescente
Sin suficientes valoraciones
42 Chs

Be With Her

Ethan Dave Fortelojo

Tomorrow na ang pasukan namin so nagreready na ko ng mga gamit, nilalagay ko sa bag ko ang mga papel, ballpens and of course highlighters. Ito ang pinakaimportante sa kaniya while reading books. Nabili niya na ito lahat kahapon pa kasama ang kapatid niya, para ngayon ay mag-aayos at nagpapahinga na lang siya.

Kumain na rin siya ng lunch kasama ang mga kaibigan niya. Kumpleto sila kanina dahil ngayon lang ulit sila nakapagbonding ng kumpleto.

It's already four o'clock in the afternoon. Mamayang six o'clock ay bibisita siya kay Maze, he really miss her. Ilang araw niya din itong hindi nakita.

Aaminin niya matagal na siyang may gusto kay Maze. Hindi pa siya nito kilala ng magkagusto siya dito. Lagi niya lang itong nakikita sa kung saan saan, naisip niya baka gumagawa ng paraan ang destiny. Pero hindi siya naniniwala sa mga ganon.

Hindi niya na alam ang gagawin niya ngayon. Nasa kamay niya na ang gusto niyang makamit dati pa lang, pero ngayon umaatras na siya. Alam niyang hindi pa sapat ang mga bagay na binigay o ipinaramdam niya dito, hindi pa sapat yon para malaman ng dalaga ang nararamdaman niya. At naghahanap siya ng tamang panahon para umamin dito.

Napapangiti na lang siya kapag nakikita niya itong masaya kasama siya. He's really thankful to God, to let him get her and to be with her. Matagal niya na itong pinangarap, ang makasama ang babaeng matagal niya ng mahal at tinatanaw lang lagi sa malayo. At simula ngayon hindi na siya makakapayag na umalis na lang ito bigla sa buhay niya.

And he's always jealous kapag may kasama o kausap itong lalaki. Lumalabas ang possessive side niya, at ayaw niya itong masakal kapag masyado naging mahigpit kapag naging sila na.

Hay napapangiti na lang ako tuwing naiisip ko na, we're happy to have each other. Pero sa tuwing makikita niyang may kausap itong iba, nasasaktan siya. He's really a soft hearted guy. At yon ang pinakaayaw niya, ang maging matapang at malakas sa harap ng iba tao.

Dahil kapag lalaki ka dapat malakas ka sa lahat ng bagay. If you're not strong like other boys, iisipin nila na masyado kang mahina para maging lalaki. And because of that itinago niya ang pagiging soft hearted, nasanay na siya maging malakas sa kahit anumang bagay and he's improving.

Umiling na lamang siya at nagpatuloy sa pag-aayos. Gutom na siya ngayon pero hinahayaan niya muna dahil balak niyang yayain kumain sa labas ang dalaga. He's really happy with her, kahit makasama o makausap niya ito sobrang saya niya na. Lalo na ngayon na they already have closure na, he's really falling in love with her. Deeper.

Pagkatapos ko mag-ayos ay agad akong naligo. Hinanda ko na ang susuotin ko mamaya, simple lang ito dahil kakain lang naman kami sa labas. I'm hoping na nasa condo na nasa condo na si Maze. Kanina kasi ay sinubukan kong katukin ito ngunit walang sumasagot kaya may hinala akong umalis ito.

Nagsuot lang ako ng white t-shirt, gray pants and white sneakers. Naglagay lang siya ng konting pabango dahil may natural na bango ang amoy niya. But to impress Maze naglagay pa din siya.

Kinuha niya na ang mga kailangan niyang gamitin bago lumabas. Sa totoo lang kinakabahan siya, lagi naman. Baka ireject siya ni Maze, baka pagod yun o wala pa sa bahay.

Nakalimang katok na siya sa pintuan nito pero wala pa ring nasagot o nagbubukas man lang. Naghihinayang siyang tumalikod para bumalik sa condo niya. Babalikan niya na lang na ito mamaya.

Napalingon siya ng may narinig siyang nagbukas ng pintuan, agad agad siyang napalingon dito.

"Hey Ethan! ikaw yung kumakatok?" nakangiting bati sa kaniya ni Maze.

She's really beautiful.

Hindi niya namalayan na hinihila na pala siya ni Maze sa tapat ng pintuan nito at kumakaway sa harap niya. Masyado na pala siyang nakatitig dito at malayo na rin ang narating niya.

"Hey Ethan?"

"Uhm yeah? ako yung kumakatok" nahihiya niyang sabi dito.

Natawa naman si Maze sa kaniya. That laugh, he really love everything about her.

"Why? may kailangan ka?" nakangiti pa rin ito sa kaniya. Dahilan para mapangiti na rin siya.

"Ah yayain sana kita kumain sa labas? if you're not busy" napakamot siya sa ulo dahil nahihiya at kinakabahan talaga siya.

"Really?! sure sure, hindi naman ako busy. Actually hindi pa ko kumakain. Pero pasok ka muna? bibihis muna ako." natawa siya dahil sa dami ng sinabi nito.

Pagkapasok niya pa lang ay amoy na amoy niya ang pambabaeng amoy nito. Umupo siya sa sofia at nanonood, it's horror movie. Hindi niya alam na mahilig pala ang dalaga sa ganito.

"Hey I'm sorry hindi kita agad napagbuksan. Nanonood kasi ako akala ko kasama sa pinapanood ko yung katok then I realize na baka sa pintuan ko yun. Buti nagsink in din sakin, sorry talaga Ethan"

He can't stop smiling everytime na nag-eexplain ito. She's adorable.

"No it's okay" he sweetly smiled at her. Ganon din ito sa kaniya.

"Okay thanks. Bihis na ko." nagmadali na itong pumasok sa kwarto para magpalit.

Nagulat siya ng biglang may sumigaw sa pinapanood niya. Medyo magugulatin kasi siya pagdating sa mga ganto. Hindi naman siya matatakutin pero mabilis lang talaga siya magulat. And namana niya yun sa daddy niya.

_____________________________